"Hanggang Kailan Maging Akin Ang Puso Mo?(Chapter 5-8)"
Kabanata 5
Ang saya ng gabi sa loob ng mansion Del Cielo, masigabong palakpakan ang sumasalubong nang mag-umpisa ng magsalita ang daddy ni Michelle. Maraming papuri si Don Alexander Del Cielo sa dalawa niyang anak na si Michelle at Tricia. Buong puso niya itong ipinagmamalaki sa mga kaibigan at panauhin niya sa gabing yon. Bilang pagtatapos ni Don Alexander ay ipinakilala niya ang kanyang anak na may kaarawan.
“Mga kaibigan, buong puso kong ipakilala sa inyo ang anak ko bilang debut celebrant sa gabing ito! Please welcome my beautiful daughter together with her chosen debut partner! Ladies and gentlemen...Michelle Anne Del Cielo!
Mapagmalaking sabi ni Don Alexander sa mga panauhin. Marami ang natulala at di makapagsalita nang biglang bumulagta sa harapan ng stage ang napagandang si Michelle kasama ang escort niyang si Dave. Abot-abot ang bulung-bulungang paghanga sa napakagandang celebrant na anak ni Don Alexander, pati mga kaibigan ni Tricia ay di mapigil ang laking paghanga nito sa kapatid ni Tricia. Kahit si Raffy na kanina pa’y hindi na yata pumiyok sa pagkakatitig kay Michelle na nahalata naman ni Tricia. Para matauhan ang katabi nito, bigla niya itong sinampal sa mukha.
“O ano! Angal ka pa! Huwag mong sabihin na nagkakainteres ka na naman sa bruha kong kapatid! Huh! Raffy!” Galit na sabi ni Tricia.
“Pwede ba Tricia huwag kang bastos! Kita mo maraming tao dito kaya huwag mong pairalin ang pagka iskandalosa mo!” pigil na sabi ni Raffy
dahil nahalata sila ng mga bisita. “I’m sorry Tricia pero natural lang naman siguro sa isang tulad ko ang humanga sa napakaganda mong kapatid.” Dugtong pa ni Raffy sa kausap na lalong ikinagalit nito.
“Ah! Ganon ba! Dahil ba ay nagsawa ka na sa akin! At ako pa ang lumabas na masama ngayon!” gigil pa rin si Tricia sa kausap.
Hindi na umimik si Raffy alam niya kung saan hahantong ang pagsasagutan nila ni Tricia kaya minabuti na lang nito na hindi pansinin ang kausap. Maya-maya ay biglang natawag pansin si Tricia sa partner ni Michelle, minabuti ni Tricia ang pagkakatitig dito nang may maramdaman siya ng kung ano sa sarili niya, tulad ni Raffy, nagkakainteres din siya kay Dave kaya biglang nabuo ang masamang balak sa isip ni Tricia sa gabing yon.
“R-raffy..? sandali, tingnan mo yong kasama ni Michelle.” ani Tricia habang hinila papalapit sa kanya si Raffy. “Type ko siya!” may ngiti sa labi ni Tricia na parang nahulaan na rin ni Raffy ang gusto nito.
“Ikaw, kung papayag ka magtulungan na rin tayo. Huwag kang magalit pero type ko rin ang kapatid mo.” seryosong sabi ni Raffy.
“Okey! Cool!’ dugtong ni Tricia.
Nagkasundo kaagad sina Raffy at Tricia, lingid sa kaalaman nina Michelle, may masamang balak sina Tricia sa gabing yon. Bilang pagtatapos sa party ay humingi ng special number sina Tricia at Raffy. Sigawan ang lahat nang tumugtog ang napakagandang sentimental love song. Nahalina na rin si Dave sa magandang tugtog na bagay na bagay talaga sa mga lovers kaya niyaya niya si Michelle na isayaw ito.
“M-michelle...puwede ba kitang maisayaw? Hmm.. A-e... kung ayaw mo e di okey lang baka pagod ka na rin.” Nag-aalangang tanong ni Dave kay Michelle na tinugunan naman ng dalaga.
“S-sige, pero saglit lang tayo ha?” ani Michelle.
“Sure.” ani Dave habang hawak ang kamay ni Michelle at inalalayan ito.
Sa pinakagitna sila sa kalawakan ng Gym nagpunta yong medyo may kadiliman na hindi gaanong nasisilawan sa disco light. Wala namang reklamo si Michelle at ewan ba niya parang ang saya niya sa gabing yon na kasama si Dave. Masayang-masaya sina Dave at Michelle, kahit sa mata lang sila nag-uusap parang alam na nila ang kahulugan ng nasa isip nila kaya hindi nila napansin na nasa tapat na pala nila ang kapatid niyang si Tricia nagulat na lang si Michelle nang tawagin ito ni Tricia.
“Michelle!” tawag ni Tricia sa kapatid.
“T-tricia?!” gulat na tugon ni Michelle.
“Hmm... Mukhang ngayon ko lang nakikita ang kasama mo Michelle, baka pweding pakilala mo kami d’yan? Siya nga pala si Raffy boyfriend ko.” Sabi ni Tricia na may pilyang ngiti.
