God Gave Me You
1
Morning. Suarez residence
GEE: Good morning my family! (masayang bati sa pamilya Suarez)
BRIAN: Ate Gee, kain. Kuya Bob, andito na si my sister in law.
Darating si Bob na nakabusangot ang muka...
GEE: Hello Bob. Good morning!
BOB: Makikikain ka lang may pag good morning ka pang nalalaman.
MOM: Kamusta yung lakad mo nung isang araw, Gee?
GEE: Ay naku po! Buti napaalala niyo....(nagkwento with feelings si Gee nguni't ganun pa man, di ito nakakalimutan ang pagkain. naunahan pa sa pagtuhog ng hotdog na sana'y inaabot ni Bob. natawa si Brian sa kuya)
Magpapaalam ang tatlo sa mga magulang ni Bob para sabay sabay na pumasok.
2
Malapit sa nakabukas na bintana ang upuan ni Bob kung kaya kadalasan imbes na makinig sa klase ay naglalagbay ang isipan nito kung saan saan.
GEE: Bob! Bob! Hey! (nagkakaway si Gee sa baba makuha lang ang atensyon ni Bob)
Maya maya ay dumating na ang security guard na hinabol si Gee across the grass. Nagtawanan ang mga kaklase ni Bob at ang iba nga'y gave her encouragement to run faster.
"Takbo Gee!"
Araw araw ganito ang senaryo sa buhay ni Bob. Darating si Gee sa umaga, makikikain at aagawan siya ng kakainin. Dahil kulang sa kinain, kadalasang wala sa mood mag aral si Bob kaya araw araw Gee would create a scene like this and Bob would have a time to sleep.
Una niyang nakilala si Gee nang magka recollection sila sa isang kumbento sa Tagaytay, nagtatrabaho sa kusina ito nang unang makita niya. Aaminin niya, maganda si Gee pero naiingayan siya sa pag uugali nitong mabungisngis. Nakukulitan rin siya at sa tuwing makikita ang dalaga pakiramdam niya'y magugutom na naman siya.
Nakakatulog na si Bob nang may marinig,
"Bye Bob! I will never forget you"
Naalimpungatan. Di malaman kung nanaginip nguni't pagdungaw sa bintana wala nang mga guard na nagtatakbo at halos nakaupo na rin lahat ng kaklase. Pati si Gee is nowhere in sight. Tiningnan ang relo, masyado pang maaga para matigil ang kakulitan ni Gee sa pakiwari niya. Something is not right, he though.
3
Pagkatapos ng klase, nangangati ang mga paa at di mapakali si Bob gusto niyang silipin ang detention room kung saan kadalasan dinadala si Gee pag nahuhuli siyang nang iistorbo ng klase. Padungaw dungaw sa maliit na bintana sa pintuan itong si Bob, ayaw magpahalatang may hinahanap.
TEACHER: Oh Bob, anong himala?! Parang naliligaw ka ata?
Pagkabukas ng pinto mas maigi na nasilip ni Bob ang loob ng Detention. Wala si Gee sa loob.
TEACHER: Wala siya dito. Hindi na siya babalik. You should be proud of yourself.
Nagulat si Bob sa narinig, "hindi na siya babalik"
Dun na lamang nalaman ni Bob ang buong katotohanan sa pagkatao ni Gee. Nagmadaling umalis si Bob papunta sa babaeng kasagutan pala ng mga dasal niya.
4
Nagmamaneho ng sasakyan si Bob nang paulit ulit na maisip ang sinabi ng teacher at mga estudyante sa detention room:
TEACHER: Alam mo ba Bob na hindi tiga dito si Gee?
STUDENT1: Ang weird diba? Araw araw andito siya considering she doesn't even go here.
TEACHER: Pero sabi ni Gee she's on a mission and she's here representing God's Love.
STUDENT2: Oo nga, palaging yon ang sinasabi niya pag tinanong mo siya kung baket nag tatravel siya for 3 hours para lang sa isang taong wala naman pakialam sa kanya.
STUDENT1: Tapos sasabihin niya, "im on a God's mission"
TEACHER: Natanong ko siya dati, baket lagi kang nangugulo sa harap ng klase nila Bob? Sabi niya kasi raw alam niyang hindi ka nakakain ng maayos kaya inuubos niya yung oras nung teacher niyo para after non break time na.
(magtatawanan ang tatlo)
5
Nagsusukat nang damit pangkasal si Gee, ngayon kasi ang araw na ikakasal siya sa Dios.
MOTHER SUPERIOR: Nakita mo ba ang hinahanap mo?
GEE: Opo mother. Mabait po siya at kasing bait po niya ang mga magulang at kapatid niya. Natutuwa akong matanto siya sa buhay kong ito.
MOTHER SUPERIOR: Naging masaya ka ba?
