Grayscale

“Ang arte mo!! Maarte ka lang talaga!”

“Ano?!? At ako pa ang maarte?” pagulat kong sinabi habang hawak ang isang “peace letter” ng kaibigan na hindi ko kinausap ng halos dalawang buwan. At bukod sa sulat na yon ay may nakaipit pa na ballpen na may “Butterfly” (which is my favorite) yung takip na blue ang kulay. Dahil yun din ang favorite color ko.

“Ano ‘to?”, sambit ko sa sarili ko, habang nagkakantsawan naman yung dalawang kaibigan ko na kasama ko sa opisina.

“Asus, as if naman na hindi mo alam” sabi ni Lailani.

“Ano pa? e di peace offering!” epal naman ni Roanne.

“Kinikilig naman ako sa inyo!” nakangiting sinabi ni Lailani habang nagtatype sa harap ng computer niya.

“O c’mon! wala yun! Nagpapapampam lang yun!” sabi ko naman na pilit itinatago ang ngiti habang itinatabi yung sulat at ballpen na bigay ni Edward.

Sino ba si Edward? Well, “friend” ko siya. Yan ang madalas kong sabihin kapag may nagtatanong kung sino ba si Edward sa buhay ko. Matagal-tagal na rin kaming magkasama. Halos ganun na namin kakilala ang isa’t isa. At sa lahat ng guys na kaibigan ko, siya ang pinakamalapit sa akin. Bestfriend kumbaga.

Magkasama kami sa work. Sabay kaming kumain, sabay kaming lumabas, lahat sa amin sabay. Sobra na kaming identified dito sa opisina na walang naniniwala sa amin na magkaibigan lang kami.

“Yeah right… sino niloko niyo? Kami? Anu yan? Showbiz?”

Yan ang common na reaksyon ng mga tao sa paligid. Kapag magkasama kami ni Edward, wala kaming ibang ginagawa kundi ang magtawanan. Masaya kami kahit saan kami magpunta. We have a lot in common. Pareho kami ng pinagkakatuwaan, pareho kami ng gustong kainin, etc. Pero, ang pinaka-pareho sa amin ay pareho kaming graphic artist. So most of the time, laging art-related ang ginagawa namin.

Marami nang pinagdaanan ang friendship namin ni Ed. Marami na kaming “silent war” at “silent argument”. Bakit puro silent? Kasi ‘pag nag-aaway kami, yung tipong walang kibuan at walang pansinan. Basta, bigla na lang ganun. Yun yung mga tipong hindi mo alam kung ano na naman ang ginawa mo at bakit nagalit sa’yo? Ganun. Ang labo noh? Well, ganun talaga.

Ang tanong ngayon, paano kami nagkakabati? It’s all with the help of Karina. “Kare’” as I call her. She’s Ed’s ate. Close kami ni Kare, at kung may pinag-uusapan man kami, kadalasan tungkol sa mga pinag-gagagawa namin ni Ed. Lalo na ‘pag may mga nangyayari sa aming kakaiba.

“Alam mo, never pang naging ganyan ka-comfortable si Ed sa ibang girls na naging kaibigan niya. Ewan ko ba, pero sa’yo lang siya ganyan.” as Kare would say.

E pa’no ba naman kasi, pag naautot siya alam ko. Magsasabi pa yan ‘pag nakakaramdam na siya ng call of nature. Alam kong sobra na sa isang magkaibigan ang ganun pero okay lang sa amin pareho. Alam din niya na kung dumighay ako parang lalake. Wala siyang pakialam kahit magdidighay ako maghapon. Ayos diba? Ang pagkain niya, pagkain ko rin at ang pagkain ko, pagkain din niya. Halos share kami ng kung anong meron kaming dalawa. Pareho kami ng ballpen, pareho kami ng binibiling lunch at marami pang iba. Ang weird noh?

Kilala kami ng parehong pamilya namin, at nagtatanong sila parati kung bakit hindi na lang maging kami.

“eh kasi, talagang hindi nga…” sagot ko kay Ate Andrea, nakatatanda kong kapatid.

