Habang may buhay. (updates from Ilyana)

ilyana's picture
| |

Matagal-tagal din akong naglaho sa ibabaw ng monitor ng FW. Hindi ako nagtago sa Stonehenge nila Fred at Wilma at hindi rin ako nag hibernate sa Ice Age. Wala lang, na praning lang ako sa mga nakaraang buwan. Mahabang kwento at di ko pa feel ikwento ang lahat. Alam niyo naman na naging open ako sa aking buhay dito, nag MMK na ako lahat-lahat. Binuhos ko na ang lahat ng sama ng loob ko, at tinalo ko pa ang Bagyong Ondoy sa mga umagos na luha sa aking mga mata at nakiramay naman ang ibang mga kaibigan dito sa FW.

Minsan nadadalaw naman ako dito, at nagbabasa parin ng mga akda ng mga paborito kong manunulat. Pero tuliro ang utak ko. Madami akong gustong ikwento, pero hindi ko alam kung saan ko uumpisahan.

Naisip ko, sana ang buhay natin ay maging isang teleserye sa TV. Na sana kapag me mga trahedyang nangyayari sa buhay mo, sana pwede syang I edit at bigyan ng konting happy ending. Yun bang tipong hindi namamatay ang mga bida?At sana rin kapag ang puso mo ay nagdurugo, sana pwedeng baguhin ang plot at kunwari me sasagip sa iyong mala Adonis, na Bilyonaryo tulad nung siyota ni Betty Suarez sa Ugly Betty.

Kapag naman tayo ay nakaka encounter ng mga happy moments kung tawagin, kung pwede sana, I-rewind mo yun ng paulit ulit, para walang katapusan ang ligayang iyong nararamdaman.

Kaso, ang buhay ay hindi pelikula. Kapag ikaw ay nadapa at nasugat, hindi mo na pwedeng i brush up yun, at pagandahin ulit, kumbaga kahit pahiran mo pa ng isang kilong sebo da macho, o magic cream, di na maaalis ang peklat. Nakamarka na, ang mabuti nalang gawin ay habang nakikita mo ang peklat, kahit naghilom na ito, isipin nalang kung anong aral ang natutunan mo dun.

Ang mahirap kasi, bilang tao, para bang ang hirap nating matuto sa ating mga pagkakamali, lalo na at nanaig ang emosyon. Kahit na Baledictorian kapa noong Hayskul, kung puso na ang umandar, nakaka bobo pala, at tayo ay nagiging Andrea Bocelli sa larangan ng pag-ibig. Lalo na kapag tayo ay nabulag sa isang pagmamahal ng isang taong batikan sa pambobola at pag-papaikot ng ulo, yun bang tipong sila ay Summa Cum laude na me PH.D at MBA at kung ano-ano pa, kaya alam nila kung paano paibigin ang kahit sino kesehodang gano pa kataas ang I.Q. mo. Tayo ay nadadala sa mga pangako ng isang mapanlinlang na pag-ibig. Akala natin sya na ang sagot sa ating mga dasal.

Matapos kong madapa sa una kong pag-ibig, dapat sana natuto na akong kumilatis sa tunay o huwad na pag-ibig, pero hindi, nagpadala ako sa aking emosyon, at nag mistula akong sinto-sinto sa larangan ng pag-ibig, kaya ang ending, hindi pa naghihilom ang unang sugat, ngayon meron na naman panibagong sugat.

Pero, sa ka una-unahang pagkakataon, walang tumulong luha sa aking mga mata, siguro na manhid na ako sa mga trahedyang dinanas ko sa buhay. Pinipilit kong umiyak, para sana mahimasmasan ang aking pakiramdam, pero ayaw talagang umagos ang aking dati-rating nagbabagang luha.

Hindi naman ako nagsisisi sa mga naging desisyon ko sa buhay. Alam ko naman na kakambal na ng buhay ang problema. Sometimes we look at a calendar of days as merely a symbol of the passage of time. Pero nakakalimutan natin kung bakit tayo nandito sa mundo. Nakakalimutan natin na me dahilan ang lahat ng mga paghihirap at sakit na nararanasan natin.Nakakalimutan natin na nandito tayo sa mundo to learn something. If everything were perfect in this life, we would never learn anything new. We would not be able to elevate our spirits through the events that happen to us.

