Gusto Kong Maging Writer Club

Diony Gonzales's picture

Naala-ala ko noong edad 16 ako. Nasa Senior High ako at lokong-loko sa pagbabasa ng Tagalog Romance. Patay na patay ako sa mga akda ni Helen Meriz at Mariz Crisostomo. Sinimulan kong magsulat ng sarili kong akda sa isang kwaderno. Tagabasa at tagahanga ko ang aking mga pinsang buo na sina Tin-tin, Christianne at Munte. Kilig na kilig ang mga loka sa amatuer kong pagsusulat. Hindi ko na nga matandaan ang kwento sapagkat nawala na ang kwaderno at iyon at mahigit 16 taon na ang nakararaan.

Dahil sa aking pangarap na iyon, binigyan ako ng ate kong si Dulce ng isang maliit na aklat. Ang pamagat ay "Gusto Kong Maging Writer" at ang may akda ay si RM Custodio. Sa likod na pahina ng nasabing aklat ay may application form para sa Gusto kong Maging Writer Club. Sumulat pa nga ako kay G. Custodio at nagtanong ng ibang tips at sinagot naman niya. Nakatatlong anunsyo pa siya na ang lahat daw ng kasapi ay magkakaroon ng pagtitipon nguni't dahil sa isa lamang akong hamak na mag-aaral, hindi ako nakarating alinman sa pagtitipong iyon. Bukod sa takot akong sumabak sa biyahe mag-isa (sapagkat ako'y tanga pa't nakatira sabulubundukin ng Montalban) ay wala naman akong paggastos. Sayang nga, hindi ko man lang nakilala ng personal si Ginoong Custodio.

Hanggang ngayon, nasa akin pa ang aklat. Bagama't natatangga na ang mga pahina sa tagal ng panahon, itinuturing ko iyon na kayamanan. Frustrated writer kasi.

Isang araw, ibabahagi ko dito ang mga nakalagay sa aklat na iyon. Alam kong magagaling na kayo sa larangan ng pagsusulat nguni't bakasakaling may mapulot pa rin tayo.

Hanggang sa muli at maraming salamat.


Ailem23's picture

ah...hello...

new member ka po??? Ang tagal ko ng hinahanap ang libro na iyan. Kamalas-malasan, hindi ko siya natagpuan... hihintayin kong maibahagi mo ang laman ng libro...

ung stainless longganisa, nabasa mo rin ba? Iyon ang sandigan ko kapag bumababa kompyansa ko sa pagsusulat... gusto ko talaga mabasa iyan.... 

maraming salamat! 

melay 

eloisa marie hernandez's picture

Hindi ko alam yung libro na

Hindi ko alam yung libro na tinutukoy mo ate pero parang gusto ko rin basahin.

 

Yung stainless, yeah sandalan talaga namin yun ni ate melai. Kundi dahil dun malamang sumuko na kami. Pinalalakas ng stainless ang loob namin kapag talagang dumadami na yung problema namin sa pagsusulat.

 

Goos thing merong mga librong tulad noon.

 

eloisa marie hernandez's picture

Parang gusto ko din basahin

Parang gusto ko din basahin yun ah.. Nabanggit nga ni ate melai yun minsan.

  Stainless longganisa talaga ang sandalan namin kapag talagang nasa bingit na kami. hehe. Ang daming problema pero hayan, nakatayo pa rin kami. Writing partner pa rin kami. (sa kamalas-malasan hehe)

 <(='.'=)>

hannah rose baldomaro's picture

uy... parang interesting

uy... parang interesting yung libro, ah...

paul h roquia's picture

           

 

 

 

 

 

 

Adlesirc's picture

Hi

uy, sige po intayin namin ang baha-bahagi ng aklat ni Ginoong Custodio.

 

 

Salamat sa plano =) Mangandang Gabi.