Funny but still CREEPY!!!!
Heheheh, actually kaka upo ko lang ulit sa upuang kaharap ng Computer, nag i-FW kasi ako, nang biglang umungol kanina si Mama, inutusan ako.
"B kuhanan mo nga ako ng tubig" mahinang utos ni Mama, nakahiga si Mama sa kama n'ya dala marahil ng pagod kayat napa tulog ito, kagagaling lang kasi nila sa check-up.
Tumayo ako at kumuha ng maligamgam na tubig sa water despenser sa labas. Nang marinig kong may kung anong sinasabi si Mama sa loob ng kwarto.
Akala ko si Elvie ang pinsan ko ang s'ya niyang tinatawag.
Hehehe medyo mag ka tunog kasi Nickname ko at name ng pinsan ko, kung kayat di ako pumasok agad sa kwarto.
Nang bumalik ako sa kwarto at nang i-abot ko ang baso kay mama ay:
"Sino 'yong nakaupo sa upuan d'yan sa harap ng PC," anya ng Mama ko na tinulungan kong maka bangon.
"Sino pa edi ako,"
"Yong naka itim?"
"Haler Ma, all white kaya ako," all white nga ako ngayon, naka white shirt at white na cotton shorts.
"E sino 'yong babaeng nakaupo kanina?"
"Ma, kataw-anan (nakakatawa)," sabi ko pa na bumalik na sa kina-uupuan ko sa harap ng PC na ang sabi ni Mama ay s'ya ring inupuan ng babaeng naka itim kanina.
Madalas kasing mag biro si Mama, kaya di ako naniwala.
"Hindi ako nag bibiro, kanina ay andyan s'ya, kaya nga ako dumadada, ang sabi ko pay bakit di ka pa tumatayo e may inuutos ako," anya ni Mama na seryuso ang mukha.
Well lighted naman ng florescent yong kabuuan ng kwarto, so grabe naman kung di ma di-distinguiah ang white at black ano?!
Napa lunok na lang ako, at bahagyang napangiti, baka gusto ring mag post ng Blog dito sa FW noong Black Lady...well its Funny but still CREEPY!!!
Hahhahaha...
Haahahah,..baka nan labo na mata ni Mama, tinatawanan ko na lang nga, may nag papakita talaga dito sa kwarto nila na babae, kaya lang wala naman akong 3rd eye kaya useless din, siguro nga gusto lang ako patigilin ni Mama, pero kaka open ko pa lang ng computer...
!
p're ako me 3rd eye
Kaso parang x-ray vision sya, hahaha tapos pagpinihit ko ilong ko mag iiba, yung mga tao kahit nakadamit nakahubad sila sa paningin ko. Bwahahahaha.
Ala sense comment ko. Ayoko kasi ng mumu, matatakutin kasi ako. Hehehe.



hmmnnn
Hindi kaya naman, reverse saykology lang ng mama mo yan, para wag ka laging magbabad dyan sa PC at magsulat dito sa FW?
DI ba sya nakuha sa WebCam? heheheh
♥♥-ILyaNah-♥♥