Gabay sa Pagkatay ng Baboy (tula)
Simple at madali lamang ito:
humuli ng pinaka malaki
at pinakamalusog
Sa kulungan mo,
Talian sa paa at itiwarik ito
Maaaring mag-iiyak, magmakaawa
at pumalag
Ang baboy mo pero
Wag nang pansinin ito.
Gawing mabilis at madalian ang lahat
Maaari kasing sa kanyang pag-iyak
Ay may luhang pumatak
Ito ang maaaring magpabago sa iyong pasya
Na wag nang ituloy ang
Pagkatay sa kanya,
Yun e kung makukunsensya ka
Kumuha ng kutsilyong pinakamatalas
Idako ng kaunti ang paningin
sa ibaba o sa itaas
Kung ayaw matitigan
ang dugong tatagas
O di kaya’y mabuti pang ipikit ang mata
Upang di gaanong masakit
Sa konsensya
Kung handa na’y huminga ng malalim
Umusal ng kaunting dalangin
Ito ang kinakailangan:
Higpitan ang hawak sa
Kutsilyong tangan
Laslasin sa leeg ng buong lakas at tapang
ang Hayop na nasa harapan
Kung kulang ay maaaring ulit-ulitin
Hiwain, laslasin
Saksakin, saksakin
Sa pagkakataong ito’y alisin ang awa
Magtiim-bagang
Wag lulubay, wag magpaparaya
Maaaring makiusap at sabihing siya’y
May dalawang anak at asawa
O di kaya’y may maliit
Na pinag-aaral pa
Wag makinig sa pagibik
Wag padala sa pagtangis
Lunurin ang isip at
Gawin ito ng buong tapang at bilis.
Habang dumadaloy ang
sariwang dugo
Maaaring magpalahaw at umungol ito
Bilang huling hibla ng pakiusap
Sa konsensya mo.
Sa puntong ito’y laslasin
Ang tiyan niya
Paluwain ang bituka, apdo, baga
at atay
Ito na ang tinatawag
Na pagkatay
Huwag na huwag tititingin
Sa mga mata niyang namumuti at tumitirik
O maawa sa kikisay-kisay niyang
katawan
isipin na ito’y pagtupad sa hangarin
Pagkat ito’y sinumpaang tungkulin.
Matapos nito’y iwan ang bangkay
Bahala na silang ibenta sa palengke yan
Magsindi ng sigarilyo’t
Sumipol-sipol na parang
Walang anuman,
Sumipol-sipol
Papalayo sa katayan.
isang propesyunal na matadero sa palengke ng Los Baños, kumakatay ng baboy, dumudukot ng puso at binebenta sa mga presinto...
weh? buhay na alamat? parang
weh? buhay na alamat? parang si elvis and james lang haha!
occasional lang ako gumawa ng tula kapag may tawag ng pangangailangan. this time kailangan may bagong bigkasin sa reunion hehe...
salamat anne. uy may blogspot ka na pala that means balik-sulat ka na ulit ha.
kuya rom
naalala ko ngayon lang yung image na nabuo sa isip ko habang binabasa mo ito. una muna, totoong baboy na biglang nagboses tao, tapos unti-unting nagpalit-anyo hanggang maging ganap na tao.
may nadagdag na image ngayon lang. yung matadero naman, una muna anyong tao. tapos nagmorph din sya hanggang maging ganap na halimaw.
kuya, sketches mo ba yan? husay talaga ng kamay!
actually pagkatapos ko
actually pagkatapos ko isulat yan naisip ko gawan ng video. hinahanap ko pa dito sa LB kung saan yung slaughterhouse gusto ko i video yung actual na pagkatay ng baboy tapos irerecord ko habang binibigkas ang tula. baka next week magka time na mag shoot :)
salamat Jane, kaso di ko sketch yan yung nasa FB yun ang drowing ko...
Galing sir!
Ang galeeeeeeng! Nakakainspire! (sumulat ng tula, hindi kumatay ng baboy) :))
"... dito lang ako
hanggang sa pagdaan mo."
salamat sinta, inspirasyon
salamat sinta, inspirasyon sa akin ang makita kayo ng personal at mabigyang hugis ang mga mukha sa likod ng mga akda :)
-
Ang tulang ito ay isang napakagandang homage kay Donat Alvarez. Sa okasyon ng pagbasa nitong bersyon mo, mapapansing mas kahila-hilakbot ang pagsasalarawan ng katayan, dahilan kung kaya (tulad ng una na ngang naikomento) bagahe sa kalooban ng sinumang babasa kung ipagpapatuloy pa ba niya ang sarili sa mga susunod na linya.
Ang experience na iniiwan ng akda ay nagsisilbing pagtakal kung gaano na ba katibay ang ating sikmura at konsensiya. Iniiwan nito ang dati nang katanungan kung talaga bang "sanayan lang ang pagpaslang"; At kung sa proseso nga ba ng pamalagian nating exposure sa mga ito, di kaya sa dulo ay maging manhid at "kibit-balikat" na rin tayo, nang walang paglalayo sa damdamin ng isang matadero.
Muli, binabati kita dito, Rom.
ang mga imaheng nasa isip ko
ang mga imaheng nasa isip ko ay ang malawakang walang pakundangan (impunity) na nangyayari sa bansa natin lalong lalo na sa hanay ng mga nasa gobyerno at kapulisan, maging sa militar. kaya naisulat ko ito. kasama na ang kagaganap lamang na hostage taking sa Quirino, na kung saan pagkatapos ng madugong pangyayari nakuha pa ng mga SOCO at pulis (pati mga estudyante) na ngumiti habang nagpapakuha ng larawan sa harap ng bus na pinangyarihan ng "katayan."
lubhang makapal na ang lumot at agiw sa konsensya ng mga nasa kapangyarihan para maantig man lang sa massacre na nangyari--kaya ano pa kaya ang natitirang awa sa mga karaniwang tao na inaabuso?
gusto kong iangat pa ng level ang panulaang ganito sa paglalakip ng kukulang video para maipamahagi sa mas nakararami. di ko alam kung magmimistulang pagsira sa tradisyon ng panulaan pero susubukan kong bigyan ng mas makapal na imahe at kalasag ang mga tula sa ganitong paraan--dangan kasi lumalakas ang kalaban...
salamat sa pagdaan kasamang Allan, isa ka sa mga inspirasyon maging ang mga tula mo sa ganitong gawain.
makikibahagi na rin po kuya rom ng komento...
-katulad ng iba mo pang mga gawa ay maganda ang pagkakalarawan mo sa bawat eksena na siya naman talagang tatak ng mga sulatin mo. Ganun pa man, ay (para sa akin) ay nahabaan ako sa sinasaad ng tula. Tila nagi na siyang over kill ( na maaari naman sigurong sinadya ng may akda). sa limitadong sinasabi ng tula. Hindi ko siya maikumpara sa mga ginagawang pagpaslang ng mga salvaging ng pulis o pagwawala sa hostage ni Ginoong mendoza 'di sila katulad ng baboy. Ang baboy ay madumi lamang sa katawan ngunit kung totoosin ay malinis ang kalooban nito kesa sa kanila.
Sa tula pa rin ay medyo may sabit ang pagpuputol ng linya na kung babasahin ng mabilis ay parang sobra o may pagkabitin sa ibang linya.
Sa kabouan ay magaling. Panalo ito kuya Rom. Sulat lang!
thanks!!!










binigkas sa poetry reading
binigkas sa poetry reading nung nakaraang FWJ reunion sa The Linden Suites, Mandaluyong City kasama ang ilang miyembro ng FW