Hang-Over sa ilalim ng tulay ng Quiapo (short story)

Rom's picture
| | |

 

 

Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

Hang-over sa ilalim ng tulay ng Quiapo

 

Madalas akong lasing nitong mga nakaraang araw. Hindi dahil sa gusto kong mag celebrate ng bertdey ko ng madalas o sadyang lasenggo lang ako, o di kaya’y laging nayaya ng barkadang uminom. Wala lang. wala lang talaga sa hulog ang utak ko nitong mga nakaraang araw.

 

Madalas pag lasing ako naiiyak ako. Kung ang ibang lasenggo sumusuka kapag lasing, ako naiiyak. Kung bakit kasi sa akala kong makakalimutan ko ang problema ko kapag nakainom ay lalo pang lumolobo ito na parang sipon kapag bigla kang napabahing. May talsik-talsik pa.

 

Minumura ko ang lahat, ang gobyerno, ang biyenan ko, ang kapitbahay ko, ang kaklase ko nung greyd wan, ang titser ko, ang ex-wife ko…oo ang putang inang ex-wife ko na itinago sa akin ang dalawang anak ko. Putang-ina niya! Kung nasaan man siya putang-ina talaga niya. At kung naririnig niya ako, putang-ina nya ulit!

 

Madalas akong uminom kung saan lang abutin ng uhaw, nakapagtatakang inom ako ng inom pero di naman natitighaw ang uhaw ko. Dati beer lang, pero ‘tangina naiihi lang ako lagi sa beer—time to graduate, hard naman mura na mabisa pa. isang boteng ginebra lang tipsy ka na di tulad ni San Miguel tagal ka tablan, magagastusan ka pa.

 

Mas masarap kasi mag-isang uminom, at least wala kang damay. Tapos lakad-lakad lang pauwi, pakanta-kanta. Yun e kung makakauwi, minsan nagising ako nasa tabi ako ng basurahan. Nakakahiya. Pero ang di ko malilimutan ay nung magising ako malapit sa ilalim ng tulay ng Quiapo.

 

‘tang-ina, ang sakit sakit ng ulo ko, parang binibiyak, pinagpapawisan ako ng husto habang nag-aalburoto ang sikmura ko. Pinilit kong idilat ang mga mata ko sa pagkakaupo pero sadyang ferris wheel ang paningin ko. Sandal muna sa pader…sheeet! Amoy tae dito nasusuka ako…hakbang…gabay…hakbang…anong oras na kaya? Sheet ulit! Wala ang relo ko at wallet?

 

“lola may nakita ba kayong…”

 

“ay may tinda pala kayong kape?”

 

“isang tasang kape tsaka Marlboro lights ha”

 

‘tang-ina ang dumi naman ng termos ni lola, di bale na nga sakit ulo ko e kailanagn makapag kape. Buti pa si lola may hanap-buhay dito sa ilalim ng tulay.

 

“lola bakit po dito kayo sa tago nakapwesto? Mabibilhan ba kayo dito?”

 

Bingi ba itong si lola? O matindi lang hang-over ko, aba e nginitian lang ako e.

 

“gusto mo ba ng tatlong storck?”

 

“po? Storck? Yung kendi? Hindi po”

 

‘tang-ina adik itong si lola, kita nang may hang-over ako kending menthol pa ang ipapalaklak sa akin, kandasuka na nga e.

 

“skyflakes na lang ho, meron kayo?”

 

Ayan skyflakes at kape para sa taong may hang-over at walang pera. Sarap sana humigop ng bulalo para mahimasmasan tapos sabay ligo ng malamig na shower. Napansin ko lang dito sa ilalim ng tulay ng Quiapo andaming matatanda. Dito na ba lumipat ang Veterans Memorial Hospital? Mga nakahiga sa folding bed e—tsaka pawang mga matatandang babae ang narito, yung iba may alagaing apo pa.

 

Umiikot pa na parang tsubibo ang ulo ko, parang maya-maya lang bubulwak na ang isang baldeng suka galing sa sikmura kong walang laman, nagsisimula nang umagos ang laway ko sa ngala-ngala at panga, bagay na lalong nagpapasidhi sa muriatic acid sa sikmura ko. Pakiramdam ko nakakain ako ng hilaw na sampalok.

 

Kalabit-kalabit uli si lola…

 

“’utoy, utoy, magpapasupsop ka ba?”

