Habang tayo'y nagniniig
ibabahagi ko sa iyo ang mundong itinago ko sa iba… na habang binabayo mo ang aking kaselana’y ihihimlay ko sa gitna nang malungkot mong mga ungol ang aking dangal… hindi ko rin kalilimutang ihandog sa iyo ang aking mga saloobin habang walang habas mong kinukutya ang aking balat ng mainit mong halik na wala kahit isang katiting na damdamin para sa akin…
habang tayo’y nagniniig, ikukuwento ko sa iyo ang aking buhay na hindi ko kailanman pinarinig sa iba, at pilit kong ‘di papansinin ang mga titig mo sa kabuuan ko na para bang hindi mo ako kilala…
habang tayo’y nagniniig, luluha ako ng lihim sa likod ng anino ng gabing pinagkakanlungan mo upang sana’y masilip ko ang ngiti mong ilang beses mo nang iipinagkait sa akin…
habang tayo’y nagniniig,hahayaan kong libakin mo ang aking pagsinta ng iyong mga pangakong pinarupok ng tawag ng laman na hindi natin kapwa matanggihan…
habang tayo’y nagniniig, kakalimutan ko pansumandali ang mga pader na nakapagitan sa atin dahil habang tayo’y nagniniig, papaniwalain ko ang aking sarili na sa tuwing ang katawanan nati’y nagiisa ang mga damdamin nati’y nagkakalapit…
habang tayo’y nagniniig, hayaan mo sana akong papasukin ka at makita ang iyong mukha, pagsapit ng umaga…
habang tayo’y nagniniig, iyayakap ko ang aking mga binti sa iyong balakang tulad ng pag yakap ko sa bawat sakit na iyong nararamdaman…
habang tayo’y nagniniig, ilalapit kita sa aking puso’t isipan upang madama mo na maaari mo akong kapitan…
habang tayo’y nagniniig, hayaan mo akong ibulong sa iyo ng paulit ulit ang iyong pangalan tanda na nais kong kilalanin ka.
habang tayo’y nagniniig,
tuturuan kita kung paanong sa aking kaluluwa sumiping
bagamat batid kong katawan ko lamang ang nais mong angkinin…
habang tayo’y nagniniig,
hindi mo namamalayang nabuntis mo ako nang pag-ibig…
when you fuck me
i want you to pretend that you are making love with me.
but if you can't
or if you don't want to,
then let me make it for both of us.
'sing sarap, 'di 'sing mahal...
.
astig. love or lust. ikaw lang dito sa fw ang kayang humabi ng ganyang mga salita.
nacurious ako kung ikaw ang nagsasabi ng bawat linya o ikaw ang sinasabihan nito. i hope everthing's fine.
wala ka talagang kupas!
Mga Obra ni Jonsdmur
Balarila - Wastong Gamit ng Salita
galing mo pa rin! Iba ka talaga humabi ng mga salita......
Ipagpatuloy lang!
Jons
hwoh
galing ah...
very intense...
but
sex without love is boring...
....itaga mo sa bato...tiyak sira ang itak mo!!!
au contraire
SEX WITHOUT LOVE IS SPORT!
'sing sarap, 'di 'sing mahal...
weh...
weh...
what kind of sport ba??
haha...basketball..
...minsan ang panulat ay mas nakakasugat kaysa sa tabak!!!
very emotional. and it's
very emotional.
and it's more on positive that it could produce not one, not two, but three - through love.
no hindrance.
galing mo...
nakahanda sa pagbahagi ng pangyayaring hindi pa ba nararanasan?
here.you.
akid here, yeah, me, i heart you.
...
Salamat sa lahat ng mga nagbasa at nagkomento. Medyo nakalimutan ko na ang isinulat ko na ito, i-pinost ko pala dito. :)
Anne,
Salamat sa pagdaan at sa pagsasabing ako lang dito sa FW ang nakakagawa ng ganyan. :) nakakataba ng puso kong makolesterol.
...
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/
natouch ako sa hindi
natouch ako sa hindi mawaring kadahilanan.
like it much !
:)
...
Salamat sa pagdaan mo d-younker.
Kung ano man 'yang kadahilanan na 'yan ay nasa sa iyo na ang pagtuklas. :) salamat na muli.
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/
nakakakatuwang, nakakainis -
nakakakatuwang, nakakainis - martirrr!!!
tingin ko pahaging ito sa mga martir sa tabi-tabi. member ka ba ng gabriela? hehe.
nice one!
rgds.










Like!
1. habang tayo’y nagniniig,hahayaan kong libakin mo ang aking pagsinta ng iyong mga pangakong pinarupok ng tawag ng laman na hindi natin kapwa matanggihan…
2. habang tayo’y nagniniig,
tuturuan kita kung paanong sa aking kaluluwa sumiping
bagamat batid kong katawan ko lamang ang nais mong angkinin…
3. I love kids, as long as their not mine.
http://forcedengineer.wordpress.com