Bottomline, kahit na maka milyong Sana tayo, hindi na natin pwedeng i edit ang nakaraan. Past is past, ang mabuti nalang sigurong gawin, paghusayan ang susunod na kabanata sa iyong buhay. For sure, tayo ay makakaranas ng  panibagong problema, ang importante, nakahanda kang lumaban.


parasol's picture

Honga po!

pero parang wala ng thrill kapag kaya nating i-edit or i-rewind lahat ng bagay bagay at mga nangyayari sating hindi maganda o kasawian sa buhay.

 

tama po na paghusayan natin ang susunod na kabanata ng ating buhay

at tanggapin ng maluwag kung anu mang hindi maganda ang mangyari at patuloy na lumaban at hanapin ang existence..

 

salamat po sa pagshare ng magandang akda

 

ilyana's picture

....

Salamat sa pagdaan mo, pag naulanan ako dito, pahiram ng parasol mo ha?

Luca's picture

mare...

 

 

umi-emo ka...

ayos lang yan. ang luha ay sumusunod din sa batas ng supply and demand.

kung dati-rati, kapag may maliit na bagay na nangyayari sa atin, napakagenerous natin sa currency ng tears.

pero dahil nauubos din ang luha, mas malalaking kadramahan na ang nagiging katumbas ng bawat patak.

sabi nila pagkamanhid daw ito.

sa palagay ko, paraan to ng katawan natin na ipahiwatig na lumalakas tayo, kahit hindi pa natin alam.

ang puso, muscle din yan. habang nasi-stress, lumalakas.

malamang mare ay body builder na ang mga puso natin.

ayos lang yan.

wala mang laman, may substance pa rin. 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

ilyana's picture

OO nga..mare

Infact, lumilitaw na ang mga 6 pack sa puso ko..heheh.hmmmppp ayoko na munang mainlab, nakaka laki ng eyebugs...:-)

After Xmas nalang...heheh, Bago mag February...

windrider's picture

tama ka... tayo ay

tama ka...

tayo ay pinapanday at hinuhulma ng buhay sa tamang porma para sa mga susunod pang mga pagsubok.

ano nga ba ang kahulugan ng buhay?

kaya nga naging makulay ang buhay dahil anjan ang ibat ibang anyo nito.

gusto kong makulay ang buhay ko....

ano mang pagsubok na darating sa buhay ko...wala yan. Ako papatalo? No way!!!!

_______________________________________________________

" punta ako afghanistan....sama ka?"

Luca's picture

kumukulay ang buhay

 

 

dahil sa sinabawang gulay...

sa lahat ng pusong mahilig mag-workout, mag-organize naman tayo ng marathon, Puso Para sa Pasig... chinkerbell 

 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

ilyana's picture

Sige Mareng Luca..

Dapat nating I Yoga at pilates ang mga puso nating masokista, hahahhaha

 

Pahiram ng linya Paul..

 

Pag iniwan mo ako, sisiguraduhin kong hindi kana makaka Move on. EVER!!! dahil papakulam kita, hahahha

ilyana's picture

sige ...

Sama ako sa Afghan...para maging rainbow ang life ko, hahaha...salamat sa pag-daan, sarap mong kuruting sa avatar mo...

Rom's picture

ilyang

sabi na syo e mapapalaot ka...

 

KarikaTuura

ilyana's picture

???

Ano ba ibig sabihin ng "Mapapalaot???"

:-)

Rom's picture

ang tendency kasi kapag na

ang tendency kasi kapag na "fall out of love" ka ay magkaroon ng vacuum sa sarili mo. at since na hindi ka sanay na may vacuum o kawalan sa iyo, subconciously maghahanap ka ng "filler." you let someone to come in and fill the gap created by Falling out of love,ang problema ay kung kaya ba talaga ng "filler" punuan ang gap o dapat ba talagang magpapasok na ng filler. if unsuccessful, ayun mapapalaot ka nga maghahanap ka ulit, at ulit at ulit ng someone to fill the gap until you grow tired sa laot ng mga fillers.

ok lang mapalaot wag lang malunod--sagwan na!