“A-e...s-si Dave nga pala, pasensya na kung hindi ko kaagad naipakilala sa inyo.” Paliwanag ni Michelle.
“No, it’s okay! Ah... ‘tol baka pweding palit muna tayo ng partner para makilala ko naman ng personal ang beautiful sister ng girlfriend ko.” May pilyong ngiti sa labi ni Raffy.
Kapwa nagtinginan sina Dave at Michelle.
“M-Michelle..?” makahulugang sambit ni Dave sa pangalan ni Michelle.
“O-okey lang ba sayo?” alalang tanong ni Michelle.
“I-ikaw?” ani Dave na parang disgusto ito.
Pumayag naman si Dave dahil medyo nahiya siya sa kapatid ni Michelle baka anong isipin nito kung ayaw niyang makipag-sayaw kay Tricia.
Habang nagsasayaw sila ay panay sulyap si Michelle sa kinaroroonan nina Dave at ganon din si Dave. Kausap ni Raffy si Michelle pero laging si Dave ang nasa isip nito paano kasi halos dikit na dikit na ang katawan nina Dave at Tricia habang nagsasayaw. Patuloy na kinakausap ni Raffy si Michelle pero tila parang wala sa sarili ang mga sagot nito.
“Hey! What’s wrong? Napapagod ka na ba? I said, boyfriend mo na ba talaga si Dave?” tanong ni sa kaharap na parang wala sa sarili.
“R-raffy...pasensya ka na pero parang nahihilo kasi ako. Puwede bang magpahinga na muna ako?” pasakalye ni Michelle pero ang totoo ay nasasaktan na siya sa nakita niyang sweetness nina Dave at Tricia.
Ewan ba niya pero parang ang lalim na ng sugat ang nalikha sa puso niya nang makita niya si Dave na nilalambing ni Tricia. Wala ng nagawa si Raffy sa gusto ni Michelle kaya hinayaan na lang niya ang dalaga. Medyo napatagal yata ang sayaw nina Dave at nakalimutan na nito si Michelle kung kaya nakapagpasya ang dalaga na aakyat na sa mansion. Nagpaalam muna si Michelle kay Raffy dahil maganda naman ang trato ng binata sa dalaga.
“Raffy...puweding ewan na kita dito gusto ko ng magpahinga, pag hanapin ako ng kapatid ko
pakisabi na lang na pumasok na ako sa kuwarto ko.” Pakiusap ni Michelle kay Raffy.
“Sure! Ako na ang bahala.” Sagot ni Raffy. Paalis na sana si Michelle nang tawagin ito ni Raffy. “Michelle?..” si Raffy.
“Bakit?” ani Michelle.
“Hmm...Pwede ba kitang maging kaibigan?” nag-alangang tanong ni Raffy.
“Sure, why not?” sagot ni Michelle at tuluyan ng umalis.
Naiwan si Raffy na labis na nagtataka sa sarili niya kung ano talaga ang nararamdaman niya para kay Michelle. Bumalik na sina Tricia sa kinauupuan ni Raffy na nag-iisa na lang ito kaya labis na nagtataka si Dave. Nang tanungin niya si Raffy, sinabi nito na nagpahinga na si Michelle. Biglang nanlumo si Dave, alam niyang kasalanan niya dahil napatagal ang pagsasayaw nila ni Tricia
paano kasi masyadong makulit si Tricia. Magpapaalam na rin sana si Dave nang pigilan pa ito ni Tricia.
“Puwede bang mamaya ka na lang umuwi pag wala na ang lahat ng mga bisita namin?” pakiusap ng naglalambing na si Tricia.
“P-pero Tricia nakakahiya naman dito sa boyfriend mo, kaya mauna na ako sa inyo wala na kasi si Michelle e, hindi man lang ako nakapagpapaalam sa kanya.” Medyo nalulungkot na sabi ni Dave.
“Kung ang kapatid ko ang problema mo, ayos lang yon at ako na ang bahalang magsabi kay Michelle at about Raffy, don’t worry at pauwi na rin siya. Di ba Raffy?” ani Tricia sabay tanong kay Raffy na medyo may pagkabigla sa sinabi nito.
“O-okey lang pare, sige mauna na ako sayo at ikaw na ang bahala kay Tricia.” ani Raffy sabay
nag goodnight kiss kay Tricia. “Thanks for the wonderful evening Tricia.” Makahulugang sabi ni Raffy bago umalis na hinabol pa ng tanaw ni Tricia.
Naiwan si Dave na hindi mapalagay, kanina pa siya nag-alala kay Michelle hindi niya alam kung bakit pero alam niyang nasaktan na niya si Michelle. Nang makaalis si Raffy ay nagpaalam na rin Dave kay Tricia kahit ayaw pa ng dalaga pero gumawa siya ng mga dahilan basta maiwasan lang niya si Tricia.
“T-tricia...I have a lot of appointments tomorrow kaya kung puwede let me go now. I’m sorry for this time and maybe later I can go with you if ever that I have a lot of time to spare with.” paliwanag ni Dave kay Tricia na ikinaiinis naman ng dalaga.
“Sige, okey lang basta promise mo na if you have time samahan mo rin ako, okey?” malambing na sabi ni Tricia sabay akbay kay Dave na ikinaiilang naman ng binata. “If ever I have to take a visit to your office someday para personal kong makita ang office mo.” dugtong pa ni Tricia.
