"Hanggang Kailan Maging Akin Ang Puso Mo?(Chapter 1-4)"

fhearl08's picture
| |

Paunawa

Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit ko po sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko po lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay na buhay ay talagang hindi ko po sinasadya. Ang lahat ng ito ay bunga lang po ng aking malikot na imahinasyon.

The Author’s Message

I made this novel with my own knowledge, courage, and with strong self determination that if what real writers do, I can do too. And I’m also aiming that maybe someday I can be a popular or wellknown writer.

It’s my great pleasure of sharing my knowledge and my work to everybody. I’m just hoping that my creation will fully satisfied of every readers and might add knowledge to those writers who are already knowledgeable one.

 

Kabanata 1

Mag-uumaga na’y hindi pa dalawin ng antok si Michelle, maraming mga bagay ang gumugulo sa isip n’ya. ‘Di n’ya lubos maisip kung bakit ganon na lang katindi ang galit ng mommy Marga niya gayong mabait at masunurin naman siyang anak di tulad ni Tricia. Labis na nagdaramdam si Michelle sa paraan ng pagtrato ng mommy niya simula pa noong bata pa sila ni Tricia. Minsan naisip niya na baka hindi siya tunay na anak ng mommy Marga niya dahil mula noong sila’y mga musmos pa lamang ay namulatan na niyang di maganda ang trato ng mommy niya, mabuti pa si Tricia at ito ang malapit sa mommy niya. Halos lahat ng mga pagkakamali ni Tricia ay siya ang palaging sinisisi nito. ’Di niya makalimutan ang mga nangyari sa kanila noon ni Tricia.

“Anong nangyari dito sa flower base ko!” Galit na tanong ng mommy nila habang nakaharap kay Michelle. “Alam mo bang mamahalin ang base na yan!” ani ulit ng mommy nila. “Regalo yan sa kasal namin ng Daddy n’yo kaya mahalaga sa akin yan! Anong ginawa mo dito Michelle!” Galit na galit na hinarap niya si Michelle at pinagduduro pa na ikinatakot naman ng pobreng si Michelle.

“M-Mommy!.. S-si Tricia po yong...” ani Michelle pero sumambat kaagad si Tricia.

Sasabihin sana niya noon na si Tricia talaga ang nakabasag ng base pero agad namang nagsalita at nagsinungaling si Tricia sa Mommy nila at napaniwala naman ito.

“Ano! Siya ang nakabasag n’yan mommy! Huwag kayong maniwala sa sinungaling na yan!” Pagsisinungaling na sabi ni Tricia sabay inirapan niya si Michelle.

Naniwala naman kaagad ang mommy nila sa kasinungalingan ni Tricia kung kaya kaagad nitong pinagsasabunutan ang kawawang si Michelle. “Maldita ka talaga! Pati personal kong gamit pinakikialaman mo! Papatayin kitang maldita ka!” Malademonyong pinagsasabunutan at pinagsasampal sa mukha ang kawawang si Michelle ng Mommy niya.

“Mommy maawa po kayo sa akin! Tama na po! Nasasaktan na po ako Mommy!” Luhaang nagmamakaawa sa ina si Michelle na hindi naman iniintindi ng mommy niya. Punong-puno na ng pasa sa katawan at sa mukha si Michelle nang maabutan sila ng Daddy nila.

“Stop it! Tigilan mo na yan Marga!” nag-aalalang sabi ng daddy nila dahil halos di na niya makilala ang anak na si Michelle sabay yakap sa luhaang si Michelle.

Habag na habag si Alexander sa anak at di na nga niya napansin at nasita ang asawa niya sa ginawa nito kay Michelle. “My God! Ano bang nangyari Michelle? Tell me! Huwag kang matakot! I’m here for you anak, alam kong kagagawan na naman ‘to ni Tricia at ikaw na naman ang lumabas na masama sa mga mata ng mommy mo. Sabihin mo sa akin ang totoo, please?” mahinahong tanong ni Alexander sa nakakahabag na hitsura at luhaang anak.

“H-Hayaan n’yo na lang po Dad, kahit anong paliwanag ko kay mommy ay palaging ako pa rin ang mali sa mga mata niya.” ani Michelle sabay punas sa luha n’ya habang kayakap ang ama.

“Dad, anak nyo po ba talaga ako ni Mommy?” makahulugang tanong ni Michelle sa ama.

“Of course naman! Why did you ask me like that Michelle? Oo, 100% anak ka namin ng mommy Marga mo.” Paliwanag ng Daddy niya.

“Pero bakit ganon na lang ang galit ng mommy sa akin?” tanong ni Michelle sabay tanaw sa malayo.

“Hayaan mo anak at kakausapin ko ang mommy mo, pagpasensyahan mo na rin ang mommy mo anak dala lang siguro yan sa illness niya. Lagi na lang kasing tumataas ang pressure niya at kailangang matawagan ko ulit ang family doctor natin baka malala na ang High Blood pressure ni Mommy mo.” Mahabang paliwanang ni Alexander sa anak.

