entablado

baby-girl's picture


2007...2008...2009
2010
taong pangkasalukuyan
 
kaytagal ng panahon ang aking ginugol
 
sa paghihintay sa KANIYA...
sa kanya na handang ialay ang buong pagkatao
 
isang araw
sa loob ng nakaka-ubos hiningang init,
isang pamilyar na musika ang muling naglaro sa aking isipan.
panaka-nakang pagsikdo ng tunog,
hinga ng malalim.
sa loob ng magagandang ilaw sa tila awrorang bumabalot sa paligid,
sa tanawing aking ginalugad ng tingin,
doo'y nasumpungan ang iyong pagkatao sa nakakubli sa tumpok ng mga nilalang na animo'y mga batang nag-uunahan sa paghawak sa paborito nilang mascot.
 
ang pananabik ng aking puso sa iyong pagdating ay tuluyan nang nabaliw
sa pag-alaala sa mga panahong wala ako asa iyong tabi.
hindi batid ang iyong malalamig na gabi
habang ako'y nahihimbing sa aking pagtulog.
ngayon lamang ako nanghinayang ng ganito.
sa matiing pagtiklop ng talukap ng aking mga mata'y nais kong aghimala ang langit sa ating dalawa.
 
NGAYON
sa aking pagatyo sa entabladong ito
habang isinisigaw ang iyong pangalan sa ilalim ng aking mga awit
nariyan ka
ang malalim na mga mata na nagibigay liwanag sa aking pagkatao.
hindi alintana ang mga nilalang na namamagitan sa ating dalawa.
kaytagal na panahon ang aking ginugol sa paghintay sa pagdating ng oras na ito.
sa bawat pagkalabit sa mgs kwerdas ng aking gitara,
puso'y nalulunod sa tuwa.
sa pagtatapos ng aking awitin na nalikha dahil sa iyo
muli tayong magkakalapit.
at sa pagdating ng oras na iyon
hindi na muling magkakamali.
muli kang ihihimlay sa aking puso at doo'y mananatili.

mara's picture

ang hirap magkaboyfriend ng

ang hirap magkaboyfriend ng artista! ahehe..pero masaya.hehe