Eleksyon
Eleksyon
Narinig mo na ba
Sa mga patalastas
Sa radio at TV
Sa mga kaliwa’t kanang
Posters at stickers
Pati na sa YM at Facebook
Eleksyon na naman
Eleksyon na naman
Mga kandidatong
Luma at bago
Mga trapo’t progresibo
Mga matatalino’t bobo
Kung sino-sino
Labu-labo
Eleksyon na naman
Eleksyon na naman
Maglilipana na naman
Mga nangangako ng katiwasayan
Mga pangakong mapapako
At hindi maisasakatuparan
Gaya ng mga bagong daan
Mga bagong klasrum sa mga eskwelahan
Mga bagong gusali’t
Mga tirahan
Lahat ipapangakong ibibigay
Dahil
Eleksyon na naman
Gagastos ng milyones
Para sa kakarampot na sweldo
At sakit ng ulo
Para raw sa pagbabago
At pag-asenso
Ngunit kung ganoon nga
Bakit
Sa ilang eleksyon nang nagdaaan
Ano na ang narating
Ng ating bansa?
Silang mga pulitiko
Sila nga ba’y sincero?
O ginogoyo lang tayo
Para sa ating mga boto
Mangangakong hindi raw magnanakaw
O aalisin ang kahirapan
Posible daw
Kung may hirap, may ginhawa, ika nga
Eleksyon na naman!
Kung saan
Walang natatalo
Dahil lahat ng hindi nananalo
Kung hindi raw nadaya
Nabiktima ng dagdag-bawas sa bilangan
Baka nga naman ganoon nila talaga
Kamahal ang bayan
Na talagang magpapakamatay sila
Para lamang maluklok sa pwesto
At hindi talaga sila magnanakaw
Upang bawiin ang milyones
Na ginastos nila para sa kampanya…
Sana nga.
Eleksyon na naman
Eleksyon na naman
Huwag sana tayong mainis sa mga
Bagong bungkal na mga kalsadang
Hindi naman sira dati
Para may kick back
Na pandagdag
Sa pondo sa kampanya
O matakot sa mga kwentong
Manananggal at aswang
Para malihis ang ating mga isipan
Mula sa mga kwentong patayan at awayan
Ng mga political clans
Sana’y kahit brownout sa maghapon
At walang tubig pampaligo at
Walang makain dahil sa Sobrang taas presyo ng mga bilihin
At hindi naman madagdagan ang ating mga sweldo
Ay makapag-isip pa rin tayo nang tama
At maiboto natin ang mga karapat-dapat na mamumuno sa ating bansa.
Eleksyon na naman
Good luck sa ating lahat.
12 March 2010
ito po ang isa sa mga tulang ibinahagi ko kagabi sa ika-7 anibersaryo ng KM64 sa TAuMBAYAN.
ito pa po ang iba ko pang ibinahagi kagabi:
Bum*
*kasama sa "Sinturong Pangkaligtasan", isang koleksyon ng mga tula
iba pang tula na naibahagi ko sa mga nakaraang pagtitipon/poetry reading events ng KM64:
Iba ko pang akda na baka hindi niyo pa nabababasa:
Mga Tula:
Mga Maiikling Kwento:
salamat po! :D
http://patrickman.blogdrive.com
http://walruscreativeworks.blogdrive.com
thanks!
thanks! sama ka minsan kapag may mga poetry reading. :D
I'd love to turn you on...
sure. at sana free ako sa
sure.
at sana free ako sa mga panahong yun.=D
baka hindi ka na naman
baka hindi ka na naman magreply sa mga text ha, hehe... Ü
I'd love to turn you on...
awts. nagrereply ako kay
awts.
nagrereply ako kay luca.
hehe.
'di ko lang alam bakit daw 'cannot be reach' ako.
=D
tama. tama. chismis nga
tama.
tama.
chismis nga lang.
nung gimik pala yung tinutukoy ko.
'di nga ko nakatext nung poetry reading.
hehe.
hindi ka rin naman
hindi ka rin naman nag-text nung gimik e. tinatawagan ka hindi ka rin sumasagot... hehe...
I'd love to turn you on...
katext ko si luca nun. yan,
katext ko si luca nun.
yan, sure ako nung mga panahon na yun. hehe.