Hindi namalayan ni Michelle na umiiyak na pala siya habang minumuni-muni niya ang mga nakaraan lalo na noong bata pa siya. Hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago ang pakikitungo ng mommy niya. Ngayong nasa tamang gulang at pag-iisip na siya, umaasa pa rin siya na gumanda ang pakikitungo ng mommy Marga niya sa kanya. Tuluyan ng di makatulog si Michelle sa gabing yon kaya binuksan na lang niya ang T.V. sa loob ng kuwarto niya at nanonood na lang ito ng palabas habang hinintay niya ang umaga dahil papasok pa siya.

Seventeen years old na si Michelle at sa susunod na buwan na ang 18th birthday niya. Halos kasing edad lang niya ang kapatid niyang si Tricia, bagay na ipinagtataka ng malaki ni Michelle kaya tuloy minsan maisip niya na di talaga siya tunay na anak ng mga Del Cielo dahil sa one month age gap nila ni Tricia. Nasa kolehiyo na si Michelle at ilang taon na lang matapos na nito ang kursong medisina. Siguro lahat na ng katangian ng isang babae ay matatagpuan mo na kay Michelle. Napakagandang dalaga na ni Michelle sa height na 5’6”, mala Coca-Colang katawan at maputi at makinis na kutis na bumagay naman sa straight at mahaba niyang buhok na hanggang beywang. Bukod sa pagiging maganda ay siya rin ang pinakamagaling at matalino sa klase nila umpisa pa noong elementary pa siya hanggang grumadweyt ng high school ay palaging Validictorian si Michelle. Hanggang sa kolehiyo ay wala pa ring pagbabago si Michelle kung kaya abot-abot ang kanyang mga manliligaw at suitors pero ni isa ay wala pang napupusuan ang dalaga dahil priority niya ang kanyang pag-aaral. Bukod na lang kay Dave na pinakamasugid at mabait niyang manligaw bukod sa pagiging anak-mayaman, napakabait at napakagentleman din nitong si Dave. Minsan, ito palagi ang kasabay ni Michelle sa pag-uwi kaya napagkamalan tuloy silang magnobyo.

Sa School, habang papauwi na sina Michelle kasama ang matalik at madaldal niyang kaibigan na si Cathy, nakasalubong nila si Dave. Kinikilig naman si Cathy nang makita niyang papalapit na sa kanila si Dave.

“Gosh! Look Michelle who’s coming! Ang guwapo talaga ng prince charming mo ‘Day!” ani Cathy habang kinilig kay Dave.

“Puwede ba Cathy, kaibigan ko lang yan si Dave kaya ‘wag mo siyang ipilit sa akin. Gusto ko pang tapusin ang pag-aaral ko Cathy at saka na yang mga prince charming na sinasabi mo!” ani Michelle sabay irap sa kaibigan.

“Sige na nga! Kung ayaw mo sa kanya, di akin na lang siya. Oh! How I wish na maging boyfriend ko rin siya. Malay mo ‘Day huh!” sabi ni Cathy na pabulong na dahil papalapit na sa kanila si Dave.

“Hi Girls! o ano Michelle uuwi na ba kaagad tayo o magdinner muna tayo?” Nakangiting bati ni Dave habang tinatanong si Michelle kung lalabas pa ba sila. Mabilis namang sumagot si Michelle ng hindi.

“No, hindi na lang siguro, nakakahiya naman sa kaibigan ko baka mahirapan pa siya pag uwi malayo pa naman ang uuwian niya. Mauna ka na lang at pagpasensyahan mo na lang na di ako makasama sayo ngayon.” Ani Michelle habang nagpapaliwanag sa kaharap.

“P-Pero...” nag-alangang sabi ni Dave.

“Hello..? Ako ba ang problema n’yo? Wala yan, puwede mo ng makasama si Michelle dahil sunduin na pala ako ng brother ko ngayon dito.”

Palusot naman ni Cathy sabay kuha sa cell niya at kunwa’y kausap niya ang kuya niya. Kita niya kasi sa mukha ni Dave na gusto niyang makasamang mag-isa si Michelle.

“Sigurado ka ba Cathy na pupunta ang kuya mo dito?” nag-alalang tanong ni Michelle sa kaibigan.

“Oo, kaya mauna na kayo ni Dave. Don’t worry about me my friend, kaya ko na ang sarili ko no! Sige lakad na kayo at hoy Dave, ingatan mo ang kaibigan ko ha! Pag may masamang mangyari d’yan, managot ka sa akin dahil ikaw lang ang kasama ng friend ko!” Pabirong sabi ni sabay kaway sa papasakay ng kaibigan sa kotse ni Dave. Naiwan naman sa park si Cathy.

“Haay! Buhay, sana ako na lang si Michelle para makasabay ko rin ang prince charming ko. Tuloy maghihintay pa ako ng taxi nito, huh!” ani Cathy habang nag-aabang ng masakyan. Mabait din itong si Cathy kung kaya lahat ng problema ni Michelle ay sa kanya na lahat ipinagtapat ng kaibigan. Walang di alam si Cathy sa pagkatao ni Michelle dahil naikuwento na yata ni Michelle ang buhay nito sa malulupit na ina at kapatid kaya tuloy di maiwan-iwan nito si Michelle. Minsan na ring tinulungan ni Michelle si Cathy lalo na noong time na kailangan niya ng malaking pera dahil inoopera ang nanay niya dahil malala na ang kanser nito sa bato. Akala ni Cathy noon hindi na maisave ang buhay ng nanay niya pero dahil sa tulong ni Michelle, napapaopera kaagad ang Inay niya. Marunong tumanaw ng utang na loob si Cathy kaya ganon na lang kahalaga sa kanya ang butihing kaibigan na si Michelle.

