Guro din akong tulad ni Inay
Normal 0 MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman";}
“ Break na tayo Christine” dumagundong ang mga katagang iyon sa aking pandinig, tila kampana iyong bumingi sa aking pagkatao. Pinunit ng mga katagang iyon ang aking puso.
“ Patawarin mo ako Cristine, mahal kita pero tutol sayo ang magulang ko lalo na si mama. Natakot ako ng sabihin nilang titigil ako sa pag-aaral kapag patuloy akong nakipagrelasyon sayo. May pangarap ako Cristine.” mahabang salita ni Marco, at sa bawat bitaw niya ng mga katagang iyon, nagiging punyal ito na sumusugat sa aking puso. Napaluha ako. “ Kung mhala mo ako bakit hindi mo ako ipabaglaban?” sa gitna ng impit kong pag-iyak ay naisantinig ko ang mga katagang iyon. “ Ipinaglaban kita Cristine.”
“ Pero sumuko ka! Oo, ipnaglaban mo nga ako pero isinuko mo rin ako sa huli, Bakit? Dahil ba mahirap lang ako? Dahil, anak lang ako ng isang guro? Pareho lang tayong may pangarap Marco. Binigay ko sayo ang lahat. Huwag mo naman akong iwan ng ganito.” Pagmamakaawa ko sa kanya “ I’m sorry Cristine, I’m sorry”. tuluyan ng gumuho ang nalalabi kong pag-asa na maisalba ang aming relasyon ng talikuran ako ni Marco. Tapos na ang lahat sa amin. Ganoon lang kadali ang lahat para sa kanya. Siguro nga mahal ako ni Marco pero mahina at duwag siya, at mahirap ipaglaban ang taong duwag.
LUMIPAS, ang mga araw naging kabagot-bagot sa akin ang bawat takbo ng oras. Labis man akong nsaktan sa paghihiwalay namin ni Marco hindi ko maitatangging mahal ko parin siya. “ Cristine, anak kumain kana.” tinig iyon ng aking Ina.
“ Nay wala po akong gana.” Naisambit ko. “ Wala ka na namang gana? Iniisip mo naman si Marco? Anak pinayagan kitang magnobyo dahil dumaan din ako sa ganyang bagay. Pero bahagi ng isang relasyon ang paghihiwalay. Huwag mong dibdibin ang break-up niyo ni Marco. Maniwala ka na lang sa kasabihang kung kayo, kayo.”
“ Pero, Nay mahal ko si Marco, Mahal na mahal.”
“ At dahil sa mahal mo siya ay pababayaan mo ang sarili mo?” medyo tumaas na ang timbre ng boses ng aking Ina.
“ Aba, Cristine! Ako naman ang pinapatay mo sa pag-aalala sa iyo dahil pinababayaan mo na ang sarili mo.”
“ Nay, mahal ko kasi siya”.
“ Cristine, nang iwan tayo ng ama mo, hindi ko pinatay ang sarili ko. Pinilit kong tumayo, lumaban, itaguyod ka kahit nag-iisa ako. Kaya huwag mong pababayaan ang sarili mo. Boyfriend lang ang nawala sayo, sa akin asawa.”
“ Nay, kami ni Marco nagmamahalan kayo ni Itay, hindi!” napamulagat si Inay sa akin. Isang sampal ang dumapo sa kanan kong pisngi.
“ Ano bang alam mo sa pinagdaanan ko Cristine?” napatitig ako sa aking Ina, sapupo ang pisngi kong naundayan niya ng sampal.
“ Wala! Bakit Nay? Ano bang alam mo? Guro ka lang Nay! Guro!” nagitla lalo si Inay sa binitiwan kong pahayag. Tinalikuran ko siya.
“ Cristine, bumalik ka dito”.
PATI, ang relasyon naming mag-ina ay naapektuhan dahil sa labis na pagmamahal ko kay Marco. Ganito pala kapusok ang batang pag-ibig kahit sariling magulang ay aawayin. Disi-sais anyos lang ako. Masyadong bata para sa isang malalim na damdamin ngunit wala sa edad ang pag-ibig. Papasok ito sa puso ng sinuman, bata man o matanda. Hindi ako umuwi sa bahay namin ng isang linggo. Nakitulog ako sa aking mga kaibigan, sa lahat ng aking mga kaibigan. Ngunit isang sitwasyon ang nangyari sa akin upang magising sa isang katotohan. Nahihiya ako sa sarili ko, kay Inay ngunit kailangan kong umuwi sa amin. Sa piling ng guro kong Ina.
