Fucking Atong Redillas

Luca's picture

Pumunta ako sa Future mag-isa nung Sabado. Kasi inaya ako ni Nikki na magtugztugz pero dadaan muna siya sa High School Reunion nila. So habang naghihintay, pinursue ko ang My Shirota. (I know, medyo lame na yun ulit, pero ganun talaga pag may bago kang drink.)

Ayaw ni Nikki sa Cubao kasi hindi matugztugz ang lugar na yon. Tamang chillax lang. E kailangan ni Nikki ng tugztugz para ma-drown out ang recent panloloko ng jowa niya sa kanya.

Alas onse ng gabi, sinabi ko sa sarili ko na katungkulan ko bilang butihing maybahay ni Nikki na samahan siya sa moment na ito pero sobrang tinatamad akong sumayaw ng RnB/Hiphop. At sa totoo lang, nao-awkwardan akong makipagsayaw kay Nikki. Never pa kasi kaming sumayaw na magpartner. So medyo nagiguilty na ako at this point. Pero since na-set ko naman yung expectation sa kanya na magku-Cubao ako e tumuloy pa rin ako sa Cubao.

Gusto ko lang talagang tumambay at mag-sound trip. Wala ako sa mood mag-shake yo body. At medyo nato-toxican ako sa mga pangyayari.

I know, I suck as a friend.

Pero anyway, naka-hanap ako ng black hole sa Future. Yung arm chair sa tabi ng DJ's booth. Trip hop yung tugtog kaya tamang chillax talaga siya. Walang My Shirota so more tiis-tiis ako sa Vodka Cranberry. (Bakla ako, may excuse akong magcocktails)

Ka-text ko si Jade na nakadate ko three times since last weekend. Sobrang okay naman siya. Pero hindi ko pa alam.

Andun ako sa phase na parang gusto ko na siyang jowain kasi gusto kong magka-jowa pero hindi ko naman talaga siya ganun ka-gusto, as a person. Aminin mo, may mga times talaga na jumojowa ka ng taong hindi mo love. Wag tayong umarte. Kahit anong sabihin natin, masarap yung may katabi ka sa gabi at yayakapin ka hanggang makatulog, regardless kung sino pa siya. See, sobrang bihira lang ako makatulog nang bonggang-bongga, so gusto ko naman kapag may opportunity e interactive yung unan na niyayakap ko.

E saktong-sakto na nasa Baguio si Jade at kahit na may capacity naman akong pumunta sa Baguio, e hindi naman mapepermit ng sched ko ang mag-cross country. So hindi ko siya masundan. So nagsettle ako sa black hole with matching pa-sip-sip sa pinag-settle-an kong cocktail at more text-text. It was very unsettling.

Sa may bar, right across me, may mamang kamukha ni Atong Redillas. Kung kaya mong imaginin sa utak mo na pwedeng maging cute si Atong Redillas, ganun na ganun ang hitsura niya. As in! Napapansin kong kanina niya pa ako tinitingnan, at nagkataong mag-isa lang siya. So more patol din ako ng tingin-tingin, habang parang bulateng inasinan akong nagkukumislot sa black hole na arm chair na yun. (Ewan, basta parang ang landi ko nung gabing yun, para akong pusa.)

So go, tititigan niya ko nang matagal, tapos tititigan ko rin siya. Tapos gagawin ko yung Cosmo Girl Kalandian Move#24: Sustain eye contact for three seconds (poker face), turn away, smile and pretend that you got a funny message on your phone.

In fairness, nagwork siya. Kasi pag-alis niya, e tinitignan niya pa rin ako as if sinasabi niyang sundan ko siya. Dahil malandi't kalahati ako, sumunod naman ako. Pero hindi masyado.

