"Hanggang Kailan Maging Akin Ang Puso Mo?(Chapter 9-12 end)"

fhearl08's picture
| |

Kabanata 9

Sa mansion ng mga Del Cielo, nagkakaharap sina Don Alexander at Dave. Hindi makapagreklamo si Dave nang maabutan ito ng ama ni Tricia na magsama silang dalawa sa kuwarto ng anak na parehong walang damit sa katawan.

“Kailangang pananagutan mo ang anak ko Dave, dahil kung hindi ay mabubulok ka sa kulungan.” Galit sabi ni Don Alexander.

“P-pero sir, wala po akong alam sa mga nangyari at lalong hindi ko alam kung bakit nandidito ako sa bahay n’yo.” Ani Dave na medyo may katigasan ang boses.

“Wala akong pakialam kung may nangyari man sa inyo o wala basta ang gusto ay makasal kayo sa lalong madaling panahon. Huwag mong ilagay sa kahihiyan ang pamilya ko Dave kaya sa gusto mo o hindi pakasalan mo si Tricia!” galit na sabi ng Don.

Hindi matanggap ni Dave na basta na lang siya mapunta sa babaing hindi niya mahal kaya personal niyang kinausap si Tricia dahil alam niyang kagagawan lang ni Tricia ang lahat.

“Tricia please, alam kong ikaw ang may pakana ng lahat, pini frame-up mo ako! Tricia please sabihin mo sa daddy mo na walang nangyayari sa atin!” Pakiusap ni Dave kay Tricia.

“I’m sorry Dave pero wala na akong magawa sa desisyon ni daddy.” Pasimpleng sagot ni Tricia.

“P-pero Tricia, wala akong ginawa sayo at kahit ikaw alam mo yan. Labis lang akong nagtataka kung bakit napunta dito sa pamamahay n’yo na ang huli kong naalala ay magkasama tayo sa isang restaurant sa Makati.” Paliwanag ni Dave na hindi naman tinugunan ni Tricia sa halip pinagdidiin pa ito.

“At ano naman ang gusto mong mangyari, uurong ako! Never! Yan ang hindi puweding mangyari Dave, kung iniisip mo man na plano ko ang lahat ay okey lang sa akin yon, ang mahalaga ay hindi ka na mawawala pa sa akin.”

“Are you crazy Tricia! Alam mong hindi kita mahal at kailanama’y hindi kita puweding mahalin dahil para lang kay Michelle ang pagmamahal ko! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na si Michelle lang ang mamahalin ko!” ani Dave na medyo tumaas na ang boses.

“Wala akong pakialam kung sino ang mahal mo Dave, ang mahalaga ay maging akin ka! Pati buo mong pagkatao, pag kasal na kita at asawa mo na ako, hindi na mahirap sayo ang mahalin ako!” ani Tricia.

“Nagkamali ka Tricia, kasal man ako sayo, asawa man ang turing mo sa akin, pero kahit kailan at di ko puweding maibigay sayo ang pagmamahal na matagal ko ng inilaan para kay Michelle.” Pagtitiyak ni Dave kay Tricia na ikinagalit naman ng dalaga.

“Shit ka! Puro ka na lang Michelle! Michelle! Punyetang Michelle na yon! Ano bang meron sa kanya na di ko maibigay sayo, ha Dave!” si Tricia habang sinuntok-suntok ang dibdib ni Dave.

“Hindi mo kayang tapatan ang buong pagkatao ni Michelle.” Gigil na sagot ni Dave sabay tulak kay Tricia at umalis na ito.

“Dave! Dave! Saan ka pupunta?!” habol na tawag sa di na lumilingon na si Dave.

“Hahanapin ko si Michelle.” Pahabol na sagot ni Dave sabay sakay sa kotse niya.

Nilisan ni Dave ang mansion at hinanap niya si Michelle pero lagi pa rin siyang bigo. Lalo na siyang kabado sa pagdaan ng mga araw dahil malapit ng itakda ang kasal nila ni Tricia. Gusto niya na bago mangyari yon ay makita na niya si Michelle. Pero masyadong mailap sa kanya ang panahon kaya laging siyang umuwi na bigo at ni anino ni Michelle at di niya makita.

Mga ilang araw ng naghahanap si Dave kay Michelle pero hindi rin niya ito nakikita kaya nakapagpasya siyang bumalik sa mansion upang magtanong ng kaunting impormasyon tungkol kay Michelle. Pagkadating niya sa mansion ay nadatnan niya ang papaalis na si Don Alexander Del Cielo.

“Good Morning po Sir? May lakad po ba kayo?” magalang na tanong ni Dave.

“Pupunta lang ako sa school na pinapasukan ni Michelle magbabakasakali ako na makakuha ako ng impormasyon doon.” Sagot ni Don Alex.

“Balita ko’y hindi na pumapasok po si Michelle sir?” wika ni Dave.

“Bahala na pero subukan ko lang. Ikaw ano bang pinaplano mo sa nalalapit n’yong kasal ni Tricia?” tanong ng Don kay Dave na nagpatahimik nito.

“W-wala...” mahinang sagot ni Dave sabay humugot ng malalim na hininga.

“Sige maiwan na kita at nagmamadali ako.” Pagpapaalam ni Don Alexander kay Dave.

Hindi na talaga mababago pa ang isip ni Don Alexander sa pagpapakasal sa kanila ni Tricia kaya humanap siya ng paraan para matagpuan si Michelle.

Samantala sa school na pinapasukan ni Michelle nakausap ni Don Alexander ang professor ni Michelle. Maraming kwento ang professor tungkol kay Michelle na nakakapagpataba ng puso ng Don.