 

 

Kabanata 2

Binagtas ng kotse ni Dave ang kahabaan ng Buendia Avenue patungong Makati. Kanina pang kapwa walang imik sina Michelle at Dave. Naiirita si Dave sa katahimikan ni Michelle kaya ito na ang unang nagsasalita.

“M-May problema ba Michelle? Alanganing tanong ni Dave sa dalaga.

“W-wala, huwag mo na lang akong intindihin Dave, dati naman akong tahimik di ba? Nag-aalala lang kasi ako kay Cathy baka hindi siya sunduin ng Kuya niya.” Ani Michelle.

“Di ba may cellphone siya? Tawagan na lang kaya natin para macheck natin kung nakauwi na ba?” ani Dave habang nagmamaneho.

“Di bale na, alam kong marunong namang magdala sa sarili ang kaibigan ko.” Paliwanag ni Michelle sa kausap.

“Hmm... Sige kung yang ang gusto mo.” Pag-sang-ayon ni Dave kay Michelle. “Siya nga pala, saang restaurant ba tayo sa Makati pupunta? Tanong ni Dave kay Michelle.

“Kahit saan, ikaw na ang bahala di naman ako mapili e.” Ani Michelle. “Buti nga kasama kita kaya hindi na ako mamimili ng place at alam mo na kung saan tayo laging nagpupunta di ba? Lalo na sa mga favorite places ko?” dugtong pa ng dalaga.

“Okey. You’re the boss.” Pabirong wika ni Dave.

“No! You’re the boss.” Nakatingiting sabi ni Michelle sabay tawa silang dalawa ni Dave na ikinatuwa naman ng binata dahil kahit papano ay napangiti rin nito ang kaibigan na minsan lang niyang nakitang ngumiti.

“Alam mo lalo kang gumanda pag nakangiti ka palagi.” Seryosong komento ni Dave na ikinamumula ng mala-anghel na mukha ni Michelle.

“M-Malayo pa ba tayo?” paiwas na tanong ng dalaga na nahalata naman ni Dave.

“Malapit na.” ani Dave habang inaatupag ang pagmamaneho.

Sa pinakasikat na Chinese restaurant sa Food Park (THE) ng Makati sila pumasok ni Michelle. Nabigla pa nga ang dalaga dahil first time pa niyang makarating sa place na yon dahil kay Dave. Medyo naiilang si Michelle nang sila’y pumasok dahil kadalasan sa mga pumapasok doon ay mga bigating tao o sa madaling salita mga maykaya talaga sa buhay.

Habang papasok sila sa restaurant, napapansin na lang ng dalaga na hawak na pala ng binata ang kamay niya at ang sweet pa nila parang totoong magkatipan. Siguro akala ng mga nakakakita sa kanila na naroon ay talagang magnobyo sila dahil magkahawak kamay pa ang mga ito.

Humanap ng puwesto sina Dave at Michelle sabay tawag ng waiter. Pagkadating ng order nila, si Dave ang nag-aasikaso sa dalaga na hindi naman ginusto ni Michelle.

“Anong gusto mo at ako na ang maglalagay sa plate mo.” Ani Dave.

“No no no, just leave me okay? Sobra na yata ang concern mo sa akin Dave, baka lumalakilalo ang ulo ko n’yan.” Pabirong sabi ng nakangiting si Michelle. “Don’t worry about me, I can manage myself at ayoko na magmukhang bata no, na pinagsisilbihan pa ng prinsipe.” Dugtong pa ni Michelle na ikinabigla ang pagkasabi nito ng prinsipe.

“Okey kung yan ang gusto mo mahal na prinsesa.” Pabirong sabi ni Dave na ikinamumula ng mukha ng dalaga na ikinatahimik nito at napansin iyon ni Dave.

“Something wrong Michelle? May nasabi ba akong masama na hindi mo gusto.” Nag-aalalang tanong ni Dave sa kaharap.

“W-wala, sige kain na tayo para maaga tayong makauwi baka hinanap na ako ng Daddy.” Ani Michelle na medyo may kahinaan.

Walang imikan sina Dave at Michelle habang kumakain. Kapwa sila may malalim na iniisip, ayaw naman ni Dave na tanungin ang dalaga baka makukulitan ito sa kanya kaya minabuti na lang ni Dave na tumahimik. Unang natapos si Dave at pinanonood na lang niya ang kasama na kumakain pa. Maya-maya ay natapos na rin si Michelle at tiyempong may waiter na dumaan kaya siya na mismo ang nag-utos nito na iligpit na ang pinagkainan nila. Matagal bago nag-iimikan ang dalawa at si Dave na naman ang unang bumasag sa katahimikan nila.

“M-Michelle... k-kumusta na ba ang sinabi ko sayo noon?” mahinang tanong ni Dave sa dalaga.