Kabanata 6
Ilang araw ng hindi nagkakausap sina Dave at Michelle, mukhang dinibdid masyado ni Michelle ang pangyayari noong debut party niya. Nasasaktan siya ng lubos sa eksenang nakita niya noon. Pero bakit nga ba nasasaktan siya? May karapatan ba siyang pigilan ang isang tao lalo na pag kaibigan pa lang ang turing niya kay Dave? Nagseselos kaya siya kung kaya hanggang ngayon ay iniiwasan pa rin niya si Dave at pinagtaguan. Mahal na kaya niya si Dave? Mga tanong na laging pumapasok sa isip ni Michelle sa tuwing siya’y nag-iisa.
Minsan nangamba si Michelle na baka ano kahinatnan sa ginawa niyang pag-iwas kay Dave.
Kakalabas lang ni Michelle sa last subject niya nang nagmamadali na naman siya at baka maabutan pa siya ni Dave sa loob ng campus, ugali kasi ni Dave na after work hour ay dadaanan niya si Michelle sa school nito. Tingin ng tingin si Michelle sa relos niya at quater to six na kaya binilisan niya ang kanyang lakad upang hindi maabutan ni Dave. Pero laking gulat na lang niya nang pagkalabas niya sa gate ng campus ay nakaparada na ang kotse ni Dave.
“Gosh! Nakita kaya ako ni Dave?” bulong ni Michelle sa sarili sabay tingin sa buong paligid pero di niya nakita si Dave. “Kailangang makaalis na ako dito mag taxi na lang ako.” dugtong ni Michelle na akala mo’y hinahabol ng masamang tao. Aktong pumara na sana ng taxi si Michelle nang biglang pinigilan siya ni Dave.
“Michelle..?” ani Dave na nakatitig kay Michelle. “Iniiwasan mo ba ako? What’s wrong Michelle? Puwede bang sumama ka sa akin ngayon? I just want settle everything lalo na sa ating dalawa. How many days ng hindi tayo nagkakausap at nahalata kong iniiwasan mo na ako. Michelle...please..?” nagsusumamo na ang tinig ni Dave.
“D-dave, I’m sorry p-pero nagmamadali ako maybe next time na lang.” Paiwas na sagot ni Michelle na hindi makatingin ng diretso sa kausap.
“Michelle please...? Let’s talk about our problems I know it’s my fault and I really admit it but please huwag naman sa ganitong paraan na di mo na ako kakausapin.” Wika ni Dave sa kaharap na hindi na umimik. “Michelle...” si Dave sabay
angat sa mukha ng dalaga nang biglang dumating si Tricia na tuwang-tuwa ito na lumapit kay Dave.
“Hi Dave! Sabi ko na nga ba dito lang kita matatagpuan. Di ba sabi ko sayo maybe one of this day ay pupuntahan kita sa office mo kaso wala ka na roon at ang sabi nila dito raw ang punta mo.” Kuwento ni Tricia kay Dave na hindi naman ikinatuwa ni Michelle.
“T-tricia, may lakad kami ni Michelle kaya maybe next time na lang tayo mag-usap ulit.” Paliwanag naman ni Dave na mukhang na out of place na si Michelle kung kaya una itong nagpaalam.
“S-siguro kailangang I have to go now, sige Tricia ikaw na lang sumama kay Dave ang totoo pinilit lang ako ni Dave na sumama sa kanya.” ani Michelle na may katamlayan.
Parang tinusok ng karayom ang puso ni Michelle, pakiramdam niya hindi na siya makahinga. Gusto niyang umiyak sa mga oras na yon pero pinigilan lang niya ang kanyang emosyon.
“Sige D-dave...mauna na ako.” Laglag ang magkabilang balikat ni Michelle bago umalis pero hinabol pa siya ni Dave.
“Michelle wait! Michelle!” tawag ni Dave kay Michelle pero huli na nakasakay na si Michelle ng Taxi. “Oh God!” bulong ni Dave sabay hawak sa noo niya. Bumalik na lang siya sa kinaroonan ng kotse niya at niyayang ihatid na lang si Tricia sa mansion.
“What! Kaya nga sinundo kita rito dahil gusto kong kasama kitang magdinner tapos...” ani Tricia na medyo kay katigasan ang boses.
“I’m sorry Tricia pero kailangang I have to settled first my problem.” ani Dave.
“At ano naman ang problema mo?! Si Michelle! Ang bruhang Michelle na yon! Dave manhid ka ba iniiwasan ka na ni Michelle! Why don’t you try me andito ako Dave at handang magmahal sayo!” ani Tricia na medyo galit na.
“T-tricia alam mong hindi puwede yon and in the first place sinabi ko na sayo noon na mahal na mahal ko si Michelle at kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat mapaibig ko lang si Michelle. At isa pa, may boyfriend ka na! Sabi ni Dave kay Tricia na lalong ikinagigil nito.
“Shit ka Dave! Ano bang meron sa babae na yon na wala sa akin ha?! Tell me Dave!” galit na pinagsusuntok sa dibdib si Dave. “Kung ayaw mong sumama sa akin e di bahala ka sa buhay mo! Pero tandaan mo Dave, hindi pa ako susuko at gagawin ko ang lahat maging akin ka lang!” galit
na galit si Tricia na iniwanan si Dave at hinayaan na ito ng binata.