 

KarikaTuura

parasol's picture

walang problema!

 pwedeng pwede po!

basta iingatan mo po ha..

Yiennarda's picture

Pa comment ako dito Rom & Ilyana

Matagal ko nang gustong itanong ang bagay na to pero diko lang kasi alam kung paano sasabihin.  Sige eto susubukan ko... Ayoko lang kasing seryosohin ng tao dahil maco-compromise ang privacy ko... hahah (meganun)

Bakit ang notion ng lahat ng tao when a person is going out to meet people eh para maghanap ng makakasama niya sa buhay.  Sabi nga ni luca sa ibang posts niya na minsan mas madali kung tanggapin mong tatanda kang magisa.  Na walang mag-"aalaga" sayo.

Now granting na natanggap mo na na magiisa ka nga balang araw sa buhay, that would not necessarilly mean na tigilan mo na ang makipag date at lumandi diba?.

 

What really gets into me eh yung notion na you get into relationships becuase you are looking for "fillers"

 hindi ba pwedeng, you just go out to have fun?  because eventually you know for a fact na magiisa ka rin naman kahit na anong gawin mong pageeffort para makita yung nagtatagong tao na hinahanap mo sa buhay?

kung pwedeng nga iyon, paano mo ngayon uumbagin in a fashionable way ang mga taong nagsasabing, naghahanap ka lang ng taong magmamahal sayo ng tunay?

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Rom's picture

simple lang ang buhay

given kasi na normal ang takbo ng mundo at normal ang pag-iisip ng mga tao, syempre gusto nating lahat at the end of the day na meron tayong katabi sa pagtulog at pag tanda--that's the so-called "normal" situation na kinalakihan natin at kinalakihan din ng ating mga magulang. 

pero, kung titingnan mo wala na tayo at ang mundo sa NORMAL na sitwasyon. iba na ang definition ng pagiging single at iba na rin ang meaning ng relationship. kasabay itong nag-iiba ng maraming masasaklap na bagay na nangyayari sa buhay--gaya ng paghihiwalay.

kaya nga dahil din dito nag-iiba na ang preference ng bawat tao tuwing dumarating ang pagkakataong nakipag hiwalay siya sa dati niyang karelasyon at papasok na naman sa panibago. ito yung kapag napaso ka na hinding-hindi ka na ulit hahawak sa mainit na bagay (sana).

Isa lang ang nakikita kong problema, no matter how we deny the fact we don't want somebody or someone to be with us until we're old, deep inside naghahanap pa rin tayo. tingin ko bullshit lang yung sinasabing "i want to be alone" when in fact kapag nakakita o nakahanap ng taong "almost perfect" at available naman bigla na lang tayong nangangarap na makasama yun pagtanda, in short nagiging hypocryte tayo sa sarili natin.

self-denial is just another stage in life, ginagawa ito para ma nurture mo yung sakit na naramdaman mo after a tumultuous relationship. go ahead with it, deny that the world exist, fuck cupid, kill all the lovers in sight, burn all the pink poems--until you come in full circle at ma realize mo part lang ito ng hurting cycle. 

ang importante, maging totoo sa sarili, pag masakit--magmura pag nagmamahal--ngumiti.

 

KarikaTuura

Luca's picture

sali...

 

naniniwala din ako sa point ni yani...

 

kasi totoo. dahil may notion tayo na "normal" ang co-habitation, kaya parang lahat tayo wired na maghanap jowa.

 

IRL (in real life) wala naman akong bitterness sa mga maswerteng nakahanap ng jowa, pero marealize sana natin na hindi yun ang norm. kasi kung bibilangin mo nga naman ang lahat ng tao sa mundo, mas marami ang single. at hindi pa natin binibilang dito ang mga taong nasa relasyon pero gustong maging single. hahaha

 

yung ibang tao nagiging masaya sa pagiging single dahil wala silang choice. pero may iba na narerealize na yun talaga ang susi sa pagiging masaya nila. ang maging mag-isa at umasa. feeling ko, may equal cause for celebration din yun.