“As in wala? Imposibleng wala kang nararamdaman sa kanya, lalo na’t madalas kayong magkasama. Don’t tell me na walang nade-develop na feelings…”
Hindi na ako nakasagot sa huling sinabi ni Ate. Ibang usapan na kasi yun e. Pero, hindi nga? Wala ba talaga akong nararamdaman? O talagang manhid lang ako?

Hindi ko masagot ang tanong na yan hanggang sa dumating ang isang araw na I really questioned myself “Why am I feeling this way?”

May outing ang kumpanya namin nun at syempre, as usual, magkasama na naman kami.

“Janns!” a familiar voice echoed to me.

“O, Ed. Andito ka na pala. Sino kasama mo?” tanong ko sa kanya, while carrying 2 bags of ice.

“Si Ate.” Sagot naman niya, sabay kuha dun sa bag ng ice na hawak ko.

Habang naglalakad-lakad ako, may bigla akong nakita. Tinawag ko agad si Ed.

“Oist! Andyan pala si Bianca. Uuy… ano naman ang feeling?”

Bianca Santelices is our HR manager, at nalilink siya kay Ed sa office. Marami ang nakakaalam na gusto rin siya ni Bianca. She’s pretty and smart and mas mataas ang position niya sa amin ni Ed. Ang alam ko, nagka-crush si Ed sa kanya before. Pero hindi niya mai-define sa akin kung ano ba talaga.

So yun nga, kasama namin si Bianca. Syempre, mega tukso naman ako sa kanya na sinegundahan naman ng mga mokong naming officemates.

“Achuchu! Kinikilig ka naman? Ha?” pangungulit ko sa kanya.

“Pwede ba Janina Marie, tigilan mo ako…” sinabi niya na may onting ngiti sa gilid ng mga labi niya.

“O guys, pray muna tayo for our safe trip” sabi ni Markee, officemate din namin.

Syempre, kung group prayer, hawak-hawak kami ng kamay. As usual, katabi ko si Ed at mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. May binulong siya sa akin.
“Alam mo, baka saksakin ako ni Gary ha. Masama na ang tingin dito.”

“Anu ba? Pwede ba Edward Gabaldon Francisco? Tantanan mo ‘ko!” naniningkit ang mata ko sa kanya.

Gary Chua is also a graphic artist, sa lay-out naman siya. Mas ma-ugong ang linkage ko sa kanya. Crush ko si Gary kasi mabait siya at gwapo. Marami rin ang may crush sa kanya sa office at marami ang nagsasabi sa akin na gusto niya rin ako. Although nagtapat naman si Gary that he likes me. Pero hanggang dun lang yun. Hindi siya talaga ang gusto ko eh.

Habang hawak ni Ed ng mahigpit ang kamay ko, I felt something different within me. Why is it that I am so contented and happy? Why am I longing for that touch all this time?

The day goes on, at hindi natapos ang buong maghapon na hindi nila tinukso si Ed kay Bianca which kasama din ako sa panunukso. Ganun din sila sa akin pagdating kay Gary na ginagatungan ni Ed. Pero ang magkasama the whole outing ay kaming dalawa ni Ed. How ironic noh? Until may lumapit sa amin ni Ed na couple na officemate din namin.

“Alam mo, para sa akin, marry your bestfriend” pabulong na sinabi ni Kuya Nat sa akin sabay turo kay Ed at kumalabit sa misis niya “Diba Hon?” Nakangiti namang tumango si Ate Terry na kumampi pa sa asawa.

“Nyek!” hindi kasi ako makapaniwala sa nadinig ko.

“Tingnan mo kami ni Ate mo, masaya kami, kasi we have known each other for a long time.” sabi ni Kuya Nat.
“You mean, mag-bestfriends din kayo? Parang katulad naming dalawa?” tanong ko sa kanya, habang namimilog ang mga mata ko at umuusok ang tenga ko para lang marinig ang sagot niya.

“Oo naman! Mas maganda nga kung yung bestfriend mo na lang kasi at least ganun niyo na kakilala ang isa’t isa. Hindi ka na mag-aadjust ng malaki.”

