Halaw kay Edna St. Vincent Millay (Galatea)
(Here is a Wound sa That Will Never Heal, I Know)
May pighating walang lunas, nandirito sa dibdib
Katuwira'y 'di kamatayan o pagdurusa
Kundi paglisan ng isang pag-ibig
At ang paglalaho ng kaaliwan
Ng gayon-gayon na lamang.
Wala na...
Hindi na muling mamumukadkad
Ang mga talulot doon sa kaparangan.
Wala na...
Gayong patuloy ang paghahasik ng sisidlan
At ang mga ulap na dati-rati'y ngumingiti
Kasabay ng araw ay mababalot ng dilim
Tila kirot na lalong pumapait.
Wala na...
Ang tag-init sa Abril ay uulanin ng luha
Wawasakin ng hangin at sakit ang tag-ulan sa Agosto.
Matitiis ko
Kung ang pag-ibig na ito'y hindi na muling magbabalik
Subalit ang ipagkait ang pangarap
Maski ang pag-aasam man lamang
Na muling mahagkan
Ang magdudulot ng lalong kasakitan
At kamatayan ng pusong
Laging maghahanap.
oo nga kuya. ngayon ko lang
oo nga kuya. ngayon ko lang siya na-appreciate.
medyo matagal na rin ako hindi nakasulat. kaya ganyan ang hitsura ng tula ko. hehe.
-Galatea
ibinabalik ko lang sa recent
ibinabalik ko lang sa recent post para mabasa ng mga gaya naming baguhan sa larangan ng pagsulat. Wag ninyo po sanang mamasamain.
marami pong salamat!
(Ito ang mga tula...)




-
Nakatutuwang basahin ang tulang ito buhat kay Millay. May reading din ako na pinatutungkulan ng speaker ang paulit-ulit na pagkaudlot ng kaniyang pagdadalang-tao, kundi man, ang lubusang kawalan ng kakayanan para dito.