Umuwi na rin si Dave dahil wala rin siyang napapala sa pagsundo niya kay Michelle. Sakay si Michelle sa taxi sa mga oras na yon at hindi na pinigilan ng dalaga ang mga luha niyang kanina gustong malaglag.
“Ang sakit pala lalo na pag mahal mo na yong tao akala ko madali lang ang magmahal.” Sambit ni Michelle sa sarili sabay punas sa luha niya, napansin yon ng tsimosong taxi driver.
“Ah Ma’am, may problema ho ba? Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?” wika ng tsimosong driver.
“No, it’s okay I’m fine ayusin mo na lang ang pagmamaneho mo.” Sagot ni Michelle.
“M-ma’am sorry ho nagtatanong lang po, sa ganda nyo kasing yan siguro lalaki ang iiyak sa
inyo.” Pabirong sabi ng tsuper na nagpapangiti naman kay Michelle.
Pagkarating ni Michelle sa bahay ay kaagad na nagkulong ito sa kuwarto niya. Ewan ba niya pero wala talaga siyang ganang kumain nililibang na lang niya ang kanyang sarili sa kapapanood ng palabas sa t.v. Gusto niyang kalimutan ang lahat pero laging pumapasok pa rin sa isip niya ang mukha ni Dave. Gusto niyang umiyak ng umiyak upang mailabas ang lahat ng sama ng loob niya pero pinigilan niya ang sarili bagkus nagpakatatag pa siya dahil sa isip niya baka ito na ang umpisa ng kanyang kalbaryo.
Lahat ng oras ni Michelle ay ginugol niya sa kanyang pag-aaral, pinaghahandaan na niya ang nalalapit na panghuling exam sa last simester. Gusto niyang mapanitili pa rin ang kanyang magandang record. Ilang buwan na lang ang hihintayin niya para magtake ng licensure examination at magiging ganap na siyang doktor pangarap niya yan noon pang bata pa siya.
Kinabukasan ay walang pasok kaya sinamantala ni Michelle ang mag check sa situation ng kapatid niya sa school na pinapasukan nito. Ewan ba niya kung bakit pumasok sa isip niya yon.
Nagtungo si Michelle sa Dean ng University of Sto. Tomas na kasalukuyang pinapasukan ni Tricia. Medyo naghintay siya ng kaunting minuto bago maintertain.
“Have a seat Ms. Del Cielo. Your name is too much familiar to us, what can I do for you?” seryosong tanong ng Dean. “Hmm...” saglit na nag-isip ang Dean. “If I’m not wrong…you are also connected to Del Cielo family, right? So...are you related to Ms. Patricia Anne Del Cielo?” direktang
tanong ng Dean kay Michelle na ikinabigla ng dalaga. Di niya akalain na kilalang-kilala din pala si Tricia.
“Yeah! Tricia is my sister, I came here to your office just to check my sister’s record in this university. My mon and dad has no time to check our situation both me and Tricia so I urge to be here. May I know Tricia’s record here Ma’am?” magalang na tanong ni Michelle sa Dean.
“I’m sorry Ms.Del Cielo but your sister has been dropped in this school more than three months have passed.” sagot ng Dean na ikinabigla ni Michelle.
“But Ma’am, ang alam namin na Tricia is still studying dahil patuloy pa rin niyang kinuha sa daddy namin ang weekly allowance niya?” ani Michelle na di pa rin makapaniwala.
“It’s sad to know the truth pero yan ang totoo matagal ng di pumasok ang kapatid mo sa Unibersidad na ito. Lahat kaming mga teachers ay
concerned sa kanya pero binalewala niya ang lahat dahil ang alam namin ay nalulong na siya sa masamang bisyo.” Pagtatapat ng Dean kay Michelle.
“Oh My God! Paano na kaya kung malaman ni Daddy at mommy ang...” sambit ni Michelle na may pangamba. “Ma’am...alam po ba ng parents ko na hindi na pumasok si Tricia?” tanong ni Michelle sa Dean.
“Siguro, dahil before we decided to drop Ms. Patricia Anne Del Cielo, we have sent a memo to your father at pinapapaabot namin sa mga malapit na kaibigan ni Tricia.” ani ng Dean.
Di makapaniwala si Michelle sa nalalaman niya kaya pagkatapos niyang malaman ang lahat ng impormasyon ay kaagad itong umuwi sa mansion nila. Litung-lito si Michelle, di niya alam kung ipagtapat ba niya sa daddy’t mommy niya ang mga nalalaman niya tungkol kay Tricia.
Kabanata 7
Mag-isa lang sa bahay si Michelle kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na pasukin ang kuwarto ni Tricia. Kahit alam niyang bawal yon pero naglakas loob talaga siya dahil gusto niyang malaman kung ano ang mga lihim ni Tricia.