 

it's understandable how any single person would want to end up with the perfect ONE. this is because it's inborn... we're trained to think that we need to be with someone. kasama yun sa survival of the species.

is it hypocritical if a person who says "i want to be alone" considers being with someone, granted their perfect? perhaps, but also highly unlikely. after all, what are the odds of that perfect ONE coming along?

 

pero sabi nga ni haruki murakami, kahit may katabi ka matulog, kapag ipinikit mo na ang mata mo, mag-isa ka na ulit. :)

 

 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

ilyana's picture

ROM, Yani and Luca (seniority first, haha)

Lahat kayo me punto...

 

ang gagaling naman...

 

Tama si Rom, ka ipokritahan ang magsabing mas gusto ko nalang mag isa- di totoo yun...Ako kahit gutay gutay na ang puso ko, gusto ko parin ng me nagmamahal sakin, at me mamahalin balang araw.

 

 

Confession ng mga single, masarap daw maging single, pero nakakasawa din yung pa iba-iba at naiinggit din daw sila sa mga friends nilang, me permanenteng inuuwian at the end of the day..

 

Confession din ng mga me asawa, nagsasawa na rin sila minsan na iisa lang ang mukhang inuuwian nila, kaya inda end, naghahanap sila ng ibang libangan outside home...kaya dun nauuwi sa infidelity...

 

Kaya parang minsan, mas maganda yung Open relationship ano? para walang betrayan..harap harapan nalang kayong makipag date, lol

 

Pero ang katotohanan, lalo na sa matagal ng kasal dyan, As in  nagbibilang ng dekada..minsan wala na kasi yung kilig, hindi mo na maibabalik yung dating kilig niyo noong first time kayong nag meet ng asawa mo..yung bang magdamagan kayo sa fone..at nag aargue ng NO you hang up first! ek-ek

 ngayon pag tumawag si mister or misis, ganito nalang...

 

Ano ulam? okay see ya, bye..

 

minsan wala nangan aylabyu...

 

Pero ganun talaga yun, kaya kayong me mga asawa, tanggapin nalang ang katotohanan na nag i expired din ang kilig and just stick to it, at wag na kayong maghanap ng bagong magpapakilig, dahil in da end, yang magpapakilig sa inyo, ganun din ang ending....magsasawa karin, pag nakasama niyo na..

 

Kaya nga naisip ko minsan, I think, i'll just stick with the devil I know...than the devil I dont know..:-)

 

salamat sa mga komento niyo!!!mabuhay!!

Rom's picture

ganito kasi yan... aminin

ganito kasi yan... aminin man natin o hindi hinuhubog tayo ng kapaligiran natin ang media lalong lalo na ang TV ay binobomba ang senses natin ng mga artificial needs na kung tutuusin ay di naman natin kailangan.

bakit ba kailangang maging payat? para magustuhan ng mga lalaki?

bakit kailangang may six pack? para attractive sa girls?

bakit kailangang laging may ka partner? dahil ito ang sukatan ng kaligayahan?

ang lahat ng pamantayang yan ay itinakda lamang ng komersyalismo at nang media na nakapaloob sa isang artificial na lipunan na pinatatakbo ng matinding komersyalismo. PROFIT ang bottom line.

tuwing valentine's day ginagawa ng lipunan natin na insecure ang maraming single. kesyo valentine's day kasi kaya dapat may Jowa ka. pressure...pressure artificial pressure sa isang artificial needs. dapat bumili ka nito at nun para ibigin ka, para cool ka para magka Jowa ka.

ang payo ko, iwasan nyo magbasa ng Fashion magazine kasi hindi totoo na ang mga babaeng nandun ang siyang pamantayan ng maganda at seksi. hindi rin sila ang modelo na kapag ginaya o nagaya mo ay magiging masaya ka sa buhay.

ang lipunan natin ay lumilikha ng mga standards na mali, at pilit na sinusundan ng marami sa atin babae man o lalaki. standards na naka base sa materyalismo at empty promises. ginagawa ito para mabenta ang isang produkto, idea, pelikula, libro, palabas sa TV o hangaan ang iilang celebrity.

