Habang May Buhay May Pag-asa
“Nagdaan ang eleksiyon at halos ilang taon na ang nakaraan nang umupo at namumuno sa ating bansa ang hinirang natin bilang pangulo ng ating bansa ang kagalang-galang na si Gng. Gloria Macapagal Arroyo pero bakit habang pagdaan ng mga araw at taon ay lalong dumarami na rin ang mga hinanaing ng buong sambayanan kung nasaan na ang ipinangako ng ating Pangulo bago umupo sa kanyang trono. Bakit marami na d’yan ang nagrereklamo at nagkakaroon ng Union at pagprotesta? Dapat ba nating isisi ang lahat sa ating pangulo ang kasalukuyang mga pangyayari at estado ngayon ng ating bansa? Kailangan ba na sa pangulo natin isisi ang lahat kung bakit wala siyang magawa sa pagtaas ng presyo ng bawat produkto at bilihin, ang pagtaas ng presyo ng langis, sa bayaran kuryente, sa tubig at iba pa na pinagkukunan natin sa pang-araw araw na kabuhayan? Kasalanan ba ng presidente kung bakit ikaw mahirap ay bakit lalo kang naghihirap nang makaupo na ang bagong hinirang na pangulo? Ikaw, tanungin mo kaya ang sarili mo kung bakit ganyan ang kalagayan mo ngayon? Siguro naman masasagot mo rin ang sarili mong tanong. Para sa akin kahit sabihin ko man na naghihirap din ako ngayon at kahit sabihin ko man na kabilang din ako sa mga taong naapektuhan sa daloy at pamamalakad ng ating pamahalaan ngayon pero naniniwala ako na darating din ang araw at lilipas din at mabigyan ng kalutasan ang mga problemang kinaharap ng bansa sa kasalukuyan kung lahat tayo ay may pagkakaisa at makipagtulungan. Siguro naman kahit masakit sa kalooban ng ating Pangulo ang lahat ng mga kasalukuyang problema na ibinunton at idiniin sa kanya ay maluwag sa kalooban niyang tinanggap ang lahat dahil pinaninindigan lamang niya na siya ay isang Pangulo ng bayan na kailangang habaan niya ang kanyang pasensya at malawak na pag-unawa sa hinanaing ng sambayanan at siguro naman hindi rin siya tumigil sa paghahanap ng solusyon upang matakasan ang lahat ng problema na kinaharap ng ating bansa sa kasalukuyan.
Kung ikaw “tao” ay naghihirap sa ngayon, sikapin mong ibangon ang iyong sarili na hindi kailangang isisi pa sa iba ang naging kalagayan mo ngayon. Kung ano man ang naging kalagayan mo ngayon, ikaw lang ang puweding tutulong sa iyong sarili. Magsikap ka, magtiyaga ka at disiplinahin mo ang iyong sarili na maging isang mabuting mamamayan at harapin mo ang problema na may pagtitiwala sa iyong sariling kakayahan. Huwag gawing dahilan ang kahirapan mo ngayon para gumawa ng mga gawaing labag sa batas tulad ng pagnanakaw, pangho-holdup at iba pang kremin at karahasan na maaaring mapagkikitaan ng pera at maaari rin na magdadala sayo at magsasadlak sa masalimuot at madilim na buhay sa “kulungan o libingan ng mga taong buhay”. Huwag gawing dahilan ang kahirapan sa buhay para gumawa ng kasamaan na siyang dahilan sa pagkakaroon ng problema sa ating bayan bagkus, harapin mo ang iyong problema ng buong katatagan na may paniniwala sa sarili mong kakayahan at pananalig sa kinikilala mong Diyos. Lagi nating tandaan na lahat ay bahagi lamang ito ng mga pagsubok sa buhay ng isang nilalang sa mundong ito at ang lahat ay may kasukdulan o katapusan kaya’t wag mawalan ng pag-asa dahil “habang may buhay, may pag-asa.”
By:
Fhearl08
A personal essay base on my point of view.
Unang nailathala sa BULGAR Newspaper noong October 15, 2004 sa kulom na "Mga Suhistiyon o Pananaw"
pasaway ka dyeppri
Teka itoy isang bukas na sanaysanay na kung saan nanghihikayat ang may akda na may pag-asa pa hanggat may buhay. Tungkol sa sintemyemto nya sa gobyerno, hindi ko alam kung manhid ka lang o kaya pilit na pinipikit ang mga mata sa katotoohan, bulag o bingi ba sa mga bagay bagay sa nangyayari sa bayan, wala ka lang bang pakialam sa bansa natin o talagang di mo lang talaga gusto ang pulitika.
Ang pagiging mulat sa ating bansa ay tanda ng nasyonalismo, ang pagpapahayag ng saloobin tungkol sa usaping panggobyerno ay pagpapakahulugan ng demokratiko.
