ga'no kahirap matutong mag-isa?

sinta isaac's picture

Saan nga ba papunta ang relasyong mayroon tayo?

gayong alam nating ito ay mali. maling mali.

mahirap palang magkunwari na hindi tayo matatapos kung sa umpisa pa lang, kapwa natin batid na hindi tayo kailanman maaaring magsimula.

Ikaw ay ang nagsilbing yakap na aking nadarama tuwing sumasapit ang gabi, lalo na't kung itoy lilipas na ako'y nag-iisa.

Ikaw ay ang araw at ako ay ang mundo, at ang sinag mo'y pumuno sa kadiliman ng aking buhay, at ako'y umiikot sa buhay mo gayong hindi tayo kailanman magkakalapit.

Ikaw ay ang dagat, ako ang buhangin, patuloy kang bumabalik sa akin ngunit ang manatili sa akin ay hindi kailanman magaganap dahil patuloy kang hihilain ng hangin palayo sa akin.

at kahit mahirap, kailangan kitang pakawalan...

Itinulak ka sa akin palapit ng kapalaran, dumating ka ng hindi ko namamalayan at ang buhay ko'y naging patungkol lahat sa iyo.

Sabi mo'y hindi natin tiyak kung tayo padin ba pagdating ng bukas, at alam kong kailangan kong maging malakas dahil ang nag-iisang sigurado sa ating relasyon ay ang ating paghihiwalay.

Ilang beses ko bang pinigilan ang sarili kong mahalin ka, at ilang bese din akong nasaktan tuwing pinagpipilitan kong hindi kita kailanman magagawang mahalin.

Pa'no ko nga ba pipigilan ang iyong paglayo kung ang mga buhay natin mismo ang nagsasabing kailangan nating magkalayo?

...

Araw-araw padin kitang hinihintay sa labas ng gate namin, umaasang muli kitang makikita doon na nagdaraan.

tuwing hapon ng sabado, muli't muli akong naglalakad papunta spalayan upang maupo sa sementong hugis pagong. hinihintay ang tuluyang pagsuko ng araw sa gabi.

at tuwing papatayin ko ang ilaw, bakit hindi ko maiwasang hintayin ang mabini mong pagyakap sa akin at ang mahina mong pagbulong ng goodnight?

araw-araw padin akong dumadalaw sa luma ninyong bahay na ngayon ay wala ng nakatira kahit na ang tanging sasalubong sa aking pagdating ay ang karatulang kahoy na may nakasulat na For Sale na nakasabit sa kalawangin ninyong gate...

patuloy akong nabubuhay. gumigising tuwing umaga, natutulog tuwing gabi, pumapasok, ngumingiti, humihinga.

at tuluyan ka na ngang umalis at naglaho...

ang akala ko'y malaya na ako sa iyo, ngunit mali ako.

 

dahil ikaw ay ang ulan na dumidilig sa mundo,

at para sa iyo, patuloy mo akong didiligan dahil sa iyong pagtingin, mananatili lamang akong isang tuyot at tigang na lupa...

mahirap matutunan kung pa'no bumalik sa pag-iisa.

 

 

+august 13 2005+

 


leigh13diwata's picture

mahirap matutunan kung pa'no

mahirap matutunan kung pa'no bumalik sa pag-iisa. 

ramdam na ramdam ko ang kabuuan ng iyong tula... at minsan ay naging alipin din ako ng ganitong pagkakataon...

hindi mo kailangan matunghayan ang daan patungo sa pag-iisa... ang kailangan mo'y mga kamay na aakay patungo sa daan ng bagong kanlungan...

bagong yakap... bagong araw... bagong dagat... bagong ulan...

 

...ang PILYONG MAKATA...

sinta isaac's picture

...

at bagong bahaghari...

salamat sa pagbabasa.

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

Yiennarda's picture

Email

May email ako sayo.  Duon na rin kung sasagot ka man.  Salamat.       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

sinta isaac's picture

...

Smile

...

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

aireen's picture

"Ikaw ay ang araw at ako ay

"Ikaw ay ang araw at ako ay ang mundo, at ang sinag mo'y pumuno sa kadiliman ng aking buhay, patuloy kang umiikot sa akin gayong hindi tayo kailanman magkakalapit."<-- darating din ang panahon Sinta na magkakalapit din ang araw at ang mundo, ngunit kailangan maging handa sa anumang kahahantungan nito.. 

 

cheers!

aireen

 

 

sinta isaac's picture

...

 

...

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

sinta isaac's picture

...

katulad ng tuluyang pagtupok ng araw sa mundo sa naglalagablab niyang mga yakap...

cheers!