nung nauso ang Twilight andaming babae ang nagbago ng standard sa lalaking kanillang gustong maging BF. naging pamantayan na nila si Edward Cullen bigla. naalala ko nung hit na hit ang ":ghost" ni Demi Moore at Patrick Swayze, halos lahat ng babae sa lugar namin nagpaikli ng buhok gaya ni Demi Moore at biglang naging topic ang occultism at multo sa mga usapan.

alam lahat ito ng mga PR people, at ang love bilang isa sa pinaka powerful emotion sa mundo ay pinasok na nila matagal na kaya matagal na nila tayong pinag lalaruan. 

 

 

KarikaTuura

Yiennarda's picture

Cycle of Pain

Frankly speaking... may kurot paminsan kapag nakakakita ako ng matatandang mag asawa na sweet na sweet pa rin sa isa't isa.  Kurot kasi kahit na alam mong genuine silang nagmamahalan, the story behind those sweetness is the fact na

nagkaroon na sila ng dalawa o tatlong asawa bago nila natagpuan ang isa't isa...

or pareho pala silang may sabit meaning currently may asawa sila, in short kabit...

or... kahit pareho silang hiwalay sa asawa, di naman sila pwedeng magpakasal kaya kahit na anong gawin mong pilit,. wala talagang perpekto

sa totoo lang kapag may mga kaibigan akong single na namo-mroblema sa lovelife nila dahil wala pa daw silang asawa, ang lagi kong pinapayo... "why make 1 person miserable if you can make thousands of them miserable?" (jowk ko lang naman to, bahala na sila kung seseryosohin diba?)  Sabay sunod ng "mag-paanak ka na lang sa gwapo at yang anak mo ang alagaan mo at hindi yung kung sino sinong pontio pilato ang hinahanap mong magaalaga sayo"  Diba parang mas may fulfillment don kesa naman inuulit ulit mo lang na i-inflict ang pain caused by broken heartedness?

Alam kong napakadaling sabihin pero mahirap ngang gawin dahil hindi nga ito ang norms na sinusunod natin sa ating buhay buhay... kaya tama si Rom, iwas iwasan ang kapapanood ng kung anu anong soap opera para di maging komplikado ang buhay...  pero sabi nga rin ni luca, kailangang maging komplikado para mas may challenge... ayan contradicting na tuloy!

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Luca's picture

or..

 

 

magpa-anak ka sa pogi, tapos gawin mong bakla

para secured ka na sa pagtanda. hehehe 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Rom's picture

ang pag aasawa

Yiennarda wrote:

or... kahit pareho silang hiwalay sa asawa, di naman sila pwedeng magpakasal kaya kahit na anong gawin mong pilit,. wala talagang perpekto

sapul ako dyan! hehe...

para sa akin ganyan talaga ang esensya ng continuing na paghahanap ng hapiness. hindi naman parang lotto na yan na na once tumama ka ayun  na--mayaman ka na. kung may natagpuan kang kapartner, natural sa umpisa di kayo compatible (kalokohan yung mag Jive agad kayo) in the process kung willing kayong dalawa na mag adjust, makukuha ninyo ang set-up ng relasyon na kung tawagin ay near perfect or satisafctory sa standards ninyong dalawa (hindi sa iisa lang). kapag nangyari yun--hindi ninyo na kailangan pa ang kasal. para sa akin wala nang silbi ang kasal dito, na reduce na ang kasal sa ceremony at papers lang.

kailangan lang ang kasal dahil sa legalities, benefits etc. at stigma na ibinabato ng ipokritong mundo sa mga magiging anak nyo. pero keber ba, basta maligaya kayo.

tandaan na marami na ngayong "substittute" sa pag-aasawa. nandyan ang crochet, cross stitch, pets, virtual pets, farmville, mafia, counter-strike, chat room at kung sex lang andaming porno site dyan o san ka pa?

