Gusto kong tumula: Para sa lahat ng Idol ko

jonsdmur's picture
| |

 

Inaabangan ko ang mga nobela mo

Bawat kabanata'y tunay kong inaabangan

 

Sulat lang nang sulat

Dahil ako ay narito

Babasahin ko ang mga kuwento mong

Punung-puno ng kulay

 

Inaabangan ko ang mga tula mo

Bawat talata'y nagbibigay ng inspirasyon

 

Huwag ka sanang titigil

Sa iyong pagsusulat

Puso ko'y malulumbay

Kapag ikaw ay nawala

 

Inaabangan ko ang mga sanaysay mo

Bawat hirit mo'y kumakabog sa puso ko

 

Pumipitik pitik

Pitik ang puso ko

Sa mga pahirit  mo

Iba ka talaga!

Iba ka talaga!

Idol talaga kita!

 

Inaabangan ko ang mga nobela mo

Inaabangan ko ang mga maiikling kwento mo

Inaabangan ko ang mga tulang galing sa puso mo

 

Pumipitik pitik

Pitik ang puso ko

Sa mga obrang nababasa ko

Iba ka talaga!

Iba ka talaga!

Idol talaga kita!

 

Saan ka man naroroon

Magiingat ka

Dahil ako'y maghihintay

Sa mga akdang ililikha mo

 

Sa kwento mo, natuto ako

Sa mga tula mo, na-inspire ako

Sa mga sanaysay mo, nag-enjoy ako

Paano kita mapapasalamatan

 

Sana'y ako'y mapansin

Kahit isang saglit

Dahil ikaw ang idol ko.

Smile

Jonsdmur

Ako'y tutula


love's picture

ayos!

 

ganda naman ng nilalaman n2 jons. kasama mo ako na tutula para sa mga idolo natin d2 sa FW. peram na rin ng tula mo iaalay ko sa'yo hehe..IDOL!

jonsdmur's picture

kasama ka nga diyan eh

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Pumipitik pitik

Pitik ang puso ko

Sa mga pahirit  mo

Iba ka talaga!

Iba ka talaga!

Idol talaga kita!

 

Isa sa mga paborito ko ang mga blog mo... swak kasi sa panlasa ko ihihihhihihi,....

Salamat at nagustuhan mo....

Godbless! Enjoy ka lang lagi.....

jons