“Michelle is perfectly good student and she’s very fluent in any areas of education. She serves as our pride is this university and because of her talent and credibility we became known and popular school. But...it’s sad to tell you Mr. Del Cielo that your daughter is nearly to be dropped in this school. The faculty has been proven that Michelle didn’t report her classes for more than a week have passed. Something wrong with your daughter Mr. Del Cielo?” direktang tanong ng professor ni Michelle sa daddy nito.

“God...!” tanging nasamabit ni Don Alexander sabay piga sa noo niya. “What I have done wrong to Michelle. “Hmm...Mrs. Santos, you mean that Michelle was...” hindi na niya tinuloy ang sasabihin pa niya dahil tumango na ang professor na ibig sabihin di nila alam kung nasaan si Michelle.

Pagkatapos ng maiksing pag-uusap ng professor at Don Alexander ay kaagad na nagpaalam ang daddy ni Michelle na matamlay na matamlay. Maya-maya ay dumating na rin si Michelle, nagulat pa ang professor niya baka raw nagkasalubong sila ng daddy niya. Medyo namutla ang professor niya nang makaharap si Michelle

dahil nga nagsisinungaling siya sa daddy ni Michelle.

“Good morning Ma’am? Something wrong Ma’am Santos?” nagtatakang tanong ni Michelle.

“W-wala...pero yong daddy mo nasaan? Di mo ba nakita?” tanong ng professor niya.

“My dad? Hindi ko po nakita bakit po pumunta po ba rito ang daddy?” tanong ni Michelle.

“Oo, at kinakabahan ako kasi nagsisinungaling ako na wala ka na rito, di ba yon ang gusto mong mangyari? Naawa nga ako sa daddy mo kasi umuwing matamlay nang malaman niyang wala ka na rito.” Kuwento ng professor ni Michelle. “Mabuti po at di n’yo po sinabi Ma’am. Siya nga pala po Ma’am Santos, ready na ang lahat pati sa graduation well prepared na po ang lahat, mabuti na lang at super active ang Student Councel. Pero… kinakabahan pa rin po ako sa nalalapit na final exams.” ani Michelle na medyo nalungkot

“May tiwala kami sa kakayahan mo, kayang-kaya mo yan. Ang galing-galing mo nga Ms. Del Cielo, we all prayed for you to become successful. Sana hindi mo rin kami makalimutan kung maging ganap na doktor ka na.” Papuri ng professor ni Michelle.

“Thank very much sa inyong lahat Ma’am Santos, siguro kung wala kayo, I don’t know if where do I place myself.” Ani Michelle sabay nagpaalam.

Pagkatapos mai-verified ni Michelle ang lahat ng activies for graduation ay bumalik kaagad siya sa bahay nina Cathy. Gusto niyang maging relaxs sa nalalapit na graduation day. Minsan maisip ni Michelle na ang suwerte pa rin niya, kahit walang parents na nagsupport sa kanya ay nakaya pa niyang tapusin ang huling semester para sa pangarap niyang maging doctor.

Sumapit na graduation ni Michelle at masayang-masaya siya. Din ata mabilang ang award na natanggap niya. Siya ang itinanghal na most outstanding student of the year. Kung sana nandito lang ang daddy niya, ay ito sana ang personal na magkakabit ng medalya niya for Summa Cumlaude, pero tanging sina Cathy at Aling Marita lang ang dumalo sa graduation niya. Kahit papano ay masayang naidaos nina Michelle at Cathy ang pagtatapos nila sa isang simpleng handa.

 

One week after ng graduation ni Michelle ay nakanggap siya ng letter mula sa inaplayan niyang Ospital sa St. Lukes upang doon muna siya magsasanay(OJT). Abot hanggang langit ang kaligayahan hindi niya sukat akalain na natupad na ang matagal na niyang pinapangarap.

Kabanata 10

Tatlong buwan na ang nakaraan mula ng lisanin ni Michelle ang Mansion del Cielo. Samantala, tahimik na tahimik sa tahanan ng mga del Cielo. Si Alexander ay lagi na lang umiinom at si Marga naman ay parang wala na ring gana sa sarili niya. Hindi tulad ng dati na lumalabas ito pag naboboring siya sa bahay, napansin yon ni Alexader.

“M-marga...may dinaramdam ka ba?” nag-alalang tanong ng asawa.

Hindi sumagot si Marga, maya-maya at bumuntong hininga at hinarap si Alexander.

“A-alex...nasaan na kaya si Michelle. A-alam mo, umpisa noong mawala siya dito ay may

nararamdaman ako kakaiba, ewan ko pero ramdam kong nasaktan ako sa ginawa ko kay Michelle.” ani Marga na medyo nalulungkot.

“Ibig bang sabihin niya na nakukunsensya ka na sa ginawa mo sa ampon natin? Meron ka ba nun Marga! Simula’t simula ay di mo binigyang halaga ang pagmamahal ni Michelle sayo dahil pumapaibabaw sayo ang sobrang selos!” Ani Alexander na medyo sinisisi ang asawa.

Seryosong nagkukwentuhan sina Marga at Alexander sa terasa nang dumating si Adela galing sa pagkuha ng kita nila sa farm sa Cavite. Hindi kaagad inabot ni Adela ang pera sa mag-asawa at dumiretso muna ito sa kuwarto niya. Nagtataka si Adela sa malaking pagbabago sa loob ng mansion. Pati ang katahimikan na dati ay hindi naman ganoon, naninibago si Adela. Labis rin siyang nagtataka nang hindi rin niya makita si Michelle.

