GNA-Gakuen No Ai
..(^0^)..hehe..
GAKUEN NO AI
KABANATA 1
“ Magandang umaga! Transferee ka di ba? Ako nga pala si Charity. Ikaw, anong pangalan mo?” Masayang bungad ng isang magandang babae habang naglalakad mula sa pintuan ng kanilang silid-aralan, maputi ito at may kahabaan ang matingkad na buhok.
“ Ha?” Tila nagulat na sabi nito. Hindi ito makapaniwalang nilapitan siya nito. Malalim ang iniisip niya nang dumating ito. Sa ayos niyang iyon walang mag-aakalang may gustong makipagkilala sa kanya. May kakapalan ang salamin nito, medyo magulo ang lampas balikat na buhok at maraming acne marks sa noo. Mukha talaga siyang galing sa sinaunang panahon.
“Anong pangalan mo?” Ulit nito. “ Huwag kang matakot di kita kakainin.” Nakangiti pa ring sabi nito.
Napilitan itong ngumiti. “Hindi naman sa ganoon.” Anito sabay tawa ng mahina. “Ako nga pala si Roan. Galing ako diyan sa kabilang state university sa kabilang kanto.”
“Ah…” Napatangong sabi nito. “E, anong ginagawa mo rito? Ayaw mo bang kumain sa canteen? Malungkot dito sa classroom, mamaya pa darating ang mga kaklase natin.”
“Ayos lang ako. Busog pa naman ako” Medyo naiiritang sabi nito. “Ikaw? Baka hinahanap ka na ng mga kasama mo.” Nginitian lang siya nito. “Bakit?”
“Minsan lang ako may kasama, kadalasan mag-isa lang ako at dito ako tumatambay.”
“Ha?! Parang ayokong maniwala sa’yo. Sa ganda mong ‘yan wala kang kaibigan?” Wika nito na napangalumbaba pa. “Emo ka ba?” Naisaloob nito.
“Mayroon naman pero hindi hindi ako ganoon kalapit sa kanila.”
“Boyfriend?” Mabilis niyang tanong.
Napatawa ito. “Wala rin.”
Napatitig si Roan dito. “Ow? Di nga?” Pang-aasar nito. “Tama pala lahat ng impormasyon nila sa’kin tungkol sa’yo.” Naisaisip nito.
“Totoo.” Paniniguro nito. “Mas gusto kong mag-isa at gawin ang mga personal kong hilig. Ayoko kasi sa mga trip ng mga kaklase ko. Pero sabagay, kanya-kanyang trip naman ‘yan.”
“Tama ka diyan. Sa totoo lang nami-miss ko na nga ‘yong mga kaibigan ko sa kabila.”
“Huwag kang mag-alala, makakahanap ka rin ng mga kaibigan mo rito.” Tumigil ito sandali. “Ako? Ayaw mo ba akong maging kaibigan?”
Hindi sumagot si Roan at sa halip ay tinitigan lang ito. “Ako? Baka magsisi ka sa huli.” Naisaisip niyang muli.
“Ayaw mo?” Dismayadong tanong ni Charity.
“Hindi, hindi, hindi.” Kaway nito ng mga kamay na tila ba nakonsensiya. “Gusto siyempre. Pero hindi ka ba nahihiya na maging kaibigan ako? Kita mo naman ang itsura ko.” Puna niya sa sarili. “It’s either they’ll name me Betty La Fea or call me four eyed. Or…” Napaisip ito. “Whatever.”
Nangiti ito. “Hmmm… Nega ka naman. Bakit ako mahihiya? At isa pa, ba’t mo naman nilalait ang sarili mo? Think positively. Hindi lang panlabas ang kagandahan.”
“Ako naman ay sanay na.” Napaisip ito. “Teka! Anong sanay? Hindi pa ako nalait sa itsura ko at wala pang nang-api sa’kin ang pinalampas ko. Wala silang karapatan. Pero kailangan kong magtimpi. Ang tanong, kakayanin ko kaya?”
“Roan, anong iniisip mo?” Untag ni Charity.
“Ha? Wala,wala.”
“ Kung ganoon. Simula ngayon, friends na tayo.” Masayang sabi nito. Naglahad ito ng kamay.
Nakipagkamay naman si Roan dito. “Salamat sa alok mo sa’kin”
“ Ano ka ba? Wala ‘yon.”
Malapit nang magsimula ang panghapong klase kaya parami na ng parami ang bumabalik sa kanilang silid. Bumalik na rin si Charity sa upuan nito na nasa likuran lang ng upuan ni Roan. Dumating ang guro kasama ang isang estudyante. Napalingon si Roan at napansin na nagkalabitan ang mga babaeng kaklase at nagbubulungan. Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga mukha ng mga ito.
