Excavation
Mahilig ka rin bang maghukay?
Yan na yata ang magiging sanhi ng ating pagkabuwang. Sabi nila wag na raw buhayin ang patay. Ang mga alaala ay dapat nililibing na sa kahapon.
Pero pano kung hindi mo naman nilibing ang mga alaala? Pano kung tinanim mo lang pala? Tapos diniligan mo pa ng luha.
Matindi pa sa sumisikat na araw, ang alaalang yan ay tutubo at mamumukadkad, mapait na matamis na maasim ang bunga.
Ano ba kasi ang mali sa akin? Baka naman maling species lang yung gusto kong mahalin. Baka cactus talaga ako. O isda. O platypus. Nakow, mukhang mahirap hanapan ng kapareha yon, wala pa akong visa.
Baka naman itinadhana talaga akong maging boddhisatva. Nakanampowtah, kala mo banal.
Sabi nila yung mga tao daw na nagkakagusto sa atin ay madalas yung mga tao ring kapareho natin. Yung history ko puno ng commitment issues. Hahahaha. Mahilig kasi ako sa mga relasyong yakisoba. Instant pag-ibig, instant singlehood. Bakit pa kasi kayo magpapakipot kung dun din naman ang bagsak non di ba?
Kesa naman fling-fling ka buong buhay mo, mahal yun.
Kanina, nireview ko na naman yung mga taong naging bahagi ng makulay kong nakaraan. Yung mga saksakan nang malas na trinue love-true love ko. Wala namang kahihinatnan yung pagstalk ko sa kanila online. Naghuhukay lang ako. Sinusubukang alalahanin yung mga panahong kinikilig pa ko kunwari sa kanila. Ang tawag yata dun ay katangahan.
Nakakatakot yata talaga ako.
Hindi kasi ako yung tipong pang-display. Ako yung baon mong hindi mo nakain kanina. Malamig na. Saka medjo moist. Yung dahilan kung bakit ka papagalitan ng mama mo pag-uwi kasi mas ginusto mo pang bumili ng pagkain sa canteen, kasi yun yung "cool".
Marami nagsasabi sakin ang sweet ko raw, nakakatuwa raw ako, ang bait ko raw, ang cute ko raw. Mga barkada yata ng nanay ko yun. Kasi kung totoo naman yung sinasabi nila e bakit walang magkagusto sakin?
Ang hirap din kasi sa akin minsan, gustung-gusto ko yung mga bagay na alam kong wala akong pag-asang makuha. At ito, natutunan ko lang lately, ay hindi dahil gusto kong lagi akong masaktan. Pakiramdam ko, dahil yun sa hindi ko na alam ang gagawin kung andiyan na sila.
Wala akong kwentang karelasyon. Kasi ayaw kong magkamali. Kasi hindi ko alam kung kaya nila akong patawarin.
Pero kung may talent man ako, yun siguro ay yung paghuhukay. Sabi ko sayo pwede akong maging archeologist. Mas gugustuhin kong tignan yung nakaraan at magimbento ng mga kwento tungkol sa kanila, tungkol sa kung ano ang maaaring mangyari. Kasi mas madali gumawa ng kwento kung gawa-gawa lang, kesa kung totohanan na.
hmmm...
di ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot...
hehe okay lang yan. salamat noel, tumataba ang puso ko. hindi naman na ako ganyan kadrama sa totoong buhay, kapag minsan nararamdaman ko yung mga feelings na yan, narerealize ko rin after a few minutes na matalino pala ako. hehehe...
wag kang pipikit...
Lola Basyang
Kahit paano, malayo na rin ang narating ng tao. Kung meron man, marami na rin syang pwedeng ikuwento kung kinakailangan. Pwede rin namang di sabihin ang lahat. Pwede rin namng magkwento ng di totoo. Mag-imbento. Di naman rin nila malalaman ang totoo.
doni
"Sabi ko sayo pwede akong maging archeologist. Mas gugustuhin kong tignan yung nakaraan at magimbento ng mga kwento tungkol sa kanila, tungkol sa kung ano ang maaaring mangyari. Kasi mas madali gumawa ng kwento kung gawa-gawa lang, kesa kung totohanan na."
-na-stamped lang tong line na to sa akin, kaya binigyan ko lang ng commento. yun lang. :)
"I will color the world one step at a time..."
ah speaking of which
bakit puro gawa ko ang nakapost...
i feel so exposed.
wag ka nang magcomment... baka isipin nila crush mo ko. ahahaha
Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!
i don't know. pero relate
i don't know. pero relate na relate ako nung basahin ko to. medyo matagal na pala to kaya di ko alam kung applicable pa rin sayo pero sakin applicable pa din. ganyan pa din ako. mahilig maghalungkat ng memories at gawan ng kwento. medyo unhealthy nga lang siguro dahil alam ko namang niloloko ko lang ang sarili ko sa pagiimbento ng happy ending. tsaka parang isang outlet yun ng aking denial stage (kung yun man ang tawag dun).
madami ding nagsasabi sakin na ang bait at ang sweet ko daw. meron din namang nagsasabi na kaya ko silang patawanin kahit seryoso ang sinasabi ko at hindi ako nagjojoke. pero mas lamang yata ang pagiging mabait at natabunan an na yung sweetness at humor kaya hindi na nila ko makita more than being a friend. in short, lagi na lang akong sawi nang wala man lang naumpisahan at kung meron man, sawi pa din ako nang hindi man lang nagtagal ang naumpisahan.
--------------------------
maraming salamat
akalain mong relatable pala ako. hehehe
Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!
ay oo naman mare
nung nabasa ko nga to, parang gusto kitang sabunutan at sigawan ng HOW DARE YOU WRITE MY OWN KWENTO! then nahimasmasan ako. di na nga pala ako ito. iyan yung ugly duckling na kilala ko a long time ago.
hay, madrama talaga pag stuck sa bahay on a long weekend.






I am your number 1 stalker na
Alam mo may pagkapareho pala tayo noon. Noon yun ah. I mean yung mas gusto kong masaktan, dahil na rin siguro sa mga rejections ko sa buhay. Mas gusto ko na mag-isa kesa maging dis-comfort lang ako sa kasama ko. Mahilig din ako maghukay at sinasabihan din akong sweet, nakakatuwa, mabait at cute pero pag tinanong mo sila kung may pag-asa ka sasabihin nilang friends na lang tayo.
Parang binabasa ko ang sariling talambuhay ko. Nakakatakot pero ito ang totoo. Salamat na lang at wala na ako sa graveyard, naka-ahon na ako. Nandoon pa rin ang alaala pero sakit ay wala na. No regrets, it made me a better person. I know you'll be a better person someday maybe even great.
Sulat ka pa and let me be your stalker for awhile.
====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!