Gusto Kong Maging...

CLOSET WRITER's picture

GUSTO KONG MAGING...

Gusto kong maging
Lapis sa pagitan ng yong mga daliri
Kapag sumusulat ka ng tula
Na puno ng dalamhati

Gusto kong maging
Tasa ng kapeng dumadampi
sa yong mga labi
O alak na gumuguhit
Sa yong lalamunan

Gusto kong maging
Paborito mong awitin
Kulay, laro, salita
at gawin

Gusto kong maging
Liwanag sa yong mga mata
kapag ikay tumatawa
At maging dahilan ng pagtibok ng yong puso

Nais kong maging
Lupa na iyong lalakaran
Hangin na iyong lalanghapin
Salitang iyong bibigkasin

Nais kong maging
Araw sa yong himpapawid
Buwan at bituin
Upang masundan ko ang yong bawat galaw

At kung ikay mahihiga
Gusto kong maging
malambot na kumot
Na ibabalot mo sa iyong katawan
Maging unan na iyong hahalikan

Ang huling bagay
na papasok sa yong isipan
Ang huling salita na
iyong bibitawan

Gusto kong maging
Tagahabi ng yong panaginip
Maging musa mo, maging kanta mo
Maging pangarap mo
Maging alaala mo

Gusto kong mabuhay
Sa loob ng yong isipan
At syang pupuno sa yong puso
Ng init at pagmamahal.


Adlesirc's picture

hay....

 

may mga oras na gusto ko rin maging....

 

 

nice one. keep it up.

CLOSET WRITER's picture

...

thanks at nagustuhan mo.

:)

louise harn's picture

Gusto ko din maging..

Ako din gusto kong maging kahit ano para sa taong mahal ko.

Nice one.. :)

CLOSET WRITER's picture

salamat...

salamat sa pagbabasa louise.

kahit maging ano ka pa, mamahalin ka nya.

:)

Rhea Stone's picture

!

 

(*ehem*)

 

Tumitibok ang puso ng mga makata ngayon sa FW, huh...

Parekoy, magaling ka rin pala sumulat ng tula, hindi ka lang KK (Kamatayan King) MK (Makata King) ka pa...

Para kanino kaya ang tulang ito... hmmmmm...

 

http://reyastone.blogspot.com/

 

CLOSET WRITER's picture

ikaw ha...

kung sino iniisip mo, sya na nga un. kasalanan mo to eh,hahaha.

salamat at nagustuhan mo to. shift muna ko ng genre.

bigla lang...gusto kong maging...
mais para sa kanya haha.

Rhea Stone's picture

!

 

(*kilig* *kilig*)

 

Yippeee!!! Balitaan mo ko, abot-facebook lang ako kapag gusto mo ng mapagkekwentuhan.

 

Ayan, h'wag kang pipikit, okay...

 

http://reyastone.blogspot.com/

 

Yiennarda's picture

Kaka-inlab

Kaka-inlab naman...

 

 

 

 

 

 

 

Pero mas type ko pa rin ang creepy stories man! hahaha!

 

 

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

 

aylayk it...   hello j.

aylayk it...

 

hello j. hehehe. hello ate yien!!!! pix pix

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

CLOSET WRITER's picture

hi

hi talutot, speaking. pinag uusapan ka namin ni yien at ang tamilok. bait bait mo daw. :)

so ako na nga ung J.
salamat sa pagbasa.

CLOSET WRITER's picture

oo nga...

haha...kung di pa sinabi ni yien di ko rin pansin na TALULOT pala at hindi TALUTOT.

ano ibig sabihin ng talulot?

yah taluts nga dapat...

talulot-"ang talulot ay isang parte sa bulaklak na madalas pagsukuban ng mga maliliit na insekto"

 

in ingles: petal

 

k lang un.. hehehe

 

te yein naman hehehe. hiya ako hehehe

 

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

CLOSET WRITER's picture

yien...

sa thursday ha. asahan ko yan.

Yiennarda's picture

OWWWWW EEEEMMMM GEEEEEEE!!!!

Ako'y sobrang masaya at excited sa bagong balita na naibungad sa akin alas otso sinkwenta ng araw - dubai time!!!       

At siyempre naman na windang ako ng bonggang bongga!!!

 

Sana closet, pinilit mo akong bumangon nung thursday para na - meet ko siya!!! hAAAyyyyy, oks lang nakausap ko naman.....

 

 

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

CLOSET WRITER's picture

talagang ni-take note mo ung time?

haha, umh...usap na lang tayo sa ym 1 of these days. dagdagan natin yang kawindangan mo.

salamat sa chocolate at dates na binigay mo na pinagsaluhan namin magdamag. magdamag???!!! haha.