“Ang alin?” Pamaang na sagot ni Michelle.

“Nakalimutan mo na ba? M-michelle... sabihin mo sa akin ang totoo, may pag-asa ba ako?” may lungkot sa tinig ni Dave.

“D-Dave...P-pweding bigyan mo pa ako ng kahit kaunting panahon kung makapaghintay ka pa?” Nakayukong sabi ni Michelle na medyo nahihiyang humarap sa kausap na sinasamantala naman ni Dave.

“I-ibig sabihin, may pag-asa na ako!” natutuwang sambit ni Dave sabay hawak sa magkabilang pisngi ni Michelle na ikinabigla naman ng dalaga.

“D-Dave bitiwan mo ko...maraming nakatingin sa atin sa lakas ng boses mo…” Pabulong na sabi ni Michelle na di makatingin sa taong nasa loob ng restaurant dahil medyo nakaramdam siya ng pagkapahiya sa ginawa ni Dave.

“S-sorry...natutuwa lang ako Michelle. Pasensya ka na di na mauulit. Kahit yan lang ang katagang narinig ko buhat sayo ay napataba mo na ang puso ko. Sana maintindihan mo ako ganon lang siguro ang nararamdaman ng isang taong nagmamahal Michelle. Sana hindi mo na babawiin pa ang sinabi mo.” Mahinahong pahayag ni Dave.

“S-sorry din, nabigla lang ako. Sige tara na baka hinanap na ako ng Daddy hindi pa naman ako

nakapag-paalam sa kanya.” Nag-aalang yaya ni Michelle sa kasama.

“Sige.” Pagsang-ayon ng binata sabay akay kay Michelle sa pagtayo sa kinauupuan nito.

Magkahawak pa ang kamay nila bago lumabas sa restaurant at di maiwasan na makatawag pansin sila sa mga taong naroon dahil medyo artista ang dating nila doon. Pagdating kay Dave, wala ka talagang masabi dahil napakagandang lalaki naman talaga nito at si Michelle naman, siguro siya na ang pambato for Ms. Universe. Sinamantala na ni Dave ang pagkakataon at tuluyan ng hinatid ng binata si Michelle sa bahay nito.

“Gusto kong makilala ang Daddy mo Michelle kaya please pagbigyan mo na ako.” Si Dave na nakikiusap kay Michelle.

“P-Pero baka anong gagawin ni Daddy pag nakita niyang may kasama ako.” Kabadong sabi ni Michelle.

“Ako na ang bahala Michelle gusto ko lang kasing patunayan sayo ng malinis talaga ang hangarin ko sayo. Kahit gaano kahirap pa Michelle ay gagawin ko at handa akong maghintay kahit gaano man katagal dahil ganyan kita kamahal.” Seryosong pahayag ni Dave.

D-Dave, ang inaalala ko lang, baka mag-isip ng masama patungkol sayo si Daddy. Noon pa ay pinagbawalan na niya akong makipagkaibigan sa isang lalake para mapalayo daw ako sa tukso.” Wika ni Michelle.

“Wala yan, handa akong harapin ang daddy mo kahit saktan pa niya ako sa harap mo.” Matapat na sabi ng binata.

Gayun pa man ay nag-alala pa rin si Michelle sa maaaring mangyari sa tuwing magkaharap ang daddy niya at si Dave. ‘Di na mapigil pa ni Michelle si Dave at handa na ito sa anumang sasabihin ng Daddy niya. Habang palapit ng palapit sina Michelle, ay hindi na ito mapakali, gusto niyang pigilan si Dave pero hindi rin niya magawa tuloy nagsisisi siya kung bakit pinapaasa pa niya ang binata na kahit di pa talaga niya sinagot ito, ay aminado na ni Michelle na may puwang talaga sa puso niya si Dave.

Nasa harap na ng gate sa mansion ng mga Del Cielo sina Dave. Di makapaniwala si Dave sa

napatunayan niyang estado sa pamumuhay nina Michelle, mga bigating tao pala sa lipunan ang babaing minahal niya kaya tuloy nagdadalawang-isip siya na baka hindi talaga siya magugustuhan ng mga magulang ni Michelle. Napatigil si Dave at mistulang tulala habang nakatingin sa nakabukas na gate. Napansin yon ni Michelle kaya sinita niya si Dave kung ano ang nangyari dito.

“Dave, may problema ba? Bakit para kang nakakita d’yan ng multo? Ayan na o, pinagbubuksan na tayo ng gate?” Ani Michelle sa wala sa sariling kausap na si Dave. “Sige na Dave papasukin mo na ang kotse mo at maisara ni Mang Andoy ang gate.” dugtong pa ni Michelle.

“M-Michelle... Ahh bahala na!” ani Dave at buong tapang na pinapapasok ang kotse sa bakuran ng mga Del Cielo.

 

Kabanata 3

Kakapasok lang ng kotse ni Dave sa bakuran nina Michelle nang matanaw na niya sa may di kalayuan ang Daddy niya na nakatingin sa kanilang dalawa ni Dave. Halos hindi mabasa ang mukha ng Daddy niya lalo pa nang nakaalalay pa si Dave rito papaakyat sa may apat baitang na hagdanan papuntang terasa. Kanina pa’y napansin na rin ni Dave ang di mabasang reaksiyon sa mukha ng ama ni Michelle pero nilakasan na niya ang kanyang loob dahil wala na siyang maatrasan pa.

