FW SPOTLIGHT ON ROMFACTOLERIN

Purple_Ink's picture
|
=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=
FW SPOTLIGHT ROMFACTOLERIN!!
=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=

Ang FW SPOTLIGHT ay naglalayong pagibayuhin at paigtingin ang samahan ng miyembro ng FW.
(
Ano ito...may pagka-RECOLLECTION bwahahah!)

Let's have this exercise... Wala lang katuwaan lang... (^___^)

RULES:

A. FOR ALL THE MEMBERS :

1. SINO SI [FW Member on Spotlight] PARA SAYO?

2. ANO ANG NAGUSTUHAN MO SA KANYANG MGA KATHA?

3. ANO ANG MGA DAPAT PA NYANG PAGHUSAYIN?

4. KUNG SI [FW Member on Spotlight] AY ISANG KATHA ANO SYA (Harharhar...seryoso ha...)

5. ANO ANG MESSAGE MO KAY [FW Member on Spotlight]? (slumbook...nyahaha!)

B. FOR THE FW ON SPOTLIGHT:

1.PLEASE RE-POST THIS THREAD FOCUSING THE SPOTLIGHT ON A MEMBER.

2.PLEASE GIVE EVERYONE A CHANCE TO BE ON THE SPOTLIGHT. (Para bagang chain letter lang...meganun...)

 

Inuna ko na si kuya Rom, pasasalamat sa pagiging tatay naten dito sa FW.


Purple_Ink's picture

...

 

1. SINO SI [FW Member on Spotlight] PARA SAYO?

- si "FW tatay"... 

2. ANO ANG NAGUSTUHAN MO SA KANYANG MGA KATHA?

- yung "listahan ng mga gagawin ko pag wala ka na"

- tsaka po yung mga blogs nya about his past...kasi...nakaka-relate din ako sa totoong buhay... **singhot**

3. ANO ANG MGA DAPAT PA NYANG PAGHUSAYIN?

-  hmm...sa totoo lang kanina pako nakatitig sa screen wala akong maisip...

4. KUNG SI [FW Member on Spotlight] AY ISANG KATHA ANO SYA (Harharhar...seryoso ha...)

- ung mga detective novels ni James Patterson... kasi ang galing napaamin nya si Pegasus sa gitna nang kanilang balitaktakan... nagulat talaga ko dun...

5. ANO ANG MESSAGE MO KAY [FW Member on Spotlight]? (slumbook...nyahaha!)

- kuya salamat sa pagiging bigkis ng walis.

blackwidow's picture

Stronger than the boogeyman

Spotlight?

Fan ako ni talulot, sinta, ni pmel,at ni cristine espino.

Magaling pagdating sa tula si pmel at talulot, songbird pa nga ang tingin ko kay talulot.

Eversince na naging member ako dito,avid reader ako ng blog at stories ni sinta but she suddenly vanished out of smokey clouds. Where the hell is she? She dissapeared and just walked out from the limelight.

And cristine espino, wow, considering na napakabata pa niya pero makikita mo sa mga gawa niya ang realidad, ang struggles ng pagiging teenager at ang lupit ng mga short stories niya.

I'm in a deep shit right now coz I can't decide, it seem a very close fight.

And of course, rom and spike, they're simply the best among all the male writers here. Sa mga gawa nila, nandun yung pagiging tunay na lalaki. Walang hangin sa ulo, marunong rumespeto ng mga babae at kayang panindigan ang mga sinasabi at sinusulat nila.

See? Ang hirap mag decide db?

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

Purple_Ink's picture

Hello Blackwidow...

 Mmmm...bale, the purpose of this exercise is to create a bond between FW members and not to separate the best from the average. Kaya hindi ako nahirapan magdecide. Hindi ako fan ni kuya Rom. Like I said, I treat him as the FW tatay...hehehe.... Come on, we're family here aren't we?

 Each member will have a chance to be on the spotlight and it will depend on the current member in the hot seat. Kasi he is the one who will pass the torch to another member.

 As for sinta, nahihirapan daw sya maginternet using celfone as mode of connection... sabi nya sa blog nya....

 Ayun lang po... (^__^) Paki sagutan na lang ung questionnaires na nasa Rules... para masaya...Salamat po... 

wow naman

thanks blackwidow. natouch naman ako

.. pero si kuya roma ng nasa spotlight... hehehe

 

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

jonsdmur's picture

A Collection of Short

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

1. SINO SI [FW Member on Spotlight] PARA SAYO?

- si "FW kuya"... 

2. ANO ANG NAGUSTUHAN MO SA KANYANG MGA KATHA?

- Sementeryo ng mga buhay -  ang totoo pina-print ko pa ito.. gusto ko kasi mabasa ng nasa bahay ako... saka para mapag-aralan na rin ang isang magandang obra... nagandahan ako sa kwento...

- Bago yan -  ung isang kwento tungkol sa paghihiganti sa daga... nakalimutan ko na kasi ang titulo.. pero don ako natuto kung paano itago ang isang karakter.. o maglagay ng suspense sa kwento...

