Dumating na si Mother
Kanina, sa gitna ng isang director's meeting kung saan may presentation ako, nag-ring ang cell phone...
Nilibot na ang buong mundo
Di pa rin ako nakukuntento...
Sana-Up Dharma Down, ring tone ko yan. I know, I know it's slightly emo and nerdy and cheesy all at once.
Ang nanay ko-- walong taon ko nang hindi nakikita, lumanding na ang eroplano. Andito siya hanggang sa katapusan ng buwan. Tapos hindi na naman namin alam kung kailan kami magkikita ulit.
American Citizen na ang nanay ko. Nag-asawa siya ng kano, na mukhang Pilipino pero Hawaiian na Japanese German. Bob ang pangalan niya.
Okay naman yun. Nakakapagod lang kausap.
Pag tiningnan mo yung mga pictures namin sa bahay parang siya talaga yung original kong tatay. Pano, kamukhang kamukha ko ang nanay ko at yung mukha naman ni Bob ay hindi masyadong nalalayo sa amin. That's beside the point.
Nakapagbakasyon siya sa Pilipinas kasi nilibre siya nung classmate niya ng plane ticket. Sana may manlibre rin sa akin ng ganun.
May pasok ako ngayon kaya hindi ko siya nasundo sa airport. Actually, kung wala man akong pasok ngayon hindi ko pa rin siya susunduin. Kasi baka hindi ko ma-take.
As you know, nag-out ako sa nanay ko nang nasa America na siya. So, ito ang unang pagkakataon na makikita niya ako ng live na openly gay. Ito na yung confirmation of the fact.
O, wag mong isipin na iniisip kong magretract ng membership sa club. Natutuwa lang ako sa idea na makita ako ng nanay ko.
Parang gusto ko tuloy mag-ahit ng balbas, para full effect.
Na-eexcite ako ng konti. Actually. Tingnan mo parang incoherent nga ako ngayon.
Bago umalis ang nanay ko papuntang America, nagyakap kami. Umiiyak din. Parang may background pa nga ng "Babalik Ka Rin."
Context: hindi kami touchy as a family. Period. Pag nakita mong magkadikit kami ng mga kapatid ko, ibig sabihin non may pressure sa paligid.
Ngayong eight years na kaming hindi nagkikita nang live hindi ko alam kung papano ako aarte around her. Alam ko namang hindi niya ako ija-judge pero siyempre hindi pa naman niya ako nakikita in my full gay splendor. I mean, masasaktan kaya siya kung makita niyang kumekembot ako? Sasampalin niya kaya ako kung tumaas ng konting-konti yung pitch ko sa pitch ni Regine Velasquez pag naiipit siya sa pinto?
Sabi ng nanay ko sa akin nung nasa America pa lang siya, gusto niya raw makilala ang mga kaibigan ko. Pati ang jowa ko.
Gosh buti na lang wala akong jowa ngayon. Hindi yata ito ang tamang panahon para sa isang "Meet the Parents" Moment.
Alam mo ba ang pasalubong niya sa akin? Among others, binigyan niya ako ng isang ream ng sigarilyong menthol lights at whiskey.
Naloka ako.
Sabi ko, sigurado ka bang yan talaga ang gusto mong ibigay sa akin?
Sabi niya kung ayaw ko raw ay sa kanya na lang. Tumigil na sa pananagarilyo ang nanay ko kaya sabi ko naman, mother akala ko ba nagquit ka na?
Sabi niya, babalik daw siya sa paninigarilyo.
Sabi ko, engot siya.
Sabi niya, hindi lang siya babalik kung magbabagong-buhay daw ako.
Sabi ko naman, sige yosi ka na.
Yes, adik din ang nanay ko.
Explains so much.
------
boo, ang corny nito!!! wala akong sense.
haha
yosi na lang. alang sikoleyt dahil nakadiet akei.
tapos binili niya ko ng skull candy na headset... ampotah may mic?!
mamaya may dinner kami with her church friends, kailangan mag-Sunday Best
'sing sarap, 'di 'sing mahal...
"Nakapagbakasyon siya
"Nakapagbakasyon siya sa Pilipinas kasi nilibre siya nung classmate niya ng plane ticket. Sana may manlibre rin sa akin ng ganun.".........;-)
smile.....smile......;-)
"meet the parents"
"meet the parents" moment ba ito?....;-)
confirmed.....buntis
confirmed.....buntis si christian.
sighhhhhhhhhh....;-(
hindi pa ko handang maging lola.
confirmed.....buntis
confirmed.....buntis si christian.
sighhhhhhhhhh....;-(
hindi pa ako handang maging lola.
wow
im happy for you.. hehe.. enjoy your time together, baka matagalan bago maulit. im with jepips... civil lang na bakla. hahaha!
pag ikaw pumunta US para i visit sya sama mo kme ha. hehe
hehe
kanina nagshopping kami sa G5. (Siyempre dun ko siya dinala sa mahal para sulit)
pumunta kami sa swatch at may natype-an akong relo na black na leather na mejo malaki yung face. may girl version ng relong yun, mas manipis at mas maliit ang face, mas mura din ito ng mga 600.
sabi niya yun na lang daw ang bilhin ko para mura.
sabi ko naman, mamili ka, bumili ako ng relong pa-girl o yung manly?
nagdagdag siya ng 600.
:)
tara punta tayong US!!!
'sing sarap, 'di 'sing mahal...
hahaha...
akala ko noong una hindi niya matatanggap na badet ako in real life.
btw, jepips, nung magkita kami, naka-handbag ako. :)
okay naman sa kanya. nagsuggest pa ako ng mga make-up na dapat niyang bilhin.
mukhang tanggap niya na talaga na nadagdagan siya ng isa pang daughter.... chismis
'sing sarap, 'di 'sing mahal...





Whoa!
Sabihin mo sa Ermats mo penge ng chocoleyt. Kamaganak?!
Hindi ito corny para sa akin period.
Nakaka aliw kaya.Sa tingin ko lang ha wag kang magagalit, masasaktan parin si Ermats mo kung makikita ka nyang kekembot ng bongga kaya pigilan mo ng beri beri slight lang,'yung tipong pag kasama mo sya maging tamang civil lang wag masyadong ipakita ang kalandian. Ayos ba?
Ingats!
"Kung makati, try mong kamutin...There you go, sarap ng feeling, right?"