Yiennarda's picture

Anong usap tayo 1 of these

Anong usap tayo 1 of these days???  haay, kung noong hindi lang zero coke ang linalaklak mo... zero pa ang lablayp mo eh wala ka ng panahong makipag-chat eh di lalo na ngayong, sizzling hot na ang iyong lablayp??? hahahaha... oks lang yun!!!  im still very happy, lalo na't nai-imagine kong, habang pinagsasaluhan niyo ang chocolate at dates ko ay nasa side table niyo ang nakasinding scented candle sa loob ng isang napakagandang lampara... na siyang lalong nagbibigay ng romance in the atmosphere.........NA SIYEMPRE BIGAY KO RIN!!!!!! hahahahahahaha

oi, oi oi!!!  rhea, hindi lang pala ikaw ang may contribution dito sa labstori nato,,, AKO DIN!!!! hahahahahahah,

 

oo closet... pinaninindigan ko lang ang pagiging "singit queen" ko hahahahaha!!!        

 

lalaalalalala (*singing*) -  happy for you guys!!!

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

CLOSET WRITER's picture

haha, walang aagaw ng korona mo!!!

ikaw na talaga ang official singit queen ng FW, yien.

o tinupad ko na ung sinabi ko, mahaba habang chat-chatan narin ung kanina ha?

ah, scented candles ba un? kala namin parang jelly ace kaya nilantakan na rin namin,haha. kaya pala di masyadong matamis.

ung lampara kase nilagyan ko ng love birds,haha.

si don at si jose ang name,haha.

kainis.

Luca's picture

yienn!!

o mare musta na?!

minating ko yung dates. ang dami dami naming dates. we're officially dating (weh, korni).

btw, bakit ganun yung coke zero ni jo, lasang... ativan!!! mga kaibigan dinroga ako ni CLOSET!!! isuplong!!! chinkchink...

pinapalamon niya ko ng chocolate... gusto niya raw ako tumaba... hay panira ng figure 

wag kang pipikit...

Yiennarda's picture

Oi mare!!!   grabe... 

Oi mare!!!   grabe...  I was recollecting that time I was chatting with you.  Andami dami kong ni-kwento kwento pero promise diko talaga sineryoso na tama ang hula kong ikaw yung kinakausap ko.  Akala ko si Joren pa rin yung kausap ko that time hahahaha, until it came to that point na you told me...  "Pareho kayo ni jo"  hahahaha, I was like, sino ba tong kausap ko, hahahaha, ang tagal nag sink in na totoo palang ikaw yun hahahahah,  anyway sa dami ng hahaha ko, I don't know if I'm still making any sense hahahahahah ulit!!!

So, tumaba ka naman na ba?       

 

Sana mapuno pa ng matatamis na dates ang mga dates niyo hehehehe

 

 

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Luca's picture

grabe

hindi ko na nga matandaan mashado yung mga details ng dialogue natin. hahaha......

 

actually mejo pumayat ako. kasi the more I eat, the faster I lose weight... isang misteryo ng buhay.

 

pinapataba ako nang todo ni Jo kasi sabi niya gusto niya raw akong tumaba nang matabang mataba para wala na raw magkagusto sa akin.

ang sweet niya no? na mejo nakakaasar. 

wag kang pipikit...

Yiennarda's picture

Cruelty to

Cruelty to animals!!! Depende kung anong klase ng bird ang linagay niyo sa lampara hehehehe...

 

Kaw talaga, basta mukhang jelly linalantakan mo hahahaha... 

 

CUTE ng names ng burds niyo hihihihiihi!       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

journeyman's picture

Wow!

 Ang galing naman! Ang sarap talagang ma-inlab... walang katulad ang pakiramdam...

 

"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."

CLOSET WRITER's picture

so tanggap mo na...

journeyman na ako ung J na lab ni luca,hehe...

salamat sa pagbasa.

Ailem23's picture

yown naman!

Lab es in da eyer!!! wahaha.. ako rin ... gusto ko rin... kaso naman.... Haaay.. (malalim na buntong-hininga)....

Ingatski, 

Melay

******

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

CLOSET WRITER's picture

lan lan...

haha, natawa ako sa pag uusap nyo ng nanay mo, don na lang ako magkocoment sa post mong un.

antay antay pa ng konte. darating din ang araw na un :)

Ailem23's picture

hehe.

ako kasi madalas nakikita ng nanay ko kaya ako ang napapagtripan.. ay naku! 

******

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

jonsdmur's picture

Galing mo naman!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

iba talaga kapag in-love....

okay ah.. galing mo pala sa tula... 

sulat pa....

Goodluck sa inyong dalawa! Cool

jons

CLOSET WRITER's picture

salamat jons...

first time ko gumawa ng love poem. parang di bagay sa akin eh,hehe...

buti nagustuhan mo kahit papano.

ingat ka jan sa bukidnon.

Luca's picture

jo...

ok...

 

lika na nga...

 

sasagutin ko to humanda ka

wag kang pipikit...

jonsdmur's picture

wow!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

at paano na si N? baka masaktan heheeheheh

Goodluck sa lovelife... happy ako sa inyong dalawa....

at ang sabi ni J... ang tulang ito ay para sa pinagpuyatan niya kagabi....

at ikaw yon... teka! nagusap ba kayo? para mapuyat siya?

Goodluck!

jons

Luca's picture

hihihi

walang N... naiintindihan na ni PPN yung mga ganung bagay...