Mahalaga kasi sa akin ang akdang may napupulot akong aral.. saka nakakakita ako ng istulo na hindi ko pa nagagawa....

 

3. ANO ANG MGA DAPAT PA NYANG PAGHUSAYIN?

-  gusto kong makabasa pa ng isang kwento ng pag-big.. saka mga blog na gagawin ni kuya... sa dapat paghusayan eh di ko pa matukoy... siguro sa ibang genre na di pa niya nagagawa.... 

4. KUNG SI [FW Member on Spotlight] AY ISANG KATHA ANO SYA (Harharhar...seryoso ha...)

- ung mga detective novels ni James Patterson... kasi ang galing napaamin nya si Pegasus sa gitna nang kanilang balitaktakan... nagulat talaga ko dun... ganun din ako tulad kay purple.... heheeheheh

5. ANO ANG MESSAGE MO KAY [FW Member on Spotlight]? (slumbook...nyahaha!)

- wag magbabago... saka wag aalis sa site.. kasi para sa akin isang kawalan kapag nawala ang tulad niya... nandun kasi ang tapang, ang bait, saka galing at husay... saka pinapakita niya na lumaban kapag kinakailangan... magturo sa mga nangangailangan, saka nandun pa rin ang pagiging kuya niya....

 

Bitin... marami pa akong gustong sabihin eh kaso ito lang ang mga tanong...

Pero okay ang blog na ito.... sana ako na ang next ehheehehehe... gusto ko lang mabasa ung masasabi sa akin.. negative man at positive.....

Godbless!

jons

Purple_Ink's picture

hey jons...

 hindi po ito blog....forums ito... hehehe... hindi talaga ako marunong gumawa ng blog...sensya na nyahaha... (^__^)

 don't worry, we'll wait for kuya rom to pass the torch...dadaan din yun sayo....

ang kuya rom!

1. SINO SI [FW Member on Spotlight] PARA SAYO?

---- hehehe kuya ng lahat! master visual artist!!!! 

2. ANO ANG NAGUSTUHAN MO SA KANYANG MGA KATHA?

 ay pareho tayo "listahan ng mga gagawin ko pag wala ka na"

iyong mga tula niyang may painting niya..

saka ung last niyang short story

 

3. ANO ANG MGA DAPAT PA NYANG PAGHUSAYIN?

.. si kuya dyeppri at jluna ang may karapatang magsabi nun sa kanya..

hehehe.  

4. KUNG SI [FW Member on Spotlight] AY ISANG KATHA ANO SYA (Harharhar...seryoso ha...)

hmm... mga habi ni amado hernandez..

 

5. ANO ANG MESSAGE MO KAY [FW Member on Spotlight]? (slumbook...nyahaha!)

kuya, salamat sa pagtitiwala mo sa kakayahan ko. at sa maraming inspirasyong ibinahagi mo dito sa site.. natutuwa ako sa sense of leadership mo para sa mga fw members. at bow talaga ako sa creativity mo!!!

hay sAna matuloy na ang jamming natin.

iginagalang kita! 

(remember ang unang tawag ko sa yo ay sir hehehe)

 

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

 

Ailem23's picture

pa-join nga rin ako!

 

1. SINO SI [FW Member on Spotlight] PARA SAYO?

>>tinatanong pa ba iyan? si kuya rom lang iyan at wala ng iba...

2. ANO ANG NAGUSTUHAN MO SA KANYANG MGA KATHA?

>>halos lahat na ata. ang secret weapon kasi ki kuya, ung mga gawa niya hindi madaling kalimutan eh. naiiwan sa utak. may footprints na maiiwan sa isip mo.

3. ANO ANG MGA DAPAT PA NYANG PAGHUSAYIN?

>>noong isang araw, napag-usapan namin ang tungkol sa writing style at genre. siguro ung way para maging versatile writer. iyon ang dapat niyang karirin. hehehe.

4. KUNG SI [FW Member on Spotlight] AY ISANG KATHA ANO SYA?

>>isa siyang suspense novel na hanggang pagtulog mo hina-hunt ka pa rin.

5. ANO ANG MESSAGE MO KAY [FW Member on Spotlight]? (slumbook...nyahaha!)

Dear Daddy Rom,

Nasaan na ang 1000 load na binibigay mo? bakit ala ako natanggap! hehehe. jowk lang... kapag nakakausap kita, lagi ka na lang umeeskapo para magluto. hehehe... pag di ako nakaka-reply sa iyo, esp na lang kuya... malamang ala ako load. Idol talaga kita. Keep on writing para maka-inspire pa lalo ng iba... ingat ka palagi.

Ang may balak magpaampon sa inyo,

Melay hehehe... jowk lang.
****** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

paul h roquia's picture

* *

1. SINO SI ROM PARA SAYO?

isang makabayang kababayan (tiga los baños di ako)... matindi ang convictions in life.mabait na asawa, kasi nang makasalubong ko sila one time (basta naramdaman ko na sila yon) , masaya sila... sayang nga lang hindi gasinong nagkatalamitam kami kasi nasa gitna kami ng junction! next time rom, kofi tau ha?

