EX
Huwad ang mga salitang binibigkas mo
animo ay mga mikrobyong dumudumog sa aking damdamin
hasang-hasa ang talim ng mga kahulugan
humihiwa sa kalatas ng aking nakaraan
Ilang mansanas ba ang natakam kang kainin
pusta ko pati ahas ay hindi mo pinatawad
wala kang takot maging ito ay si satanas
binusog ka niya ng mga itim na uod
hanggang saan nakarating ang kanilang gapang
pinapak na rin ba nila ang iyong konsensiya
ang kaalamang natutunan mo sa pagna-narsing,
ang abakadang nais lang marinig ng iyong ina
nabura na ba
pati ba ang mga alaala ko sa iyo na ipinundar ng panahon
naglaho kasama ng likido sa iyong ari
pagkatapos mong ipasipsip sa tiwaling hari
kung kaya ko lang mapalago ang sentimo sa aking bulsa
maaaring hindi ka na nagkaganyan
maaaring laway mo at laway ko lamang ang nagsasalo
maaaring pag-aari ko ang ari mo
angas ng profile pic
Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!
cnu??
--hopeless romatic
kulet ee
haha!! akala ko siryusong patama sa mga ex.. haha!!! ang bitter ko talga mag isip...
hehe
tulang- piksyon ito
walang kinalaman sa buhay ko haha
Sana'y nagtagpo ang mga utak natin... doon, sa may tulay na tawag ay pang-unawa.
fiction
minsan di ko pa rin maisip kung bakit ganun? kapag nagsulat ka lalo na kapag "death" ang tema akala ng mga nakakabasa related sa pangyayari sa buhay mo. minsan ang tanong agad sa iyo, "bro, ok ka lang ba?" sa dami ng kwento at tula na naisulat ko na ay ibat-ibang paksa may mga nagtatanong pa rin kung ok lang daw ba ako pagkabasa nila ng gawa ko.
di pa rin maiaalis na kapag kakilala nila ang nagsulat akala nila naglalaba tayo ng marumi nating damit sa harap ng publiko tuwing nagsusulat tayo.
pero sa isang banda, compliment din sa manunulat kapag di maihiwalay ng mga mambabasa ang gawang fiction sa tunay na pangyayari. kaya sa tula mong ito, saludo ako at least na confuse ang mambabasa kung totoong nangyari ba sa buhay mo ito o hindi :) rakenrol!
...
sa kalagayan ko, hanggat maaari ay hindi ko isinasali sa mga isinusulat ko ang mga nangyayari sa buhay ko. Iyon ang pananaw ko. Nagsusulat ako para magsinungaling, at ang kasinungalingang iyon ay inihahandog ko sa mambabasa sa malikhaing paraan. Sa kabuuan, nakakagawa ako ng piksyon, tipong nakikipagpatintero ako sa mga tanong at pag-aakala ng mambabasa.
Siguro sa'yo naman, kung may nagsabi sa'yo na base sa buhay mo ang isinulat mo, baka ang ibig sabihin nila ukol sa akda mo ay nagtataglay ito ng aspetong kayang pumukaw sa kanilang kuryosidad, makahaplos ng damdamin, o kumalabit sa umiidlip nilang alaala't karanasan. Ang isang bagay (sa ano mang anyo) na may kakayahang katulad ng mga ito ay walang dudang matatawag na Sining.
Nakakalikha ng isang magandang tula ang isang makata dahil sa bugso ng kanilang damdamin, o piniga mula sa mangatas-ngatas na karanasan.
Ako naman ay dehado na hindi isang makata sapagkat di ako nagsusulat ng tula na may kinalaman sa nangyayari sa'kin. Umiikot ang kakayahan ko sa pagsisinungaling. At motibo ko talaga ang lituhin o pagtakahin ang mambabasa kung ano ang katotohanan sa hindi.
salamat sa pagbasa sir :)
Sana'y nagtagpo ang mga utak natin... doon, sa may tulay na tawag ay pang-unawa.