Pagkabihis ni Adela ay kaagad itong nagtungo sa kinaroroonan ng mag-asawa. Bago makalapit si Adela sa mag-asawa ay napansin niyang parang ang lungkot ng mga ito, kinakabahan si Adela.

“M-a’am Marga, sir Alex...ahh...iabot ko sana sa inyo itong kita n’yo sa farm.” Naiilang na sabi ni Adela sa mag-asawa.

Nagtinginan muna sina Alexander at Marga, nag-uusap ang kanilang mga mata alam nila na hahanapin talaga ni Adela ang akala nilang anak ni Adela na si Michelle. Hindi na nakapagpigil si Adela kaya naglakas loob siyang tanungin ang mag-asawa.

“M-ma’am Marga...s-sir...may problema ho ba?” naiiritang tanong ni Adela sa mag-asawa na hindi pa rin nawala ang paggalang nito kahit kaibigan ang turing niya kay Marga.

“A-adela...” ani Alexander na di makapagsalita ng diretso.

“S-sir...baka nakaabala lang ako sa inyo, sige ho puntahan ko muna si Michelle sa kuwarto niya at di ko pa siya nakikita.” Aalis na sana si Adela nang tawagin siya ni Alexander.

“A-adela...” ani Don Alexander na tiningnan si Adela. “W-wala na si Michelle, tatlong buwan na ang nakaraan mula nung pumunta kayo Cavite.” ani Alexander na di makatingin ng diretso kay Adela.

“S-si Michelle wala?...anong..?” ani Adela na parang di makapaniwala.

“Kusa siyang umalis Adela nang malaman niyang di namin siya tunay na anak. Hindi na nakapagpigil si Marga noon kaya sinabi niya kay Michelle na isa lang siyang ampon.” Nalulungkot na sabi ni Alexander.

“Wala na si Michelle..? Diyos ko bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat.” Humahagulgol na sabi ni Adela. “Ako ang may kasalanan sa lahat, kung sana sinabi ko na lang ang totoo!” dugtong pa Adela na ikinabigla ng mag-asawa.

“Adela, anong ibig mong sabihin, anong totoo na dapat mong sasabihin?” tanong ni Alexander kay Adela na medyo nalilito na rin.

“Maam Marga, Sir Alex, patawarin n’yo po ako ang laki ng kasalanan ko sa inyo kung ano man ang parusa ang igawad n’yo sa akin pagkatapos n’yong malaman ang lahat ay handa na akong harapin ito. Hindi ko na kayang ilihim pa sa inyo ang katotohanan lalo na sa tunay na pagkatao ni Michelle.” Ani Adela na lalong nagpapalito sa mag-asawa.

“Adela ano ba ang gusto mong sabihin? May kinalaman ba ito kay Michelle?” kabadong tanong ni Marga.

“Makinig kayong mabuti Ma’am at ikuwento ko sa inyo ang lahat.” Pag-uumpisa ni Adela

Sabay tayong nagsilang noon sa iisang hospital at magkatabi sa iisang pribadong kuwarto. Pareho tayong dalawa noon na nawalan ng malay pagkatapos isilang ang mga sanggol natin. Nang magising ako ay nakita kong hindi ka pa nagkakamalay, sa mga oras na yon ay nabuo sa isipan ang isang masamang balak iniisip ko kasi noon kung ano ang maging buhay ng anak ko kung sakaling nasa akin ito. Hindi ako makakapayag na lumaking naghihirap din ang anak ko kaya naisipan kong pagpalitin ang anak kong si Tricia sa anak mong si Michelle. Magulo ang isip ko noon dahil sa pag-iwas ni Daniel sa pananagutan niya sa akin kaya yon lang ang naisip kong paraan kahit alam kong mali ito. Upang mapalapit

ang loob n’yo sa anak n’yong si Michelle kung kaya naisipan kong ipaampon ko siya sa inyo. Pero sa tagal ng panahon, akala ko’y puwede siyang mahalin ni Marga tulad ng isang tunay na anak pero hindi pala. Hanggang lumaki si Michelle na malayo sa puso ni Marga.” Mahabang pagsasalaysay ni Adela sa kanyang nagawang kasalanan sa mag-asawa. “At ngayon wala na si Michelle, hindi na kakayanin ng konsensya ko Ma’am Marga, hindi na!” muling umiyak si Adela. “Marga, ang kinamumuhihian mong si Michelle ang tunay mong anak at totoong del Cielo at si Tricia ang tunay kong anak.” Pagtatapat ni Adela.

“S-si Michelle...anak ko! Miche...Michelleeee..!” sambit ni Marga sa pangalan ng anak na siyang dahilan sa pag atake ng sakit niya.

“Diyos ko! Marga! Marga!” ani Alexander na nataranta sa nangyari sa asawa. “Mang Andoy! Mang Andoy! Ihanda mo kotse bilis! Inatake ang Senyora mo! Mang Andoy!” tawag ni Alexander sa driver niya.

Mabilis na dinala sa hospital si Marga at naiwan si Adela sa mansion na labis na nangamba sa nangyari kay Marga. Wala na siguro siyang mukha na iharap sa mag-asawa lalo na kay Don Alexander. Puno na ng kaba at takot si Adela kung naisipan niyang umalis na lang sa pamamahay ng mga del Cielo. Pababa na si Adela sa kwarter niya sa mansion nang makasalubong niya si Tricia. Makahulugang tingin ang ipinukol ni Tricia sa ina niyang si Adela.

“Gaano ka totoo ang mga narinig ko yaya Adela?!” Tanong ni Tricia ni medyo pigil ang galit na boses. Gaano katotoong ako ay hindi tunay na

del Cielo!” ani dugtong ni Tricia na medyo galit na.