Nang magkaharap na sila ay agad namang bumati si Michelle at ganundin si Dave.

“G-Good evening po Dad...” sabay halik sa noo ng Daddy niya, nakagawian na kasi niya ang humalik sa noo ng Daddy niya lalo sa tuwing dadating ang ama nito galing sa trabaho. “Hmm...

D-dad, si Dave po kaibigan ko.” Saglit siyang tumitig sa ama niya sabay tingin kay Dave na halatang kabado ito.

“G-Good evening po Sir.” mapagkumbabang tinig ni Dave na may paggalang sa ama ni Michelle na ikinagulat naman nito ang sagot ng ama ni Michelle.

“Anong ikinaganda ng gabi ko ngayon na nakita ko ang akala kong mabait na anak na may kasama pang lalaki!” medyo matigas na pagkasabi ng ama ni Michelle na ikinatakot naman ng dalaga.” Past ten o’clock na ng gabi ay nasa labas ka pa samantalang 6:00 o’clock naman ang labasan n’yo! Kailan mo lang ako niloloko Michelle, kailan!” galit na tono ng boses ng daddy ni Michelle na ikinatakot naman ng dalaga kaya ipinagtanggol na siya ni Dave kahit sobrang takot at kaba na rin ang nararamdaman ng binata.

“S-sir...sorry po, ako po kasi ang nagyaya kay Michelle na sumama sa akin kaya wag n’yo po siyang pagalitan.” Kalmadong paliwanag ni Dave.

“At sinong nagbigay sayo ng karapatan para dalhin sa labas ang anak ko na walang pahintulot galing sa akin! Bakit, kaya mo na bang buhayin ang anak ko!” galit na sabi ng ama ni Michelle kay Dave.

“Sir, matino po akong tao at iginalang ko po ang anak ninyo dahil...” di na tinuloy ang sasabihin pa ni Dave, nag-alala din siya na lalong magagalit ang daddy ni Michelle.

“Dahil ano!” matigas pa rin ang boses ng daddy ni Michelle sabay harap kay Michelle. “Gaano ba katotoo ang mga pinagsasabi nitong magaling mong kasama Michelle, ha?!” tanong ng daddy ni Michelle.

“Dad, makinig po kayo, kaibigan ko lang po si Dave. Matino at mabait siyang kaibigan taliwas sa iniisip nyo po sa kanya. Hindi po siya tulad ng mga mapagsamantalang tao riyan, may tiwala po ako sa kanya kung kaya isinama ko po siya dito para personal po kayong makikilala. Pero... kung di n’yo po siya matanggap at talagang mabigat po ang loob nyo sa kanya, aasahan n’yo pong ito na po ang pinakahuling pagtapak ni Dave sa pamamahay n’yo.” Dad sorry po pero alam ng Diyos na hindi ko po kayo sinuway kailanman.” Mahinahon at mahabang paliwanag ni Michelle sa ama na ikinalambot naman sa puso ng mabait na ama.

“Hmm... sorry anak, nabigla lang ako. Pasensya ka na sa mga nasabi ko sayo dala lang kasi yon ng pag-alala ko sayo dahil sa mga pinangako mo sa akin.” Medyo mahinang sabi ng daddy niya sabay harap kay Dave na kanina pa walang imik. “I-Iho...”sabay tapik sa magkabilang balikat ni Dave. “Pasensya ka na anak, masyado lang kasi akong mahigpit sa mga anak ko, ayoko ko kasing maligaw sila sa masamang landas. Gusto ko na bago ako pumikit sa mundong ito ay nakita ko na…na maganda ang kalagayan ng mga anak ko.” Pagpapaliwanag ng daddy ni Michelle sa kaharap.

“O-Okey lang po at saka kasalanan ko rin naman po eh, dapat po kasi pinapaalam ko siya sa inyo.” Ani Dave na parang sinisisi pa ang sarili nito sa mga pangyayari.

Di nagtagal ay nagkasundo rin ang ama ni Michelle at si Dave. Pagkatapos nilang mag-usap saka nagpaalam si Dave sa ama ni Michelle. Abot hanggang langit ang kaligayahan ni Michelle nang makita niyang okey na si Dave at ang Daddy niya. Bago umalis si Dave ay si Don Alexander pa ang

nagbukas ng gate sabay kaway sa papalabas na kotse ni Dave. Bumalik kaagad sa Terasa si Don Alex kung saan nandoon pa rin si Michelle. Unang nagtanong si Michelle kung galit ba ito sa kanya.

“Dad...I’m sorry. Galit pa po ba kayo?” Ani Michelle.

“You don’t have to say I’m sorry Michelle I trust you and I know hindi mo ko bibiguin sa pangarap ko para sayo.” ‘ika ng daddy ni Michelle.