“Hindi nga Janna, pag-isipan mo yung sinasabi namin sa’yo. Tingnan mo lang.” dagdag ni Ate Terry.

“Ganun?” sabi ko sabay kamot ng ulo. “sige, I’ll try seeing what’s in store for us.”

We traveled back to Manila. It was a fun day. Sa pag-uwi, sabay ulit kami ni Ed. Is there anything new? Pero bago kami umuwi, nauna na sila Hanna sa amin. Tinapik ko ang balikat niya sabay sabi, “O, hindi ka man lang ba magpapaalam?”

“Ayan ka na naman. Tigilan mo na ako ok?” pero andun pa rin yung ngiti sa gilid ng mga labi niya.

Tumahimik na ako, iba na kasi ang pakiramdam ko ng mga oras na yun. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganun ang nararamdaman ko. Tahimik akong umuwi sa amin.

When I was about to go to sleep, tears fell from my eyes. I suddenly got up and cried. It was the hardest thing that I ever did. Ang umiyak ng walang dahilan. Syempre, tulog na si Ate at sila mama, ayokong magising sila sa pag-iyak ko. Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak, at tinatanong ang sarili ko:

“Bakit? Bakit ako umiiyak ng ganito? Anong dahilan?” tinatakpan ko ng unan ang mukha ko para walang makadinig sa paghikbi ko.

Bakit nga ba? Dahil nasasaktan na ako sa pagtukso sa kanya kay Bianca. Nakaramdam na ako ng matinding selos na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. In other words, I’m starting to fall in love with Ed.

Of course, I never told Ed about what I really feel. May pagka-conceited kasi siya eh. I don’t want to expect anything from him, pero hindi ko maiwasang mag-expect. Hindi ko na siya tinutukso kay Bianca. Ayoko lang saktan ang sarili ko.

Medyo may kadalasan na kaming mag-away at magbati. Ang dahilan: tungkol kay Bianca, tungkol kay Gary, tungkol sa palagay niya na hindi niya ako gusto dahil masyado akong malapit sa kanya na sabi-sabi lang ng iba, etc. Mga ganung bagay. Parati na lang ganun, at nagsasawa na ako.

Alam ko namang nakakahalata na siya sa mga kinikilos ko minsan. At alam ko na nakakaramdam na siya sa totoong nilalaman ng puso ko.
Naisip ko, ni minsan kaya, naisip niyang mahal niya pala ako na higit pa sa isang kaibigan? Naramdaman niya rin kaya yung nararamdaman ko? O talagang kaibigan niya lang ako? Minsan, gusto ko na siyang tanungin kung ano ba talaga kami, kung ano ba ang posisyon ko sa buhay niya, kung bakit ganun ang treatment niya sa akin. Pero yun ang isang bagay na hindi ko magawa, dahil natatakot ako. Higit sa lahat, babae ako and I have my own pride as well. Why would I go first?

Nagulat na lang ako one time sa party na pinuntahan namin, I was amazed sa reaksyon niya. Hindi ko akalaing ganun ang gagawin niya.

Nagpaparinig kasi siya about Bianca. Kausap niya kasi yung friend ni Bianca. Hello? I was in the same table where he and Bianca’s friend were talking. I was sitting beside Ed when he was bragging about Bianca’s text to him. Of course, naghihimutok na ang loob ko pero syempre, ma-pride akong tao so I just smiled and whispered to myself, “Eh yun naman pala eh. Why am I wasting my time being with you? Kung si Bianca din pala ang gusto mo? Lumalabas pa na isa akong M.H. (as in Malaking Hadlang) sa inyong dalawa noh?! And I don’t want to be a threat to any girl that he will pursue. All I could do is to stay away from him.”

Well, that friend of Bianca’s asked me kung kamusta naman kami ni Gary, unfortunately, Gary is texting me that time. So, I showed my cellphone to her presenting Gary’s text asking me out for a coffee at Starbucks after the party, which I did not accept but I lied and told her that I accepted the invitation.

Super kwento naman ako about Gary because that friend asked so many questions and she told me that our boss likes Gary for me. When I am about to tell the story during Gary’s birthday, dun na nagreact si Ed. He suddenly stood up and walked out of the table and went some place else.