“I’m sorry Tricia pero ang lahat mong narinig ay ang katotohanan kaya ihanda mo na ang sarili sa maaaring mangyari na ikaw lang din ang may kagagawan dahil pinapairal mo ang iyong kasakiman!” ani Adela na sinisi ang anak.

“Hindi ako papayag na basta na lang mawala sa akin ang lahat Yaya Adela. Nalalapit na ang kasal namin ni Dave at di ako makakapayag na basta na lang mawala pati si Dave, dadanak muna ang dugo Yaya, naintindihan n’yo! Magkamatayan muna tayong lahat dito!” pasigaw na sabi ni Tricia na nagbabadya sabay iniwan ang Yaya niya na tunay niyang ina.

Labis na nabahala si Adela sa maaring gawin ni Tricia. Tumuloy na sa pagbaba sa kwarter si Adela nang biglang may kumatok sa gate, nagtataka siya kung bakit hindi ito gumamit ng doorbell. Agad na nagpunta sa gate si Adela at binuksan. Nagulat si Adela nang mapagsino ang panauhin.

“D-daniel!” ani Adela na labis na namangha sa nakita.

“Adela!?” sambit ni Daniel na labis ring nagtataka.

“Anong ginagawa mo rito?! Sa haba ng panahon na tinalikuran ang pananagutan at obligasyon mo sa akin ay may mukha ka pang magpakita sa akin!” sumbat ni Adela kay Daniel na ama ng kanyang anak.

“A-adela patawarin mo ako, nagawa ko lang yon dahil...dahil..?” ani Daniel na di masabi ang dahilan.

“Ganon lang ba kadali para sayo ang manghingi ng tawad sa kasalanang nagawa mo sa akin! Masakit Daniel! Masakit! Dahil tuluyan mo ng sinira ang buhay ko at kinabukasan, sana hindi na lang ako nagtiwala at nagmahal sayo noon.” ani Adela na gumaralgal na ang boses.

“Adela patawarin mo ko pero wala akong balak na lokohin ka. Kaya lang hindi mo na ako nakita noong huling araw na nagdadalantao ka sa dahilang...” di matuloy ni Daniel ang sasabihin, nag-aalala siya sa maaring reaksiyon ni Adela.

“Sa dahilang ano?! Sabihin mo Daniel habang may panahon pa akong makinig sa paliwanag mo!” galit na sabi ni Adela.

“Makinig ka Adela, ikuwento ko sayo ang lahat.” ani Daniel na inumpisahan ang pagpapaliwanag kay Adela.

Sinimulan ni Daniel na ikuwento ang mga dahilan kung bakit hindi niya napanagutan ang ipinagbubuntis ni Adela noon. Masyadong dinibdib ni Daniel ang pabirong sabi ni Adela na magbreak na sila noon at dahil magulo ang isip ni Daniel kaya naisipan niyang dumaan sa isang Night Club at sa maling pagkakataon ay nakayang pumatol ni Daniel sa isang bayarang babae at huli na nang malaman niyang HIV positive ito. Nahawa si Daniel, dahilan kung bakit hindi na siya nagpakita kay Adela. Matagal bago gumaling ang sakit ni Daniel at kabutihang palad ay nakatagpo siya ng isang magaling at espeyalistang doktor kung kaya napunta siya sa pamamahay ng mga del Cielo upang personal na ipaabot ang kanyang tauspusong pasasalamat.

“Anong ibig mong sabihin Daniel, na isang doktor na del Cielo ang tumulong sayo para

gumaling ang sakit mo?” tanong ni Adela kay Daniel na di makapaniwala.

“Oo, dito siya nakatira at hindi ko naman inaasahan na dito rin kita matatagpuan Adela. Adela, patawarin mo na ako at sasamantalahin ko na ang pagkikita nating ito para punan ko ang pagkukulang ko sa inyong mag-ina.” Malungkot na pakiusap ni Daniel. “Sumama na kayo sa akin para makapagsimula tayo ng bagong buhay at pangakong hindi na tayo maghihiwalay pang muli.” Dugtong pa ni Daniel.

“Daniel...” sambit ni Adela sabay yakap kay Danel.

Hindi na nagtagal si Daniel sa mansion ng mga del Cielo dahil hindi niya nakita si Michelle doon kaya nagpaalam na muna ito kay Adela.

Kabanata 11

 

Samantala, nagulat na lang si Michelle sa biglaang pagsisigaw ni Cathy. Kinakabahan si Michelle baka ano na ang nangyari kay Cathy ngamamadali siyang lumabas at sinalubong ang kaibigan na galing sa siyudad.

“Cathy! Cathy bakit?!” kabadong tanong ni Michelle sa kaibigan.

“Michelle si Dave nandito kasama ko siya!” pagbabalita ni Cathy sa kaibigan.

“Haa!” namangha si Michelle. “C-cathy bakit mo sinabi sa kanya na nandito ako?!” alalang tanong ni Michelle.

“Eh ang kulit e! Hindi talaga ako tinigilan hanggat di niya ako napapayag na makasama siya rito. Alam mo michelle malaki ang problema niya ngayon at kailangang makausap ka raw niya habang hindi pa huli ang lahat.” Kuwento ni Cathy sa kaibigan.

“Cathy, wala na akong pakialam sa problema niya.” Mahinahong tugon ni Michelle.

“Kahit sabihin kong ikakasal na siya kay Tricia, hindi ka pa rin intresado?!” pairap na sabi ni Cathy.

“Kasal!?” nabiglang sambit ni Michelle sabay dumating si Dave.