“ha? Ano po?”

“sabi ko magpapasupsop ka ba?”

 

Hindi ko alam kung tama nga ang narinig ko, agad akong humarap kay lola taglay ang isang kilo’t kalahating kilabot na hindi ko alam kung dala lamang ng malapit ko nang maisukang sikmura o nabingi na ba ang mga tenga ko sa kaiinon ng ginebra.

 

“hindi ka kasi bumibili ng storck e”

“ano pong kaugnayan ng storck sa supsop?”

“lahat kasi dito para malaman kung gustong magpa supsop bumibili muna ng storck—tatlo”

 

Halatang irita na si lola, ako naman di alam ang gagawin. Putang-ina sa ilalim ka ba naman ng tulay ng Quiapo nagising, may hang-over, malagkit ang pakiramdam, gutom tapos may kausap kang matandang hukluban at ang topic nyo supsupan? O sya sige close na nga kami ni lola tapos ng supsupan kantutan naman ang topic ha?

 

Tinanaw ko ang paligid, lumilinaw sa akin ang sinasabi ni lola. May tatlo hanggang limang folding bed ang naka pwesto sa ibat-ibang panig ng madilim at maruming bahagi na ito ng tulay ng Quiapo. Malansa, mainit at makalat. Walang may mangahas na pasukin ito maliban sa aking namataang matatandang lalaki din at ilang mukhang basurang di katandaang lalaki na lumabas sa hinawing kurtinang yari sa sako.

 

Napamura ako, nag-aangat kasi ng zipper yung isang mama pagkatapos niyang hawiin yung kurtina papalabas, habang may isang lola naman sa likod nun, nakangisi pa.

 

“ano bang gusto mo? May bakod o wala?”

 

“‘Tang-ina ito si lola…kung anu-ano sinasabi hindi ko maintindihan”

 

Nasabi ko sa sarili.

 

Halata siguro sa mukha ko ang pagtataka, o sadya lang nakakagago talaga ang mga pangyayari lalo na at kalahating lasing ka pa at nasusuka.

 

“ay putang-ina ano ba? Papasupsop ka ba ng titi mo o ano? Singkwenta lang”

 

Muntik ko nang mabitiwan ang isang tasa ng kape na tangan ko. Blow Job session pala ng mga matatanda ang ilalim ng tulay ng Quiapo na ito. Kaya pala tinatanong ni lola kanina kung may bakod ba o wala ang gusto ko, nang Makita ko ang isang lola matapos umalis ang parokyano nya---isinubo muli ang pustiso nya.

 

Putang-ina! Nandiri ako, biglang sumikdo ng husto ang sikmura ko at gustong isuka lahat ang bituka ko pati atay, balumbalunan, at baga ko. Hindi ko alam kung parusa na ito sa akin at ako’y nasa impierno na. Oo masarap ang Blow Job, ang masupsop ang titi, ang nilalandi ng dila ang burat habang nilalamas ang bayag, por dyos, por santo! Pero hindi ni lola!

 

Napako ako sa kinatatayuan ko, pinagmasdan ko ng husto ang paligid. Muli kong nasaksihan ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga matatandang uutay-utay na lang sa pag galaw habang nakatalungko sa mga folding bed nila, may maliliit na lamesita sa gilid ng kama, mistula itong charity ward sa PGH kung saan may mga pasyenteng matatanda na walang dalaw. Narito ang iilang plastic bag na may mga damit nila at ilang gamit kusina.

 

Umaalingasaw ang ihip ng hangin na galing ilog pasig, ang lansa at alimuom ng pinaghalong alinsangan at tamod sa semento ang siyang nanunuot sa utak ko. Nilulunod ng mga businahan ng sasakyan at ingay ng mga nagtitinda sa labas ng tulay ang palatak ng suspsupan sa sulok na ito ng kamunduhan.

 

Nanginginig ang kamay kong inilapag ang isang tasa ng kape, bahagya ko lang itong nainom. Di bale na, tanggal na ang hang-over ko. Nalingunan ko si lola tindera, nakangisi. Hindi na niya kailangang magpaliwanag. Wala siyang dapat ipaliwanag.

