ENTABLADO

Ang Red Warriors Theatre Ensemble and Production ay naghandog ng isang dula halaw sa  obra ni Rolando Tinio na isang Philippine National Artist for Theater and Literature na  may pamagat na “May Katwiran ang Katwiran” na ginanap sa EN309  Engineering Building sa University of the East, para sa isang school activity. Ang dulang ito ay nagpapakita at naglalarawan ng kung ano ang pinagkaiba ng mga mahihirap sa mayayaman sa ating lipunan. Dito isinisiwalat ang katotohan, ang realidad kung paano tratuhin ng mga mayayaman ang mga mahihirap sa paraang hindi makatao.Ang dulang ito ay tinatampukan ng ilang tauhan at sila ay sina Senyora: ang mayaman at sakim na senyora, naginampanan ni Johanna Mae Dela Cruz, Katulong; ang alipin sa tahanan ni  Senyora sa katauhan ni Regine F. Venezuela, at ang Dalawang Tulisan: ang bibihag at maglalagay sa kapahamakan kina Senyora at sa Katulong. na binigyang buhay nina; Vanrell Jhon Reyes at si Nicco Velasco. Sa direksyon ni Johanna Mae Dela Cruz at ang kanilang script writer ay si Dyrene May C. Antong.

Kung pag uusapan ang production value, nabigyan naman ito ng justice ng Red Warriors Teathre. Sa props palang eh , talaga namang pinagbuhusan na ng panahon, kaya hindi nakakapagtakang lumabas itong maganda at maayos ang pagkakagawa kasama na dun ang back drop. Hind rin nila kinalimutan ang elemento ng Sound effect na kung saan naman eh napahanga nila ako dun. Kung pagbabasehan naman ang art of characterization ay hindi rin nagpahuli ang Red Warriors Theatre lalo na sa pangunguna ng kanilang lead role na si Johanna Mae Dela Cruz sa papel na “Senyora”. Talaga namang ako’y napahanga, pinaramdam nya sa akin na hindi hadlang kung ano ang kalgayan nya  para magampanan ng tama ang isang character sa isang dula. Hindi man ganon ka professional ang kanyang pag arte pero nandon ang potential at dedikasyon upang matuto. Maaring  minsan nabibitawan nya ang kanyang character subalit  naitawid naman nya ito hanggang sa dulo! Sa mga kasamahan naman niyang nagsiganap, una na dito yung katulong na ginampanan ni Regine F. Venezuela , siguro nagkulang lang sa tamang emosyon sa bawat eksena lalo na sa tamang pagtapon ng mga linya. Sa bawat linya sa isang dula ay may nakaakibat na tamang emosyon para  lalong maging mas epektibo at kapanipaniwala ang isang eksena. Para naman sa  dalawang tulisan na sina Vanrell Jhon Reyes at si Nicco Velasco, mas pag aralan pa dapat ang character ng isang tulisan. Responsibilidad ng isang artista ang pag aralan ang kanyang character by means of researching. Tamang pagkilos at pagsasalita para mas lalong kapanipaniwala ang isang character. Sa kabuuan naman naiparating nila ng maayos ang tunay na mensahe ng dulang kanilang tinampok!