Gusto Kong Sumulat ng Tula (Galatea)

galatea hopkirk's picture
| |

 

Pluma

Papel

Inspirasyon

Nasaan?

 

Isang tugma

Nais ng plumang magsulat

ngayong gabi man lamang

Maaari ba?

 

Isang taludtod

Nais ng papel masulatan

Makapang-aliw man lamang

Maaari kaya?

 

Isang tula

Nais ng kamay gumalaw

Kahit bahagya man lamang

Maski saglit

Maaari na?

 

Maaari...

Ninanais ng pluma

Ng papel...ng kamay...

Umaayaw ang inspirasyon

Maaari?

 

 

***Si Galatea ay naghahanap ng inspirasyon. Hindi muling makasulat...

 

Galatea Artemis

galatea hopkirk's picture

 na-miss ko palang

 na-miss ko palang magsulat. kumusta ang lahat?

 

-Galatea