Gadhafi
yumuko ako na tila sumasamba
sa isang vitruvian man
sa kama na bagong bihis
ang bedsheets, ang kumot at unan
na pinabanguhan ko ng Downy
nang aking nilabhan
patay ang dis oras ng gabi kung saan
di nanggagambala ang tahol ng adhan
pumikit siya animo’y nagsasaulo
ng paboritong berso ng surah
bagong hugas ang kanyang talampakan,
ang kanyang paa, ang kanyang tuhod
at malambot ang mga balahibo sa kanyang dibdib
ilang sandali ang lumipas
tila asong ulol na umungol
simbilis ng mga pangyayari
sa brutal na flash news sa telebisyon
Gadhafi is dead. The dog is dead.
Khalas, wika niya nang iangat ko ang aking mukha
at bago mag-amoy Clorox
ang kanyang tamod sa aking bunganga
basang-basang pa ang titi niya ng laway
nang isuot ang kanyang puting thawb
nagmadali syang umalis
bitbit ang kanyang shemagh at kufiyah
pati ang kanyang puso
ni wala siyang iniwan kundi upos ng yosi sa ashtray
katabi ang di nahigop, malamig na kape
ako’y hubad, naupo sa gilid ng kama
in-on ang water heater at inabot ang tasa
muling magtitimpla ng mga alaala
Kasalukuyang OFW na nakabase sa Saudi Arabia si Jack Alvarez. Naging fellow sa 9th UST National Writers' Workshop noong Abril 2008 para sa Filipino Poetry. Founding member ng Dapitdilim Fellowship of Writers.
vitruvian, yung drawing ni
vitruvian, yung drawing ni leonardo. it's a blend of art and science. parang sketch sya ng isang male human body proportions.
salamat sa puna: pag-iisipan ko. maaaring tama ka.
'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga
-
Madaling lunukin (pun intended) ang tulang ito. Partikular kong naibigan ang ginawa mong paghahambing sa pagitan ng aso at taong katalik ng speaker, mula sa mga salitang nagsasalarawan sa kaniyang kapareha ("mabalahibo", "di nagagambalang tahol", etc), hanggang sa pagpapahiwatig kung ano, most likely, ang pamamaraan at gawi nito sa pakikipagtalik. Lubhang naging epektib ang correlation na ito sa puntong nagkaroon ka ng reference sa tampok na balita sa telebisyon, "The Dog is Dead", kung saan sabay na implied ang matagal na palang namumuong suklam sa bahagi ng tagapagsalita.
Minor note lang, siyempre may pagka-cliche na ang paggamit mo ng "amoy-Clorox" sa pagsasalarawan ng tamod. Gayunman, naunawaan ko ang intensyon mo, again, sa pagke-create ng correlation sa "bagong bihis na bedsheet", "downy", at iba pang pagtatangka ng mga tauhan para sa "superficial na kalinisan" (ergo, paglilingid ng kanilang "kasalanan"), lalo na at isi-situate ang scenario ng tula sa cultural context ng middle east. Kumbaga, 'yan ang challenge mo para sa akdang ito.
'Yon lang po. More power, Sir.
maraming salamat,
maraming salamat, allanjohn...
dami ko nakuhang tips seo ah.
'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga
A great work! Super vivid
A great work! Super vivid po. :)
thank you po sa pagsilip
thank you po sa pagsilip at sa appreciation...
'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga
NICE ONE!
Ramdam ko ang bawat galaw ng salita sa akdang ito...
"nagmadali syang umalis
bitbit ang kanyang shemagh at kufiyah
pati ang kanyang puso"
at
"ako’y hubad, naupo sa gilid ng kama
in-on ang water heater at inabot ang tasa
muling magtitimpla ng mga alaala"
isang umaasa... munting pagpapahalaga... dahil di lang naman salapi ang tinutumbasan ng bawat natin pagsamba sa huwad na panginoon, sa dakong huli mananatiling parausan... isa na namang ala-ala.
maharot, malikot titik sa aking tuktok!
thx again...
ang hirap ngang i-explain yung feelings na parang wala lang pagkatapos.
yung tipong may nais ka o pagnanasa na 'sana' pero hindi talaga maaari.
bawal man o hindi lang talaga ito ang tamang pagkakataon, pero kailan ba?
isang alamat pa rin ang dalawang pinag-isa pati ang may lalang ng tinatawag nilang pag-ibig...






what is vitruvian? (sorry po
what is vitruvian? (sorry po engot kasi ako eh)
sa kama na bagong bihis
ang bedsheets, ang kumot at unan....
di po ba ang bagong bihis ay ang kama at hindi ang bedsheets, kumot at ang unan?
kaya dapt lang na: sa kama na bagong bihis ng bedsheet blah blah..or unless po na ang kama na bagong bihis ay hindi kaugnay ng bedsheet, kumot at unan...(wla po kasing bantas to determine if they are interrelated)
"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din"
http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/