Lihim na nangisi si Roan. “ Ang landi ng lola mo. ” Nilingon nito si Charity pero nagkibit-balikat lang ito habang nangingiti sa asal ng mga kaklase.
“Good afternoon class!” Bati ng babaeng guro na nasa edad 30 pataas. Nakauniporme ito ng kulay dilaw na bestida na hanggang tuhod lang.
“Good afternoon ma’am!” Tugon ng mga estudyante.
“You have a new classmate. Actually, not really new because he was just late in enrolling. You know him right?’’
‘’No ma’am.” Biro nila.
Napaismid ang guro. “You’re kidding.”
“Ma’am, introduce ulit kasi may bago. Kanina nga makailang ulit kaming nagpakilala.” Wika ng isang lalaki sa likuran na nagtaas pa ng kamay .
“Oo nga ma’am.” Sulsol pa ng mga kaklase.
“Alright Mr. Sanil. Introduce yourself.”
Seryoso ang mukha ng lalaki, hindi ito galit pero halatang hindi nito nagustuhan ang pinapagawa sa kanya. “Good afternoon. I am Sasuke Ryu Sanil.” Pakilala niya sa sarili.
“Position?” Sigaw ng isang lalaki uli sa likuran.
“Enough.” Awat ng guro. “You may seat.” Utos niya rito.
Nakapangalumbaba si Roan habang lihim nitong sinundan ng tingin ang bagong dating. Lihim itong napapangiti ngunit hindi niya iyon ipinapahalata. “Siya lang pala. Akala ko mabubulilyaso ang misyon ko rito. Hay naku, pagkatapos nito ayoko na talaga. Ba’t naman kasi ito pa ang naisipan nilang ipagawa sa’kin? Lalagutin talaga ako kina mama nito.”
Napabuga ito ng hangin bago pumunta sa likurang upuan kung saan nakaupo ang lalaking sabat ng sabat sa kanya. Nang magsimula ang guro ay kinalabit naman ni Sasuke ang kaibigan nito na katabi lang niya.
“Sino bang bago? Baka pinag-ti-trip-an n’yo na naman ako.”
Nangiti ito. “Ayos ba?” Inginuso nito ang isang kaklase. “Si Betty.”
Tiningnan nito ang tinutukoy ng kasama. Nakatalikod ito pero kita pa rin ang kalahating bahagi ng mukha nito. Nakalugay ang medyo kulot nitong buhok, medyo malapad din ang salamin nito at mahahalata ang mga marka ng mga taghiyawat nito sa mukha.
“Isa lang pala” Wika nito. “Mukha siyang galing sa makalumang panahon. Pero parang matalino rin.”
“Tumpak! Kaya nga Betty ang tawag namin d’yan. Tama ba?” Nagkukumbida pa nitong sabi.
“No comment.”
“Quite .” Biglang sabi ng guro. “Zander ang Sasuke, what are talking about? Would you like to share it to the class?”
“Nothing ma’am.” Dueto nila.
Napatingin ang mga kaklase sa kanila nang nakangiti maliban kina Charity at Roan. Nagkatinginan na lang ang dalawang lalaki.
“Ahh…” Napatangong wika ni Roan. “Heartthrob pala, ha. Sabagay.”
Uminom ito ng tubig at kumain ng biskwit na nakalapag sa harap nila ni Charity. Gayoon din ang ginawa ni Charity. Nasa kantina sila noon para sa pananghalian.
“Pero kahit na ganoon kahit kailan di ko pa siya nakita na may kasamang babae o pinapakilalang kasintahan niya.”Napasimangot ito. “In fairness, he has the discipline.”
“And the attitude.”
Napahagikhik si Charity. “Walang hiya ka!”
“ Bakit hindi ba totoo? Sabihin mo lang.”
“Malay ko ba!”Natatawang sabi nito. “Wala akong pakialam sa kanya. He’s not my business anyway.”
“I think he will be.” Napapatangong sabi nito. “Soon.”
“Tumigil ka nga.” Saway niya rito. “Magkaklase na kami simula pa noong elementarya kami pero ni minsan ay wala akong nakitang interes sa’kin ang taong ‘yan.”
“Inaantay mo ba naman?”
“Ano?!” Kunot-noong sabi nito pero medyo namula ang mukha niya sa sinabi nito. “Para san naman?”
Maluwag ang pagkakangiti ni Roan. “Okay. ‘Yan ang sabi mo e.” Uminom ito ng tubig. “No secret will not be revealed Charity. I know it.” Naisaisip nito bago tiningnan ang grupo ni Sasuke sa hindi kalayuan.
Sa isang bahagi naman ng kantina ay masayang nagkukuwentuhan sina Sasuke.
“Ang lakas talaga ng trip mo, pare. Sana nga lang di ka karmahin.” Natatawang sabi ni Zander.