“M-michelle..?” sambit ni Dave na puno ng lungkot ang mukha. “Michelle ang tagal ko ng naghahanap sayo nandito ka lang pala. Michelle ayokong mawala ka pa sa akin kaya samantalahin na natin ang pagkakataon. Alam kong mahal mo rin

ako kaya sumama ka na sa akin Michelle lalayo tayo, yong malayong-malayo na hindi na tayo hanapin pa ni Tricia!” ani Dave na hawak ang dalawang kamay ni Michelle.

“Takasan mo ang responsibilidad mo sa kapatid ko?! Ganyan ka ba kasama Dave?” direktang sabi ni Michelle.

“P-pero Michelle, hindi ko mahal si Tricia, ikaw ang mahal ko at lalo ng wala akong pananagutan sa kanya!” paliwanag ni Dave.

“Bakit mo siya ginalaw kung hindi mo naman pala siya mahal?” tanong ni Michelle.

“Plano ni Tricia ang lahat Michelle pini-frame up niya ako! Michelle maniwala ka sa akin?..” ani Dave na pilit pinaniwala si Michelle.

“May pananagutan ka na Dave at katunayan ay ikakasal na kayo ni Tricia. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na hindi tayo laan ng Diyos para sa

isa’t-isa. Oo, aminin ko sayo na simula’t simula noong una nating pagkikita ay minahal na kita, pero hindi yan sapat na dahilan para tugunan ko ang mali mong hiling.” Kalmadong paliwanag ni Michelle kay Dave.

“P-pero Michelle...” mangiyak-ngiyak na sabi ni Dave.

“Dave, wala ka ng magagawa pa kaya pakasalan mo na si Tricia mahal mo man siya o hindi. Siguro kung magsama na kayo bilang mag-asawa unti-unti mo ring matatanggap si Tricia. Ayokong ang isang mali ay dagdagan pa natin ng isa pang pagkakamali naiintindihan mo ba ako, ha Dave?” lakas-loob na sinabi ni Michelle habang hawak ang magkabilang pisngi ni Dave.

“P-pero paano na tayo? Hanggang kailan ako magtitiis Michelle? Hanggang kailan magiging akin ang puso mo Michelle?” si Dave na tuluyan ng umagos ang luha.

“Hanggang kailan?.. hangga’t buhay pa ako, mananatili ka dito sa puso ko dahil mahal kita. Sige Dave, may lakad pa ako mahalaga ang bawat oras may tawag ako mula sa St. Lukes at kailangan kong iligtas ang buhay ng pasyente ko. Paalam Dave...” paalam ni Michelle na bakas ang kalungkutan sa mukha ng dalaga at nakita ni Dave na kanina pa pala nakapark ang kotse ni Raffy sa kabilang bakod nina Cathy.

Sumakay si Michelle sa kotse ni Raffy at naiwan sina Dave sa bakuran nina Cathy. Parang wala sa sarili si Dave kung naglakas-loob si Cathy na kausapin ito.

“D-dave, umuwi ka na at siguro panahon na para kalimutan mo na ang kaibigan ko.” Malungkot na sabi ni Cathy.

“No! Cathy alam mong simula’t-simula ay mahal na mahal ko na si Michelle at ayokong mauwi na lang sa ganito ang lahat! Cathy...tulungan mo ako? Please..?” sambit ni Dave na parang batang nakikiusap kay Cathy.

“Dave alam ko ang ugali ni Michelle, pag alam niyang mali ang isang bagay ay hindi niya ito pinagtatakpan, bagkus iiwasan niya ang pagdagdag pa ng kamalian.” ani Cathy kay Dave.

“Cathy bakit, dahil ba kay Raffy kaya madali lang sa kanya ang kalimutan ako?’ makahulugang tanong ni Dave kay Cathy.

“Ang alam ko’y mabuting magkaibigan lang sina Raffy at Michelle at wala ng hihigit pa roon yan ang maisisiguro ko sayo Dave. Mabait si Raffy kaya imposibling hindi sila magkakasundo ni Michelle.” Dugtong pa ng dalaga.

Wala ng nagawa si Dave kaya tuluyan na itong umuwi sa bahay nila. Isang hapon ay naisipan niyang mamamasyal sa park ng Luneta dahil nagbabakasakali siyang makalimutan niya ang problema niya. Nang nandoon na siya sa Park ay di sinasadyang magkita sila ni Raffy, iwasan sana niya si Raffy pero si Raffy na mismo ang humabol sa kanya at kumausap.

“’Tol pwede ba tayong mag-usap? Pare importante lang at sana’y pagbigyan mo ako.” Pakiusap ni Raffy kay Dave.

“Gaano ba ka importante yan?” pasungit na tanong ni Dave dahil naiinis siya kay Raffy.

“Kung hindi ka intresado sa sasabihin ko sayo tungkol kay Tricia at lalo na kay Michelle, bahala ka na baka pagsisisihan mo lang.” Ani Raffy na medyo napikon na kay Dave. Aalis na sana siya nang tawagin siya ni Dave.

“S-sandali R-raffy?! Ano ba ang gusto mong sabihin.” Tanong ni Dave na medyo napahiya sa kausap dahil sa inasal nito.

“Marami? Maraming-marami at kailangang malaman mo habang hindi pa huli ang lahat.” Seryosong sagot ni Raffy.

Sakay sa kotse ni Dave ay nagtungo sila sa isang Bar Cafe sa Makati upang doon mag-usap. Hindi makapaniwala si Dave sa mga ipinagtapat ni Raffy sa kanya.

