Haligi
Haligi
Isang haligi kang hindi papayag na mabuwag,
Matibay ang iyong loob, ‘di ka nabubuwag.
Nagtiis ka at nagtiyaga para sa aming lahat,
Ikaw ang bumuhay, nag-alaga, nagmahal ng tapat.
Sa bawat sandali’y pamilya ang iyong inuuna,
Sarili mong kapakana’y isinasantabi muna.
Ikaw ang naghirap para kami ay mabuhay,
Nagsakit ka’t nagpagal, umibig na tunay!
Salamat sa Diyos, kami’y tunay na mapalad,
Sa mundong ito’y wala kang katulad.
Lahat ng iyong ginagawa’y wala ngang kapantay,
Mahal ka rin namin, o aming tatay!
(June 16, 2006)
Thanks for the comment...
=)
Mimosa pudica, sensitibong nilalang,
Karapata'y mabuhay ng walang humahadlang.



Haligi
salamat sa nilalaman ng tula,..
dapat nating mahalin ang ating Ama at Ina...