GEE: Opo. Masayang masaya.
MOTHER SUPERIOR: Kung masaya ka baket ka bumalik?
Nag iba ang reaksyon ni Gee at kahit wala itong sabihin alam ng mother superior ang dahilan ng malalim na pagbuntong hininga nito.
Napangiti na lamang si Gee sa salamin at sa mother superior.
6
Tatlo silang ikakasal sa Dios ngayong araw at habang hinihintay sa oras ng pag iisang dibdib nag dasal muna si Gee sa simbahan suot ang gown na kaninang isinusukat. Mukhang anghel na bumaba sa langit si Gee kung kaya't nang makita siya ni Bob ay natigilan muna ito bago nakapagsalita,
BOB: Gee...
Nagulat si Gee sa boses na narinig at kahit hindi pa man lingunin alam na niya,
GEE: Anong ginagawa mo dito? Kasama mo ba sila tita? Si Brian kasama mo ba sila?
(nasasabik niyang itinanong)
Dahan dahan siyang nilapitan ni Bob na tila ngayon lamang siya nito nakita. Sa araw araw na dumadating si Gee sa bahay nila, ngayon lamang ni Bob nakita ito nang malapitan.
GEE: Bob? Okay ka lang?! Uuyy....
(playfully slaps his left cheek)
Nagulat si Gee nang hawakan ni Bob ang kanyang kamay. Sunod na hinawakan niya ang pisngi.
GEE: Bob...anong?
Hindi nakapagsalita si Gee nang pigilan ng daliri nito ang pagbukas ng kanyang labi. Nararamdaman ni Gee ang pagkabog ng dibdib, ang bawat pag dampi ng balat ni Bob sa kanya ay nagdudulot ng 8000 volts na kuryente sa buong katawan. Natatakot siyang gumalaw. Hindi alam ang gagawin, napapikit na lamang.
Nakatingin sa labi ni Gee si Bob. Hahalikan na sana niya ito nang lumihis si Gee,
GEE: Ikakasal na ako.
BOB: Gusto mong maniwala ako sayo na mas mahal mo ang Dios kesa sa akin?
GEE: Hindi. Dahil kahit ang Dios alam niyang mas mahal kita kesa sa kanya.
BOB: So baket?
GEE: Bago kita makilala sigurado akong dito ang kinalalagyan ko, walang makapagbago ng isipan ko. Hindi ng mga kaibigan, hindi ng pamilya, wala ni kahit sino. Then nakilala kita. Sayo ko naramdaman ang pagtibok ng puso. Ang init nang pagmamahal ang kakaibang kasiyahan makita ka lang. Pero kahit anong gawin ko, hindi mo ko napapansin. Kahit araw arawin, hindi mo ako nakikita. Akala ko kapag nag pursige ako na isang araw makikita mo ang pagmamahal ko pero hindi. At humantong na nga hanggang sa araw ng kasal ko. Masaya ako na nakilala ko ang tanging lalaking mamahalin ko, masaya na akong mahalin ka.
BOB: Hindi!
Rinig sa buong convent ang sigaw ni Bob kung kaya't nagpuntahan ang mga madre sa simbahan.
BOB: Hindi ako religious na tao pero alam ko na ang Dios hindi siya madamot at lahat nang binigay sa atin ay may kalalagyan. Tulad yon ng pagmamahal mo. Pagmamahal natin.
GEE: Natin?
BOB: Naging mahina ako Gee. Natakot akong aminin na bago pa man kita makilala ay minahal na kita. Hindi ko alam kung paano or baket? Sa tuwing umaga gumigising ako dahil nanabik akong makita ka. Alam mo ba kung baket dun ako sa may bintana nakaupo? Dahil araw araw inaabangan ko ang panggugulo mo. Araw araw i make sure i eat a full meal the day before kasi alam kong kakainin mo yung last hotdog....everyday. Nung sinabi sakin na hindi ka na babalik after that day.....para akong nabaliw....
Kahit hindi sabihin ni Gee alam ng mga madre na may ibang kasalan ang magaganap. Isang kasalan na ipinagtagpo at ipinagbuklod ng dios.
BOB: Gee, my life would have never existed if I hadn't have you. Ikaw ang buhay na nagbigay buhay sa pag ibig ko. At dahil dito, hayaan mong.....
(nagsimula lumuhod sa isang tuhod si Bob na ikinagulat ni Gee at lalo pang ikinagulat nang makita ang buong congregation na nanunood na sa kanila.
BOB: Ikaw naman ang mahalin ko. Kaya sana, kung pahihintulutan mo na sana....dahil bata pa tayo, sa tamang panahon, maging kabiak ng puso at buhay ko?
GEE: Yes.
Sa tuwa di napigilang magtapos sa isang much awaited kiss.
THE END

