god must have spent a little more time on you

ellise dominic's picture

ten o'clock eksakto, out na kami ni benjo.  unahan sa pag swipe para makalabas agad ng opisina.  tradisyon na namin ang mag unahan sa paglakad pauwi.  parang may humahabol lang kaya nagugulat ang mga kasamahan namin na nauunahan namin sa daan.  "Oh, yan na ang tropang marathon," kantiyaw nila sa amin.  kahit nagmamadali kami nagagawa pa rin naming mag tsismisan at magtawanan, "Ang hirap hindi ako kumota," ang palagi naming daing.  pero kahit anong stress sa opisina pagdating ng uwian nawawala lahat dahil isang araw na naman ang natapos namin, isang araw na namang sweldo, isang araw na namang pang gimick para kay benjo. 

suki kami ng bus, crossing ibabaw, dahil pag ilalim ang sinakyan mo naku po goodluck naman sa iyo, aabutin ka ng limang taon sa trapik.  punuan ang mga bus kahit alas diyes na nang gabi.  sari-sari ang makakasakay mo, may mga nag oopisina dahil nakapalda, naka slack pants, polo at magagandang blouse, meron ding mga animo'y construction workers dahil mga naka tshirt, short na maong na warak sa tuhod at back pack.  meron ding mga lasing na suray suray, di malaman kung babagsak ba o sasandal, mayroon ding mga hindi mo mawari kung ano at saan galing basta isa lang ang sigurado uwian na naman.  kanya-kanya din ng ingay at demeanor ang mga makakasakay mo sa bus pag gabi, may maingay, may daldal nang daldal akala mo noon lang nakapagsalita, may mga sobrang tahimik aakalain mo na hindi na sila buhay dahil mata lang ang gumagalaw, may mga naka ismid, may mga walang pakialam, may mga sobrang pakielamera at may mga parang hangin lang mararamdaman mo pero hindi mo mapapansin.  

madalas sa hulihan na kami nakakaupo ni benjo, pag minamalas standing ovation ang drama ng lolo at lola mo.  isang gabi habang tahimik kaming nakaupo sa bandang likuran ng bus at nakatanaw kami pareho sa labas ng bintana, hinahangin ang mga buhok, sinasampal ng malakas na pasok ng hangin ang mga pisngi, napansin ko siyang napatingin sa akin. at mula sa kawalan, bigla siyang kumanta.  noong una akala ko ay may sinasabi lang siya na hindi ko marinig, dahil mahina ang dating ng boses niya sa lakas ng hangin at makina ng bus o dahil slow lang ako kaya hindi ko maintindihan.  may ilang minuto din akong parang tanga na nanghuhula kung ano ba ang pinagsasasabi niya hanggang sa marinig ko ang linyang "God must have spent a little more time on you," doon ko lang lubos na naunawaan na kumakanta pala siya.  

hindi ko alam kung matatawa ba ako o maluluha.  first time may kumanta bagaman hindi ko sure kung para sa akin nga, nakakatuwa pa ring isipin na ako ang kasama niya ng maisipan niya biglang kumanta na hindi naman niya normal na ginagawa.  hindi ko na tinanong kung bakit sya kumanta, hindi na rin ako umarte na parang kilig na kilig ako, basta dedma na lang.  malay ko ba kung nasapian lang siya kaya siya napakanta.  baka bigla niyang naalala ang girl friend niya. kung ano pa man ang dahilan niya ay hindi ko na nalaman hanggang ngayon.  tinuturing ko na lang na isa iyon sa mga nakakatuwang gabi sa buhay ko, parang magic. 

sa ngayon may asawa at anak na si benjo, araw araw pa rin kaming magkasabay umuwi, nagmamarathon pauwi, sumasakay ng crossing ilalim at nakikipag unahan sa daloy ng mga pasahero sa bus.  ang hindi niya alam ay mula nang gabing iyon ay naging paborito ko na ang kantang god must have spent a little more time on you dahil sa kanya.  para sa akin iyon ang una at nag-iisang kanta na may kumanta para sa akin.  hindi ko man nalaman kung ano ang totoong dahilan nun, masaya na rin ako dahil bukod sa nakikita kong masaya na siya, minsan sa buhay ko ay may isang parang baliw lang na inalayan ako ng kanta...  at hindi ko yun makakalimutan.


manhater.xxiv's picture

Cute. :)

manhater.xxiv likes your post. :)

 

http://forcedengineer.wordpress.com

 

ellise dominic's picture

manhater.xxiv

thanks...

aqueouscribe's picture

a tap on your shoulder para sa ending

but nonetheless, gusto ko to... ^.____.^

--------------------------

www.lapisatkeyboard.blogspot.com 

ellise dominic's picture

hello

thank you