Global Warning Lang Ba? O Kalikasan Ang May Gawa ?
Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin; mso-bidi-font-family:"Times New Roman"; mso-bidi-theme-font:minor-bidi;}
Para sa lahat po, gusto ko lang po ipabatid ang mga bagay na nagaganap sa ating mundo. Katanungan na hinahanapan ng kasagutan. Ang mga nangyayari ba ngayun ay sanhi lamang ng Global Warming ? or ito’y sanhi na ng galit ng kalikasan?.
Kung imumulat lamang natin ang ating mga mata lubos po natin mauunawaan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito . Mga pangyayaring hindi natin maipaliwanag, katulad ng pangyayari sa New Zealand, Japan, Mga kaguluhan sa middle East, Mga bansang Hindi naman binabaha katulad ng Jeddah at Riyad bakit ngayun inuulan at binabaha na?, at marami pang ibang pangyayari.
Subukan ninyo pong basahen ang nakatala sa Banal Na Kasulatan Mateo 24:3-14
( Sumaaking isip, sumaaking labi at sumaaking puso ! Amen)
Noon, si jesus ay nasa Bundok ng mga Olibo. Habang siya’y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “ Kailan po ba mangyayari ang mga sinasabi ninyo? Ano po ba ang magiging palatandaan ng inyong muling pag paparito at ng katapusan ng mundo?”
Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Maraming paparito sa pangalan ko at mag papanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw. Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba’t ibang dako. Ngunit wag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama’t hindi pa iyun ang katapusan ng mundo. Maglalaban- Laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. ANG LAHAT NG ITO’Y PASIMULA PA LAMANG NG MGA PAGHIHIRAP NA TULAD NG ISANG BABAING NANGANGANAK.
Sa mga panahong iyon, kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pag sunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, at dahil dito’y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at mag tataksil sa isa’t isa. Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. Ang kasamaa’y lalaganap, kaya’t manlalamig ang pag-ibig ng marami.
NGUNIT ANG MANANATILING TAPAT HANGGANG WAKAS ANG SIYANG MALILIGTAS. Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balita tungkol sa PAGHAHARI NG DIYOS upang ang lahat ng bansa ay makarinig nito. At kung maganap na ito darating na ang katapusan.
Ang Banal Na Kasulatan na iyan ay isang Tanda na maaaring nandito na ang ating Panginoon. Dapat Ba Tayong matakot? O Dapat ba tayong Mabahala? Hindi! Dahil sa kanyang pangako na ANG MANANATILING TAPAT SA KANYA HANGGANG WAKAS ANG SIYANG MALILIGTAS. Kahit anong pag-iisip natin ang mga pangyayari ngayun ay hindi gawa ng tao or sinadya ng tao, ito’y mga pangyayari na ayaw man natin o gusto ito’y magaganap at nakasulat .
Kaya po ito’y isang panawagan sa lahat ng mga tao sa mundo, sa lahat ng tao na nakakalimot na sa kanya, sa lahat ng mga taong makasalanan, sa lahat ng tao na walang puso, sa lahat ng mga taong mapag kunwari. Huwag natin hintayin na hatulan tayo ng DIYOS , lagi natin isipin na ang ating hininga ay galing sa ating Kataas Taasang DIYOS na Makapangyarihan sa lahat, Walang sinuman ang may karapatang kunin sa atin ito , kung hindi ang Ating Diyos Lamang.
Isang Panawagan na MAGBALIK LOOB NA TAYO SA KANYA, GUMAWA NA TAYO NG MGA KABUTIHAN SA ATING KAPWA, TALIKDAN NA NATIN ANG LAHAT NG MGA MASAMANG GAWAIN. Gawin na nating makabuluhan ang ating buhay sa pag gawa ng kabutihan .Matakot tayo sa kanya, isipin natin na hanggang sa kahuli hulihang sandali ng ating buhay siya pa rin ang huhusga. At kung ano mang kasalanan ang ating nagawa isipin natin na paulit ulit niya tayong papatawarin, kaya’t hindi pa huli ang lahat MAGBALIK LOOB NA TAYO SA DIYOS. Napakasarap mabuhay na puno ng pag-ibig, gumagawa ng kabutihan at naglilingkod tayo sa kanya.
Manalangin tayo lagi sa kanya ng mataimtim, mararamdaman ninyo ang kanyang presensya na nandiyan lang siya sa ating puso. Halimbawa ng ating panalangin..
Mula sa kataas taasang Ama at Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Unang Una po ay nag papasalamat kami sa lahat ng biyaya, gabay , at patnubay na inyong binibigay sa aming buhay, Lubos po naming pinasasalamatan ang magandang kalusugan na inyong binibigay, lahat ng lakas at pagpapala na aming natatanggap sa aming pang-araw araw na buhay. Mulit muli po kami’y nag susumamo at humihingi ng kapatawaran sa lahat
Ng aming nagawang kasalanan, kung kami po’y nag kasala sa aming isip, sa salita at sa gawa , kami po’y inyong patawarin, at kung minsan po’y kami’y nakakalimot sa iyo, ito’y po’y hinihingi namin ng kapatawaran. At sa huli’y hinihiling po namin na kami’y iyong laging patnubayan, at gawing matatag sa lahat ng tukso, at pagsubok na darating sa aming buhay, isinasamo rin po namin na kami’y bigyan ninyo ng ibayong lakas upang mapag-tagumapayan naming ang lahat ng pagsubok at tukso na darating sa amin.
Ipinapanalangin po namin ang lahat ng tao sa sanlibutan, mga taong may karamdaman, mga taong nakakalimot na sayo at sa lahat ng taong patuloy na gumagawa ng kasalanan, at ang lahat ng tao na kasalukuyang biktima ng galit ng kalikasan, at mga tao’y kasalukuyan nasa mabigat na pagsubok. Ipinapanalangin po namin ito sa pamamagitan ng kataas taasang AMA, NG INA, AT NG ANAK AMEN !
Lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan . Tanging si LORD lang ang nakakabatid ng lahat…



kalikasan ang may
kalikasan ang may gawa..................sa paglipas ng panahon ay may pag iiba talaga..