First Trial by Jonsdmur
Sa kauna-unahang pagkakataon si Jonsdmur ay gumawa ng isang tula (Tula nga ba?) 
Ako'y tutula
Makatang makata
Ako'y hihikain
Tapos na po
harharhar
Kapag ako ay inaatake ng hika ay naiisip ko ang aking Ina. Inaasam ko na sana ay kapiling ko siya sa tuwing ako ay may karamdaman.
Bata pa lamang ako
Hikain na ako
Hiningang hindi maibuga
Dibdib ko'y naninikip pa
Hanging inaasam ibuga
Ay hindi ko magawa
Kamalaya'y tulala
Aking baga'y napagod na
Alaga kong aso
Ay tumatahol na
Alaga kong pusa
Humihiyaw na
Kapag sila'y nagsama
Dibdib ko nanikip na
Kapag mata'y tumirik
Ang tangi kong sambit
Ina ko nasaan ka?
Yakapin mo ako
Taglay nito'y gamot
Na hindi mabibili
Kapag kuko'y nangitim
Ang tangi kong sambit
Ina hagkan mo ako
Ang iyong halik ay
Inhaler sa aking sakit
Aking Ina bantayan mo ako
Parang awa mo na
Si Jonsdmur ay hindi tunay na makata... Salamat sa lahat nang nagbasa sa aking unang tula...
Mabuhay tayong lahat! 
First trial kong gumawa ng tula....
| Attachment | Size |
|---|---|
| untitled.JPG | 7.7 KB |
| baby-asthma.jpg | 10.55 KB |
Hi Jonsdmur
ipinanganak man na makata o hindi naniniwala ako na lahat tayo ay may kwento na maibabahagi sa mundo, i-share ko sa iyo itong sinabi ni Walt Whitman
"O me! O life!... of the questions of these recurring;
of the endless trains of the faithless—
of cities filled with the foolish;
what good amid these,
O me, O life? Answer, that you are here –
that life exists, and identity; that the powerful play goes on
and you may contribute a verse."
What will your verse be?
sa dinami dami ng di magagandang bagay sa mundo, tuloy pa din to iikot at parte ka nitong ikot ng mundo dahil nabubuhay ka... at dahil nabubuhay ka meron kang maibabahagi... pwede ang kwento ng buhay mo na mag-iinspire sa kapwa mo... no one is useless in this world... naku ewan ko mukang tumakbo na naman ang sense ko bago ang salita ko hahaha pasensya na sana may naintindihan ka sa sinabi ko. Tuloy lang sa pagsisikap na mapaayos ang iyong kwento...
Thanks Tin! Na appreciate ko
Thanks Tin!
Na appreciate ko ang komento mo.... Tama ka at kasama tayong lahat sa pag-ikot ng mundo at bawat isa ay may kwentong pwedeng ibahagi...
Thanks for sharing this one...
Have a bless day my friend....
Jonsdmur
kuya
ah,tula nga po'yan kuya,hmn. . . maganda po.
Sulat lang ng sulat,mahahasa din po'yan.
Salamat... bakit may hmmmm
Salamat... bakit may hmmmm siguro napaisip ka kung maganda talaga heeheh... salamat sa time para basahin ang aking tula....
Bilib nga ako sayo ang galing mo sa tula.... sana mahasa din ako...
Salamat....
Jonsdmur
i agree with kristine and
i agree with kristine and dmagsalita, and let me add this:
a person...
is a real poet,
if he believes
that what he writes,
is a poem.
keep on writing! ^_^
Thnks for ur tym to read my
Thnks for ur tym to read my poem
Tama nga... kaya believed na ako na tula nga ito hihihihihi
Salamat frend....
Jonsdmur
hahahaha aus sa tula...
hahahaha aus sa tula... hikain na hikain ang dating!!!!
Tama sila mahahasa din yan... go!go!go! jon...
Pero sa totoo lang po.. nagustuhan ko ang tula mo!
Salamat salamat
Salamat salamat salamat!
Happy me kasi like mo ung tula ko....
Buti na lang wala ngayon si bantay at si kuting kaya dibdib ko payapa ngayon hihihihihi makatulog nang mahimbing mamaya...
