Dream Wedding

aireen's picture

Setyembre 20, mag-aalas dose ng tanghali, dali-dali ko ng niyaya ang pamangkin ko sa parlor para magpa make-up, isa kasi sya sa mga abay sa kasal na aming dadaluhan..kabilin-bilinan pa naman ng ate na kaylangan daw makaalis kami ng Antipolo ng ala una ng hapon..

Sa awa ng Diyos natapos ang hair and make-up naming dalawa ng pamangkin ko sa parlor ng ala una... Medyo nainis din ako dahil ang hair style na nais ko di nila nagawa sa dahilang alanganin na daw sa oras at sira ang gagamitin nilang aparato para sa buhok..haist!

Pagdating namin sa bahay bihis na ang kuya ko at ang pamangkin kong lalaki at syempre ang bagets ko.. kmi na lamang ang hinihintay nila, nagmamadali akong isuot ang  tube dress na black and white na  hiniram ko sa kapatid ko, at ang black sandals na 2 inches ang taas na hiram din sa kapatid ko.(hahaha)

 

Ala una y medya na kmi nakaalis sa Antipolo.. sa sasakyan nananalangin ako na sana makarating kami sa San Sebastian Church bago mag alas kuwatro ng hapon(oras ng kasalan)  dahil kung hindi kawawa naman ang pamangkin ko di makakapaglakad sa gitna ng simbahan siya pa naman ang flower girl, at syempre lagot din ako sa ate ko...hihihi

 

Mabuti na lamang at nahabag si Bathala, alas tres y medya nakarating na kami.  Laughing(thank you Lord!)

Pinapila na ang mga abay, at kami naman pumasok na sa loob ng simbahan

Naunang pumasok ang Groom kasama ang mga magulang niya.. kasunod ang ate ko na abay din.. at syempre ang pamangkin ko din..

Nang makapasok na ang lahat

Biglang sinara ang pinto ng simbahan..  At may narinig na lamang kaming musika:Unti-unti bumukas ang gitnang pinto ng simbahan at dahan dahang lumakad ang bride (cool!!) habang inaawit ng wedding singer ang "she"

She
may be the face I can't forget
a trace of pleasure I regret
may be my treasure or the price I have to pay
she may be the song that Solomon sings
may be the chill that autumn brings
my be a hounded tearful things
within the measure of the day.

She
may be the beauty or the beast
may be the famine or the feast
may turn each day into heave or a hell
she may be the mirror of my dream
a smile reflected in a stream
she may not be what she may seem
inside as shell

she who always seems so happy 'n proud
who's eyes can be so private and so proud
no one's allowed to see them when they cry
she may be the love that can and hope to last
may come to me from shadows of the past
that I remember till day I die

She
may be the reason I survive
the why and where for I'm alive
the one I'll care for through the rough and rainy years
me I'll take her laughter and her tears
and make them all my souvenirs
for where she goes I got to be
the meaning of my life is

she, she, she

 

aaahhhh grabe di ko napigilan ang luha sa mga mata ko..Cry

 

Bago umpisahan ang kasalan, nagtanong muna ang Pari.."Meron bang tumututol sa kasalang ito? kung meron magsalita na..  dahil kung hindi habang buhay ka ng mananahimik..1,2,3-10...1-1-1 (pagbibilang ng Pari)Laughing" wala namang tumutol..

Ang ikakasal naman ang tinanong ng pari.. "Tingnannan niyo ang isat-isa iyan ang mukha na makakasama nyo  hanggang sa pagtanda..  matitiis nyo ba ang mukhang nakikita nyo? Di ba nakakasawa? tandaan nyo mahirap ang buhay ngayon.. mahirap ding makisama sa magiging biyenan.. Gusto nyo pa bang ituloy ang kasal?1,2,3,-10...1-1-1 (muling pagbibilang ng Pari) " tawanan ang lahat ng tao sa loob ng simbahan.. At dahil nga sa walang tumutol sa kanila inumpisahan na ang kasal.. Nagulat nga ako at 45mins lang ang itinagal ng misa, 'di tulad ng ibang kasal na nadaluhan ko na isang oras ang misa.

