february 15 2008

bobosijuan's picture
|

naaalala parin
kita.
sapagkat
sadya naman talagang
mahirap
kang
kalimutan.
dahil hanggang
ngayon
buhay parin
sa aking isipan
ang
kurba
ng iyong labi
sa
tuwing ngingiti.
kung gaano ka
kaganda
kapag kumurap na
yaong
mga mata.
kung paano
mangatog ang
takbo
ng oras sa
bawat
kumpas ng iyong
kamay,
sa bawat
indayog ng iyong
katawan.

naaalala parin
kita.
dahil iyon
nalang
ang natitirang
paraan
para mabilanggo
ako sa
nakaraang
ako'y
nasa alapaap.
sa umaga
ikaw
ang hanging unang
nalalanghap.
ikaw din
ang
pinakaunang
sikat ng araw.
sa takipsilim
ikaw
itong tila
disyertong
langit.
at sa pagkalat
ng
dilim
ikaw ang siyang
bituin.

naaalala parin
kita.
sa kabila ng
katotohanang
hindi
na kita mahal.
natutunan
ka nang pakawalan
ng puso ko
ng kaluluwa ko
ngunit
hindi
ng aking
isipan.
dahil sa:
madaling magparaya
kayhirap lumimot.

kung ikaw
ang
naninirahan sa
nakaraan.
sadyang
kayhirap lumimot.

napakahirap.

katulad ng
paglimot
sa
hangin.

ikamamatay ko.

at sana lang...
huwag ka nang umalis...
huwag mo na akong
iiwan...

kahit manlang
sa ala-ala.

nicholas aramalp

ang ganda po....   ~♥~

ang ganda po....

 

~♥~ Hindi mararamdaman ang tunay na kaligayahan kung hindi natin alam kung paano masaktan ~♥~

freak06's picture

anong maganda jan wala aqng

anong maganda jan wala aqng mkitang mganda jan!

 

 

naaalala parin
kita.
sa kabila ng
katotohanang
hindi
na kita mahal.
natutunan
ka nang pakawalan
ng puso ko
ng kaluluwa ko
ngunit
hindi
ng aking
isipan.
dahil sa:
madaling magparaya
kayhirap lumimot.

 

 

xa p yung may ganang mag sabi na lumimot! how dare him!

hannah rose baldomaro's picture

harhar!!!

tama ka!!! how dare him!!!! pero, in fairness, dama ko yung message... hehehe

bobosijuan's picture

 salamat po... palutangin

 salamat po...

palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...

http://bobosijuan.blogspot.com/

 

freak06's picture

bat ka ganyan!!

ang galing mo pa ipamukha na ndi mo na ko mahal! eh! ano! sna solohin mo na lng....ndi pb sau spat yung sakit n gnwa mo para ipmukha mo pa kh8 sa poem mo!.......

 

 npka unfair mo alm mo b yn huh!

 

 

 

 

bobosijuan's picture

 salamat po sa pagbabasa at

 salamat po sa pagbabasa at sa pagiiwan ng bakas...

palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...

http://bobosijuan.blogspot.com/

 

d-younker's picture

i like this poem.;)

i like this poem.;)

bobosijuan's picture

salamat po  palutangin sa

salamat po 

palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...

http://bobosijuan.blogspot.com/

 

    SI FREAK06 BA YUNG

 

 

SI FREAK06 BA YUNG TINUTUKOY MO JUAN?

 

MEJO KASI MAY VIOLENT REACTION SIYA EH.

HAY SANA MAGANDA NAMAN YUNG ENDING NYO.

 

 

NAWA ANG ISANG BAGAY HINDI KUMUPAS KAHIT WALANG NG BAKAS.

bobosijuan's picture

masyado lang ata siya nadala

masyado lang ata siya nadala sa poem...

di po siya ang tinutukoy ko...

siguro nakakarelate siya...

salamat sa komento...

palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...

http://bobosijuan.blogspot.com/

 

freak06's picture

ou nga

ndi nga aq yan hehehehe......maybe nka relate lng tlga q sa poem....

 

peace

 

 

 

 

♥rio-an28♥

 

Adlesirc's picture

aw

 

kakalungkot naman... Marami talagang nangyayari sa buwan na iyan.

bobosijuan's picture

oo nga eh... salamat sa

oo nga eh...

salamat sa komento idol...

palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...

http://bobosijuan.blogspot.com/

 

manhater.xxiv's picture

Oo nga no.

May violent reaction nakakatakot.

 

http://forcedengineer.wordpress.com

 

bobosijuan's picture

 hihihi.... salamat sa

 hihihi.... salamat sa bakas...

palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...

http://bobosijuan.blogspot.com/