“Hindi ako nagbibiro ‘tol, totoo ang sinabi ko sayo. Ako ang ama sa dinadala ni Tricia pero ang alam ko ang pinalaglag na niya ito nang malaman niyang wala akong balak panagutan ang ipinagbubuntis niya dahil kay Michelle.” Ani Raffy na napamangha naman si Dave nang binaggit ang pangalan ni Michelle.

“D-dahil kay Michelle...? Anong ibig mong sabihin...” nagtatakang tanong ni Dave.

“Tapatin na kita ‘tol, simula nang makilala ko si Michelle ay minahal ko na siya, pagmamahal na minsan ni hindi ko nararamdaman kay Tricia. Ang haba ng panahon na iginugugol ko sa panunuyo kay Michelle pero hanggang ngayon ay di ko pa rin maangkin ang puso niya. Mahirap...at lalong masakit na magmahal sa isang tao na ikaw lang ang nagmamahal. Pero tanggap ko na ang lahat na iba na ang nagmamay-ari sa puso ni Michelle.” Makahulugang sabi ni Raffy sabay tingin kay Dave.

“R-raffy..?” tanging sambit ni Dave.

“Tanggap ko na ‘tol na hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin.” Nalulungkot na sabi Raffy. “At bilang isang kaibigan ni Michelle, hangad ko ang lubos niyang kaligayahan, sapat na ang lahat na nabago ni Michelle ang pananaw ko

sa buhay dahil sa kanya, ngayon ko lang napagtanto kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay.” Seryosong sabi ni Raffy sabay hawak sa kamay ni Dave.

“’Tol ikinalulungkot ko p-pero...” nag-aalangang sabi ni Dave dahil sa habag kay Raffy.

“Dave...” ani Raffy sabay hawak ng mahigpit ng kamay ni Dave. “Mahal na mahal ka ni Michelle, kaya bilang isang kaibigan niya pangako mo sa akin na pakamahalin mo si Michelle ng higit pa sa pagmamahal na iniukol ko para sa kanya, pangako mo yan sa akin pare.” Pakiusap ni Raffy sabay patak ng isang butil ng luha niya na kanina pa pinipigilan.

“Raffy...maraming salamat at pangako ko sa iyong pakamahalin ko si Michelle ng higit pa sa sarili ko.” Ani Dave na puno ng sensiredad na pangako.

“Sige, puntahan mo na si Michelle sa ospital sa St. Lukes at sigurado akong hinintay ka na niya doon.” Ani Raffy.

“Pa’no ka na ‘tol?” nag-alalang tanong ni Dave.

“Don’t worry at okey na ako, bukas na ang flight ko papuntang Canada para doon ko tapusin ang pag-aaral ko sa kolehiyo. So, advanced congratulations and wishing you all the luck especially sa pagsasama n’yo ni Michelle.” Ani Raffy na bakas sa mukha ang kalungkutan.

“Salamat ulit ‘tol at sana matagpuan mo na rin doon ang tunay na kaligayahan.” Ani Dave sabay gagap sa kamay ni Raffy.

Pagkatapos ng pag-uusap nina Dave at Raffy ay kaagad na napunta na sa ospital si Dave sa Makati para para personal na makita si Michelle.

 

Kabanata 12

Sa ospital ng St. Lukes, hinihintay pa ni Don Alexander ang resulta sa operasyon ni Marga. Kabadong kabado si Alexander lalo na nang malaman niyang acute na pala ang sakit ng asawa. Sa chapel ng ospital, taimtim na nagdarasal si Alexander para sa kaligtasan ng kanyang asawa.

“Diyos ko, alam kong napakalaki ng mga pagkukulang ko sa inyo pero please bigyan n’yo pa po ako ng kaunting panahon para ituwid ang aking mga pagkakamali. ‘Andito po ako ngayon at personal na manghingi ng tulong n’yo, Lord iligtas n’yo po ang asawa ko huwag n’yo po siyang kunin sa akin ngayong alam na namin na tunay na naming

anak si Michelle, gusto kong mabuo ulit ang pamilya ko kahit sa kaunting sandali ng aking buhay. Lord...please..?” taimtim na dalangin ni Alex na di niya napansing tumulo na ang luha niya.

Bumalik kaagad si Alex sa emergency pagkatapos niyang magdasal nang makita niya ang nurse na kakalabas lang. Agad nagtanong si Alexander.

“N-nurse, kumusta na ang asawa ko?” tanong ni Alexander sa nurse.

“Hmm...kayo ho ba ang may-ari ng pasyente? Okey na ho siya sir at under observation na lang, we believe kasi sa kakayahan ng bagong doktor namin dito kahit on the job traning pa lang po siya, ay napatunayan na niya ang kakayahan niya. Magaling ho siya kaya walang imposible sa kakayahan niya.” Pagmamalaking sabi ng nurse kay Alexander. “At aside from that sir, she’s too much concerned sa pasyente at talagang personal niya itong pinangalagaan nakita ko pa nga si Dok na nagdasal kanina sa chapel eh!” dugtong pa ng nurse na nagpabigla kay Alexander.

“A-e...nurse puwede na ba akong pumasok sa kuwarto ng asawa ko?” nag-alangang sabi ni Alex.

“Of course, bilin nga ni Dok na papasukin na kayo habang nasa loob pa siya.” Sagot ng nurse.

“S-sige nurse puntahan ko na ang asawa ko at para rin personal kong pamasalamatan si doktor.” Ani Alex na medyo lumiwanag ang malungkot na mukha.

Kumatok muna sa kuwarto si Alexander baka sabihin ng doktor napakalawang modo naman niya. Ewan ba ni Alexander pero halong nerbiyos at kaba ang nararamdaman niya sa mga oras na yon.

