Halika
Submitted by Jack Alvarez on February 22, 2012 - 12:30pm.
Filipino | Poetry | pag-ibig
Halika sa kuwarto ko
Pumasok ka
Tulad ng pagpasok mo sa puso ko.
Nasa ‘yo ang duplicate keys
Ipasok mo ang susi
Pihitin ang doorknob
Marahang-marahang itulak ang pinto
Halika sa kuwarto ko
Pumasok ka
Tulad ng pagpasok mo sa puso ko.
Hindi ito gaya ng five-star hotel
Di na kailangang mag-swipe ng cards
Libre kang manahan
Walang statement of charges
Halika sa kuwarto ko
Pumasok ka
Tulad ng pagpasok mo sa puso ko.
Nariyan ang kama
Malalambot ang kumot at unan
Gabi-gabi nating iguguhit
Ang mga larawan ng ating pag-ibig
Halika sa kuwarto ko
Pumasok ka
Tulad ng pagpasok mo sa puso ko.
Jack Alvarez
» login to post comments | 306 reads