Gary’s birthday was 5 days ahead of Ed’s. Ed and I had a silent war during his birthday. While I sang a birthday song for Gary at exactly 12 midnight. At nalaman niya yun, and that’s the reason why he walked out.

I approached him after he walked out, sinungitan niya ako. Nagulat naman ako, kasi akala ko nga okey naman sa kanya si Gary para sa akin at dahil nga he was bragging about Bianca. Hindi ko na pinatulan ang pagsusungit niya. After 15-30 minutes, he was okay. All throughout the party I thought we’re okay. Kasi nagbibiruan kami, he even ate my dessert. When we are about to go home, I asked him if he is coming with me and with some of our officemates. He said he is going to Mall of Asia to do some shopping, so I just went on my way home.

His sister called me up and was asking, “Janns, okey ba kayo ni Ed?” so I said, “Yeah, bakit? May problema ba?”

“Janna, galit siya sa’yo…”

“Hah? Wala akong maalala na galit siya nung naghiwalay kami kanina. Sabi niya, pupunta siya ng MOA kasi may bibilhin siya… bakit daw ba?”

“Hindi siya nagpunta ng MOA, naglakad-lakad siya… gutom na gutom nga pag-uwi. Pagpasok na pagpasok niya ng bahay, pangalan mo agad narinig namin. Nagdadabog siya. Bakit daw napaka-insecure mo, bakit kailangang ikwento mo si Gary in front of everybody, akala daw niya wala kang gusto kay Gary, tapos ipinagkakalat mo pa na inaaya ka niyang mag-coffee. Ano daw ang ibig mong palabasin?”

I was not able to talk on the phone after that statement. Tears fell from my eyes. “Why? Why is he acting this way? Ano ba talaga ako sa buhay niya? Why is he over-reacting? Why? Is he jealous of Gary? Why? Why?”

I can’t answer all the questions in my mind anymore. All I know is that, I’m sure of what I’m feeling right now… I have fallen for Ed and I love him. I’ve been keeping it to myself because I’m afraid to lose him if he finally found out that I have fallen in love with him. Takot akong mawala siya, ang friendship namin. Pero from what I’m seeing right now, dumating na ang kinatatakutan ko… ang mawala siya. And all I have to do right now, is to stay away from him. Until this season in our friendship is defined. Lalo na kung tutuldukan na niya ng lahat ng tanong na bumabalot sa pagkakaibigan namin.

After that day, I never talked to him anymore. I know that he is aware of my distance. He made his distance as well. For two months, we never communicate. Kung may pag-uusapan kami, professional matters lang. I was totally treating him like a stranger. I am very formal when I talk to him.

Until he can’t take it any longer. Nagtataka na siya sa mga kinikilos ko at hindi na niya kinakaya ang mga pagtrato ko sa kanya. He even wanted to resign sa office kasi nobody cares daw. Nawalan na rin daw siya ng motivation to move on. He said he lost everything. He never even care with how he looks because he said, no one is there to remind him that he needs to shave, he needs to cut his hair and his shirt is not well-ironed.

Few days later, I wrote him a letter saying that I want to end our friendship without grudges in my heart. I explained to him the reason why I took my distance from him. I already gave him a hint of what I feel. But the purpose of that letter is to really say goodbye.

I resigned in our office and left for Davao to work there as the head of the graphic arts department in a certain company. I never heard from him again. I told myself, “well, this is the time to move on.”

It was hard for me at first. Having sleepless nights because tears fell from my eyes. Ang sakit, especially when you love the person so much.

Months passed, I am learning to live my life without him. I am enjoying my work, my new friends and the life I am getting used to live. In short, masaya na ako. Until one time, I got a phone call from a person named Ed.

“Hello?” nag-aalangan akong sumagot.

“Hello Janna? Ikaw ba yan?”

Kinabahan ako bigla. Napabulong ako sa isip ko, “Ano na naman ba ‘to?”

“Uh… yeah.. ako nga…”

“Asan ka bang babae ka? Kanina pa ako nahihilo kakahanap sa’yo ah…”

“Hah? Anong asan ako? Andito ako sa Davao!”