Dyepp kung hindi ka naapektuhan kami naapektuhan, kung ayaw mo ng ganitong usapin kami gusto namin sapagkat nais namin maipahayag ang damdamin namin tungkol sa bayan. Hindi pwede na nasaksaktan ka na, tatawa ka pa, o di kaya balewalain ang sakit, hindi ba mas maganda kung umaray ka o di kaya umiyak, kung may makapansin sa iyo salamat, kung wala, eh di okay na rin na nailabas mo yung sakit at tumayo na lang. Ganun bro!!
Nagtrabaho ako sa gobyerno ng dalawang taon at namulat ako sa tunay na kulay ng pulitika. Masakit pero kailangang lunukin, pero hindi nangangahulugan na okay lang yun sa akin.
Sabihin natin nasa atin mga sarili ang solusyon, pero nasa gobyerno ang paraan. ako ang sagot pero nasa gobyerno kung papaano.
Kung sakaling hindi swak sa panlasa eh tingnan na lang ang magandang mensahe. Tutal mensahe ang mahalaga, at mukhang di mo yun nakita, basahin muli ang huling talata, itoy pagbibigay ng pag-asa. Maganda at makabuluhan.
Kung sabihin mong ibahin nya ang topic nya (pero ito ang malapit sa puso mo) para sinabi mo na ding sinabing wag ka na ring huminga. Pre ikaw ang sumasakal eh. Ganun bro, sanay maging bukas tayo sa bawat isyu, paksa at uri ng pagpapahayag ng damdamin, hindi naman siguro bawal ang usaping pulitikal dito sa Filipinowriters.com
Sa iyo Fearl eh pareho tayo ng saloobin, medyo mulat rin kasi ako sa usaping bayan eh. Gawa lang ng gawa.
Sa iyo dyepp, daanin na lang natin to sa inuman, ikampay mo bro!!
Ingat,
Spike
Napakalawak po ng isipan at pang-uunawa n'yo?
Sana marami pang writers na tulad n'yo. Marami pong salamat at naiintindihan n'yo po ang hatid na mensahe ko.
God Bless you po!
Thank you po ulit! Idol ko po kayo!
Gawa din po kayo ng gawa ng inspiration poem and stories...
Goodluck po!
Ingatz!
Hindi naman bro...tao lang!!!
Nagtrabaho din naman ako sa gobyerno at masmatagal pa nga sa'yo.
Nakita ko lang o nagising ako na walang magbabago at masasayang lang ang laway ko(sa akin 2) dahil sa pinakamababa at pinakamataas na tao ay puro sarili lang ang iniisip nya. Yung nasa pila ay sisingitan pa ng iba sa pagbabayad lang ng sedula... Yung kahera kulang ang sukli sa resibo...may bayad daw yung sobre eh! yung nasa office kukupit sa kinita ng gobyerno...yung mayor iuuwi ang kalahati ng nakuha sa tax...yung kakaunting natira ay para sa proyekto na babawasin pa ang porsyento ng mga ehinyero at mga tao bumili ng materyales... kung baga sa sampung piso ay piso lang ang nabalik sa tao. Grabe pre!!! Hindi lang ako mulat at dilat na dilat sa lipunan ng ating bansa. Pilitin ko mang tumakas ay hinihila pa din ako.... pagpasensyahan po ta nangigigil lang talaga ako kapag lipunan o gobyerno ang pinag-uusapan....grrrrrr
salamat na din kay fhear101( hirap naman tag mo!) yun lang ang sa akin naman!!! pagpasensyahan....
...........................................................
ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...
Okay lang po... pasensya na rin po kayo...
Alam ko naman po na iba't-iba ang pananaw ng bawat tao. At salamat na rin po sa inyo at natuto na po akong tumanggap mga komento maganda man ito o masakit.
Maraming salamat po and God bless you po!
Pasensya na rin po kayo sa mga gawa ko na hindi swak sa panlasa n'yo.
Sa Aking Pananaw Lamang Po!
"Dapat ba nating isisi ang lahat sa ating pangulo ang kasalukuyang mga pangyayari at estado ngayon ng ating bansa? Kailangan ba na sa pangulo natin isisi ang lahat kung bakit wala siyang magawa sa pagtaas ng presyo ng bawat produkto at bilihin, ang pagtaas ng presyo ng langis, sa bayaran kuryente, sa tubig at iba pa na pinagkukunan natin sa pang-araw araw na kabuhayan? Kasalanan ba ng presidente kung bakit ikaw mahirap ay bakit lalo kang naghihirap nang makaupo na ang bagong hinirang na pangulo?"
Meron Lang Ako konting Komento sa Isinulat mo na yan sister fherl, sa paunang salita tama ka hindi dapat natin isisisi sa presedente ang lahat ng paghihirap na nararanasan natin sa panahon ngayun!........ Ang TANONG? Sino ba ang nag cocontrol sa lahat katulad sa gasolina, presyo, koryente, tubig diba may kinalaman ang presedente diyan, yun ang problema kahit anong gawin mo kahit mag-sikap ka hindi pa rin tayo nakakahon sa hirap dahil sa SOBRANG TAAS NG BILIHIN katulad nalang ng bigas magkano naba ang kilo ng bigas...
kung dati rati na kumikita ako ng 10 thousand every month ay sobra sobra ngayung budget mo 20thousand a month hindi na sapat dahil sa sobrang taas ng lahat ng bilihin mula sa pamasahe, gasolina, koryente, bigas lahat si arroyo lang naman ang hindi tumataas , ( Sorry sa words ko pero mula ng umupo yang si arroyo parang puro salot nalang ang nangyari sa bansang pilipinas) kahit mag-kaisa ang buong pilipinas hanggat siya ang naka upo ay walang mangyaring pag-babago sa ating bansa.
