Gumising Ka!!!
Nakita kita sa banding itaas
Dala mo yaong bagay na kaybigat
Nakita kitang hirap na hirap
Lalo na noong ikay umiiyak.
Natanong kita sa iyong kalagayan
Tanging ngiti lamang aking namulatan
Langit ay tila yata sayo’y nagdaramdam
Ulang dapat ay pumapatak ayaw magparamdam
Namagitan sa atin ay kalungkutan
Sa bandang palusong ikaw ay nagtanong
Masaya ka ba kahit na gayon?
Pag asay wala na , Paibig sa Poon?
Sadyang ako’y biglang nabalisa
Hinagilap ang ngiti pamatong sa mukha
Tinapik ang balikat kausap koy dukha
Ayaw ng Pagasa ayaw pa sa Himala
Ngayo’y alam ko na ang tanging dahilan
Ikaw pala itong tunay na makasalanan
Dali mo’y galit nais ay masaktan
Ayaw sa kapwang magbigay kapatawaran
Kung ang yong dinadalay tunay na mabigat
Ka awa- awa ka kung sa pagibig ay salat
Luha moy sayang , ilaan sa pagmulat
Doon sa itaas ibalik ang pangungusap!
"Minsan nasabi ko malalathala din mga sinusulat ko, hindi lamang puso ko ang makakarinig at utak ko ang masasaling kundi kapwa ko manunulat na sa kanilang sariling paniniwala pinanganak silang makata"