“ Akala ko hindi kana babalik sa akin Cristine?” bungad na wika ni Inay ng makuwi na ako sa amin. Malumanay ang kanyang tinig. “ Nay, mapapatawad niyo pa po ba ako?” naiiyak kong tanong.
“ Anak, Ilang beses ka mang magkamali, magkasala patatawari’t patatawarin kita. Dahil minsan sa buhay ko naging katulad mo rin ako.” niyakap ko ng mahigpit si Inay. Mahigpit na mahigpit at sa balikta niya ay umiyak ako ng umiyak.
“ Nay, buntis ako. Nagbunga ang minsang namagitan sa amin ni Marco”.
“ Anak, its okey. Kailangan mong bumangon mula sa iyong pagkakamali, magpatuloy at harapin ang bukas na naghihintay sa iyo.”
Nagliwanag ang aking mukha. Ngayon ko hinangaan si Inay. Hindi siya basta isang guro lang. Isa siyang dakilang Ina.
NAGPATULOY, ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Kahit nagdadalantao ako ay hindi ako pinahinto ni Inay. Magtatapos na kasi ako sa High school. Oo, maraming tao ang nagtatanong, ang iba nanghuhusga. Ngunit balewala ang lahat ng iyon dahil sa tuwina’y pinalalakas ako ni Ina.
“ Mrs. Perez”.
“ Gng. Lorna Valdemor, kayo ang guro sa Jose Elementary school sa bayan, diba?
“ At Ina ng nobya ng anak mo.”
“ Matagal ng wala ang sila Marco at ang anak mo.” mariing saad ni Mrs. Perez.
“ Dahil sa utos niyo!”
“ Magdahan-dahan ka ng pananalita mo. Hindi mo yata kilala kung sino ang kaharap mo? mataas ang tinig na wika ni Mrs. Perez.
“ Kilala kita Mrs. Perez. Asawa ka ng magaling na mayor ng ating bayan.” may pang-uuyam sa boses ni Gng. Lorna.
“ May pangarap ang anak ko kaya inutusan ko siya na hiwalayan ang anak mo.”
“ Buntis si Cristine.”
“ Really? Bakit? Tiyak mo bang si Marco ang ama ng pinagbubuntis ng anak mo? Balita ko ay sadyang malandi ang anak mo!”
“ Hindi mo kilala ang anak ko. Kaya huwag mo siyang husgahan, anak ko ang naagrabyado!”
“ Kilala ko siya, anak siya ng isang hamak na guro lamang.”
“ Oo, Mrs. Perez guro nga lang ako pero marangal hindi tulad niyo mga magnanakaw ng kaban nang bayan! Mga ipokrito!” sabay talikod ni Gng. Lorna.
MARAMING, bagay ang nangyari sa mga nagdaang sandali. Wala man sa piling ko si Marco ay naging matatag naman ako sa pagharap sa hamon ng buhay. Sa paglipas ng mga araw unti-unti kong pinag-aaralan na burahin siya sa aking puso’t isipan ngunit sa tuwina’y pinaaalala siya ng tadhana sa akin dahil sa bungang naiwan niya sa akin. Ang aming anak. Nagtapos ako bilang Class Valedictorian , sa kasaysayan ng aming paaralan ako lang ang buntis na nagtapos na nakakuha ng pinakamataas na karangalan. Wala man si Marco sa aking tabi natitiyak kong mabibigyan ko ng magandang bukas ang magiging anak ko. Pero hindi ko sinasara ang pintuan ng aking puso, masakit man ang nangyari sa amin pero alam ko darating ang panahon na maghihilom din ang sugat sa aking puso at muli kaya ko siyang tanggapin ng buong puso dahil ama siya ng aking anak. Ako lumaki akong walang ama at sana’y di ito mangyari sa aking magiging anak. Alam ko darating ang panahon na muli maglalandas ang buhay namin ni Marco, at kung dumating ang sandaling iyon. Tiyak ko ng matatag na siya. Sa ngayon magpapatuloy akong mabuhay, magpapakatatag sa piling ng magiging anak ko at ni Inay. Ang aking Ina na minsan ay sinumbatan ko kung ano ang alam niya. Sabi ko pa nga “ Guro ka lang Nay!” Subalit ngayon alam ko na ang lahat.
“ Class, our lesson for today is.” Oo, naging guro din akong katulad ni Inay.
WAKAS