Isa-isang hinalungkat ni Michelle ang mga gamit ni Tricia sa loob ng kuwarto nito. Laking gulat na lang ni Michelle nang buksan niya ang kabinet ni Tricia, hindi siya makapaniwala nang madiskubre niyang nagdadrugs pala ang kapatid niya. Parang pinaghihinaan na ng loob si Michelle nang makita ang gamit ni Tricia lalo na ang injection. Kinuha niya ang ilang piraso ng gamot at cocaine na ginagamit ni Tricia pati na ang injection at kaagad siyang lumabas sa kuwarto ng kapatid.
Sa terasa si Michelle naghihintay sa pagdating ni Tricia. Maya-maya ay may taxi ng huminto sa tapat ng gate nila, pinagbuksan ito ni Mang Andoy si Tricia na nga at medyo lasing yata ang kapatid niya. Sinalubong niya si Tricia ng napakalakas na sampal na nagpawala sa pagkalasing nito.
“How dare you! Bakit mo ko sinampal?!” gulat na tanong ni Tricia sabay sinundan pa ulit ni Michelle ng isang sampal.
“How could you do this Tricia!” galit na tanong ni Michelle sabay bagsak sa harapan ang mga gamit ni Tricia sa pagdadrugs. “Walanghiya ka! Niloloko mo sina mommy at pinaniwala mo pang nag-aaral ka!” galit na galit na sinabunutan ni Michelle ang kapatid.
“Tama na! Araay! Tama na sabi nasasaktan ako Michelle! Mommy! Mommy!” ang sigaw ng nagmamakaawang si Tricia.
Walang nagawa si Tricia sa galit niyang kapatid, nasa ganong sitwasyon sila nang maabutan ng mommy nila galing sa opisina. Galit na galit ang mommy ni Michelle.
“Walanghiya ka!” ani ng mommy nila sabay sampal ng malakas sa magkabilang pisngi ni Michelle. “Sinong nagbigay sayo ng karapatan para saktan ang anak ko! Hayup ka! Walang utang na loob!” gigil na sabi ng mommy nila na wala na sariling pinagsasabutan ang kawawang si Michelle.
“Mommy nasasaktan po ako! Please po tama na!” luhaang nagmamakaawa si Michelle sa ina. “Sorry po mom pero nagawa ko po yon dahil nalaman kong hindi na nag-aaral si Tricia!” Paliwanag pa ng luhaang si Michelle.
“Wala kang karapatan para pakialaman ang buhay namin! Ampon ka lang kaya wala kang karapatan na saktan ang anak ko at lalo ng wala kang karapatan na tawagin akong mommy dahil hindi kita anak!” madiin na sabi ng mommy ni Michelle na halos di ito makapaniwala. “Wala ka ng puwang sa bahay na ito kaya lumayas ka na!” galit na sabi ni Marga na pinagtatakwil ang anak.
“Nooo! Hindi totoo yan! Mommy...” umiiyak na si Michelle gusto niyang hindi paniwalaan ang mga sinasabi ng mommy Marga niya.
“Huwag mo akong tawaging mommy dahil hindi kita anak nandidiri ako sayo! Lumayas ka na!” pinagtutulak na ni Marga palabas ang kawawang si Michelle.
Wala ng nagawa si Michelle, mahirap paniwalaan pero ramdam niyang hindi na nagbibiro
ang mommy niya. Matagal bago makapag-isip si Michelle na kailangan na pala niyang umalis sa mansion ng mga Del Cielo na sa haba ng panahon ay lubos na itong napamahal sa kanya.
Panay ang agos ng luha ni Michelle habang inayos ang mga damit para sa paglisan sa sariling pamamahay.
Masakit, pero kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na hindi pala siya tunay na Del Cielo. Handa na lahat ang mga gamit ni Michelle, bago siya lumabas sa sariling kuwarto ay pinagmasdan muna niya ang kabuuan nito habang panay ang agos ng mga luha niya. Dala na niya ang lahat ng bagahe at papalabas na siya sa kuwarto nang matanaw sa sala ang kakarating lang na daddy niya. Nagulat ang daddy niya nang makita itong dala ang malaking maleta.
“M-michelle..? Anong ibig sabihin nito? Saan ka pupunta? Bakit ganyan ang hitsura mo?” sunod-sunod na tanong ng daddy ni Michelle.
“Aalis na po ako dad...” ani Michelle na gumagaralgal ang boses niya. “Wala na po akong puwang sa pamamahay na ito.” Tuluyan ng humahagulgol ang dalaga.
“But why? This is your home kaya di ka dapat umalis.” ani Alexander na nahahabag sa anak.
“Di n’yo po ako tunay na anak daddy di ba? ampon lang ako kaya hindi ko na kailangang ipagsiksikan pa ang sarili ko dito lalo na pag labag sa kalooban ni mommy Marga at Tricia.” Patuloy ni Michelle habang punas ang luha niya sa pisngi.
“S-si Marga..!” ani Alexander.
“Sige dad hindi na po ako magtatagal baka gabihin po ako sa daan.” Pagpapaalam ng luhaang si Michelle.
“Noo! Hindi ka aalis anak...” mangiyak-ngiyak na sabi ng daddy niya. “Saan ka pupunta? Paano na ang pag-aaral mo, ang pangarap mo?” nag-alalang sabi ng daddy niya.
