wala lang
:-0
hello
ouch! kung hanggang ngayon na may family ka na ay nasasaktan ka pa rin dahil sa first bf mo siguro siya talaga ang one true love mo. i have thesame story pero alam mo hindi na ako nasasaktan. basta alam kong masaya na siya masaya na rin ako. dati akala ko hindi totoo yun pero nang nakita ko na masaya na talaga siya kusa na akong nakapag let go. hindi totoong first love never dies, believe me, once nag let go ka makakalimutan mo rin siya. think of your family, your kids. your first boyfriend may be your soul mate but he is not your destiny kaya let go and just think of the happy times you spent with him, it is one treasure na for sure you will carry with you for the rest of your life. but since hindi siya ang destiny mo i think it's unfair to feel sad about it. you're lucky you met your soulmate, most people spend the rest of their lives looking for that one great love so be happy and just hope that one day you'll get to continue your story in some better place, if he is really your soulmate.
hello every one
Yes totoo nangyari ito, the moment na ginawa ko tong blog na to that is the time na nasaktan na naman ako kasi nalaman ko na may family na pala sya... but then i realized hindi na dapat masaktan pa cause its not worth it unfair sya masaya na ako hindi pa... ang tagal bago ko na realized un...
nag aagree po
nag aagree po ako
~♥~ Hindi mararamdaman ang tunay na kaligayahan kung hindi natin alam kung paano masaktan ~♥~
Shucks.
Ito sa lahat ang ayaw kong pag-usapan. First love.
Naalala ko yung first love ko, palagi niyang sinasabi sakin dati yung tungkol sa first love naman niya. Pero naging kami pa rin. At tulad niyo, wala naman talaga kaming naging problema. Hindi kami nag-aaway. Walang third party, at puro happiness lang. Pero two years after, naghiwalay din kami.
Hindi ko sasabihing pareho tayo. Dahil ikaw, ang tagal mo na yang dinadala. Ako e, 20 pa lang. Wala akong asawa o boyfriend. Hindi tulad mo. Pero siguro ibabahagi ko na lang din yung pananaw ko.
Sa tingin ko, hindi ka nasasaktan. Pano ko ba sasabihin. Dahil bata ka pa nun, masyado pang marupok ang damdamin mo. Madali kang madala ng emosyon. Kaya nadadala mo pa rin hanggang ngayon, kasi tumatak sayo. Pero hindi talaga ako naniniwalang first love never dies. Kalokohan yun. Sa pagdaan ng panahon e nawawala rin yun. Maaaring oo, naaalala mo siya at ang pinagsamahan niyo. Pero hanggang dun na lang yun. Alaala na lang. Pwede rin na kaya ka nagkakaganyan kasi wala pa talagang closure. Kumbaga hindi niyo nga napag-usapan ng matiwasay. Sabi nga dun sa, nakalimutan ko yung title, ayun. The Wedding nina Zanjoe at Anne Curtis, e kailangan makita mo ulit yung taong mahal mo ng isang beses para malaman mo talaga kung wala na. Pero wag mo nang tangkain yun, baka magkamali pa. Ang masasabi ko lang sayo, kailangan mong mag-let go.
Siguro nagsasawa ka nang marinig yun. Pero ganun talaga. Magsasawa ka talaga habang paulit-ulit yang sinasabi sayo ng ibang tao, maaaring maging ang sarili mo nagsasabi na sayo, kasi nga hindi mo pa nagagawa. Katulad nga ng sinabi mo, marami kang naging boyfriend kasi naghahanap ka ng taong tulad ng first boyfriend mo. Pero hindi nangyayari yun. Wag kang maging bulag sa kagandahan ng ibang tao dahil lang sa mga bagay na NASANAY ka lang na makita sa first love mo. Nasanay lang tayo na yun ang ugali nila at naging masaya tayo kaya akala natin yun na ang best love para satin. Pero no. Yung mga katangian nila, yung mga karanasan natin, nakaraan na yun. Nagiging parang point of comparison lang para sa present. Pero dun na lang yun. At isipin mo, ano bang gusto mo? Magkabalikan kayo? O sige, kunwari nga nagkabalikan kayo. Sa tingin mo ba, maibabalik din yung kung ano kayo noon? Maaaring noon ay masaya kayo at parang lahat ay perpekto. Pero noon yun, nung bata pa kayo. Ilang taon na ba ang nakalilipas, at marami nang nagbago - ang panahon, ang sitwasyon, ikaw, siya. HINDI NA MAIBABALIK KUNG ANONG MERON NOON.
Kaya dapat, ituon mo ang atensyon mo sa NGAYON at sa BUKAS. Lalo ka na, may pamilya ka na. Dapat ang iniintindi mo ay ang kinabukasan ng mga anak mo. Tanggapin mo kung anong meron ka ngayon, at tanggapin mo rin kung anong wala ka. Ang importante, maging responsable kang ina. Dahil yun ang pangangailangan ng mga anak mo. Mabuti nga yan diba, mayroon kang pagkaka-abalahang iba. Huwag mong hayaan na tumanda ka ng may panghihinayang.
http://forcedengineer.wordpress.com
sayang
pero ganun talaga...





hi... totoong story po ba
hi... totoong story po ba toh?
~♥~ Hindi mararamdaman ang tunay na kaligayahan kung hindi natin alam kung paano masaktan ~♥~