 

haha para sa akin ba talaga to? hahaha...

wag kang pipikit...

jealousy29's picture

ganda naman

ganda naman nito...

nakakainlove...

 

 

at mukhang inlove ang  gumawa ng tulang ito...

 

 

ngat....Smile

CLOSET WRITER's picture

di pa sure...

baka inspired lang,hehe...

sana mainlove ka na para makapag post ka rin ng mga ganitong kakornihan.

tagal ko na antay kwento mo d2 ah :) wala pa ba?

ingat ka rin.

jealousy29's picture

naku!!! MR. CLOSET WRITER

 wow inspired siya, bukas bukas love na yan hehehe jokeWink

ayaw ko na po muna mainlove no....

hahanap na lang po ako ng ibang pweding maging inspirasyon para makapagsulat ako... 

diba nasabi  ko na naman po na wala akong talent sa pagsusulat, mahilig lang po talaga akong magbasa... pasensiya na po sa paghihintay....

 

pero dahil sa nahihiya na po ako kay ate aireen at mam casandra... may niluluto po akong akda na baka ilagay ko dito sa FW... kung sakali man po na hindi magustohan ng mambabasa atleast, naipakita ko kina ate aireen at mam casandra na sumubok ako....

 

ngat....Smile

aireen's picture

"Gusto kong mabuhay Sa loob

"Gusto kong mabuhay
Sa loob ng yong isipan
At syang pupuno sa yong puso
Ng init at pagmamahal." gusto ko ito! Smile

so umusbong na ng tuluyan ang pag-ibig... hehehe Wink

closet--ingatan mo si lucca ha.. labs ko yun!!  Wink

cheers!

 

CLOSET WRITER's picture

hi aireen...

ikaw ba ung aireen na inadd ko sa face book?

thanks sa pagbasa ai, katakot tuloy awayin si luca mukang madami magagalit pag nagkataon haha.

aireen's picture

yup! ako po yun.. ikaw pala

yup! ako po yun..

ikaw pala yung closet writer... hehehehe

cheers!

 

CLOSET WRITER's picture

yup...

just call me joren. tutal nagkaalaman na, na ako si J :)

nainggit ako sa yo dahil may sign ni Ricky Lee ung para kay B mo. ung copy ko wala. di kc ko nakapunta non eh. sayang.

aireen's picture

Mr. closet

joren pala ang name... ikaw nga talga si J.. heheheh

 

wag ka na mainggit.. better luck next time na lng.. heheheheWink

 

cheers!

Gusto ko din...

ganda po ng tula nyo...

gusto ko din sana mangyari yun, problema lang po...forbidden love po ang nasumpungan ko e...huh!...

bago lang po ako sa fw... 

ganda po talaga...

 

 

 

...Huwad_na_Makata 

 

CLOSET WRITER's picture

jonskie...

hm...mukang naintriga ako sa sinabi mo.

share mo naman sa amin. sino pa ba dadamay sau kundi ang kapwa mo na may forbidden love haha.

and were not here to judge each other. sana.

salamat.

Ailem23's picture

yihi

nakakatuwa naman ito! Yihi! sabi ko nga eh. lab es in the eyer... lab birds ar en da eyer!!!! woist, ingatan nyo ang isa't isa ha... hehehe... nakiintriga pa talaga ako.

closet, can i call you joren too? hehehe. astig talaga ng tula mong ito.. ansarap basahin ng paulit-ulit.

 

*****

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

CLOSET WRITER's picture

sure...

u can call me joren.

teka lang, yong birds ba sa "lab birds ar en da eyer" eh hindi naman literal yon?hahaha...

saka di pa ata kita na facebook. facebookin kita mamya :)para solid.

salamat

x tianity's picture

  husay po ng tula

 

husay po ng tula nyo....

sarap pong ulit-ulitin....

 

ako Gusto kong maging hangin para sa aking mahal 

isipin man nya na wala ako, 

ako'y lagi naman sa tabi nya........

nagbabantay at gumagabay.....

 hay!!..................

kaya lang umaasa pa rin hanggang ngayon>>

drama noh..... baguhan lang po ako sa fw... 

 

thanks sa magandang akda!!!

kip writing>>>> gud lak

 

_passersby_ 

 

 

 

 

CLOSET WRITER's picture

salamat din sa oras...

na ginugol mo sa pagbasa ng tulang ito. welcome sa FB, share ka din ng mga gawa mo.

sarap talagang maging lahat sa taong mahal mo.

ice07's picture

this is nice,,,  kung sino

this is nice,,,

 kung sino man ang pinag-aalayan mo ng iyong tula, siya ay isang lucky girl...:)

 

Luca's picture

ice

 lucky nga ako...Luca pa...

 

hindi nga lang ako girl. hehehehe

 

wag kang pipikit...

..

nakakakilig!

karlaloo

ang suweet......

sweet nyo joren at luca sa pic, ah...bagay na bagay!!!!!!!

Luca's picture

hihihi

maganda lang blocking niyan...

thanks pinxu! 

wag kang pipikit...