 

Kahit gigiray-giray ang lakad ko humahangos ako palabas sa ilalim ng tulay na iyon. Hindi pangkaraniwan ang magising sa bahaging iyon ng mundo. Hanggang makalipas ang ilang oras di ko pa rin mapagtanto kung gising na nga ba ako o bahagi lang ito ng isang masamang panaginip.

 

Sa natitirang barya sa aking bulsa tinangka kong sumakay ng bus. Nakasisilaw ang liwanag ng haring araw sa puyat kong mga mata, nagdudulot ito ng pag tagaktak ng pawis at butil-butil na pangamba sa noo ko.

 

Hindi ko rin alam kung bakit nagmamadali ako, gusro kong maligo na, gusto kong umuwi na, gusto kong Makita na ang mga anak ko. Gusto kong mayakap na sila, gusto kong kamustahin sila, gusto kong tumawa kasama sila, kung nasaan man sila…

 

Naiiyak ako…nahihilam ata ako sa usok ng sasakyan habang nakatanaw sa bintana ng bus. Napayuko na lamang ako ayokong Makita ninuman na naluluha ako. Sa pagkakayuko may napansin ako…bukas pala ang zipper ko.

 

END

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Rom

 

"soylent green are people!"


meanmissy's picture

i like your short stories,

i like your short stories, nagiging versatile writer ka na, kakaiba pa ang ending...thanks for writing, keep on writing ha

 

teena 

 

 

Business articles and financial views 

http://www.technoconvergingzone.com/

 

Rom's picture

Hi there

Hello there meanmissy, i like you too.

can you give me your real name and number?

hehehe...

 

keep in touch

karikatuura button

 

  nalinlang ako dito ah!

 

nalinlang ako dito ah! maganda ang treatment sa mga detalye, maayos ang pagkakadrawing sa mga pangyayari.  tulad ng isang magandang sketch.

ang ganda ng pagkakasulat! pati ang ending, ang lakas ng dating.  para bang yun na yung bahaging isusulat mo na yung "factolerin" sa iyong mga gawa. 

naisalarawan mo ang kabalintunaan ng pamumuhay sa siyudad.

 

Ruthie

Rom's picture

.

salamat Ruth, isang attempt ito na magpatawa pero nagpapangiwi pala.

mabigat sa dibdib seryosohin ito nang mapanood ko sa iwitness ang real story nito.

 

salamat sa pagbasa.

 

karikatuura button

haha

natawa ako!

nakakaloka! talagang supsop.. nyahahhaha

ang gusto kong malaman.. kung talagang may supsupan sa ilalalim ng tulay ng Quiapo hahaha!

 

galing! galing!

Rom's picture

.

totoo yan ilang beses nang na featuire sa mga documentary film yan e

 

karikatuura button

 

ehehe

tulala din ako gaya kay rhea stone

anaknangpitungpu't puting tupa! may ganun pla talaga sa ilalalim ng tulay ng quiapo... whoaH!

 

maganda 'tong entry.. ;)

Rom's picture

.

salamat Fhe, sa pagbasa---> o gising na ha baka tulala ka pa rin. hehe... 

 

karikatuura button

Rhea Stone's picture

(*tulala*)

.

.

.

.

.

Matagal akong napatutok sa monitor ng kompyuter ko pagkatapos kong mabasa ang kwento sa itaas.

Maganda ang pagkakalarawan ng bawat tagpo. Animo'y isa akong nilalang na naka-silip sa ilalim ng tulay na nanonood ng mga pangyayari sa istorya. Gusto ko ring mahilo, masuka, at mapamura.

Gusto ko ulit matulala...

.

.

.

.

.

Rom's picture

?

bakit ka natulala? wala bang pumasok sa senses mo? 

 

 

karikatuura button

Rhea Stone's picture

natulala ako...

...dahil sa galing ng iyong pagkakalarawan

...dahil ito pala ay hango sa totoong buhay

...dahil ang iyong sulat ay isang sampal ng katotohanan

...dahil sa ngayon wala akong magawa sa nangyayari sa ilalim ng tulay kung hindi tumulala sa sitwasyon ng kanilang buhay.

Rom's picture

.

minsan ang pag-iyak lang sa sitwasyon na di natin kayang remedyuhan ang tangi nating magagawa, pero gayunpaman ang pagsimpatiya natin sa totoong pangyayari ay isa nang hakbang para hindi tayo maging kasangkapan ng pang aapi.

salamat sa pagbasa.  

