gutom

isang gabi nanaman
ng pagkunot ng noo
at pagkalam ng tiyan
hagod hagod ang
tuyong lalamunan

basa ang hapag
walang kainan

isang gabi nanaman
na gaya ng ibang gabi.

naghihintay, nag-aabang
kung mayroong di mag-aatubili.

na pumayag
sumabay
sa aming taghirap
magkamay
ng lugaw
at asin
na mailap...

isang gabi
ng paglimos
at pagdalamhati..

basa ang hapag
walang kainan....


sijayr's picture

ganda nito men!

ramdam na ramdam ko to men, naranasan ko na ang ganiyan dati. 

 

anyways, kmusta naman sa lugar nyo? ayos ba kau jan? balita ko bagyo ngaun jan?

 

 

  • huwag mang-finger ng ilong kung walang kolangot.

 

attapulgite.dmusic.com

soundclick.com/attapulgyte

 naku umuulan lang. maayos

 naku umuulan lang. maayos dito.

salamat.

 

sana makaahon ang northern luzon lalo na ang benguet.....

" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang  mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"

sijayr's picture

ays buti naman...

nakita ko kasi sa tibi dati e sabe state of calamity daw. ingats men! ahehehe. 

 

 

  • huwag mang-finger ng ilong kung walang kolangot.

 

attapulgite.dmusic.com

soundclick.com/attapulgyte