“Alam ko, nasa Davao din ako. Bilisan mo, pumunta ka dito sa labas ng office niyo.”

“Ano?!? May trabaho ako noh! Ikaw ang pumunta dito. 5 pa ang labas ko. Ang galing mo ah.”

“Ang arte! O sige, sige. Hintayin mo ‘ko dyan.”

Iba na naman ang naramdaman ko. Ayoko na. Ayoko nang masaktan ulit eh. Takot na ako. Ano na naman kaya ‘to?

Maya-maya lang, tumawag na naman sa cellphone ko. Si Ed, nasa floor na ng office ko. He’s asking kung nasaan ako. Until he found me.

Sobrang kinakabahan ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso at hindi ko alam ang gagawin ko. I have never felt like that before.

“O, anong ginagawa mo dito?” tinago ko ang kaba na naaramdaman ko.

“Aba, bakit masamang pumunta dito? Bilisan mo na dyan at aabutin na tayo ng dilim.”

“Ba’t ka ba nagmamadali?” naiinis akong nagtanong sa kanya.

“Ah basta…” bigla niyang niligpit ang gamit ko.

“Teka, bakit? Hoy! May ginagawa pa ako! Anog ginagawa mo?”

“’Wag ka nang magtanong” biglang hinila ang kamay ko at halos kaladkarin ako palabas ng opisina.

“Halika, may pupuntahan tayo”

“San mo ‘ko dadalhin?”

Hindi na umimik si Ed.

We went to a beautiful hill where trees, green grass and flowers enveloped it. The sound of the wind was the music that covers the air. It was a nice almost-sunset-scene you could ever imagine.

“Why are we here?”

He never said a word. We just sat at the beautiful grass and all that he did was play the guitar and told me;

“Kanta tayo…”

and it goes something like:

“My morning starts to shine with teardrops in my eyes.
And here I am alone, starting to realize…
That my days will be brighter,
If I could learn to hide
The feelings that I have for you, keep hurting me inside…

Then my days would end with simple thoughts of you
Hoping our tomorrows, will be me and you
Sharing dreams with each other,
And making them come true…
Holding one another saying, “All I need is you…”

But will you, say that… you…. Love…. Me….”

I stopped singing because I can’t help but tears fell from eyes… he noticed that and he stopped playing the guitar…

I started to walk away from the place as fast as I could. He followed shouting my name.

“Janna! Janna! please… wait!”

I am commanding my feet to run but it never obeyed me. Until Ed was able to reach me. As he reached out to me, he grabbed me in the arm and hugged me so tight.

“Janna please… wait for me… I missed you so much… please don’t leave me again… I can’t bear a day without you in my life…”

Hearing that, I burst into tears… “Please Ed, ano na naman ‘to? Please let me go…”

“No… no… I’m sorry Janna….I just… I just can’t let you go…”

“For goodness sake, Ed, please… ayoko nang masaktan… pagod na ako…”

“Mahal kita Janna… sobrang natakot ako na mawala ka sa buhay ko kapag sinabi ko sa’yo ang totoo kong nararamdaman… but still, I lost you… and this time, I don’t want to lose you anymore… I love you so much… I loved you even before we became bestfriends… but I was so afraid… please forgive me for saying this… but…”

Pumiglas ako… the worst thing I did, kinutusan ko siya!!

“Eh sira ulo ka pala eh! Nakakainis ka!”

“Hah? Bakit?” nagtataka si Ed.

“Matagal na kitang mahal… matagal na… bwiset ka…”

He wiped the tears from my eyes and hugged me tight.

“Please come home to Manila with me…
let’s paint our picture together….”

I smiled and I said yes…

It was a colorful picture when Edward Gabaldon Francisco and Janina Marie Agustin Nunez got married and started to paint their world as one.

I thought that only grayscale can make a portrait a classical masterpiece. It’s when I thought that I can never love and be loved in return. But when I found the love that I’ve been waiting for, it’s when I learned that colors would make that portrait alive and real.

- - - - - - - - - - - - - - E N D - - - - - - - - - - - - - -


Whew!

A really nice story...:)