expired

Luca's picture

Masaya naman ako e. At siguro, sa likod ng isip ko ito rin naman ang gusto kong mangyari. Kaya siguro ang ingay ng batingaw sa utak ko nitong mga nakaraang araw.

Kung tatanungin ako, gusto kong magalit. Gusto kitang sisihin. Gusto kong isipin na sinayang ko ang panahon, lakas, hirap, para lang sa wala.

Pero ang totoo, nakakahinayang naman kung gagawin ko yun. Alam nating pareho na hindi naman talaga tayo bagay sa isa't isa. Siguro nahiwagaan lang din ako dahil kaya ko palang tiisin ang sarili ko nang ganon katagal.

Nagtataka na nga ako e. Baka naman ako talaga yung may problema. Kung tutuusin naman, hindi ako nagkulang. Pinilit kong abutin ka kasi alam kong hindi ka naman matitinag. Yun nga lang, nakakapagod mamilit.

At masakit sa dibdib. Kasi hindi naman ako pangit. HIndi naman masama ang ugali ko. Mapagmahal naman ako. Matalino. Ayos naman ako talaga. Medyo tanga lang. At sobrang bilis kung umasa.

Kung niligawan ko ang sarili ko at naging kami, siguro ang saya-saya ko ngayon.

Kaya ito ang gagawin ko. Babalik ako sa paghihintay. Hindi na ako maaatat. Alam ko na ang pakiramdam ng ganyan. Kaya hindi na ako mabilis mabubulag.

Salamat na rin at inumay mo ako. Hindi kita sinisisi pero sa totoo lang, grabe, nakakapagod ka. At mabigat ka sa dibdib. Pero kasama na yun sa lahat ng nagustuhan ko sa iyo. Sa lahat ng minahal ko sa iyo noon.

Kapag nagkita man tayo. Siguro mapapangiti ako. Pero wala nang kilig.

Sana marating mo yung gusto mong puntahan. At sana ganon din ako. Para kahit gaano pa natin kalayo sa isa't isa, paglingon natin dito, hindi tayo makaramdam ng pait.

Iisipin nating dito tayo nanggaling-- at malayong-malayo na ang ating narating.

Mahal kita.

Paalam na.


wag kang magalit, wag kang

wag kang magalit, wag kang manisi. lalo kang makakaramdam ng bitterness..

lahat ng iniisip ng tao, mangyayari..

kunwari inisip mo di kayo pwede, know what, hindi talaga kayo magiging pwede.. parang it's about the energy.. parang kailangan may ganon kang concept para mangyari.. 

dati iniisip ko duwag ako pagdating sa mahal ko, pero kagabi, sa awa ng lakas ng loob, iniisp ko na maging matapang, sinabi ko na lahat sa kanya.. wala na kong pakialam.. and she said na mas inaacknowldge nya daw yung love ko for her kesa sa love ng current nya... aargh! parang when you think of something bad, bad things will happen... inisip ko na lang na maging masaya. after that i told her, ang saya saya ng pakiramdam ko.. antagal kong naging pipi. haha

sana at nainiwala ako magiging masaya ka sa buhay mo. pag pinaniwalaan mo, inisip, manyayari.... ingat :)

Luca's picture

ay wow...

nakakatuwa naman yung kwento mo... pero sana mawala na si eksena yung current para magkatotoo na yung pangarap mo.

"and she said na mas inaacknowldge nya daw yung love ko for her kesa sa love ng current nya... aargh!"

pwera siraan ng daydream ha... pero di ko to gets. masaya ka ba sa sinabi niyang yan?

wag kang pipikit...

bwahahaha! actuall that's

bwahahaha!

actuall that's not a daydream.. i told her that i love her, at masaya ko para sa kanya na masaya na sya ngayon.. im not wishing na magkahiwalay sila o masira relsyon nila dahil sa'kin dahil mas naging matagal ko syang nakilala kesa sa present nya. kasi loser lang gumagawa non.

napakatalino nyang babae... im saying, kung mahal mo yung isang tao, dapat tanggapin mo kung san sya masaya.. kahit hindi ikaw yon...

"aargh!" ako may sabi nyan... bading kasi ako, at mahabang istorya na.. parang hindi ko kayang magpakalalaki for her, pero nung sabi nya tanggap nya ko, kaya mahal ko sya. yun yon.

hindi kasi ako masyadong vocal pagdating don, pakonti-konti lang. pero kagabi, sa fone, sinabi ko na lahat para lang mwala na sa sistema ko... harhar

Luca's picture

dialogue

ah okay, hahahaha...

may ganyan din akong kwento... sa isang niligawan ko nung maton pa ko. sabi niya sakin, 

"just because a person doesn't love you the way you hoped, it doesn't mean that they don't love you with all they have." (mali yung quote ko)

Nakakatuwa naman...

 "napakatalino nyang babae... im saying, kung mahal mo yung isang tao, dapat tanggapin mo kung san sya masaya.. kahit hindi ikaw yon..."

sorry, bitter na kung bitter pero di talaga ko naniniwala dito. o siguro mas tamang sabihing hindi ko ito kayang gawin...

mas okay nang magpagulong-gulong na lang ako sa sakit na dulot ng aking katangahan kesa lokohin ang sarili kong masaya ko kahit na hindi ko kaya. pero gets ko na maaaring genuine mo ngang nafeel yan para kay girl kasi nga bading ka na.

hmmm ibig bang sabihin kailangan ko pang maging straight para hindi na masakit?

 

 

wag kang pipikit...

alam mo, hindi isyu yon,

alam mo, hindi isyu yon, kung bading, lalaki, tomboy or what. dahil hindi naman usapin yon ng gender e, usapin yon ng pagmamahal.. 2nd, sino lang din ba naman ako, nasaktan din ako nung nalaman ko na may na-meet na sya.. o tapos? iiyak ako. o tapos? magse-self pity ako.. O tapos?.. hanggang sa na-realize ko may deadline lahat.. ngayon, tapos na, mas pinili ko na lang maging masaya sa kung anong nangyari..hindi lang kasi ako natatapos sa eksenang yon.. marami pa kong importanteng gagawin..  tsaka wala naman nagmahal ng hindi nasaktan e.

hindi mo kailangan maging straight o ano, kailangan mo lang maging tao..

kaya mong gawin ang isang bagay kapag pinaniwalaan mong kaya mong gawin... :)

Luca's picture

nagpapaka-sarcastic lang

wag kang pipikit...

chicka24's picture

let me quote for

let me quote for emphasis:

"Kung niligawan ko ang sarili ko at naging kami, siguro ang saya-saya ko ngayon."

eksaktong eksakto ito. Ito talaga ang tumatakbo sa isip ng tao in every heartbreak. Ang dami nating gustong "MAGING" yung partner natin, kasi ganoon tayo pagdating sa kanila. <ang gulo po ata ng sinabi ko, di ko masyado ma express, sana na-gets nyo hehe>

idol!! nakita ko ito ngayong iniisa isa ko lahat ng works mo dito sa FW! :D 

"no permanent address si chicka."

Luca's picture

maraming salamat, kahit chicka

 NAKAKATABA NAMAN NG PUSO YANG MGA SINABI MO. SORRY, DI AKO GALIT, SA FONE KASI AKO NAGKOCOMMENT AT HINDI KO PA MADISCOVER KUNG PANO SIYA GAWING HINDI ALL CAPS.

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!