“Pagdating ng araw na iyon, alam kong kasama kita.”
Lumakas pa lalo ang tawanan nila.
“Daryl.”Pabulong nitong tawag. Isenenyas nito si Sasuke.
Gumana na naman ang kalokohan ng dalawa. Lumapit sila kay Sasuke at biglang pinalo ang balikat nito.
“Ang lalim ng iniisip mo a. Sino na naman ba? Siya na naman ba?” Usisa ni Zander.
Natauhan si Sasuke. “What’s new to that?”
“In-english na naman ako Daryl.” Baling nito sa kasama.
“What?” Sakay niya sa biro nito.
“Nothing.” Sabay niya sa mga ito.
“Ewan ko ba kasi sa kasama nating ‘to kung bakit hindi pa n’ya ligawan. Kung tutuusin malaki ang pag-asa niya doon.” Naiiling na sabi ni Zander.
“Paano ka naman nakakasiguro?” Ani Daryl.
“Alam mo, expert na ako diyan. Ilang babae na ba ang nakarelasyon kong paiba-iba ang personalidad?” Pagmamayabang niya.
“10.” Mabilis na sagot ni Daryl.
Umiling si Zander. “Mali.”
“17.” Pagtatama ni Sasuke. “Since grade 5 hanggang ngayong Senior High.”
“Ang galing! Pa’no mo nalaman?” Kuryosong tanong ni Zander.
“Madali lang. Nagpalit ako ng sim 17 times dahil kinukulit ako ng mga babae mo.” Mahinahon at seryosong sabi nito.” Natigil ito nang tumunog ang cell phone nito.
“Speaking of.” Wika ni Daryl.
“Sino muna ‘yan? Kailangan muna nating makasiguro.”
Tiningnan ito ni Sasuke. “Confirmed, it was number 18.”
“Napakababaero mo talaga.” Ani Daryl.
“As if naman di ka rin babaero.” Depensa nito.
“Oo nga. Pero at least ako every year lang. May isa ngang tumagal pa ng dalawang taon.”
“Nakailan ka na ba?” Panunudyo nito. “Anim ba?”
“Anim nga pero seryoso lahat ng iyon. Ikaw 18 nga pero wala ka namang sineryoso” Katwiran nito. “Linggo-linggo ka yata magpalit.”
“Lahat naman kasi ng relasyon niyo may third party. Sino ba naman kasing matino ang magsasabay-sabay ng tatlong babae?” Sngit na rin ni Sasuke.
“Siya lang ‘yon.” Turo ni Daryl kay Zander.
“Ikaw Ann? May nanligaw na ba sa’yo?” Balik ni Charity ng tanong.
Hindi ito makasagot pero hindi rin naman ito nahalata ni Charity dahil kumakain siya nang tanungin siya nito. Kamuntikan pa itong mabulunan pero nakontrol niya ang sarili. “Bulag lang ang gagawa noon.” Tila may pagmamalaki pang sabi nito.
Sumilay ang awa sa mukha ni Charity at tila nakonsensiya rin ito. “Huwag ka namang ganyan. Hindi naman lahat ng tao panlabas na anyo lang ang tinitingnan.” Pampalubag-loob nito.
Ngumiti lang ito. “Kung alam mo lang Charity, kung alam mo lang.” Naisaloob nito. “Ano ka ba? Seryoso ka ba? Di naman ako naghahanap e.”
Napasimangot ito.
“Don’t think about it and never talk about it. Hindi ako interesado sa mga ganyang usapan.”
Samantala, may mga estudyanteng dumating mula sa kabilang unibersidad. Hiningan lang ang mga ito ng guwardiya ng I.D. at pinayagan din silang makapasok. Anim silang lahat, tatlong lalaki at talong babae, maporma sila pero napakaseryoso ng kanilang mga mukha na nagbibigay ng kakaibang awra sa mga tao sa paligid. Palinga-linga pa ang mga ito na tila may hinahanap habang naglalakad patungo sa loob ng gusali.
Naagaw ang atensyon ni Roan at Charity nang may mga estudyanteng nagmamadaling pumasok sa kantina at dumiretso ng basta-basta kina Sasuke. Bumulong ito at saka naman tumayo sina Sasuke.
“Gulo na naman ito.” May pag-aalalang sabi ni Charity.
“Like the usual.” Dugtong ni Roan na tila walang pakialam.
“Ano?” Wika ni Charity.
“Wala. Tara na nga sa taas.” Bigla ay aya nito.
“Sige.”
Magkasunod na lumabas sina Sasuke at sina Charity. Halos sabay rin silang naglakad sa parehong ruta. Laking gulat na lang ni Roan nang makita kung sino ang nasa bukana ng hagdanan. Sina Sasuke na ang kumausap sa mga ito.
