Fubu (part1)

yolak69's picture
|

Buntis ako?

Tangina huwag mo sabihin ako tatay?

Eh gago ka pala eh, sino pa ba?

 

Masarap ang bawal, kasal na si Evan nung makilala nya si June. Si Evan, law student, myembro ng PAL, asa sa asawa. Si June naman webcam girl, tipikal na probinsyana na naghahanap ng easy money para ipadala sa magulang. Sa mundo ng internet, walang bawal, walang pagkatao. Kahit ano pwede, kahit sino ka pwede. Minsan gagastos ka, pero kadalasan libre.

chinitabonita: Hey boy, wanna peek?

"Yes! my lucky day" sambit ni Evan sabay type.

thegreatthinker: Nope, sorry, i go for freebies…

 

"Putanginang to, kuripot gago mamatay ka na pakyu"

"Hoy June, ano na naman yan" pasigaw na saway ni Aling Marcia.

"Wala ho, di pa ko kasi kota, dami pa pulubi sa mundo," pabulong na sagot ni June.

Biglang pop-out ang isang message.

thegreatthinker: Masaya ka ba sa gawa mo?

"Yan na nga ba sinasabi ko, kuripot na paki-alamero pa."

chinitabonita: Hoy tukmol, kung wala kang pera, wag kang mang istorbo. Gago!!!

thegreatthinker: I have a proposal to make...

"Aba, may pa propoproposal pa tong tukmol na to, mamatay ka ungas...uhmmmp," sabay click ng x button.

yolak69