Naghintay ako sa may Bellini's habang dumerecho siya sa banyo. Siyempre, ang tacky naman kung susundan ko siya sa banyo diba? So andun lang ako sa may Bellini's, sa upuan ng guard nakaupo, as if wala akong intention na sundan siya. So after a few minutes lumabas siya ng banyo tapos nagtetext siya kunyari sa tabi ng naka-park na Hello Kitty car. Ito yung chakang black na sedan na tinadtad ng stickers ng Hello Kitty. (I know, I love Hello Kitty din pero ang barubal ng pagkakasticker sa car. Mukha siyang ginahasa ng 3 year old.)

So I decided na aalis na lang ako, mga ala-una pa lang ng madaling araw ito. Obviously, nadaanan ko siya palabas. Nung magkatapat kami, sabi niya, "Hey!"

Winner ako!!! Ayoko kasi ng nagfifirst move. Gusto ko iseset ko yung stage tapos siya magi-initiate ng conversation (pa-sweet lang ng konti). Imbes na sagutin siya ng isang matamis na matamis na "Yeeeeessshhht?" e grinab ko yung arm niya at kinaladkad siya palabas.

Ang saya no?!

Kaso pumiglas siya, so I was like, "keep walking Luca, pretend he didn't reject you." So walk walk walk ako hanggang makarating na ako sa outside. Tapos yosi moments na ko dun sa may gate.

Pagbilang ko ng tatlo anjan na siya sa likod ko. Tapos nagpakilala na siya. So yosi kami together. Tapos kuwentong buhay na ng konti.

*Insert kinausap kami ng pulubing sintu-sinto here*

*Insert inikot namin ang Shopwise in search of a banyo here*

*Insert nagStarbucks kami here*

Kwento kwento na siya ng first love niya. Kwento kwento na siya ng coming out story niya. Kwento kwento pa ng mga bagay na kung anu-ano lang.

Sinabi ko to sa kanya, at feeling ko makakarelate ka kaya sasabihin ko sa iyo to the way I told him:

Alam mo, it's very rare that you meet a stranger and you can talk about anything and everything and not lose interest for one moment. Then bigla mo na lang marerealize na sobrang personal na nung kinukuwento mo, tapos sobrang honest mo na--Self-disclosure.

Sa kalagitnaan ng conversation, tumawag si Jade. Medyo tipsy. Tapos may sinasabi siya na hindi ko maintindihan. Well, nasa labas kasi kami nun saka kausap ko si Atong kaya ang hassle. Sabi ko itext niya na lang ako ulit. Medyo nagkaron ako ng konting guilt sa point na to. Kasi parang ang cheesy na namin ni Jade tapos may kalandian akong iba. Pero agad akong nagdahilan sa sarili ko na hindi naman nagliligaw si Jade at lalong hindi naman kami, so hindi pa yun counted. In fairness, sinabi ko naman sa kanya na kausap ko si Atong. Pero siyempre hindi niya alam kung sino at ano si Atong. So may fairness, pero walang justice.

Hindi ko namalayan na (*Insert sobrang buff na mama na nag-hover malapit sa lamesa namin here*) alas-singko na pala ng umaga.

Sabi ko kay Atong, "You know, tinatamad akong umuwi. I want to stretch this night for as long as I possibly can. I'm going to ask you something and it's okay if you don't want to, but would you like to sleep with me? As in, matutulog lang tayo."

Alam kong alam mong hindi lang talaga tulog ang mangyayari. Pero in fairness, sure naman ako na okay lang kung matulog lang talaga kami. Actually, mas simple ang buhay kung matutulog lang talaga kami. Totoo yun.

Sabi niya, "sure."

Go na kami sa favorite kong mot-mot (na pinupuntahan ko pa mag-isa).

Humiga ako sa left side at nasa bandang right naman siya. Fully-clothed kami in fairness. Naghubad lang ako ng sapatos at mejas. Siya rin. Tapos sleep mode na. Well, siyempre nagdadaldalan pa rin kami. Pero oras na ng pagtulog. Kaya medyo hindi na ako sobrang sumasagot.

So habang magkatabi kami, sabi ko, "Good night." "Good night," sabi niya tapos niyakap niya ko. Siniksik ko yung mukha ko sa may leeg niya. Yun talaga yung favorite kong spot. Forever...