 

karikatuura button

amaranta luna's picture

galing

ang galing po ng narration, parang katabi ko lang po yung karakter kaya ramdam na ramdam.

may napanood po akong pelikula "Grand Ecole" yung title. Yung isang karakter dun para di maiyak tumingala na lang sa langit.

 

vima

Rom's picture

.

naku e hindi ka nga maiiyak kapag tumingala ka sa langit ang kaso naman baka mabulag ka kasi matindi sikat ng araw at tsaka baka naman mabangga ka ng sasakyan kung nasa kalye ka. oks lang umiyak kahit lalaki pa basta wag lang papalahaw hehe...

 

salamat sa pagbasa

 

karikatuura button

 

 

Adlesirc's picture

haha

totoo to kuya?! grabe, kadiri naman saka nakakaasar...

 

naaasar ako pag nakakakita ako ng sobrang matatanda na pero nagtatrabaho pa pero mas nakakaasar pa ang mabalitaan na may mga gantong nangyayari sa Pilipinas. hay..

 

katulad din ng sinabi nila, maganda ang pagkakalarawan. parang nandun rin ako sa ilalim ng tulay. nai-imagine.galing ni idol! hehehe

 

keep it up. =)

Rom's picture

Hi Ann

totoo ito ann try mo minsan sumaglit sa ilalim ng tulay ng Quiapo wag ka lang bibili ng storck ha. napanood ko ang documentary nito sa iWitness siguro mga 2 years ago. hahanapin ko baka nasa YouTube.

kakalungkot nga e pero yan ang realidad ng buhay Pilipino. nakakatakot.

salamat sa pagbasa. 

palagay mo pwede na itong entry sa Book compilation? ito pa lang kasi ang naiisip ko e.

 

karikatuura button

Adlesirc's picture

haha

kuya naman, kahit bumili ako ng stork, wala akong "thing" na kapareho ng mga boys! hahaha at saka hindi na ako napupunta gaano sa quiapo, masyado na delikado. 

entry sa book? ahmmm... para sakin, mas gusto ko yung pasko sa freedom island, billboard saka yung lumang kwento mo na kalahating kilong gutom, isang litrong luha. yun mga pinaka gusto ko sa gawa mo e =)

ngayon pa lang ako magpapasa.. kulang pa nga ng isa e.

 

spike_west's picture

Maganda ang istorya Rom

Medyo parang inappropriate yung pictures sa kwento, kasi seryoso yung kwento tapos ganito ang makikita mo sa huli. Parang nasayang tuloy yung malalim ng emosyon kanina, kasi di mo alam kung matatawa ka o kung ano ang mararamdaman ko.

Tungkol sa kwento, maganda ang kwento, somehow its an eye opener, siguro yung comedy hindi mo gaanong pansin kasi seryosong usapin. Alam kong may malalim kang pinaghuhugutan ng ideya mo at mature ang paraan ng pagsulat mo.

Okay ito bro, pag sibol sa aspalto.

Ingat

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

.

hehe..add ons lang kasi ung pic para lang may mailagay yan.

halu-halong emosyon ang ininject ko dyan bale ang magbabasa na ang bahalang mag pick-up kung anong emosyon ang appropriate sa kanya. gusto ko kasing angkinin ng mga mambabasa ito kung sakaling tumama sa kanila. magkakaiba nga ang reaksyon ng mga nakabasa dito siguro pag lipas ng ilang panahon kung mababasa ulit ito sana iba na naman ang reksyon.

 

salamat sa pagbasa spike 

 

karikatuura button

okay ang kuwento, pero...

disturbing yung picture, kuya. :(

 

naisip ko lang:

... sa una, pinakita mo yung isang taong wasted na parang walang patutunguhan. akala niya siya ang siga, hehe, pero nasapawan pa pala siya ng mga matatanda.  galing ng paggamit ng irony. 

 

good day.

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

Rom's picture

Hi Ruth

salamat Ruth, ayan inalis ko na yung pic hehe.

kasi akala natin tayo na ang may pinaka malalang problema sa mundo yun pala katiting lang ito kumapara sa iba. masa malaki ang problema ng paligid. kung pakikisangkot dito ang pagtutuunan natin ng pansin malamang malulusaw ang sarili nating problema, mas ok na theraphy ang makisangkot sa problema ng iba kaysa sa magmukmok at maawa sa sarili. yun nga lang dapat marunong ka magdala.

salamat sa pagbasa. 