...
.. kahit sabihin mo mang ito ay piksyon lamang, sadyang may mga mang.mang o matigas ang ulo na di makakintindi nito.. o di naman kaya'y nangyari din sa kanila or concerned ..
kapag naransan ng isang tao ang nilalaman ng iyong tula o nararamdaman niya iyon sa panahong ito, di maiiwasang magtanong kung totoo nga ito o hindi, kung anong nangyari, kung okay ka lng ba .. malay mo, inisip niya na same lng kayo sa ganoong sitwasyon .. nakakapagpagaan kayang meh masabihan o mashare.an ng saloobin.. haha
Or di naman kaya'y, sadyang isang mahaderang tsimusang bakla lang sila kaya nagtatanong .. haha
wala lng .. ^^
tc
--hopeless romatic
bagong gupit
wag namang mangmang o matigas ang ulo ang itawag natin sa mga mambabasa natin, di naman ata tama yun. kung sa tingin natin "mali" ang interpretasyon nila sabihin na lang natin ang tama wag na lang nating tawaging mangmang o matigas ang ulo. kahit kelan di ko inisip ang ganyan sa mga mambabasa ko.
kuya rom
hindi naman sa ganoon yun .. pero yun ang katotohanan eh ? meh magagawa ba ako ? mabuti nading alam nila ang bagay na yan nang sa ganu'y matuto sila ..
--hopeless romatic
ang mambabasa ay equal sa
ang mambabasa ay equal sa mga manunulat. kung wala ang isa di mag eexist ang isa. kaya wag tayong mag astang superyor sa kanila.
wag natin silang tatawagin ng kung anu-anong pangalan kasi nasa atin ang responsibilidad na hainan sila ng quality works para tumaas ang level ng panlasa nila--at hindi pribilehiyo yun, tungkulin yun. kapag may tungkulin ka bilang manunulat na itaas ang level ng kaisipan ng mambabasa maging mapagkumbaba ka wag kang manlait. kahit kailan di ko ginawang laitin o tawagin ng kung anong pangalan ang mambabasa ko.
nag-aantay ako ng sorry mo para sa mga mambabasa ng FW
im not the apologetic type ..
but since, may mali aq .. sorry ..
sorry sa lahat ng mambabasang natamaan .. haha
satisfied???
--hopeless romatic
tangina pare kung ganyan ang
tangina pare kung ganyan ang sorry mo ikaw ang mumurahin ko at di ako magsosori. satisfied?
ano tayo na lang magmurahan? gago ka ang taas ng ere mo sino ka ba?
kupal ka!
satisfied???
haha.
INIT!!!
pero maganda yung simula ng discussion na to so gagatungan ko lang ng slight.
di gaya ni Kwex, di ko talent ang magsinungaling. hahahaha.
pero ang boring ng buhay ko. kaya gumagawa ako ng mga adventure tapos saka ko isusulat. parang life imitates art. pero nauuna yung life. so parang art imitates life.
o art motivates life which is imitated by art.
nahihilo na ko, nagets niyo ba?
Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!
pakelam mo ba?
pikon?? haha .. wla akong care kung di ka man magsorry .. sanay naq jan .. haha
murahan?? pwede2 .. punta ka sa fb ko, dun mq murahin ng bonggang bonga!oh, eto,eadd q, bugoka666@ymail.com
siguradhin mo lng na mas mahusay kpa sakn magmura ha..
sino aq?? hulaan mo.. haha
kupal n kung kupal.. ano ngayon??
i'm not yet satisfied .. yan lng ba??
--hopeless romatic
whoa
Sana nabasa n'yo na yung bagong post ko na "Wala sa Potato chips ang Alinganding ni Insekta"
yun lang po. comment naman kayo dun haha, sana ma-criticize n'yo








tang.na , haha!
hiniwalyan ka? haha
--hopeless romatic