Sabi ko, "gusto ko nang tumira dito."

trans. "I want to live here." (baka kasi sa ibang syllable mo ilagay yung stress e)

Tapos tinapat niya yung mukha niya sa mukha ko. Tapos ni-rub niya yung mukha niya against mine. Hindi kami naghahalikan ha. As in nagta-touch lang yung mukha namin. Tapos tinatapat niya yung bibig niya sa mata ko, sa noo ko, sa pisngi ko. Ang wierd, para kaming eskimo.

Tapos binuhat niya ako at pinatong sa dibdib niya. Niyakap niya ko na parang hotdog pillow. Oo, ibang yakap yun, yung may legs na involved.

Tapos let's just say, hindi na simple ang buhay at this point and in the succeeding hour and a half. (Yes, nag-time check talaga ako)

*Insert jengjeng here*

*Insert contortion here*

*Insert
Atong: Oh-my-god-you-are-so-fuck-ing-hot-unh-unh-unh-----
Luca: I knoooooooooowwwwww------
here*

*Insert super ending here*

*Insert awkward punas moments here*

*Insert hot shower moment here*

*Insert "Shiyet parang binagyo yung kama." here*

Niresearch ko ang kinaroroonan ng underwear ko at humanap ng spot sa kama na walang tiyanak. Sleep mode (totoong version na talaga).

Natulog kaming magkabuhol.

Ginising kami ng wake up call ng front desk.

Packer, bakit ba nauso ang time limit?! At kahit na ayoko nang bumangon mula sa kamang nagpataob sa Haiti Aftermath, e walang choice kundi tumayo, ayusin ang sarili at bumalik sa katotohanan.

Nagbreakfast kami. Alas dose ng tanghali. Tapos hinatid niya na ko sa MRT.

Pagkapasok ko sa turnstile, lumingon ako at nakita kong pinapanood niya akong umalis. Binubugaw ko siyang paalis pero ayaw niya. Tumalikod na lang ako at naglakad papuntang banyo. Akala niya yata nagkamali ako kasi tinuturo niya ako sa escalator, nung lingunin ko siya.

Paglabas ko ng banyo, wala na siya.

Parang hindi na kami magkikita ulit. Kahit na nagtext siya na magkikita rin kami sometime "if his schedule permits." E freelance kaya siya.

Typical ONS BS.

Bumaba ako sa Boni Station at naglakad pauwi.

Pagdating ko, naghihintay si Nikki sa bahay. Pinansin niya yung ngiti ko. Sabi ko, naglakad ako mula MRT, na ikinagulat niya, kasi 50 pesos yata yun kung magtatricycle ka (kung papayag yung tricycle).

Binigyan ko siya ng concise version nito, isang kuwentong maibablog na naman. Sabi ni Nikki ang haba talaga ng buhok ko lately.

Nahuhuli ko minsan yung sarili kong inaabangan yung text ni Atong. Mabuti na lang at medyo religious magtext si Jade.

Nararamdaman ko na naman yung naramdaman ko nung nagsa-soundtip ako sa Future:

Unsettling.


CLOSET WRITER's picture

tanong lang...

kamukha sya ni atong nong bata pa o yong ngayong malaki na? kc mataba na si atong at di na sya cute ngayon pero teacher na ata sya?

dami namang insertion na nangyari sa inyo ni atong. *insert lol here*

stay happy. and thanks sa pagbati mo kagabi :)

tanong pa pala...ano yong typical ONS BS?

Luca's picture

..

 

nakikita ko si Atong Redillas sa UP dati. at bochog siya. mukha siyang goon/ gang rapist.

 

kamukha niya si Atong Redillas, pre-teens version. Mapayat, matangkad. ganon.

 

Typical ONS BS = Typical One Night Stand BullShit 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

CLOSET WRITER's picture

now i know...