kung challenge at complication rin lang ang hanap mo marami din dyan, hindi lang sa lovelife mahahanap ang challenge. (pwede na rin and bunjee jumping)

naalala ko nung nasa mundo pa ako ng mga aktibista na kung saan pwedeng manligaw ang mga babae bilang pantay na karapatan sa kalalakihan--merong nanligaw sa akin. medyo asiwa ang pakiramdam kasi nga hindi siya norms ng buhay na kinalakihan ko, pero ang mga mga ganung bagay ang bumabasag sa normal na takbo ng buhay at nagbibigay ng panibagong perspektiba kung paano mo tinatanaw ang pakikipag relasyon.

sana nga lang pwede talagang gawin ng babae na manligaw at may kalayaan silang gawin ito--para naman mabawas-bawasan ang hopeless romantic sa mundo at makalikha ng pagbabagong matagal nang kinakailangan sa isip ng mga kalalakihan.

 

KarikaTuura

Yiennarda's picture

Natumbok mo Rom ang gusto kong sabihin

hahaha, "natumbok"       

 

Although, hindi talaga ikaw ang nasa isip ko dun sa na-quote mo na sinabi ko, general naman yan ha, kaya sorry kung nasapul ka, hehehe feeling ko dika naman nasaktan hehe (i hope)

 

Pero anyway, dagdag rin lang sa mga punto mo...  bakit kung ang lalaking kasal ay nambabae, hindi na malaking issue, pero kung ang babae ang nanlalake para bang siya na ang pinakamasamang nilalang sa mundo

or bakit ang lalake normal na lang na SEX ang laging laman ng isip, pero kung ang babae ang nakipag one night stand, (sa maraming lalake) sasabihin ng tao, ang cheap...

 

dahil nga ang explanation ay hindi ito ang nakamulatan nating paniniwala...  pero ang tanong, tatanggapin mo ba ang isinisiksik na paniniwala ng lipunang ito sayo o palalayain mo ang sarili mo sa kahon ng lipunang ito?

 

it is always hard to please everyone...  so the best thing that i learned really is... to care less about what everyone thinks and stick to what makes you genuinely happy!

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Rom's picture

 and to quote an old

double post

 

KarikaTuura

Rom's picture

 and to quote an old

 and to quote an old song...

If I live, If I succeed

at least I live as I believe

no matter what they take from me,

they can't take away my dignity

every body now... the greatest looove of aaaallll...

 

KarikaTuura

Yiennarda's picture

May videoke session ba sa Christmas reunion???

Sali ako!         

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

ilyana's picture

Mareng Yanie

"bakit kung ang lalaking kasal ay nambabae, hindi na malaking issue, pero kung ang babae ang nanlalake para bang siya na ang pinakamasamang nilalang sa mundo

or bakit ang lalake normal na lang na SEX ang laging laman ng isip, pero kung ang babae ang nakipag one night stand, (sa maraming lalake) sasabihin ng tao, ang cheap..."

 

------------

 

Agree ako jan, pero kung sakaling gagawa ang babae, dahil gumagawa si Mister, gumawa kang patago, hahah, yung di ka nya mabubuking,

 

Siste, magla last ang relasyon niyo, kasi pareho kayong happy, hahahha, Kasi dina uso magpaka martir ano? Equal opportunity dapat..

 

so the best thing that i learned really is... to care less about what everyone thinks and stick to what makes you genuinely happy!

 

Sama ako dyan...kung san ka msaya dun ka, mag ingat lang sa sakit! lols

Yiennarda's picture

Mare

Mukhang marami tayong mapagke kwentuhan niyan... hahaha!  Lika na tagay pa!!!       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Luca's picture

uy...

 

 

 abot ba kaya ang signal ng wifi sa PnMMNP?

mag-live via skype naman tayo. 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

wow kuya rom

namangha lang po ako hehehehe.. iba talaga ang may pinagkatandaan.. :)

 

 

" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang  mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"

wow kua rom

 me ganyang comment ka wow!!!!!

" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang  mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"

Rom's picture

sani

haha! Sani, very unlikely ba na may comment ako tungkol sa ganitong topic?

 

KarikaTuura

ilyana's picture

Mareng Jag..

