gunita
mayroon akong hindi maintindihan?
may mga bagay na gumugulo sa akin.
sabi nila normal lang daw kasi nga malapit na akong magdesisyon.
pero bakit, ganun ang hamon
matindi.
tatlo ang bilang.
una. si capt. corelli at ang kanyang mandolin
" what is there to sing about!" yan ang unforgettable lines niya.
at hamakin mo ba namang ma-in love ako sa mga katagang iyon.. (kababaw)
pangalawa.
ang pagbabalik ni superman.
kung bakit naman kasi si lois lane naging confidante niya..
naaliw talga siya sa kahiwagaan ng kanyang mga kabaliwan.
natutuwa ako sa mga tawa at oras niya kahit alam nyang kailangan siya
ng mundo.
pangatlo. at huli.
siya na unang nagbigay ng pansing matagal kong hiniling.
siya ang iisang tao na alam ko paano pagalawin sa kanya at sa kanya lang
ang aking mundo.
siya na mismong , nagpasaya at parang bumuo sa akin
ngunit siya din ang dahilan ng aking pagkawasak
ang di pagtitiwala at paglayo sa tao.
ngunit ang tatlong ito ay hanggang guni-guni na lamang....
dahil ang talagang pinaghahandaan ng puso ay dun sa taong ordinaryo
ngunit, ako ang kanyang mundo. ang hininga niya'y hininga ko.
at ang tanging pangarap ay makasama ako habang buhay..
minsan, nililingat pa natin ang ating paningin kung alam naman nating
nasa tabi na natin ang magpapaligaya sa atin...........
repleksyon noon.