ONS BS.

uy, bili ka ng new book ni Louie Cano na "PAMHINTA X mga nagababagabg sanaysay" maaaliw ka. parang ganito ung tema ng book. makakarelate ka. naisip ko nga pwede ng compilation for book ung mga ganitong style na gawa mo. basta bumili ka ng sinasabi kong book mukhang makakatulong sa yo.

musta na ba ung book plan mo? kala ko deadline nong june?

Luca's picture

jo,

bakit pa ako bibili kung pwede namang iregalo mo na lang sakin.

 

thanks ha.

 

alabyu (pabulong) 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

sinta isaac's picture

...

 

Parang paglalaro ng hide and seek, unang makita talo...

 

sa one night stand, unang mainlove talo.

 

 

:)

 

Gusto ko 'yung factor na "Unsettling" though ayoko maramdaman 'yun.

 

Kaya personal favorite kita eh, kasi kapag binabasa ko ang mga gawa mo, pakiramdam ko, hinahatak mo ako sa braso papasok sa mundo mo (para reypin, hehe joke) kasi kahit 'di ko pa nararanasan 'yung mga kwento mo, nararamdaman ko. Iyong kilig, iyong inis, iyong confusions, iyong doubts, iyong saya... 

 

ang few images na na re rekol ko kay atong eh nung mga panahong nasa teleserye siyang AGILA kasama sila keempee de leon, helen bela, val sotto at laarni enriques at si rr herrera. 

pero type na type ko ang messy look ng curly hair n'ya nun at ang kanyang round eyes.

 

Closet writer,

 

Musta ka na jo? 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


CLOSET WRITER's picture

Sinta...

ayos lang ako. ngayon lang uli ako nakapag-apparition d2 sa FW.

nga pala, ako number 1 fan ni Doni kaya sana kung pwede number 2 ka na lang? :)

one thing i like naman sa mga gawa ni Doni kc walang inhibitions at napaka-effective nyang mag touch ng emotions ng nagbabasa. at higit sa lahat, lagi akong nakakarelate(?)...

stay happy Sinta :)

sinta isaac's picture

...

 

Oo naman jo, okay na okay lang kahit number 2 lang ako (parang kabit lang ah) :) 

 

kakaalis ng stress ang pagbabasa ng blog niya, kaka enjoy. Very young, very fresh and sexy.

 

Ikaw din Jo, stay happy and god bless. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


Luca's picture

sinta@jo...

bakit may overflowing of love?

awww... natatats naman ako nang konting konti dito. Maraming salamat sa mga papuri niyo. 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Jack Alvarez's picture

ay nag-orgasm akez...

habang binabasa ko tong istorya mo.

iluvit!

Luca's picture

bongga...

Thanks Jack. copy paste lang yan. ahahahahahahaha

Jack Alvarez's picture

hahahahaha!

copy-paste dun sa mga estudyante jan na naloloka at kopya nang kopya sa ibang site. at dito magkalat ng basura. hahahahaha!

Yiennarda's picture

Hoy mga BAKLA!

Hindi pwedeng wala ako dito...

Yun lang...

 

sige na ako na number 3! hahaah EPAL talaga! hahaha!       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Yiennarda's picture

Love ko

Yung hindi mo na pag detail ng ibang mga events, pero the imagination still played around!!!

 

       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Luca's picture

yaning bakla

bastarda ka, hindi tayo nagkita sa SG!!!

heniway keri lang kasi busi-busyhan din ako dun.

ganun talaga tinatry ko, kasi alam mo naman, hindi ako mashado magaling magsulat ng erotica, saka mashadong cliche na yung mga gay kwento na may jengjeng. ito mainstream pero subtle lang. para madrama pa rin.

oy kelan ka na punta dito? sasakay pa tayo ng taxi!!!

Jagermeister!!!

Yiennarda's picture

Galing naman talaga!

Honga, lemme know your next trips and will try to free up scheds... labo labo kasi sched lately....

Hope to see you on September      ..

      http://wattuduyanie.blogspot.com/