 Bongga ka ever!!hahaha, I love that, gawin mong bakla, para nga naman me mag aalaga sayo sa pagtanda, hahaah, Yoko, mas type ko atang magka APo,hahha

 

Ikaw naman Mareng Luca, kung si Elthon John na super taba (ng bank account) nakakapag asawa, so Habang may Buhay, may Jowa, wag kang mag alala- o diba?

Luca's picture

Kosang Jag!

 

 

ayos ba?

yan ang payo ko sa bespren kong single mom...

haaay... mga lalaki talaga.

 

hehe. nako mare, alam mong di ko kailangan ng account na mala-Elton John para maka-capture ng boylet. 

alam mo namang kung mayroong common sa ating dalawa yun ay ang katotohanang tayo ay...

 

CATCH.

 

ganda. 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Ailem23's picture

ate ilyana

 Sabi nga nila, makakabalik ka palagi sa isang partikular na lugar pero hindi mo na maibabalik ang panahon. ang mga alaala sa lugar na iyon ay mababalikan mo pero hindi na ulit iyon mangyayari pa. life is a no "turning back" scene. Isa iyon sa masasabi nating mapait na mukha ng reyalidad. kaya nga palagi nating sinasabing, "move on" kasi wala namang magsasabi sa'yo ng, "move back".

marami akong natutunan sa thread na ito. Marami akong natutunan sa mga comments lalo na sa mga sinabi ni amang rom. kasama rin kasi ako sa mga taong nagsabing kampante akong tumandang mag-isa. I guess, it is a matter of choice and acceptance. Pero hindi ko idedeny na gusto ko rin namang maranasan na magmahal at mahalin din bago man lang ako mag-isa. Haay naku... hehehe. 

basta ate ilyana, be strong always. andito lang naman ang mga friends mo. di ka man namin mabigyan ng comforting hug, mabibigyan ka naman namin ng support para tulungan kang maging stronger.

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

ilyana's picture

Thanks Melay

Alam mo me bespren ako, ganyan ang pananay ng mga Ate nya sa buhay, na kaya daw di sila nag aasawa dahil, ayaw nilang masaktan, mabuti pa daw mag isa nalang sila sa buhay..

 

Oh well, kung dun ba sila maligaya, pero ito naman ang sagot ko

 

Nasaktan man ako, di naman ako nagsisisi na umibig ako, the bright side is..me mga anak ako na kamukha kong cute, hahaha

 

Balang araw iiwan din nila ako??? Nasa upbringing naman siguro yan, pero nakahanda na ako ng pang retirement ko sa Nursing home, lols

 salamat sa mga commento niyo guys...dami dami na.

CLOSET WRITER's picture

nakakalito talaga...

di ko alam kanino mag aagree kc may point lahat ng opinion. siguro kc hati din ako sa kung ano talaga trip ko. most of the time, gusto ko talaga mag isa, or sanay ako mag isa. pero there are times na naghahanap din ako ng kasama. pero open naman ako for any thing.

basta ang sigurado ako, one is not a lonely number :)

Yiennarda's picture

agree

pero 3 is definitely a happy number hahahahahahahh!       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Luca's picture

eh..

 

 

natry mo na yung 7?

 

nakakalito... haha 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

ilyana's picture

7??

ano namang 7 yan mare? parang Gang bang?hahha

 

eh yung 88 mare, na try mo na siguro?

Luca's picture

bakla

 

 

BUKKAKE yata tawag dun sa 88.

 

hahaha... di ko pa natry yan 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

ilyana's picture

eighty eight??

Asus si Mare..di pa daw na try--sikat yan diba?

 

I 8 urs and U 8 mine? hahah--meganun! (sabi nga ni mareng Yanie)

parasol's picture

miss

basta ako agree ako sa inyo

na sa kahit anumang problema at pagsubok sa buhay natin ang dumating

kung madapa at madumihan man tayo

marunong parin tayong tumayo, lumaban at magpatuloy sa buhay..

salamat po.

Yiennarda's picture

Hahahahahah

Ngayon gets ko na! hahahahha

Hindi ba may isang number pa para dun??? diko na sasabihon heheheheh!       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Similar entries