“I love you Daddy!” sabay yakap ng mahigpit sa ama niya na ikinabigla naman ni Don Alexander. “You’re the greatest Dad of all. I’m proud of you Dad kaya I tried my best alang-alang sa inyo.” Masayang sabi ni Michelle habang yakap ang ama nang di sinasadyang abutan sila ni Marga sa ganong sitwasyon na ikinagalit naman ng asawa ni Don Alexander.

“Alex!” di mabasang mukha ni Marga, galit na galit ito hindi sa asawa kundi kay Michelle. “What the hell is this! Wala ka na ba talagang magawa sa buhay mo Michelle kundi pati si Alexander ay lalandiin mo pa!” matigas na pagsabi ni Marga habang pinagduduro sa mukha si Michelle na ikinabigla naman ng dalaga.

“M-Mommy!..” naguguluhang sambit ng anak sabay sumambat ang daddy ni Michelle.

“Stop it Marga! I tell you, hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman ni Michelle na...” medyo nabitin ang pagsabi ni Alex nang napansin niya ang naguguluhang si Michelle. Kaagad namang nagpaliwanag si Alexander sa anak. “M-Michelle... h’wag mo ng intindihin ang sinabi ng mommy mo, I mean.. hmm.... kung puwede pasok ka muna sa kwarto mo at kausapin ko muna itong si mommy mo.” Paliwanag ni Alexander sa anak.

“Mommy! Never..!” makahulugang sambit ni Marga.

“Margaaa!!!” galit na si Don Alexander na siyang ikinatahimik ng asawa nito dahil nakita niyang hindi na nagbibibiro ang hitsura ni Alex.

Pumasok na sa loob ng kuwarto si Michelle at naiwan ang mag-asawa sa terasa na hindi pa tapos ang pagtatalo. Galit na galit si Marga na hinarap ang asawa. Pinagbibintangan niya si Alexander may relasyon sa anak nilang si Michelle. Di na rin nakapagpigil si Alexander at kamuntik na niyang mapagbuhatan ng kamay ang asawa.

“Walanghiya ka talaga!”galit na binugbog ni Marga sa dibdib ang asawa. “Matagal n’yo na palang akong niloloko ng babaing yon! Kaya pala

ayaw mong mawala siya dito dahil takot kang mapalayo sa kabit mo!” galit na binulyawan ni Marga ang asawa.

“Stop it!” galit na galit si Alexander na habang kinokontrol ang sarili dahil sa pinagsasabi ng asawa. “Nasisiraan ka na ba! Marga anak natin si Michelle at kailanma’y hindi ko pinangahasan ang anak natin! Tulad ni Tricia, dugo rin ng dugo ko si Michelle kaya pantay lang ang pagmamahal at pagtingin ko sa kanila bilang anak.” Paliwanag ni Alexander na di rin matanggap ng asawa.

“Anak! Ha ha! Pinapatawa mo ba ako Alex! Kailan mo naging dugo ng dugo mo ang ampon nating si Michelle! Kailan!” gigil na gigil na sambit ni Marga.

“M-Marga... please...?! marinig ka ni Michelle, ayokong masira ang buhay ni Michelle ng maaga sa tuwing malaman niya na hindi natin siya

tunay na anak. Marga please, kaunting panahon nalang at matatapos na si Michelle gusto kong kaya na niyang itayo ang sarili niyang mga paa bago niya malaman ang katotohanan.” Mapagkumbabang paliwanag ni Alexander sa asawa.

“At anong gusto mong mangyari, tatanggapin ko lang ang ginawa mong panloloko sa akin tulad ng nakita ko kanina!” sumbat ni Marga sa asawa.

“My God Marga, hanggang ngayon ba’y wala ka pa ring tiwala sa akin! Marga sana maintindihan mo na isang tunay na anak ang turing ko kay Michelle at di ibang tao. Tulad ni Tricia, mahal ko rin si Michelle bilang isang anak.” Paliwanang ni Alexander sa asawa na lalong ikinainis nito sabay ewan kay Alex sa terasa.

“Ahh! Shit ka! Siguraduhin mo lang na totoo yang mga sinasabi mo Alex dahil kapag napatunayan ko ang tunay na relasyon ninyo ni Michelle ay ako ang unang magpapalayas sa kanya rito sa pamamahay ko!” galit na galit na tumalikod si Marga at naiwan si Alexander na labis na nag-aalala.

“Diyos ko...kailan kaya matauhan ang asawa ko.” Sambit ni Alexander sa sarili.

Samantala sa loob ng kwarto ni Michelle, di dalawin ng antok ang dalaga. Kanina pa lang ang lubos na nagtataka si Michelle sa inasal ng mommy Marga niya at lalo pa siyang naguguluhan sa daddy Alex niya.

“Bakit kaya ganun ang reaksiyon ni mommy kanina? ‘Di ko lubos maisip kung ano talaga ang dahilan kung bakit sobra-sobra ang galit ni mommy sa akin. Ano kaya ang ibig sabihin ni daddy kanina na hindi panahon para malaman ko, may lihim kaya sa pagkatao ko? Ano naman kaya kung sakali?