(tamang paliwanag ako?)
tama ! follow Him.:)
tama !
follow Him.:)
(nakunsensya? - mara)
i'm not God...
andrama niyong dalawa. off topic na kayo.
comment na lang kayo dito sa tula ko...
I'd love to turn you on...
congrats dito
congrats dito Pat!
eleksyon na naman. kakasawang mga pangako.
hope for the best, expect
hope for the best, expect the worst...
salamat, anne! sana sa susunod tumula ka na rin. :D
I'd love to turn you on...
bigla akong kinabahan sa
bigla akong kinabahan sa huling dalawang pangungusap.
"Eleksyon na naman
Good luck sa ating lahat"
nakakatakot.
e parang ganoon naman talaga
e parang ganoon naman talaga ang sistema ng halalan dito sa bansa e, parang tsambahan parati. so sana makatsamba tayo ng mga matatapat na pinuno this time around...
I'd love to turn you on...
congrats Pat!
binoto ko toh hehehe!
nasasabik sa araw nang ang mga musa'y babalik
salamat! buti na lnag talaga
salamat! buti na lnag talaga naisulat ko ito nung hapon, hehe. :D
I'd love to turn you on...
oo nga.. at si "tunay na
oo nga..
at si "tunay na mahirap" ay kakapangampanya lng sa amin..
ang inaasahan ko ay magpapakain xa, pero hindi..3 pm na ko nakapaglunch para lang pakinggan cla.
awts.
kaya pinaglaruan ko na lng mga picz na nakuha ko at pinost sa facebook.
baka sakaling makaganti, alam kong di ko naman xa mapapatay..
ahaha
tsur! kung aku bumubuto
tsur!
kung aku bumubuto na?
wla akung iboboto..xD-ANACBANUA-
actually may option ka
actually may option ka talaga na mag-abstain o huwag bumoto, eg sa mga senador, kung hindi ka makakumpleto ng 12. pero kung ganun gagawin mo, parang sayang lang oras mo na pumila at hanapin ang pangalan mo sa voter's list...
I'd love to turn you on...
yup - right to vote or not
yup - right to vote or not to vote.
parang katulad ng isa kong prof. na 31 years old na, di pa rin xa nagreregister..
ayaw niya daw makasama sa mga bumoboto ng mga corrupt.
pero, tatakbo daw xang vice mayor ng lugar nila after 3 years - at saka lang xa magiging registered voter dahil required daw.
Tanong: 'Di ba xa magiging corrupt pag nasa pwesto na?
TEMPTATION
i call that hypocrisy...
i call that hypocrisy... magpaparehistro lang siya kasi required, ogag pala siya e. sabihin mo sa kanya pakamatay na siya, hehe...
I'd love to turn you on...
haha..nakakatawa nga yung
haha..nakakatawa nga yung prof na yun..
alam din ni jean (AKA d' younker) kung sino sya.
ahhh. si sir? sino nga ba
ahhh.
si sir?
sino nga ba ulit yun?
hahaha.
yung kamukha ng isa sa Mangudadatu?
=D
post ko to sa facebook ah...
share ko lang sa group na ginawa ko... add nyo n lang ako sa fb hunterjhong13@yahoo.com
whoa, whoa, whoa... hold
whoa, whoa, whoa... hold your horses, kiddo... please don't, ok? DO NOT REPOST THIS ANYWHERE, ok? i don't know who you are at hindi ko alam kung para saan yang group na yan. i don't want to get associciated with any particular politician or be involved in any partisan whathaveyous so just leave my poem alone, ok? respeto lang, dude. you cannot just say "post ko lang to sa facebook" without my permission and i'm not giving you any for the time being. ok? salamat.
I'd love to turn you on...
oo nga naman..oo nga. walang
oo nga naman..oo nga. walang ganunan!
ahaha
isang linggo na lang
at eleksyon na naman! nawa'y iboto natin ang mga pinaka-huwarang mamuno sa ating bansa. :D
I'd love to turn you on...
Bukas na!
Vote wisely, everyone. The fate of the country for the next 6 years is at stake. :D
I'd love to turn you on...










ayos 'to. sayang lang kasi i
ayos 'to.
sayang lang kasi i wasn't able to heard it from you yesterday.
anyway, napakasensible ng tula.
keep it up. kudos!
:)