Duguang Lupa

Patrickman's picture
| |

Duguang Lupa

Dinilig na naman ang
Duguang lupa
Ng Luha
Mula sa mga aping
Nagluluksa
Nagdurusa
Mga ama, ina, anak
Na nilisan nang hindi napapanahon
Ng kanilang mga minamahal
Na  walang-awang kinitilan ng buhay

Ang lupang dati’y pinagyaman
Ng kanilang mga ninuno
Ngayo’y nakatabon na sa kanilang mga
Ama, ina, anak
Ng mga aping ngayo’y
Nagluluksa
Nagdurusa
Mas masahol pa
Sa kamatayan ang
Nadarama

Silang mga
Walang kahilingang
Anumang kaguluhan o dahas
Sila pa itong
Nakaranas ng hirap
Sa kamay ng mga
Demonyong walang awa
Imbes na pakikipag-kapwa tao
At pang-unawa ang ibigay
Ay bala at hukay ang isinalubong
Sa kanilang mga
Inosente’t walang muwang

Silang mga inosenteng
Nagdilig ng dugo
Sa lupang pinagyaman
Ng kanilang mga ninuno
Na kalauna’y dinilig naman
Ng mga luha
Ng kanilang mga mahal sa buhay
Na hindi na sila masisilayan pa

Nawa’y sa duguang lupang ito
Sumibol rin ang katarungang
Magwawaksi sa karimlang matagal nang
Bumalot at
Gumapos
Sa mga taong matagal nang api
Mawaksi nawa ang
Paghahari
Ng mga iilang may kapangyarihang
Naatasan sanang
Maglingkod sa bayan
At ialay ang sarili para sa mga mamamayan
Ngunit sa katotohana’y sila pa itong
Mga nangunguna
Sa pagpaparaos
Sa paghihirap ng iba

Nawa’y sa duguang lupang ito
Umusbong ang pag-asa
Na sa madaling panaho’y
Bumalik rin ang ligaya
Sa puso ng mga
Ama, ina, anak
Na naiwan
Ng mga bayaning
Hindi dapat kalimutan.

 

21 December 2009

Patrick Orquia

ito ang tulang aking ibinigkas sa katatapos lang na "Duguang Lupa" music and art event sa Conspiracy Bar kanina. :D

 

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com

 

Videoke the Radio Star


Luca's picture

huwaw

 

 

patty!!! performer ka na!!! yikeeteee!!! 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Patrickman's picture

hehe... andami ko kayang

hehe... andami ko kayang sablay... dami kasing tao e, kaka-nerbyos nang onti pero onti lang naman... pero may mga sablay pa rin. hindi kasi ako ang-praktis e. meron kuha si kuya rom, sana malinaw. :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Jepipoy's picture

Sana...

 

Sana merong Audio file para naman makadinig ako ng live na poetry reading. 

 Napaka clear ng message ng iyong tula Sir (Yes nag co-comment na ako) I really like the poem. Kudos!

 

"Kung makati, try mong kamutin...There you go, sarap ng feeling, right?"

Adlesirc's picture

jepipoy

 ang kulet ng signature quote mo ah.. haha

Patrickman's picture

may video from kuya rom.

may video from kuya rom. abangan na lang natin kung kelan maa-upload.

 

salamat sa komento! :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Adlesirc's picture

.

Nawa’y sa duguang lupang ito
Sumibol rin ang katarungang
Magwawaksi sa karimlang matagal nang
Bumalot at
Gumapos
Sa mga taong matagal nang api

 

Amen!

Patrickman's picture

amen!

sana nga magkaroon na ng katarungan sa lalong madaling panahon.

 

nakaka-antig ng damdamin yung lawyer na pinaslang na pinarangaln kagabi. kahit napakarami niyang death threat at nasabihan na siya nabaka patayin siya sa pagsama sa convoy sa maguindanao ay tumuloy pa rin siya. 

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Rom's picture

patrick


 eto na yung video ng poetry reading natin sa conspi...medyo malayo kasi yung camera ko at dami pang dumadaan nasasagi yung tripod.

 

KarikaTuura

Patrickman's picture

uy, salamat kya rom! hehe,

uy, salamat kya rom! hehe, parang lasing lang a... hindi ko kasi na-practice e, daming sablay. buti dedma lang yung mga tao, hehe.... :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Rom's picture

 oks lang yan ang mahalaga

 oks lang yan ang mahalaga yung mensahe ng tula mo

 

KarikaTuura

Patrickman's picture

hindi ko talaga forte ang

hindi ko talaga forte ang pagbigkas kasi e, pati na rin ang pagsulat ng mga tulang socio-politakal ang tema. but i'm learning. sana marami pang sumunod na pagkakataon na tulad nito na makapagbahagi ng tula. pero sana sa mga mas masasayang okasyon naman, hindi yung may sakuna o karahasang kaganapan. :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Patrickman's picture

dalawang taon na ang

dalawang taon na ang nakararaan, hanggang ngayo'y wala pa ring hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao massacre...

 

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Starblaze's picture

but at least nakakulong na

but at least nakakulong na ang mga prime suspects..litigation takes time..and one of the longest battles is the "court battle" hope justice will be served soon.

lets pray

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts) and Ph.D. in Female Anatomy

Dakilang mangingibig, at maninisid, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/