Ahhh!” sambit ni Michelle sa sarili sabay hawak ng noo niya. “Naguguluhan na ako buti pa’y kalimutan ko muna yon at pagbutihin ko pa ang pag-aaral ko, pakiramdam ko kasi may malaking unos na naghihintay sa akin sa kasalukuyan mas maganda yong handa na akong harapin ang lahat bago dumating ang panahon na kailangan ko na maging matatag.” Sambit niya sa sarili sa mahaba nitong pagguni-guni sa mga pangyayari. “Si Dave kaya, ewan ko ba, pero parang ramdam kong mahal ko na rin si Dave, kanina pa lang parang kinukurot na ang puso ko nang pagalitan siya ng daddy. Pero saka ko na lang iisipin si Dave, alam kong makapaghintay pa siya ng matagal. Siya nga pala, si Dave ang gusto kong escort sa nalalapit kong debut.” Dugtong pa ni Michelle sa mahabang pag-iisip at na lang namalayan ng dalaga na nakatulog na pala habang may matamis na ngiti sa labi.

 

Kabanata 4

Debut party ni Michelle kinagabihan, abala ang lahat para sa malaking party na gaganapin sa loob ng mansion ng mga Del Cielo. Talagang maganda at maayos ang pagkakalagay ng mga dekorasyon dahil mga bigating tao ang panauhin ni Don Alexander Del Cielo. Kahit sina Margarita at Tricia ay may kanya-kanya ring mga expected visitors. Gusto sanang tumutol ni Marga sa malaking selebrasyong gaganapin sa birthday ni Michelle pero wala ring nagawa ang huli dahil si Alexander pa rin ang nasusunod. Pawang mga kaklase sa highschool at elementary ang tumatayong 17 candles ni Michelle at tanging si Dave ang escort nito.

Sa debut party ni Michelle, isang tao ang labis na nalulungkot para kay Michelle, batid niyang nalalapit na ang masayang araw ni Michelle sa tahanan ng mga Del Cielo. Hanggang ngayon ay labis pa rin siyang nangangamba sa maaring kahihinatnan sa malaking kasalanan niya na nagawa sa Diyos lalong-lalo na sa buhay ni Michelle. Mabait si Aling Adela, ang tumatayong Yaya nina Michelle at Tricia umpisa pa noong sila’y mga musmos pa lamang pero hanggang kailan niya maitago sa puso niya ang lihim na bumabalot sa buhay ni Michelle sa loob ng mansion Del Cielo? Hanggang kailan kakayanin ng konsensiya ni Aling Adela na simula’t-simula pa’y puno na ng sakit at hinanakit ang nararanasan ni Michelle sa loob ng mansion Del Cielo. Ngayong pabalik-balik sa gunita niya ang mga nakaraan sa kasalanang nagawa niya noon na hanggang ngayon ay patuloy na gumugulo sa isip niya. Sabay silang nagsilang ni Margarita noon sa iisang kuwarto ng isang maternity hospital sa Maynila. Matagal bago magkamalay si Marga kung kaya nakabuo si Adela ng isang maitim na balak.

“Diyos ko, patawarin n’yo po ako pero ito lang ang naisip kong tamang paraan para magkaroon ng magandang buhay ang aking anak..” Bulong ni Adela sa sarili habang dahan-dahan itong bumangon sa kinahihigaan nito at lumapit sa bagong silang na sanggol ni Marga.

Kahit mahina si Adela ay pinilit niyang ipagpapalit ang kanyang anak sa anak ni Marga kaya bago makapasok ang mga private nurse na ina-assign sa dalawang sanggol ay nagawa ng pagpalitin ni Adela ang dalawang sanggol. Walang ni isang nakakaalam sa ginawa ni Adela kundi siya lang hanggang dumating ang araw na lumabas na sila sa maternity hospital. Walang mauuwiang bahay si Adela noon kaya sa pamamahay na ni Marga siya pansamantalang tumuloy. Matalik na magkakaibigan sina Marga at Adela umpisa pa ng mag high school hanggang sa mag kolehiyo sila. Sa dalawang magkaibigan, si Adela ang pinakamatalino kung kaya lahat ng mga projects and assigment ni Marga ay sa kanya ito pinagagawa. Wala namang tutol si Adela sa dahilang si Marga din ang tumutulong sa kanya sa panahong kailangan niya ng pera para sa buwanang tution fee. Gagraduate na sila noon sa kursong komersyo nang di sinasadyang mabuntis si Adela ng nobyo nitong Daniel at isang araw ay nabalitaan na lang ni Adela na wala na sa bahay si Daniel na tinutuluyan nito. Dahil sa kabiguan ni Adela ay hindi na niyang magawang tapusin ang mga nabibilang na lang sa araw sa kolehiyo. Lagi na lang siyang nagmumukmok sa apartment na tinuluyan nito hanggang dumating ang araw na

kinuha siya ni Marga at kinupkop na parang isang tunay na kapatid. Sa panahong yon ay buntis na rin si Marga sa anak nitong si Michelle ang batang pinagpalit ni Adela sa anak na si Tricia. Dahil mahina ang katawan ni Marga kung kaya napaaga

ang pagsilang ng batang dinadala nito. Kasal na sila ni Alexander noon at maganda na ang estado sa buhay nang kupkupin ni Marga si Adela. Dahil sa kahirapan at di kayang palakihin ni Adela ang batang isinilang kung kaya nagawa nitong ipapaampon sa kaibigang si Marga ang anak nitong si Michelle. Lingid sa kaalaman ni Marga na si Michelle pala ang legal na Del Cielo at tunay nitong anak. Bawat pasakit ni Marga kay Michelle ay si Adela ang unang nasasaktan at naging tagapagtanggol nito kung kaya naging malapit din kay Adela ang loob ni Michelle.

