Fieldtrip sa Humanities
Nagising ako ng alas dos ng madaling araw para magluto ng baon para sa fieldtrip namin, niluto ko ay ang adobong manok na muntik na ma over cook dahilan sa ako ay inaantok antok pa. Pagkaluto ng manok ay iniayos ko na ang aking mga dadalhin, syempre kasama ang adobong manok para sa tanghalian, juice para sa aking beverage at mga damit na pamalit kasama ang tuwalya para pamunas ko kapag nagswimming.
Pagkatapos sinundo ko na ang aking kaibigan na si Peter para kami ay magsabay patungo sa paaralan, pagdating sa paaralan, marami ng mga estudyante ang naghihintay at sabay nakita namin ang iba ko pang mga kaibigan na si Pong, Dan, Kelvin, Jericho at si Jahaziel na kung tawagin namin ay emo(Emongoloid).
Sa paghihintay namin, meron kaming nakitang isang magandang binibini na ang pangalan ay Karen, siya ay maputi, chinita at maganda ang mukha. Hindi namin akalain sa paghihintay ay makakasabay pala namin ang magandang binibini sa nkassign na bus sa amin.
Sa loob ng bus ay tila pakiramdaman sapagkat halo halong grupo ang nakasakay at halos magkagulo gulo sapagkat kung sino sino ang umaakyat na hindi nila nalalaman kung doon nga ang bus assign. Hindi mo rin naman masisi ang tour guide namin dahil isa rin siyang estudyante at first time niya na train sa isang fieldtrip.
Tumagal pa ng ilang oras bago kami nakaalis ng bigla kong naramdaman na ihing ihi na ako, sa hiya ko ay pinipigilan ko muna dahil mukhang paalis na ang bus, pero sa hindi ko na mapigilang eksena ay, nag madali akong bumaba na pasigaw ng "ihing ihi na ako", sabay paglabas ko ay nagsunuran din pala ang ibang mga estudyante na sila pala ay ihing ihi na rin. pagbalik ko ay eksaktong umalis na ang bus.
Ang una namin pinuntahan ay ang Blanco Museum sa may Angono Rizal, kung saan doon nakalagay ang iba't ibang painting ng Blanco Family, mula sa ama hanggang sa kanilang bunsong anak. doon ay makikita mo, ang galing at husay nila sa pagpipinta.
Pagkatapos ay tumungo naman kami sa Nemiranda Museum, katulad ng Blanco, puro painting din at isa sa kilala at pinagmamalaki ng Angono Rizal ang kaning Obra Maestra. doon ay wla kaming ginawa kung hindi magpicturan ng magpicturan kasama ang aking mga kaibigan. Masaya kami dahil nakita namin ang mga nude paintings na nakamamangha.
Sa aming paglalakbay , ay nagtungo naman kami sa Pagsanjan Church sa may Laguna, kung saan nakita namin ang simbahan na puno puno na ng antik na mga kagamitan. Meron din doon mga paintings pero hindi ko maalala kung sino ang may Obra.
Dumeresto kami sa Pagsanjan Falls, kung saan ito ang isa sa pinakapipuntahan ng mga turista dito sa ating bansa, kumain muna kami ng tanghalian at pagkatapos ay diretso na sa pagswimming, rumenta pa kami ng tagi-tagisang salbabida dahilan sa mabatong ilalim ng ilog.
Sa aming fieldtrip, marami ring karanasan na hindi ko malimutan katulad ng sinubukan kong pakinggan ang sinasabi ng tour guide tungkol sa mga paintings, biglang nagkaroon na lang ako ng interest sapagkat napakahalaga pala nito, malaki pala ang naitulong ng mga artist na ito sa ating bansa at pinagmasdan ko ang kanilang mga painting ay bigla ko narealize na marami palang pilipno ang may talento sa pagpipinta, galing ano. Sana ay suportahan ng ating kapwa pilipino ang mg talento na kayang makipagsabayan sa mga banyaga.
sana
sana hindi mo na ko sinabihan ng oongas at lol...
masakit basahin eh...
anyway good luck sayo...
....itaga mo sa bato...tiyak sira ang itak mo!!!




hehe
hehe..ayos...
ung part na naiihi ka habang nasa bus o jeep...kung puwede lang na dumating ka kagad sa pupuntahan mo eh,,hehe
hirap pigilan ang ihi...haha
....itaga mo sa bato...tiyak sira ang itak mo!!!