“Kahit saan daddy, kaya ko na ang sarili ko at yong pag-aaral ko bahala na kung kailangang titigil ako ay gagawin ko kung sa ikabubuti ko lang.” Pahayag ni Michelle sabay buhat sa maleta niya. “Paalam daddy...” panay pa rin ang iyak ni Michelle. Bago niya mabuhat ang maleta ay yumakap pa ito sa ama.
Napaluha na rin si Don Alexander, hindi niya alam kung paano pigilan ang naging desisyon ng anak. Inabutan pa niya ng pera si Michelle pero di na ito tinanggap ng dalaga. Ihatid sana si Michelle ni Mang Andoy sa pupuntahan nito pero umayaw pa rin si Michelle.
Papalabas na ng gate si Michelle nang biglang huminto sa harapan ng gate nila ang kotse ni Dave. Nagmamadaling bumaba si Dave nang makita niyang dala-dala ang malaking maleta ni Michelle.
“M-michelle..? Anong ibig sabihin nito? Saan ka pupunta?” tanong ni Dave kay Michelle.
Tiningnan lang ni Michelle si Dave sabay tuloy-tuloy na itong lumabas sa gate. Sinundan siya ni Dave at pinigilan.
“Michelle ano ba? Ano bang problema Michelle? Kung balak mong lumayas sa bahay nyo sumama ka na sa akin at ako na ang maghahatid sa pupuntahan mo.” alalang sabi ni Dave.
“Hayaan mo na ako Dave, kung puwede umpisa ngayon ay kalimutan mo ng may nakilala
kang Michelle.” ani Michelle habang buhat ang maleta. “Please huwag mo na akong sundan gusto kong mag-isa, please..?” dugtong pa ni Michelle sabay para ng taxi.
Tiningnan na lang ni Dave ang papalayong taxi na sinakyan ni Michelle. Naguguluhan si Dave kaya naglakas loob siyang pumasok sa tahanan ng mga Del Cielo at alamin ang totoong pangyayari.
Maganda ang pagtanggap ni Don Alexander kay Dave kung kaya nakakausap niya ng maayos ang Don. Ikinuwento ni Don Alexander kay Dave ang buong pangyayari lalo na sa tunay na pagkatao ni Michelle.
“Wala akong masabi kay Michelle iho napakabait niyang anak kaya kahit di siya galing sa dugo ko ay napamahal na rin siya sa akin bilang isang tunay na anak.” Malungkot na kuwento ni Don Alexander kay Dave.
“Paano na po yan sir? Saan po ba pwede nating matagpuan si Michelle baka ano na ang mangyari sa kanya?” nag-alalang tanong ni Dave.
“Nagsisi nga ako kung bakit pinayagan ko pa siya kanina, sana nandidito pa siya ngayon. Pero hayaan mo at ipinahanap ko na siya mga tauhan ko dahil kahit ako ay labis na rin nag-alala sa pag-alis niya.” Malungkot na sabi ni Don Alexander.
“Hayaan n’yo po, tutulungan ko rin po kayong hanapin si Michelle.” ani Dave sabay nagpaalam sa Don.
Pagkaalis ni Dave ay agad na tinawagan ni Don Alexander ang kanyang mga tauhan upang mahanap si Michelle. Kung kinakailangan ay gagastos siya ng malaki makabalik lamang si Michelle sa Mansion.
Sa bahay ni Cathy nagtuloy si Michelle na medyo may kalayuan din sa siyudad. Maganda naman ang pagtanggap ng kaibigan niya alalang-alala ito sa ginawa niyang desiyon. Si Cathy na rin ang nag-aasikaso sa kanya.
“Pasensya ka na Michelle ha at ganito talaga ang bahay namin, alam mo na mahirap lang kami pero pag nagkataon at susuwertihin ako ipapagawa ko rin itong bahay namin.” Alalang sabi ni Cathy sa kaibigan.
“Wala yan Cathy buti nga pinatuloy mo pa ako eh may dagdag ka na tuloy sa budget mo.” Nalulungkot na sabi ni Michelle.
“Anong dagdag, kung tutuusin nga kulang pa ito sa nagawa mong tulong sa amin ng inay noon. Siguro kung di mo ko tinulungan noon, ewan ko kung saan ako pupulutin ngayon hindi ko yata kayang mabuhay na mag-isa.” ani Cathy.
“Uy! Huwag ka ngang madrama d’yan?” sabay kurot ng mahina sa kaibigan. “Ang tagal na nun ‘Day no, tapos na pero nererecall mo pa?” dugtong ni Michelle na medyo nangiti sa pagbibiro ng kaibigan.
“Hindi, pinapatawa lang kita Michelle nakita ko kasing lagi ka na lang lumuluha eh! Alam mo, kung ako si Michelle hindi ko sila papayagan na saktan ako! Mag-abot man ang langit at lupa makipagbuno rin ako sa kanila!” pairap na sabi ni Cathy na tuluyang nagpapatawa kay Michelle.
“Ganyan, dapat kahit may problema ka, itawa mo na lang ng itawa.” Pabirong sabi ni Cathy nang biglang dumating si Aling Marita na may dalang meryenda.
“O, Cathy anak mamaya na yan, pagmeryendahin mo muna ang kaibigan mo baka nagugutom na yan sa layo ng biyahe niya.” Ani Aling Marita na medyo nag-alala sa kalagayan ni Michelle.
