Drama sa Hapag Anim na Araw Bago Mag A-Diyes ng Mayo

dollysbigbaby's picture

Dalawang inihaw na tilapya ang magkatabi sa ibabaw ng bandehado sa hapag, parehong mistulang uling. Katabi ng bandehado ang isang maliit na mangkok na may lamang toyo, sili at kamatis.

Sabi ng una, "Anim na tulog na lang bago ang huling hatol. May presidente ka na ba?"

"Edi ako," tugon ng ikalawa.

"E bakit naman?" tanong ng una na mistulang nangungutya.

"E bakit hindi?"

"E ano ba dahilan mo't sya ang napili mo? Pwede ba namang walang dahilan?"

"E sya lang ang pinaka hindi ko ayaw e."

"Ha? Bat mo naman nasabi?"

"A basta!" tugon ng ikalawa. At sa isang iglap, nahati ang katawan nito at nawala ang bahaging bandang buntot.

"O, napipikon ka na ata e," udyok ng una. "Nagtatanong lang naman. Ako kasi boto sa may galing at talino."

Pagkatugon ng una'y natapyas ang laman nito sa bandang ibabaw.

"Hindi ko tinatanong!" pabalang na tugon ng ikalawa.

"Alam mo kasi, dapat, sa pagpili ng susunod na mamumuno, maging mapanuri ka," pangaral ng una. "Hindi pwedeng ipagpasa-iniminimaynimo lang ang ganyan ka-importanteng desisyon."

"Alam mo, di ako naparito para makinig sa lecture mo . Pag hindi ka tumigil lalagyan ko ng busal ang bunganga mo."

Habang nanggigigil na winiwika ng ikalawa ang mga ito, nababawasan ang nalalabing laman niya hanggang sa ulo na lang ang natira.

"O relaks ka lang. Gusto ko lang naman ipaliwanag ang katotohanan. Kasi ikaw rin naman ang mag-aani ng hinahasik mo. Kita mo ako, pinag-isipan kong maig... AAAAAAAHHHH!"

Naputol ang pangungusap ng una nang biglang may tinidor na tumuhog sa ulo nito. Nagsipag-kalansingan ang tinidor at kutsara sa plato at may lumagabag na silya. Kasunod nito'y may mabigat na yabag na nagmamadali papalayo.

At tahimik muli sa may hapag.


Sam Lagar's picture

ibang klase. ang ending. :-D

ibang klase. ang ending. :-D

dollysbigbaby's picture

thank you for reading, sam

ellise dominic's picture

hmmm

okay ang ending pero parang natakot ako eh.  nadala ata ako masyado sa kanilang dalawa. 

my soulmate is worth the wait...

dollysbigbaby's picture

hehe

fish... este peace. pawang kathang-isip lamang.

salamat sa pagdalaw. :)

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Luca's picture

hmmm...

as a person, kumakain ka ba ng ulo ng isda?

meron kasi akong naiisip na ibang pakahulugan pa ng pagtusok sa ulo ng tilapia na feeling ko ay maglalagay ng isa pang level sa kwentong ito.

o kaya bakit tilapia? sa bagay mas mura naman na yata ang tilapia kesa galunggong ngayon. I don't know, I don't go to the wet part of the market anymore (burgis.) 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

dollysbigbaby's picture

yes, why not?

malutong na ulo ng pritong gg o alumahan, sinigang na ulo ng  maya-maya o salmon, yummy... pero hindi lahat.

sa totoo lang, kaya tilapia kasi nainspire ako sa isang dish nung nag outing  kami sa laguna the other weekend. ganun ang itsura nila sa isang plato, parang may buhay, parang nag-uusap. tapos sabi ko magandang gawan ng kwento. lam mo naman ako, i can be a little too simplistic at times. 

di ko rin alam kung ano ang mas mahal, kung tilapia o gg. basta lam ko pareho silang yummy.

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Luca's picture

i know right?!

masaya kaya ang fish...

tanong mo pa si derek ramsay 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!