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

Rom's picture

Para sa iyo, sinta

 

 WALANG HANGGANG PAALAM - JOEY AYALA

Di ba tayo’y narito
upang maging malaya
at upang palayain ang iba
ako’y walang hinihiling
Ika’y tila ganoon din
sadya’y bigyang-laya ang isa’t-isa

[chorus]
Ang pagibig natin ay
walang hanggang paalam
at habang magkalayo
papalapit pa rin ang puso
kahit na magkahiwalay
tayo ay magkasama
sa magkabilang dulo ng mundo

Ang bawat simula ay
siya ring katapusan
may patutunguhan ba
ang ating pagsinta
sa biglang tingin
kita’y walang kinabukasan
subalit di-malupig ang pag-asa

[chorus]
Ang pagibig natin ay
walang hanggang paalam
at habang magkalayo
papalapit pa rin ang puso
kahit na magkahiwalay
tayo ay magkasama
sa magkabilang dulo ng mundo

[chorus]
ang pagibig natin ay
walang hanggang paalam
at habang magkalayo
papalapit pa rin ang puso
kahit na magkahiwalay
tayo ay magkasama
sa magkabilang dulo ng mundo
sa magkabilang dulo ng mundo

 

 

 

 


Walang Hanggang Paalam - joey ayala

Adlesirc's picture

uy pasingit!

sinta, ganda yang song na yan. peborit ko yan e =)

 

 

 

tayo'y narito upang maging malaya at upang palayain ang iba...

 

 

 

sinta isaac's picture

...

sakto kuya, laging tinutugtog yan ng daddy ko sa gitara...

 

salamat ng marami...

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

oks na oks

okay lang yan, matagal na eman yan nangyari diba?

let go

let go

let go

 

sinta,youre still the lady wid a sweet smile and haunting eyes.

see yah!

if ever lang eman.

sinta isaac's picture

...

morning dew,

ano na nangyari sayo? kasama ba ang name mo sa mga grumaduate ng mirriam?

at kailan ka pa tumigil sa pagtawag sa akin ng ate, loka ka. 

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

hai... ramdam n ramdam ko

hai...

ramdam n ramdam ko ung emotions sa pinost nio po..ang galing..

kip on posting!

gudlak...

sinta isaac's picture

...

salamat... salamat...

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

keira's picture

ask ko lang sayo

 

pano mo pinakikisamahan ang mga girls na nagiging on mo? Pano yung trato mo, kung pano mo siya inaalagaan?

 

Baka kasi try ko yang ganyang relationship. hahahahahahaha.

Ang lungkot lungkot.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 like a game of pick-up sticks played by fucking lunatics

sinta isaac's picture

 masarap ako gumawa ng

 

masarap ako gumawa ng cappucino at mahilig ako mag serve ng breakfast in bed. :) 

the rest, message ko na lang sa'yo.

 

at isa pa, "On" ano yun ilaw, on and off?

 

 

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

keira's picture

hahahaha

 

natawa ako sa email mo, ganun ba? parang di kaya ng powers ko. hahahahaha gusto ko kasi ako lang ang queen. dati ko pa gusto i-try, wala lang ako lakas ng loob kasi parang iniisp ko mga sasabihin ng parents ko, may natitipuhan nga akong girl ngayon kaso parang di ko sya ma-reach. hahahahaha. di ko lang ma-gets kung anong koneksyon ng cappucino at breakfast in bed sa tanong ko, hahahahaha or maybe i'm too naive for the hidden message. hahahaha.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

like a game of pick-up sticks played by fucking lunatics

sinta isaac's picture

...

Wink

...

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

keira's picture

sinta

 

naalala ko si jealous guy, he's asking you diba if he can walk you home? pwede din ba kitang ihatid sa inyo? hehehehehe don't worry hindi kita paglalakarin, may tsikot naman ako. weeeeeehhheehehe

Laughing

 

 

 

 

 

 

 

 

 

like a game of pick-up sticks played by fucking lunatics

gretta's picture

??????

 

K,

simpleng harot--------->

<-----------------ayaw ni celine ng ganyan...

Sis, kahit biro, hwag ka nagpapasada ng ganyan, baka isipin ng iba seryoso ka.

 

hehehehehe.

S,

kelan t'yo magkikita, mag fa-fly fly na ako. kasal na pala ni ate mo sa linggo, anong susuot mo?

 

 

babangon ang patay at mabibiyak ang buwan sa alaala ng apat na mangangabayo ng paghuhukom...