 

karikatuura button

totoo yan kuya...

 

therapeutic talaga ang pagtugon sa pangangailangan ng iba.  it may be a thankless job sometimes, but in the end, it is good to know that you have lived not only for yourself, but also for others.

salamat pala sa iyong aksyon. hehe.

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

 

Rom's picture

.

oks lang Ruth, ikaw ata yung may pinaka credible na opinion dito kapag sinabi mo nagdadalawang isip na agad kami, hehe..most of the time kasi tama ka at maganda ang reputasyon mo sa site na ito. Literary wise at morally wise. 

salamat uli 

 

karikatuura button

  naku po, mabigat na

 

naku po, mabigat na paratang yan! hehe...  basta sa ikabubuti, kaisa niyo ako.  pag ako'y nagkamali, aasahan ko rin ang inyong pang-unawa... ganun lang ang buhay. :) 

hosha kuya!

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

 

twenty0ne's picture

Astig! Thumbs up!

Astig! Thumbs up!
Ang ganda p0 ng pagkakagawa niyo. Talagang hindi sagot ang alak sa anumang problema. Hehe

Rom's picture

.

salamat sa pagbasa. oo naman hindi sagot ang alak sa problema BJ lang haha! 

 

karikatuura button

jonsdmur's picture

Maganda ang pagkakalikha!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

buhay na buhay ang mga eksena.. maganda ang pagsasalarawan....

jonsdmur

Rom's picture

.

kamusta ang kwento mo Jon? naisubmit mo na ba? o editing pa? sabihin mo lang  kung may maitutulong ako ha

salamat sa pagbasa 

 

karikatuura button

jonsdmur's picture

hello kuya!

 

 Editing pa rin po kuya....sana nga matapos ko na... next day na ang deadline... inaayos ko pa... hirap pala sa editing heheheeh...

salamat po... buti pa kayo dami nyo pwede ipasa.. at lahat okay na okay...

jons 

 

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Patrickman's picture

no teeth, please...

hanep! :D

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Rom's picture

.

 

with or without tongue? 

 

karikatuura button

Patrickman's picture

haha

anyhow, basta deep throat, bwehehe...

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Rom's picture

.

wehehe... see you on the poetry reading night bro! 

 

 

karikatuura button

Patrickman's picture

better late than later

yep, punta ako. kaso malamang ma-late ako kasi may work ako hanggang 5pm at galing pa akong novaliches so baka past 6:30pm na ko makakarating...

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

twenty0ne's picture

Bj b?

Bj b sasag0t sa pr0blema?Jeje wak na.Khit mgkapr0blema n q hbambuhay kung matandang hukluban ang kakanta sa mikrop0n0 qh.Jeje
. . . . . . .
sex, drugs, and rock n roll,
speed, weeds, and birthcontrol.
life sh*ts and then you die.
so f*ck the world and lets get high!

belgiana's picture

hi

hi kuya, IDOL!

Rom's picture

.

 

 ngek! idol ka dyan...:)

 

logo button 1

Napaisip ako, parang

Napaisip ako, parang napaka-naive ko sa tunay na takbo ng mundo natin ngayon. Siguro dahil ayaw kong ma-disappoint. Gusto ko pa din paniwalaan na this is a beautiful world to live in.

Minsan gusto kong sisihin ang mundong kinagisnan ko, madaming lihim na naitago sa akin simula pagkabata ko...and I'm just beginning to find out kung ano talaga ang totoo.

Napaka-compassionate ko pa naman sa matatanda. Pero ano nga ba ang magagawa ko para sa ganitong sitwasyon ng mga matatanda? Sarili ko ngang lola na hindi naman salat sa buhay, palagay ko'y nagkukulang pa ako sa kanya. Ewan ko. Kahit anong gawin ko, napakaliit ko sa mundong ito. Wala akong magawa sa mga bagay na ito.

Nakakaawa sila pero kulang ang basta nalang awa.

>

>

Ahem! Medyo bumaligtad lang ang sikmura ko don. Makapag-dinner na nga!

Rom's picture

.

