HALAW KAY CHARLES BUKOWSKI

Allanjohn Andres's picture

-

-

-

-

-

-

-

Umiikot ang tingin
sa madaling
sabi, lasing
o medyo nakainom
ngayong alas tres
nang umaga
sandosenang pahina
ng tula
na yata
ang namamakinilya
heto ako, isang gurang
parang mabubuwang
kaiisip sa mga dalaga
kapapantasya
ganitong nag-iisa
sa lilim
ng aking takipsilim
ang atay
nakaratay
ang bato
nagdedelikado
nanlulupaypay
ang lapay
at agad
hina-highblood
pag naaalala
ang oras
na winaldas
lalo ngayon
walang katabi
habang nagpupuyat
sa TV
kung gabi
kung mamalasin
baka bangungutin
at dahil solo
isang linggo
magpapasasa
ang mga pusa
sa kung anuman
ang naiwan
sa  katawan
bago pumarada
ang ambulansiya
sa tapat
habang tuloy ang banat
ni Matt
Monro sa stereo
dati sinumpa ko
ang pagkatha
ng tula
tungkol sa pagtanda
pero dahil kuwela
itong litanya
pahintulutan mo
muna ako, ako
na kaytagal nang gastado
pero di pa rin plastado
ngayong alas tres
nang umaga
kailangang ubusin pa
ang natirang beer
sa pridyider
kailangang hugutin
ang manuskrito
sa makinilya
magsubo
ng panibago
makipagtalik
sa sariwang kaputian
ng papel na blangko
malay mo
baka palarin
una para muna
sa akin
at susunod
para sa iyo.


j luna's picture

Bukowski.... EPIC

Bukowski.... EPIC WIN!

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Allanjohn Andres's picture

-

 

malaking bagay ito, j.

maraming salamat.

 

nina_simone_blues's picture

it's good. really good. :)

it's good. really good. :)

Allanjohn Andres's picture

-

maraming salamat at naibigan mo  ;-)

galatea hopkirk's picture

kuya Allan. wala kang kupas.

kuya Allan. wala kang kupas. :)

 

 -Galatea

Allanjohn Andres's picture

-

 

salamat, galatea.

nasaan na ang mga bago mong tula?

galatea hopkirk's picture

kuya. eto pala yung muntik

kuya. eto pala yung muntik nang mabulok sa notebook ko. haha.

http://filipinowriter.com/halaw-kay-edna-st-vincent-millay-galatea 

-Galatea

chris2pei's picture

wow!!!l

lobe it, sobrang nice ng tula, love it!! :D

Allanjohn Andres's picture

-

 

maraming salamat, chris.

sakaling may oras ka at interesado, iniimbitahan kitang sumilip sa http://allanandres.blogspot.com/ kung saan nakapaskel din ang iba ko pang trabaho.

magsinoalvin's picture

maghihintay ako na

maghihintay ako na magsi-post ulit ng kanilang mga gawa ang mga magagaling na manunulat na ito... Alam ko pong hindi na sila natutuwa sa kawalan ng kalidad ng mga nagpopost ngayon dito sa FW (hindi po lahat. may ilan pa pong magagaling) kaya hindi na sila nagpopost ng gawa nila. nakakalungkot.