Gawad Komisyon 2007
GAWAD KOMISYON 2007, Patimpalak
Inihayag ng Komisyon sa Wikang Filipino (dating Surian ng Wikang Pambansa), ang pagdaraos ng GAWAD KOMISYON 2007, isang taunang patimpalak pampanitikan para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing buwan ng Agosto. Ang paksa sa taong ito ay: MARAMING WIKA, MATATAG NA BANSA. (Free translation: A gift of tongues for a strong nation).
Bukod sa taunang Gawad Collantes para sa pagsulat ng pormal na sanaysay sa Filipino, ang mga kategorya para sa taong ito ay kinabibilangan ng sanaysay, tula at maikling kwento sa sampung iba pang malaking wika sa Pilipinas. Ang mga wika ay Tagalog-Filipino (maikling kwentong pambata), Sugbuanong Bisaya (tula at maikling kwento), Iloko(tula at maikling kwento), Hiligaynon (tula at maikling kwento),Bikol (maikling kwento at sanaysay), Kapampangan (tula), Pangasinan (tula at maikling kwento), Samar-Leyte (tula at maikling kwento), Meranao (sanaysay), Maguindanao Tausug (sanaysay). (sanaysay) at
Ang mga premyong cash para sa bawat kategorya ay: 1st-Php15,000.00, 2nd-Php. 10,000.00, 3rd-Php. 8,000.00 at tatlong karangalang-banggit na tig-Php.2,000.00 bawat isa, Maaaring i-download mula sa KWF website ang pormularyo at mga tuntunin ng patimpalak ng sino mang interesadong sumali o kaya ay tumawag sa KWF sa tel. blg. 736-3832.
Ang mga lahok ay maaaring isumite sa Komisyon sa Wikang Filipino, G/F Watson Bldg., 1610 JP Laurel Street, Malacañang Palace Complex, San Miguel, Manila o i-email sa gawad2007_kwf@yahoo.com. sa o bago ang Agosto 15, 2007.
Bisitahin ang website ng KWF
GAWAD KOMISYON 2007
Mga Tuntunin:
1. Bukas ang patimpalak sa lahat ng manunulat, di kasali ang mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.
2. Ang lahok ay kailangang orihinal, hindi salin mula sa ibang wika, hindi pa nanalo ng major prize sa ibang patimpalak at hindi pa nailalathala.
3. Ang mga lahok ay walang pagkakakilanlan kahit pangalan. May hiwalay na pormularyo na makukuha sa KWF o sa http:/wika.pbwiki.com para sa pangalan, address at iba pang impormasyon. Kinakailangang nakanotaryo ang nasabing pormularyo.
4. Ang paksa para sa sanaysay sa Filipino, Bikol, Meranao, Maguindano, at Tausug ay “Maraming wika, matatag na bansa” o anumang temang nakatuon sa dibersidad pangwika at pangkultura o pagkakakilanlang etniko. Maaari din itong maging pagsusuri sa mga akdang pampanitikan ng isang awtor sa kinabibilangan niyang wika.
5. Malaya ang paksa sa patimpalak sa tula at maikling kuwento. Ang paksa sa maikling kuwentong pambata sa Filipino ay nakatuon sa mambabasa na may labindalawang (12ng) taon pababa.
6. Haba. Para sa sanaysay, labinlima (15) hanggang tatlumpung (30ng) pahina. Para sa tula, isang koleksyon na binubuo ng pito (7) hanggang sampung (10ng) tula. Para sa maikling kuwento, sampu (10) hanggang dalawampung (20ng) pahina. Para sa maikling kuwentong pambata, hindi hihigit sa labindalawang (12ng) pahina. Ang mga lahok ay kailangang maging makinilyado o kompyuterisado (Font 12-Arial), dobleng espasyo sa 8 1/2 x 11 na bond paper at may palugit na isang (1ng) pulgada sa itaas, sa ibaba, at magkabilang tabi.
7. Kailangang maglakip ng apat (4) na hard copy at isang electronic file ang bawat lahok.
8. Isang lahok lamang sa bawat kategorya ang maaaring isumite ng isang indibidwal.
9. Para sa gantimpala sa bawat kategorya:
Unang Gantimpala -----------------------Php 15,000.00 + plake
Ikalawang Gantimpala -------------------10,000.00 + plake
Ikatlong Gantimpala --------------------8,000.00 + plake
Tatlong (3) Karangalang Banggit---------2,000.00 + sertipiko
Lahat ng lalahok sa patimpalak ay tatanggap ng KATUNAYAN NG PAGLAHOK sa araw ng pagsusumite ng lahok sa tanggapan.
10. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di maipaghahabol. Lahat ng mga lahok na nanalo ay pag-aari ng KWF at karapatan nito ang pagpapalimbag na walang tatanggaping royalty ang may-akda.
11. Ipadala o personal na isumite ang lahok bago dumating ang ika-5:00 ng hapon sa Agosto 15, 2007. Kung ipadadala sa email, isama bilang attachment (sa format na MS Word document) ang akda at ang sinagutan at nilagdaang pormularyo ng KWF.
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
G/F Watson Bldg., 1610 JP Laurel St.Malacañang Palace Complex, San Miguel, Maynila
Tel. Blg. 7363832 /email add:gawad2007_kwf@yahoo.com
NOTE/UPDATE: KWF changed the original deadline from July 27, 2007 to AUGUST 15, 2007.