“Come in!” sagot ng doktor sa loob. Pagkapasok ni Alex ay nakita niya nakatalikod ang doktor at inasikaso ang pagkabit ng dextrose ni Marga. Lumapit si Alexander at tinanong ang doktor.

“E-excuse me Dok, kumusta na ang kalagayan ng asawa ko?” medyo naiilang na tanong ni Alexander dahil nakatalikod ang doktor.

“Ligtas na po sa kapahamakan ang asawa n’yo Mr. Del Cielo.” Sagot ng doktor na ikinagulat ni Alexander ang pagkabanggit ng pangalan niya.

“K-kilala n’yo na ba ako?” makahulugang tanong ni Alexander na lalong lumakas ang kaba niya.

“Matagal na.” Seryosong sagot ng doktor sabay harap kay Alexander nang hindi ito matinag sa kinatatayuan nang mapagsino ang doktor.

“M-michelle?! Anak!” sambit ni Alexander sabay yakap sa matagal ng hinahanap na si Michelle.

“D-daddy...” ani Michelle sabay ganting yakap sa ama. “I miss you na Dad.” dugtong ni Michelle na di na mapigil ang luhang kanina pa pinipigilan.

“Ang tagal na naming naghahanap sayo anak, saan ka ba nagpunta? Ano bang nangyari sayo? Hanggang ngayon ba’y galit ka pa sa amin ng mommy mo?” nalulungkot na tanong ni Alexander sa anak.

“Dad, kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng galit sa mga taong malaki ang naitutulong sa akin para maging isang tao. Siguro masyado ng mahaba pa ang estorya kung isa-isahin ko pa daddy ang mahalaga ay nagkikita na tayo at nakita mo na akong tinupad ko ang pangako ko sa inyo noon.” Wika ni Michelle.

“M-michelle...anak napakabait mo, bakit hindi yan nakita ni Marga sayo noon. Ipinagmamalaki kita Michelle.” Ani Alexander na may paghanga sa anak.

Nagkukwentuhan pa sina Michelle at ng daddy niya nang dahan-dahan gumalaw si Marga at nagsasalita.

“M-michelle...Michelle...anak...” mahinang sambit ng nakapikit pa na si Marga na nagpapamaang kay Michelle.

“M-mommy?!” ginagap ni Michelle ang kamay ng ina. “Mommy hindi ka na galit sa akin?” ani Michelle na napaluha na dahil di siya makapaniwala.

Nang marinig ni Marga ang boses ni Michelle ay agad itong dumilat. Bumakas ang masayang ngiti sa labi niya nang makita ang anak.

“Michelle, anak? Ikaw ba yan?” di makapaniwalang sambit ni Marga. “M-michelle..?” dugtong ni Marga sabay agos ng luha niya.

“Mommy...” napaluha na rin si Michelle. “Huwag kayong masyadong magsalita at nakakasama sa inyo, tama na sa akin ang malaman kong tanggap n’yo na ako.” Dugtong pa ni Michelle.

Pumikit ulit ang mga mata ni Marga, mahina pa siya. Seryosong nagkuwentuhan sina Michelle at ang daddy niya at hindi na rin inilihim pa ni Alexander ang totoong pagkatao ni Michelle at kung bakit biglang nagbago ang damdamin ng mommy Marga niya na lubos na ipinagtataka.

Matalino si Michelle at edukadong tao kaya madali lang niyang naiintindihan ang mga paliwanag ng daddy niya kung kaya kaagad niyang natanggap sa sarili ang pananakit ng mommy niya noon at lubos na niya itong napatawad.

“Kalimutan na natin ang lahat daddy, kahit ako’y di makapaniwala na tunay pala akong del

Cielo. Sapat na ang pagmamahal na ipinakita n’yo sa akin Dad na kailanma’y di maibigay sa akin ni mommy noon. Siguro panahon na para magkakaisa at magkakasama tayong muli.

Buong pusong nagpapasalamat si Alexander sa butihing anak. Mga ilang saglit ng kanilang pag-uusap ay biglang may kumatok sa pinto, si Dave at bumungad sa harapan ng mag-ama. Ewan ba ni Michelle pero parang ang saya-saya niya sa mga oras na yon nang makita niya si Dave. Inamin din ni Michelle sa sarili na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang binata.

Tinanong ni Michelle si Dave kung ano talaga ang sadya nito kaya ikinuwento lahat ni Dave at nalaman ni Michelle ang katotohanan.

“Maniwala ka sa Sir Alexander, kagagawan ni Tricia ang lahat at si Raffy ang tunay na ama ng

batang nasa sinapupunan niya ngayon.” Seryosong sabi ni Dave sa harap ni Don Alexander.

“Hmm...Dave.., gaano mo ba kamahal ang anak kong si Michelle.” Direktang tanong ni Don Alexander kay Dave.

“Hindi masusukat ang pagmamahal ko sa anak n’yo Mr. Del Cielo, mahal na mahal ko si Michelle higit pa sa sarili ko.” Paniniguro ni Dave sa daddy ni Michelle.

Nakita ni Don Alexander sa mga mata ni Dave pagiging totoo nito kaya wala na siyang dahilan para tutulan ang kaligayan nina Michelle at Dave.

 

Mga limang araw ang itinagal ni Marga sa ospital at nang nasisiguro na ni Michelle ang kaligtasan ng mommy niya, kaagad na silang umuwi sa mansion. Labis na nabahala si Michelle

sa maaring gawin ni Tricia kung sakaling malaman nito ba na hindi na matuloy ang kasal nila ni Dave.