Pag labas ng simbahan tumuloy na kami sa Coconut Palace sa Roxas Blvd. kung saan idadaos ang pagdiriwang ng kasal.Napahanga ako..  maganda ang lugar, may swimming pool sa gitna.. at malapit din sa Manila Bay.. napakalakas ng hangin ng hapong  iyon.. na nakadagdag din sa ganda ng lugar. Masasarap din ang mga pagkain na buffet style. 

Nang umpisahan na ang programa naghandog ang kapatid ko ng sayaw kasama ang iba pa nilang mga kaibigan at ka-opisina bilang isang regalo.

Gabi na.. lalong lumakas ang ihip ng hangin.. at lalo kong nakita ang kagandahan ng lugar dahil sa mga ilaw at effects nito.

Pinalapit ng emcee ang mga ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak nito sa bagong kasal.. tila may dala sa mga kamay na kung ano ang bawat isa.. Muli nagsalita ang emcee "ibulong nyo sa hawak ninyong paru-paro ang isang panalangin na gusto ninyong ibigay sa bagong kasal, at pagkatapos pakawalan ninyo ito sa inyong mga kamay" muli napahanga na naman ako.. sa ibang kasalan kasi kalapati ang pinalilipad.. ngunit dito mga paru-paro.. nag-uunahang lumipad ang mga paru-paro papalayo... ang ganda! nasambit ko na lamang.. habang pinapanood ang paglipad na mga paru-parong nagtataglay ng makukulay na kulay.

Mag-aalas nuebe y medya na ng gabi...

Bago matapos ang pagdiriwang, nagsalita ang groom" Gustong kong kunin ang pagkakataong ito upang muling itanong at marinig ang kanyang sagot.. dahil hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na nandito na sya sa harapan ko...'"(lumuhod si groom)Will you marry me?(tanong niyang muli sa babae(bride)) "kung aayain mo ulit akong pakasal matapos ang kasalang ito.. yes! at yes! pa rin ang isasagot ko!"(sagot ni bride) matapos marinig ng lahat ang sagot ni bride, biglang nagkaroon ng fireworks display.. haaaayyy...Laughing ang sweet....d ba? at muli napahanga na naman ako habang pinapanuood ang nag-uunahang kislap ng mga paputok sa langit...

haaayyy..... Dream wedding talaga.. Laughing

 

 

 

 

 


jonsdmur's picture

wow... ako kaya kailan

wow... ako kaya kailan ikakasal...

Ganda ng kwento mo ha... sabi nila masarap talaga ang ikakasal... kahit sa pangarap lang masarap na sa pakiramdam.. kaya kapag totoo na.. may crying scene talaga....

Thanks sa isang kwento... Cool

jonsdmur

eloisa marie hernandez's picture

yown! may kasabihan na

yown!

may kasabihan na dapat lumingon ang tao sa kanyang pinanggalingan. Kaya kuya Jons, kapag ikakasal ka na, 'wag mo kaming kakalimutan ng mga katropa mo dito sa filipinowriter. Obligado kang imbitahan kami. hehe. 

At dahil nag-advice ako sa 'yo sa isang blog, kailangan mo akong pakainin. Kapag walang kainan na nangyari, itatakwil kita! hehe.

 Magandang topicd 'to. lalo na sa mga taong inlab. hehe.

<(='.'=)>

aireen's picture

nyahahaha eloi baka naman

nyahahaha eloi baka naman magulat na lang kami isang araw kau na ni jon ang ikakasal!!! nyahahahaha (joke lng poh!) Surprised

 

aireen's picture

tama ka jon may crying scene

tama ka jon may crying scene tlga... sa church nga umiiyak yung mom nung bride.. nakakadala rin talga.. damang dama ko ang emosyon nila!

salamat sa komento! Smile

jonsdmur's picture

wow! si eloi future bride ko

wow! si eloi future bride ko heheheeh baka lumindol at idemanda ako ng child abuse hihihihi PEACE....

Uo nga eh... iyakan portion talaga....

Eloi dapat may gift ka sa ikakasal... musta ang duty... uy.. gard mo pala ako kay... ung secret love mo...

Gards to all... may frendster ka ba fren Aireen?

Invite mo lang me.. jonsdmur@yahoo.com

aireen's picture

Friendster??

Friendster.... hmmmm..???

tska na kita add Jon baka makita mo ang kapangitan ko.. madismaya ka pa... nyahahahaha