“Huwag n’yo na po akong intindihin Aling Marita busog pa po ako eh!” sagot ni Michelle.
“Anong busog, basta kainin n’yo na ‘to at hinanda ko ito para sa inyo.” Pagliliwanag ni Aling Marita.
“Sige po marami pong salamat.” Magalang na tugon ni Michelle.
“Napakabait mong bata talaga anak, sige maiwan ko na kayo at may gagawin pa ako. Cathy,
ikaw na ang bahala kay Michelle anak huwag mong pabayaan yan at alam kong marami ang problema ng batang yan.” Pag-alala ni Aling Marita sabay umalis na ito.
Pagkaalis ni Aling Marita ay seryosong nagkukwentuhan ang magkaibigan at di maiwasan na maisali sa usapan nila si Dave.
“Hmm... Michelle, kumusta na pala kayo ni Dave?” medyo mahinang tanong ni Cathy sa kaibigan.
“Puwede ba Cathy kalimutan na natin si Dave, ayokong maalaala pa ang lalaking yon.” Inis na sabi ni Michelle.
“At bakit naman, di ba matagal na siyang nanliligaw sayo? Ibig sabihin hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo? Michelle, alam kong may gusto ka rin kay Dave pero dahil sa pangarap mong
makatapos kaya iniiwasan mo muna siya.” ani Cathy.
“Imposible na yata yang sinasabi mo Cathy. Matagal na kaming hindi nagkakausap ni Dave dahil si Tricia na ang lagi niyang kasa-kasama.” Nalungkot na sabi ni Michelle.
“Pa’no ikaw kasi ang kipot mo pa pero wala yan alam kong ikaw ang mahal ni Dave yan ang sinabi niya sa noong huli kaming magkita at yong bruhang kapatid este hindi mo pala kapatid yon wag mong intindihin yon. Alam mo siya lang ang habol ng habol kay Dave ang totoo iniiwasan talaga siya ng lalaki.” Pairap na sabi ni Cathy.
“Cathy...alam kaya nila na nandidito ako sa inyo?” wika ni Michelle sabay harap sa kaibigan.
“Siguro...alam mo naman ako lang ang pinaka close friend mo at yon ang alam nila. Pero
huwag kang mag-alala ‘Day bukas na bukas ay pupunta ako sa siyudad at mangalap ako ng impormasyon.” Paninigurong sabi ni Cathy sa kaibigan.
“C-cathy kung puwede...pakicheck mo rin ang daddy sa mansion pero kung sakali na makita ka nila. Huwag mong sasabihin na nandito ako sa bahay n’yo, puwede?” pakiusap ni Michelle sa kaibigan.
“Sure! Ikaw pa! Pero teka, paano na nga pala ang pag-aaral mo? Di ba sa next week na graduation natin? Paano ka na wala man lang dadalo sa graduation mo e most outstanding student of the year ka yata.” Sabi Cathy na medyo nalungkot para sa kaibigan.
“Okey lang yon Cathy andito naman kayo ng nanay mo di ba? Ang mahalaga ay ang pagtatapos ko at pagiging ganap na doktor.” ani Michelle.
Kinabukasan ay agad nagpunta si Cathy sa siyudad nang di sinasadyang makita siya ni Raffy.
“C-cathy! Ikaw ba yan?” pagkilala ni Raffy kay Cathy.
“R-raffy..? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Cathy.
“Wala, may hinahanap lang ako. Di mo ba alam ang nangyari, nawawala si Michelle? Sabi ng boy nila lumayas nga daw dahil hindi na nakatiis sa kalagayan niya doon sa mansion ng mga Del Cielo.” Kuwento ni Raffy kay Cathy na tango lang ng tango ang dalaga at hindi pinahalata na alam niya kung saan matagpuan si Michelle.
“S-si Michelle nawala, imposible ‘atang mangyari yan!” ani Cathy na kunwa’y di alam
kung nasaan ang kaibigan. “Ang kawawang Michelle, hindi pa ba sila nakuntento sa pagpapasakit nila kay Michelle at pinalayas pa nila!” dugtong ni Cathy na nagmaang-maangan.
“Cathy, baka alam mo kung nasaan si Michelle? Cathy please tulungan mo ko alam kung ikaw lang ang puweding lapitan ni Michelle.” ani Raffy na medyo nakiusap kay Cathy.
“A-e...hindi ko alam kung nasaan ang kaibigan ko pero huwag kang mag-alala, pag nakita ko siya tatawagan na lang kita sa cell mo.” ika ni Cathy na medyo binigyan ng pag-asa ang kausap. “Sige Raffy, di na ako magtatagal at baka hinanap na ako ng nanay ko.” Iniwanan na ni Cathy si Raffy.
Lingid kay Cathy na sinundan pala siya ni Raffy hanggang makarating ito sa bahay nila. Medyo dumistansya lang si Raffy para hindi makita ang kotse niyang nakapark sa may di kalayuan sa bahay nina Cathy. Pagkababa ni Cathy sa taxi ay agad ring bumaba si Raffy sa kotse nito at sinundan si Cathy. Laking gulat ni Raffy nang hindi mapagkaila sa kanya ang nakaupo sa terasa na yari sa kawayan. Hindi alam ni Cathy na nasundan pala siya ni Raffy. Pumasok na sa loob ng bahay si Cathy at naiwan si Michelle sa labas nang di na pinalampas ni Raffy ang pagkakataon.