“Uy! Kumusta?” Bati ng lalaking kausap ni Sasuke nang mapansin sila.
Napatingin ang mga estudyante sa direksyon nila. Maging si Charity ay nagtatakang napatingin sa mga ito at kay Roan.
Hindi sumagot agad si Roan. Tinitigan niya ng matalim ang lalaki. “Hay…kainis ka Marky. Plano mo ba akong ibuking?.” Inis na naisaloob nito. “Humanda ka sa’kin kapag nagkita tayo ulit.”
“Kumusta magandang binibini?” Bigla ay pag-iiba nito at ibinaling ang atensyon kay Charity.
“Ako ba ang kausap mo?” Tanong nito.
“Sino pa ba sa tingin mo? May iba pa ba?” Bara niya.
Napataas ang kilay ni Roan. “Ang kapal nito.”
“ Sorry ha pero hindi ako nakikipag-usap sa mga sanggano.” Mataray nitong sabi.
Lihim na nangiti si Roan maging ang grupo ni Sasuke. Ang totoo may itsura din naman ang kaibigan nito at hindi basta-basta iyon.
“Ouch! Marky, binasted ka agad?” Biro ng kasama.
“Tumigil ka Reive, baka uminit ang ulo ko sa’yo.”
“Sorry boss.” Patuloy pa rin nito.
Bumaling uli ito kay Charity. “May kailangan pa kaming gawin kaya mauuna na kami.” Ani Charity.
Nginitian ni Roan ang mga lalaki. “Bye Marky! Learn your lesson. Nice Reive.” Naisaloob nito. Sinenyasan naman niya ng palihim ang mga babaeng kasama nito.
Pumanhik ang mga ito patungo sa kanilang silid habang naiwan sina Sasuke roon.
“Ipagpaumanhin ninyo pero kailangan niyo na ring umalis.” Ma-awtoridad na sabi ni Sasuke.
Hindi sumagot si Marky at sa halip ay sinenyasan ang mga kasama. “Babalik uli tayo sa susunod. Nakita na natin ang pakay natin.”
“Ang galing mo Charity!” Puri ni Roan dito. “ Hindi ka ba natakot?”
“Hindi masyado.”
“Alam ko. Kasi nandoon ang taong hinahangaan mo di ba? Alam mong hindi ka niya pababayaan.” Naisaisip niya.
“Kilala mo ba ‘yon?” Pag-iiba nito.
“ Ha? Hindi a.” Mabilis nitong tanggi.
“Akala ko kilala mo. Pakiramdam ko kasi ikaw yung tiningnan at hindi ako.”
“Akala mo lang ‘yon.”
Natahimik sila saglit.
“Oo nga pala! Bakit nandoon ang mga lalaking ‘yon?” Tukoy niya kina Sasuke.
“ Sino? Sina Sasuke ba? Siya nga pala ang president ng Student’s Government. Marunong naman siya, maraming napapatupad.”
“Dapat lang.”
“Sa kabilang university sino ang president n’yo?”
Nanahimik ng ilang segundo si Roan.
“ Nag-resign siya ngayong school year. Pero may pumalit na bago. Iyon nga lang at di ko kilala.”
“Kung ganoon graduate na siya.” Konklusyon nito.
“Oo.”
“ Sa tingin mo sino iyong pumalit?”
“ Iba ang taon ng pag-aaral doon at dito. Sa Highschool di ko kilala pero sigurado senior, sa college junior.”
“ Ang galing, siguro matalino ano? Gaya ni Sasuke.”
Nangiti ito. “Hangang-hanga ka talaga sa kanya, ano? Pupolar din siya at may utak rin pero hindi talaga siya masino. Lagi siya sa opisina at hindi nagpapakuha ng live interview o kahit litrato man lang. Isa rin siguro sa nagpanalo sa kanya ay ang reputasyon ng pamilya niya at ang impluwensya ng ama niya.”
“ Kung ganoon pa’no siya nai-interview?”
“ World wide web. Networks.”
“ Napaka-aloof pala niya.”
“ Hindi rin. Very private lang.”
“ Home schooled ba siya?”
“ Sa tingin ko hindi. Lahat ng files niya highly confidential. Walang mag-aakalang siya ang presidente dahil wala sa itsura niya at puwede naman siyang mag-deny.”
Napatango na lang si Charity. “ Teka nga, akala ko ba di mo siya kilala. Ba’t ang dami mong nalalaman ngayon?”
Ngumiti ito. “ Sinabi ng mga kasama kong nandoon. Mahilig kasi silang mag-imbestiga kaya ganoon.”
..what do you think?
WOW!
I love the Live-action of that anime!
same
..me too..have you watched hidarame tantei eye?.try to check that..that was nice also..
Not yet
but im gonna check it for you :)



Hi!
Have you watched Gakuen Alice Academy?