“Maldita ka talaga! Bakit umiyak si Tricia, anong ginawa mo sa anak ko!” Galit na tanong ni Marga sabay sinabunutan ang musmos na si Michelle.

“Mommy tama na po! Tama na po mommy wala po akong ginawa kay Tricia!” luhaang nagmamakaawa ang paslit na si Michelle nang biglang lumapit si Adela at inawat si Marga.

“Marga tama na! Nasasaktan na yong bata!” ani Adela na ikinagalit naman ni Marga.

“At bakit?! Kailan ka lang ba natutong pigilan ako sa gusto kong gawin ha Adela! Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa anak ko Adela, naintindihan mo ba! Wala!” galit na pinagsabihan ni Marga ang kaibigan.

Nasa ganung sitawasyon si Adela nang biglang hawakan siya sa kamay ni Michelle.

Parang estatwa si Adela nang batiin ito ni Michelle.

“Yaya Adela? Anong ginawa n’yo rito? Bakit ayaw n’yo pang magpunta sa party area para tulungan n’yong mag-entertain ng mga visitors si Mommy. May problema po ba?” tanong ni Michelle sa Yaya. “Yaya, di ba sabi ko po sa inyo pag may problema po kayo ay huwag po kayong mahiyang lumapit po sa akin.” dugtong pa ni Michelle. “Sige na po punta na po kayo roon, Yaya remember it’s my birthday at ayokong makita kayong nalulungkot.” ani pa ni Michelle sa kausap.

“Pasensya ka na Michelle, nag-alala lang kasi ako sa...” ani Adela na hindi natuloy.

“Nag-alala? Saan? May tinatago po ba kayo sa akin Yaya?” makahulugang tanong ni Michelle.

“A-e... W-wala... wala Michelle naalala ko lang yong Nanay ko sa probinsya namin.”

Natarantang sagot ni Adela na nahalata naman ng dalaga. “Sige anak, tutulungan ko pa ang mommy mo.” Paiwas na sabi ni Adela sabay punta na party at naiwan naman si Michelle na lubos na nag-isip.

“Minsan hindi ko maintindihan si Yaya Adela, dating masayahin si Yaya Adela pero ngayon parang wala lagi sa sarili. May problema kaya si Yaya Adela?” pabulong na sabi ni Michelle.

Kahit si Michelle ay marami ng nahalatang pagbabago sa kilos ng Yaya Adela niya pero dahil birthday niya kaya hindi muna niya ito binigyan ng pansin. Binalikan ni Michelle ang kanyang mga kaibigan na nasa malawak na gym ng mansion kung saan doon idinaos ang kanyang kaarawan. Marami ang bisita ni Michelle pati na rin si Tricia halos ini-invite na yata lahat ni Tricia ang mga

kaibigan niya. Sa time na yon, hindi naman nagpahuli si Tricia dahil kasama pa niya ang boyfriend niyang si Raffy. Sa lugar nina Tricia ang pinakamaingay sa gabing yon kaya nakatawag pansin sa ibang naroon.

“Alam mo Tricia, ang suwerte talaga ni Raffy sayo, bukod sa maganda ka pa, ang yaman n’yo pa!” komento naman ng kaibigan ang ni Tricia na si Riza.

“Oo nga naman Day! Kung ako sa inyo, huwag nyo na lang tapusin ang pag-aaral nyo at maganda naman pala ang buhay n’yo rito di ba?!” pabirong sabi Karen.

“Bruha! Gusto mo bang patayin ako ng Daddy ko pag nalaman niyang di na ako pumapasok minsan sa school!” gigil na sabi ni Tricia. Tawanan ang magkakaibigan nang biglang

sumambat si Raffy at hinarap ang katabing kasintahan na si Tricia.

“T-tricia, di ba sabi mo debut party ito ng kapatid mong si Michelle, eh bakit wala pa yata ang celebrant. Ano yon nagtatago? Bakit, sobrang panget yata ng kapatid mo ano?” ang sabi ni Raffy sa kasintahan na hindi naman ikinatuwa nito ang tanong.

“Si Michelle..? Huh! Yon nga ang problema ko sa aming dalawa kaya di ko siya makasundo e! Kahit saang laban, talo ako don kaya di ko makasundo ang bruhang yon!” pairap na sabi ni Tricia.

“Oo nga naman Tricia, kahit kami ay pa namin nakikita ang kapatid mo?” tanong naman ng ilang kaibigan niya.

“Huwag kayong mag-alala dahil after ng speech ni daddy ay saka nyo na makita ang kapatid ko at ang escort nito. Kahit ako di ko pa nakita ang escort niya kaya hintayin na lang natin, okey? Dugtong pa ni Tricia.

 

itutuloy...

FhearL