 

 marami tayong pwedeng magawa kung tutuusin. hindi kinakailangan na mag donate sa charity o ampunin ang mga matatanda o batang walang mapuntahan. maging aware lamang tayo sa kapaligiran natin at maging hindi kasangkot ng pagpapalaganap ng pang-aapi sa kapwa natin isang malaking bagay na para sa mga taong nakalimutan ng tadhana.

sabi ko nga e dun sa kabilang thread ng usapan, yung pagpapaupo lang sa bus sa mga nangangailangang maupo isang malaking bagay na pero parang napakahirap gawin ng isang simpleng tao, parang napakaraming isyu pa ang lumabas at pagtalunan sa simpleng pagpapaupo lang sa bus---bakit kaya? 

 

logo button 1

Jack A. Alvarez's picture

Sex trade sa ilalim ng tulay ng Quiapo

Kaloka ha!

Akala ko sa park lang ng Avenida o sa mga sinehan. Pati pala sa ilalim ng tulay may sex trade.

Supsop (bisaya term) ng suck, chupa, blow job.

Maganda ang paghahalo mo ng iba't ibang emosyon. Galit. Mangha. Poot. Lungkot. Magulo. Masalimuot. Nasusuka. Nahihilo. Pero nangingibabaw pa rin ang pagiging tao ng bida at naramdaman niya lahat-lahat.

Na-touch ako dun sa pangungulila mo sa mga anak mo. Proud ako sa 'yo.

 

 

http://jackofspades01.multiply.com/

Rom's picture

isa sa mga pinakamadilim na

isa sa mga pinakamadilim na bahagi ng buhay ko (hindi ang supsupan ha hehe...)

salamat Jack 

 

KarikaTuura

Dequi's picture

napakaganda ng paraan ng

napakaganda ng paraan ng pagsasalaysay.dapat di pinababayaan ang ganyang talento..keep it up!

Rom's picture

salamat sa pagbasa. sana

salamat sa pagbasa. sana makarami ng gawa at mai-compile bilang libro :)

 

KarikaTuura

Joven's picture

Yeah

totoo ba ito kuya rom? parang ikinukwento yung tunay na nangyari sa totoong buhay e. angas!

haha nakakatawa yung supsop part.

may nobela ba kayong sinusulat kuya rom? bagay kayong pangnobela e. yung hindi nakakaumay basahin.

galing nyo talagang tatlo!

Rom's picture

hehe..totoo yan. inspired

hehe..totoo yan. inspired yan sa napanood kong documentary ng iWitness tungkol sa mga lolang "supsop" sa ilalim ng quiapo. at totoo ring ganyan ang kalagayan ko dati habang hinahanap ang "nawawala" kong mga anak.

ung nobela kong ginagawa medyo na shelved pa. busy kasi ngayon sa paggawa ng mga documentary at experimental films--ang bago kong passion.

 

sinong tatlo?

 

KarikaTuura

Joven's picture

kaya pala kuhang-kuha ko

kaya pala kuhang-kuha ko yung mga senaryo e. astig!

kayong tatlong maaangas at malulupit magsulat dito sa fw. ikaw, si kwenkwento, at si j. luna! ibang-lebel kasi yung mga sinusulat nyo e.
actually lima kayo, kaso diko na yata natitiyempuhan sina giselle espino at squid villanueva. galing din ng mga gawa nun e! kaso lately ko lang nabasa. sayang!

abangan ko nobela nyo! sali kayo sa palanca hehe.

Rom's picture

idol ko yung apat na yun

idol ko yung apat na yun hehe salamat at inihanay mo ako sa kanila kahit di pa dapat, di pa ako ganun kagaling.

salamat sa pagbasa! 

 

KarikaTuura

emopencil's picture

ASTIG

 Hi Rom, astig 'tong sinulat mo.. Ang ganda, di ko rin akalain na may ganito pala sa quiapo..Habang binabasa ko 'to, halong emosyon yung naramdaman ko. Nakakalungkot pa rin isipin na may ganitong pangyayari pala talaga.

Mahusay.. 

Godbless..

 

._.+'emopencil'+._.

Rom's picture

 salamat sa pagbasa at

 salamat sa pagbasa at nahalungkat mo pa ang mga gawa ko :)

 

KarikaTuura

emopencil's picture

siyempre naman...

 HInayaan talaga ako na makita ko yung gawa mo, salamat nga at nahalungkat ko... Sige, maghahalungkat pa uli ako.. Humayo ka at magpakarami, hehehe..

 

GOdbLess..

 

 

 

._.+'emopencil'+._.