Mga ibang lahi kilalang kila nila sinasabi nila na ang pilipinas daw ay nangunguna sa corruption papano nila nalalaman iyun. kaya pinagtatawanan nalang nila ang ating bansa. kaya sa hindi sa sinisisisi natin ang presendente kung bakit tayo naghihirap, let say isa siya sa dahilan kung bakit naghihirap ang ating bansa.
Kaya the best thing nalang ay magsikap nalang tayo sa ating mga sarili at maging matalino nalang sa pag pili ng iboboto sa susunod na botohan pero ako ilan taon na ako hindi bomoboto sa presedential eleksyun dahil ayoko na may pag sisihan ako sa bandang huli..
At hindi rin ako sigurado kung naaapektuhan siya (arroyo) sa mga pangyayari sa ating bansa, at sa mga taong lalong naghihirap subukan mong magsikap , mag tiyaga ng sa ganun ay kahit papano ay makaahon tayo sa hirap, katulad ng sabi ni sis fherl ( Habang humihinga ka, Hanggat may buhay, May Pag-asa) hindi sagot sa kahirapan ang pag-gawa ng masama or kahit anong krimen. lahat ng bagay kahit anong hirap magsikap ka lang makakaahon ka sa kahirapan.
God bless philippines...........
Isa Lang Yan sa Mga Dahilan!
Hinaing ng OFW sa gobyerno
Dapat gumawa tayo ng hakbang para mag-resign na ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kadahilanang sagad na sa buto ang kasamaan at katiwalian sa kanyang administrasyon.
01. Fabricated peso at dollar exchange rate (para sabihing maganda ang economy, kontrolado ng Bangko Sentral).
02. Three times a day ang price hike (pagtaas ng bilihin, tatlong beses sa loob ng isang araw na hindi pa nangyari sa buong mundo, kundi sa Pilipinas lang).
03. Pagkababa ng dollar ay hindi naman bumababa ang bilihin. (Very obvious na katarantaduhan ito ng gobyerno natin.)
04. Billions of pesos at Jose Pidal account
05 Judicial killing (pagpatay at pagdukot sa mga against sa kanyang administrasyon.)
06. The most expensive road in the world (Diosdado Macapagal highway), soon to be published by Guinness Book of Records.)
07. Palpak na supplies ng militar at iba pang government agencies.
08. anomalya sa AFP (kung tawagin ay Garcia scam, pero ang totoo n'yan FG-Gloria scam) na magpahanggang ngayon wala pa ring nangyayari.)
09. Dayaan sa 2004 presidential elections
10. ZTE broadband project (overprice ng $130 million.)
11. Northrail and Southrail projects (overpriced ng $200 million)
12. Pag-kidnap kay Jun Lozada (kung hindi dahil sa maingay na media, patay na dapat si Lozada, like Dacer.
13. At ito ang pinakamatindi, budget/expenses sa Malacanang Palace every month:
Marcos administration - P750,000 -- dollar to peso that time P13
Corazon Aquino administration -- P1.5 million -- peso-dollar rate P24:$1
Fidel Ramos administration -- P2.0 million -- peso-dollar rate- P30:$1
Joseph Estrada administration -- P3.0 million -- peso-dollar rate P55:$1
Gloria Macapagal Arroyo administration -- P6 million -- peso-dollar rate - P40:$1
Ang naglabas ng statistical records na ito ay taga-Malacanang na media man. bigla na lang nawala (dinukot, kawawa naman)
Ano ang masasabi ni Juan dela Cruz dito? Tatahimik ka na lang ba? How about tayong mga bagong bayani kung tawagin? Hahahaha. Pinaganda lang ang tawag sa atin pero ang trato sa atin ng kasalukuyang gobyernong Arroyo ay parang basahan rin, tulad ng iba.
Magising na nga kayo! Walang mangyayari sa pakiusap sa gobyerno. Ang kailangan natin ay pwersa/lakas na patalsikin s'ya.
Para sa kaalaman ng lahat, maaari pong pakipasa na lang sa iba.
Ngmamahal,
OFW - Juan Pasan Co Ang Cruz a.k.a. Juan dela Cruz






Ma'am o Sir?!
Masyadong malawak na usapin ang nais mo iparating... Sangkatutuk na ang nagpatayan dyan sa topic na iyan. Sanay pumili ka lamang ng iilan upang masmabigyan ng diin ang saktong mensahe. Magulo ang gobyerno at magulo din ang tao kaya ang mabuti pa ay huwag na lang tayo maki-gulo. Hayaang umagos ang tubig sa ilog kung ayaw mo makasama ka sa malulunod! Smile lang po
...........................................................
ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...