EWAN KO KUNG BAKIT MASARAP MAGSENTIMYENTO
Suntok sa buwan ang pagsusulat
Sa karimlang inilawan ng fire works
Tulad ng padating na bagong taon na walang
Aasahang pagbabago, walang nostalgia.
Kung walang kaluluwang naligaw sa kawalan,
mga hiyaw na napiit, pigil na
pagnanasa, depressive disorder, lihim na kabiguan, paranoia, panibugho, trauma, humiliation, tragedy,
drama, kapalpakan, kamalasan
kung ang tanging uniberso ay tigib
ng positibong damdamin at bawal ang
sentimyento
Pangako, lilimutin ko ang pagsusulat
kung kalmado na ang
pandama ng mga nagtitimpi, nanghihinayang,
nagsisisi, nagagalit, nanggigitil,nagbabalatkayo
at nagkukunwaring bato
at marahil hindi ko nahahagilapin pa ang
iyong pansin.
~Disyembre14, umaga
:D
Naniniwala ako na ang tao ay panulat, may isip, may damdamin. Mula sa kanyang karanasan at materyal na mundong ginagalawan at ang katotohanan ng pag-iral niya ang lahat ng likha ng kanyang panulat. Hangga't may tao, at hangga't may pandama ang tao, may malilikhang obra.
~wildestflower~



Hmm..
Siya nga. Posible nga ba na limutin ang pagsusulat?
At posible nga bang mawala ang mga damdaming iyan?
http://forcedengineer.wordpress.com