Sa mansion, tinulungan ni Mang Andoy ang driver nina Michelle na iakyat ang gamit ni Marga. Nagtaka silang lahat dahil tahimik na tahimik ang buong bahay. Nauna nang umakyat sina Marga at Alexander at sumunod naman sina Michelle at Dave, laking gulat na lang ng dalawa na humarang sa harap nila si Tricia na may hawak na baril.

“Mga hayop kayo! Pinagkakaisahan n’yo ako! Kung hindi man maging akin si Dave ay lalong hindi puweding maging sayo Michelle! Kaya kinakailangang si Dave ang mawala!” ani Tricia na parang wala sa sariling pag-iisip.”Katapusan mo na Dave!”

Isang malakas na putok ang pumapaibabaw sa loob ng mansion. Si Michelle ang natamaan ni Tricia na aktong yumakap kay Dave.

“M-michelle! Michelle!!!...” sigaw ni Dave habang yakap ang duguang si Michelle. “Michelle! Bakit mo ginawa yun? Ayokong may masamang mangyari sayo…I love you Michelle! kaya huwag mo kong iwan! Mahal na mahal kita Michelle please makipaglaban ka alang-alang sa pag-ibig natin!” ani Dave na di na mapigil ang sarili sa pagluha.

Samantala, mabilis na naagaw ni Don Alexander mula kay Tricia ang baril. Natulala naman itong si Tricia nang mabaril niya si Michelle.

Mabilis na dinala sa ospital ni Dave si Michelle at tumawag ng pulis si Don Alexander upang maayos ang mga pangyayari. Dahil sa ginawa ni Tricia ay tuluyan na itong nawala sa sariling pag-iisip, kaya minabuti na lang ng mga pulis na dalhin ito sa mental. Matagal na pala itong nalululong sa masamang bisyo.

 

Balik sa mansion, minabuti na lang na bantayan ni Alexander ang asawa dahil kamuntik na rin itong atakihin sa ginawa ni Tricia. Kahit alalang-alala si Alexander sa kalagayan ni Michelle pero pilit niyang ipinagkatiwala muna kay Dave ang anak dahil delikado din ang kalagayan ni Marga. Nasa kuwarto ang mag-asawa nang kumatok si Adela. Lubos itong nanghingi ng tawad sa mag-asawa. Dahil sa kanya kaya nagugulo ang buhay nila. Lumuhod sa harapan ng mag-asawa si Adela.

“Patawarin n’yo ako Ma’am, Sir, kahit anong parusa ang igawad n’yo sa akin ay handa ko po itong tatanggapin mabayaran ko lang ang aking pagkakasala sa inyo. Patawad Marga… Alexander…” umiiyak na si Adela.

“Adela… napatawad ka na namin ni Marga … Di ba Marga? Tumango na lang ang mahina pang si Marga. “Kaya tumayo ka na diyan, di mo naman kailangang lumuhod para manghingi ng tawad. Ang totoo, hindi kami galit sayo ni Marga dahil hindi mo rin naman pinabayaan ang anak namin na si Michelle, bagkus inalagaan mo siya ng tulad ng pag-aalaga namin sa anak mo. Kaso matigas lang talaga ang ulo ni Tricia. Kasalanan din namin siguro ni Marga kung bakit nagkaganyan si Tricia dahil lahat ng luho ay binibigay namin sa kanya. Kaya huwag na tayong magsisihan pa, ang mahalaga ay sinabi mo ang totoo at least kampante na kaming mag-asawa. Magsimula na lang tayo muli ng panibagong buhay.” Dugtong pa ni Alexander.

 

Napatawad na rin ng mag-asawang Del Cielo si Adela sa kasalanang nagawa nito pero di na nakayanan ni Adela ang tumagal pa sa mansion ng mga Del Cielo kaya nagpapaalam na siya kina Marga at Alex. Pinayagan naman ang huli. Kay Daniel tumuloy si Adela at doon nagsimula sila ng

panibagong buhay habang hinintay ang paggaling ni Patricia ang tunay nilang anak. Hindi na naipabot ni Daniel ang personal na pasasalamat kay Michelle sa pagtulong nito sa kanya upang magamot ng mga kaibigan niyang doctor.

 

Mga dalawang araw ang itinigil ni Michelle sa ospital dahil tinitiyak ni Dave na magaling na talaga si Michelle pagkalabas nito. Personal na inalagaan ni Dave si Michelle bagay na ikinatutuwa naman ng dalaga. Pakiramdam niya’y wala na talaga siyang mahihiling pa dahil totoong napakabait naman talaga ni Dave.

“Dave...thanks for everything, at sana’y wala ng hadlang pa sa pagmamahalan natin. Wala na akong mahihiling pa sa Diyos dahil binigay na niya sa akin ang lahat pati na ang lalaking pinaglalaanan ko ng aking pagsisikap.” Seryosong sabi ni Michelle sabay hawak sa kamay ni Dave na nakaupo sa tabi niya.

“Ako rin Michelle, hindi masukat ang kaligayahan ko na makasama ko ang babaeng matagal ko ng pinapangarap at ikaw yon Michelle. Ang tagal ko ng naghihintay kung hanggang kailan maging akin ang puso mo. I love you very much Michelle.” Sambit ni Dave sabay yakap ng mahigpit na mahigpit kay Michelle. Tinugunan na rin ni Michelle ang mga yakap ni Dave yakap na puno ng pagmamahal.

“I love you too, Dave.” Usal ni Michelle habang yakap si Dave.

WAkas!

PS.

Salamat po sa lahat ng sumusubaybay sa nobelang ito...

 

FhearL