“Pssst!”
“A-ano yon?” bulong ni Michelle na medyo kinakabahan.
“Michelle!” si Raffy at nagpakita na sa dalaga na ikinagulat naman nito.
“R-raffy!” manghang-mangha si Michelle hindi makapaniwala sa nakita. “Paano ka narating sa lugar na ito?” nagtatakang tanong ni Michelle.
“Simple lang, ang mahalaga ay nakita na kita. Alam mo Michelle, umpisa noong una kitang makita ay di ka na mabura sa isip ko, araw-gabi kitang naaalala. Ewan ko ba pero huwag kang magalit sa akin. Gusto ko lang aminin sayo na I love you noong una pa kitang makita.” Pagtatapat ni Raffy kay Michelle na ikinabigla naman ng dalaga.
“R-raffy huwag kang magbibiro ng ganyan baka nagloloko ka lang.” ika ni Michelle na medyo naiilang sa kausap.
“No! Hindi ako nagbibiro Michelle at lalo ng hindi kita niloloko. Totoo ang lahat ng sinabi ko sayo ngayon. Umpisa nang mawala ka’y hindi na ako mapalagay kaya gumawa ako ng paraan para matunton kita at salamat sa Diyos na pinagbigyan niya ako” ani Raffy.
“Michelle...sabihin mo lang kung ano ang dapat kong gawin para mahalin mo ako?” nagsusumamong tinig ni Raffy.
“Raffy...marami pa akong pangarap at ayokong sa isang iglap ay mawala ang lahat. Ngayon pa lang ay tapatin na kita, kalimutan mo na ako dahil wala talagang pag-asa ang maghihintay sayo, kung meron man siguro bilang isang kaibigan lang.” Pagtatapat ni Michelle.
“Handa akong maghintay Michelle kahit gaano katagal at sisikapin kong na baka balang araw ay mapaibig din kita.” Nalulungkot na sabi ni Raffy sa paalam kay Michelle. “S-sige...aalis na ako.” Laglag and dalawang balikat ni Raffy bago umalis pero lumingon pa ito nang tawagin ni Michelle.
“Raffy..! Ingat ka!” paalala ni Michelle sa papaalis na si Raffy na medyo may pinong ngiti sa labi. Hinatid pa ng tanaw ni Michelle ang papalayong kotse ni Raffy sabay sambit. “Ang bait niya, pero sayang sana siya nalang si Dave para hindi na siya mahirapan.” Bulong ni Michelle sa sarili nang biglang gulatin siya ng kaibigan.
“Bulaga!” panggugulat ni Cathy. “Alam mo ‘Day nakita ko kayo!” makahulugang sabi ni Cathy.
“Eh...anong nakita mo kami?” nalilitong tanong ni Michelle sa kaibigan.
“Nakita ko kayo kanina at narinig ko ang lahat ninyong pinag-uusapan. Ang bait pala ng Raffy na yon ano! Siya nga pala pasensya ka kung biglang sumulpot ang gagong yon dito. Ang totoo nagkita kami kanina at ang hindi ko alam sinundan
pala ako ng bruho.” Wika ni Cathy habang pinaliwanag sa kaibigan.
“Okey lang Cathy palagay ko’y hindi naman siguro magsasabi yon.” Paniniguro ni Michelle sa kaibigan. “Kumusta nga pala ang lakad mo? May balita ba?” tanong ni Michelle sa kaibigan.
“Ewan ko lang ‘Day kung totoo pero sabi ni Mang Andoy, umpisa nang mawala ka sa mansion ay laging wala sa bahay ang daddy mo at minsan pag nasa bahay din ito parang laging wala sa sarili. Minsan naglalasing at panay tanaw sa malayo.” Kuwento ni Cathy.
“Eh...si mommy? Si Tricia?” tanong pa ni Michelle.
“Yong kapatid mo, aba ewan ko doon pero balita ko gumagamit parin ng bawal na gamot ang bruha na yon at ewan ko lang kung totoo na nagkakagulo raw ngayon sa mansion dahil sa kalokohan ni Tricia.” Mahabang kuwento pa ni Cathy.
“Bakit kaya? Baka may problema na naman kay Tricia.” Ani Michelle na medyo nag-alala.
“Ay nakuh! Wag mong isipin ang mga yon Michelle. Sige kain na tayo at bukas ay pupunta ulit ako sa siyudad para itanong kay Aling Adela kung ano ang pinagkakaguluhan nila.” Pahayag ni Cathy sabay naghain na ng hapunan nila.
Kahit sa liit ng bahay nina Cathy ay walang masabi si Michelle pakiramdam mas nakakapag-isip siya ng maaayos di tulad ng nandoon pa siya sa mansion na lagi na lang siyang nag-alala sa bawat pagdaan ng oras. Ewan ba niya pero kung gugustuhin niya, mas gusto niya ang buhay nina Cathy na kahit simple lang pero puno naman ng pagmamahal.
itutuloy...


