Hagupit ng Bagyong Dolyar Sa Piso!
Hagupit ng Bagyong Dolyar Sa Piso Nakakainis na ang nangyayari sa palitan ng dolyar parang bagyong humahagupit sa mga ofw. kaming mga OFW na kahit malayo sa aming mga mahal sa buhay ay nag-titiis para lang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aming pamilya papano na yan, kaya nga kami umalis sa ating bansa para kumita ng dolyar pero ano na nangyayari ngayun sobrang bumababa ang palitan ng dolyar sa piso pero hindi bumababa ang bilihin sa ating bansa. Kawawa ang mga non-skilled ofw worker halos kumikita nalang ng 10 thousand to 12 thousand a month. kaya nga tayo nag punta sa ibang bansa para kahit papano ay mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal natin sa buhay. Pero ang nangyayari ay ang kinikita namin ay sapat lang na ipapadala naming pambayad ilaw, tubig, pambili ng bigas. Doon lang napupunta walang pag-asa na umasenso or makaipon ng malaki.
Tapos kapag nagsasalita ang ating" Mahal at kagalang galang KUNO" na presidente ay maganda daw ang nangyayari sa ating bansa at sa ating ekonomiya dahil bumababa daw ang palitan ng dolyar sa piso. Okey sana kung bumababa din ang bilihin, kung walang mga taxes, ngayun kahit saan ka bumili kaliwa't kanan ang taxes. Kung iisipin natin saan ba napupunta ang mga taxes na binabawas sa atin? .Kaya ang tanong saang bagay gumanda ang ekonomiya natin? Hindi ko Makita kung saang parte? Kayo nakikita ninyo ba??? Pakipaliwanag naman po oh kung saan at pano gumanda ang ekonomiya ng pilipinas? Minsan nag bubulag bulagan tayo at nagbibingibingihan nalang tayo sa mga pangyayari sa ating bansa, pero kung iisipin natin na sa bandang huli tayong mga nasa lower class ang naaapektuhan kaya itaas ang kamay ng taong hindi naaapektuhan sa mga pangyayari sa ating bansa lalo na sa pag-taas ng bilihin .
Marami ng mga ofw ang nag-hihinaing sa nangyayaring pagbaba ng dolyar lalong lalo na ang mga ofw na may pamilyang binubuhay. Katulad nalang sa aming kompanya nagulat ako marami ang nag-uuwian sa pilipinas tinanong ko sila bakit kayo nag-uuwian eh ang hirap ng buhay sa atin sinagot ba naman ako na sa liit ng kinikita ko dito sa pilipinas nalang ako magtatrabaho masipag ka lang at matiyaga ka sa atin kikitain mo rin ang kinikita mo dito. Ikaw ba naman sa tingin mo may 2 kang anak na pinapag-aral sa tingin mo sapat ba ang 350$ na kikitain mo hindi diba? Kaya kung kaya din naman nilang kitain sa pilipinas dun nalang sila kasama pa nila ang kanilang mga pamilya? Pero ang tanong kung kikitain nila iyun? Sayang maraming mga skilled worker na kung maganda sana ang pamamalakad sa ating bansa makakapag bigay sana sila ng magandang contribution sa ating bansa. Mapapakinabangan sana ang kanilang mga talento ng ating bansa. At sana sa POEA hindi na nila ina allowed ang sahod na 350$ dahil ang problema ang katumbas nalang niyan ay barya? Minsan kung ganyan lang kaliit ang kikitain mo sa abroad iisipin mo na magtitiyaga ka nalang sa pilipinas , ang problema naman sa atin kapag natanggap mo ang sahod mo ang daming kaltas kaya natitira nalang sayo halos kalahati nalang.
Kaya okey na sana na nasa ibang bansa ka mag tatrabaho kaya lang yan nga ang problema ang liit ng palitan ? parang bagyong humahagupit sa mga ofw. Hay kailan ba aasenso ang ang ating bansa , kailan kaya bababa ang mga bilihin, kailan kaya kami makakauwi sa ating bansa na hindi na kami mag-iisip na mag-abroad ulit. Kaya tayong mga ofw matutu tayong magtipid at pahalagahan ang maliit nating kinikita dahil sa hirap ng buhay ngayun kahit siguro isang daang piso libutin mo ang buong pilipinas wala kang mapupulot. Okey lang sana na bumaba ang palitan basta bababa din ang bilihin sa ating bansa wala sanang problema.
Kaya WISH KO LANG SANA TUMAAS ANG PALITAN NG DOLYAR , AT SANA NAMAN BUMABA ANG BILIHIN SA ATING BANSA. AT SANA MAGKAROON NG HIMALA!!!!