Jonsdmur
kuya...napadaan lang
kaya pala ayaw mong sabihin kung tungkol saan ang tula... hehehe..tungkol pala sa buhay mo... Sino may sabing hindi ka marunong magsulat ng tula? Isang magandang free verse na tula ito... Kung gusto mo magsulat ng tula, pag-aralan mo rin gaya ng pag-aaral mo sa pagsulat ng kwento...
Pina-realize mo na naman sa akin kung gaano ako kaswerte... Kahit hikain din ako, at marahil pareho lang nararamdaman natin tuwing inaatake, mas maswerte ako sa iyo. dahil may nanay ako na nagpupuyat din kasama ko pag inaatake ako sa gabi. may ina ako na humahagod ng likod ko, nag-aalaga kapag kailangan ko...
Di bale kuya, di pa huli ang lahat... Andyan pa nanay mo...pag-uwi mo yakapin mo siya...
sapagka't walang katulad
ang pagmamahal na kanyang inilahad
para sa kanyang bugtong na anak
na minamahal din siya nang walang katapat...
ingatski,
melay
Salamat sa komento... handa
Salamat sa komento... handa ka na ba sa ating pagkikita? sana hindi tayo hikain pag nagkita tayo baka mag panic si Eloi hehehehe
matatagalan pa uli ang aking pangalawang tula... sumakit ang aking ulo...
Ramdam ko ang tula mo sa itaas... salamat...
nilagayan ng emosyon
hehehe. ramdam mo ba? Ay siya, umuwi ka na sa nanay mo...
Ramdam na ramdam.... ano
Ramdam na ramdam.... ano pala mga healing procedure mo pag hinihika...
may excercise akong nalalaman...
umupo ng tuwid sa isang upuan.. maglagay ng unan sa likod para mag relax...
huminga ng malalim at ibuga ang hangin sa pamamagitan ng bibig kung saan parang may straw sa bibig mo... dahan dahan ang paglabas ng hangin
pagkatapos... huminga ng normal...
then ulitin mula sa umpisa...
tatlong beses mas okay....
HI kuya
Ok ang tula mo hah hanga po ako sayo kasi kaht my hika nakakayanan m ur the best kuya bsta pray k lang po plagi ki god tnx kasi kuya kta
nagpapasalamat ako sa site
nagpapasalamat ako sa site an ito at nagkaroon ako ng mga kapatid hihihihihi
Salamat sa pagbasa... uo nga eh sana matagal pa uli ang huling atake ko... masaya na rin me kahit papaano at nakokontrol ko na ang sakit ko...
hehe smile
kuya naman sa site n 2 mgkakapatid po tayo,......................tnx u dn po kasi nagkaron ako ng kuya n kagaya m po n mabait .............................i pray n wag u atakihin ng hika m kasi wory din me sayo po ..........take care of urself slamat po hah kasi kahit bz u naalala m p rin ako kahit makulit me andyan k p rin...
hi manilyn
agree ako.. dito sa site, magkakapatid tayo... mag-sisters, mag-brothers, mag-gays! hahaha... mag-chuva, mag-chenez...o kung ano pa ang pwedeng itawag sa magkakapatid...
may bago ka ba post kapatid? heheh.. gud luck sa 'yo
Tama kayo.. para taong isang
Tama kayo.. para tayong isang pamilya dito....
Kauna-uanahang tulang ginawa
Kauna-uanahang tulang ginawa ko... maraming salamat sa mga komento...
Idol na idol ko ang mga magagaling sa tula... kasi mahina ako sa tula.. lalo na pag english.... kaya masaya ako kapag nakakabasa ako ng tulang likha ninyo.... maraming salmat
Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...
Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story
Hatid ko ay aliw sa inyong laha







Nahirapan akong gumawa ng
Nahirapan akong gumawa ng tula.... sana ay maibigan ninyong lahat ang aking first trial na gumawa ng isang tula sa site na ito...
Si Jonsdmur ay hindi gaanong nagsusulat ng tula mula noong bata pa siya...
Masarap palang gumawa ng isang tula.... para sa akin tula na yan hihihihihi
salamat.....