2. ANO ANG NAGUSTUHAN MO SA KANYANG MGA KATHA?

'yong mga suspense-horror-thrillers niya sa kanyang site. 

3. ANO ANG MGA DAPAT PA NYANG PAGHUSAYIN?

ah, bagalan nya nang konti bago mag-climax, pero, actually masaya na ako sa style ng writing niya; mabilis at swabe.

4. KUNG SI ROM AY ISANG KATHA ANO SYA (Harharhar...seryoso ha...)

isa siyang EPIC POEM. (huh?)

5. ANO ANG MESSAGE MO KAY ROM? (slumbook...nyahaha!)

huwag siyang makalimot kapag narating niya ang ilan pang rurok ng tagumpay! (with matching tears!)  seriously, he is one swell of a guy at ipagpatuloy lang niya ang kanyang mga pinagkakaabalahan with prayers always... tsaka text niya ako kung kailan kami magkakape sa AHL's cakes! hahaha

aireen's picture

hmmm...

1. SINO SI [FW Member on Spotlight] PARA SAYO?

si kuya Rom.. katulad ng sinabi ng iba, para siyang tatay ng mga FW members.Isa ring magiting na leader..hehehe

2. ANO ANG NAGUSTUHAN MO SA KANYANG MGA KATHA?

*Ang Listahan ng mga gagawin ko ngayong wala ka na.

*Suicide is Painless(pero bakit wala n yun sa tracks mo.. deleted n ba?)

3. ANO ANG MGA DAPAT PA NYANG PAGHUSAYIN?

siguro yung sa short story(na tagalog) medyo nakukulangan lang me sa detalye ng ibang kwento..;0)

4. KUNG SI [FW Member on Spotlight] AY ISANG KATHA ANO SYA (Harharhar...seryoso ha...)

isang pinaghalu-halong katha..kasi ang mga gawa ni kuya rom tumatatak sa isipan at puso.. kasi may damdamin at may makukuhang kaalaman yung nilalaman..:D

5. ANO ANG MESSAGE MO KAY [FW Member on Spotlight]? (slumbook...nyahaha!)

 * kuya Rom--Isang  tunay na maginoo at responsableng Ama at asawa kay ate teena..:D (yipeee!! :))

Keep it up! Laughing

chill..hayaan na lamang ang mga mapanghusga sa paligid ng FW..

Innocent

 

cheers!

aireen

love's picture

pahuhuli ba ako??

1. SINO SI [FW Member on Spotlight] PARA SAYO?  

POGING kuya

2. ANO ANG NAGUSTUHAN MO SA KANYANG MGA KATHA?

"isang gabi ng aking paghihiganti"

3. ANO ANG MGA DAPAT PA NYANG PAGHUSAYIN?

'yung pagluluto na lang. sa pagsusulat mahusay na siya para sa akin.

4. KUNG SI [FW Member on Spotlight] AY ISANG KATHA ANO SYA (Harharhar...seryoso ha...)

KATHAng isip. (ano daw?)

5. ANO ANG MESSAGE MO KAY [FW Member on Spotlight]? (slumbook...nyahaha!)

ang message ko? i-te-text ko na lang..medyo personal eh (charing!).

seryoso,

kuya ROM, hindi pa man kita ganun kakilala pero ikaw yung tipong totoong tao. walang kayabangan sa utak. pang-masa kumbaga. pero kumakasa kung kailangan. kaya marami ang napapamahal sa'yo na taga FW ( pero walang malisya 'yun ha) . Saka tanong ko lang , wala ka bang balak mag-artista? haha! joke. Yun lang. Salamat sa inspirasyon. God bless. 

 

 

Hanan's picture

Oi,

ang tagal kong nawala rito sa site na ito,ang dami na palang nangyari,by the way, ang positive naman ng spot na ito. sana mayroon space ang bawat isa sa bawat buwan. featured writer kung baga. para mas mainspire ang mas marami para magsulat.

nice spot purple ink ha.ingat ka lagi at God bless :) 

Purple_Ink's picture

Elo,,

 Ako naman po invisible mode...Ngayon lang ulet nakabalik busy ako sa facebook hehe... Naipasa ko na po ang torch sa bagong FW member pa-check na lang po sa forums..

 

Salamat.. Yngats din po.. (^__^)

 

Rom's picture

salamat!

 sorry sa delayed reaction ha. di ko lang matandaan kung pinasalamatan ko ba isa-isa lahat ng sumagot dito. kasi nga nahhiya akong sumagot dito noon magmumukhang "forum shopping" lang ako hehe...anyway salamat sa mga nagbigay ng oras i-dissect ako.

mukhang yung tula kong "Listahan ng aking mga gagawin kapag wala ka na" ang best seller dito a, tsaka yung "suicide is painless" napaghahalatang may iisang pinatutungkulang pangyayari sa buhay ko.

salamat sa lahat ng sumagot at nag abalang magbahagi. salamat Karen sa Forum na ito. 

 

KarikaTuura