Heartaches?
Sabi daw nila kapag masama ang loob mo magsulat ka.. Isulat mo lahat. Tapos sabi din nila, kung ano daw yung nararamdaman mo yun yung lumalabas na kanta sa bibig mo. Kaninang umaga habang naliligo, isang song lang yung paulit ulit ulit ulit ulit kong kinakanta.. Almost Over you.. hanggang dito sa opisina yun yung kinakanta ko sa isip. Hindi ako makakanta ngayon kasi badtrip ako. Badtrip na badtrip. Ayoko nga dalin dito sa work yung init ng ulo ko. Kasi.. oo normal talagang suplada at masungit ako, yung parang laging meron.. o kaya parang nasa menopausal stage kahit na bente uno lang ako. Inborn yun sakin kahit nung bata pa ako. Stubborn.. Childish.. Easily got irritated.. Hardheaded at kung anu-ano pa.
Nawalan ako ng cp kaya hiniram ko muna cp ng boyfriend ko. Ayaw nya yun sakin pagamit kasi lagi na lang kami nag-aaway dahil sa mga text ng kung sinu-sinong hitad na bruha na ewan ko ba at di sila marunong umintidi ng term na Committed at In a Relationship or yung pinaka common na term na May Jowa na.
Wala lang syang choice kundi ipagamit sakin yun kasi may pinag-apply-an akong company na this week daw tatawag kaya waiting ako sa tawag na yun...Sabihin na nating assumera ako pero wala namang masamang umasa na matatanggap ka, plus I have the abilities naman na requirement nila.
So eto na, nasakin na ngayon si Cellphone ni Jowabells. Hindi lang ito isang beses nangyari. Hindi rin ito Minsan lang mangyari.. Parati... as in parati.. I dont know if parati means araw-araw or every other day or every week , every weekend basta ang alam ko parati.
Parati kaming nag-aaway.
Dahil nga sa cellphone. Im sure laking pasalamat nya nung nawalan ako ng phone kasi nawalan ng number one na makulit sa buhay nya.At ako yun. Aminado naman ako na makulit talaga ako. Isa yun sa trait na di ko maalis alis sa sarili ko, hindi ko alam kung ilang beses akong ini-ere kaya ganito ako kakulit. Basta ang alam ko makulit talaga ako. Hindi lang din makulit ang tawag nya sakin. TH din.. means , tamang hinala. Im not like that naman before. Sya yung nagturo sakin pano maging gnun. Ang maging Tamang Hinala.
Sa inaraw araw ba namang parang may kababalaghan na namang nangyayari eh, sino ba namang maghihinala di ba? Hinihintay ko na nga lang na ma-immune ako sa ganun eh.
Pag immune ka na kasi,Hindi ka na masasaktan..
Pag immune ka na, Hindi ka na iiyak.
Pag immune ka na, deadma na lang lahat.
Kaya yung lang ang wish ko everyday. Ang maging immune sa tinatawag nilang "Nature" ng mga lalaki. Yun ay yung mambabae.
May nakapagsabi sakin ok lang daw yun. Malamang isang makabagong martir na naman ng bayan yun. Imagine ok lang na ganun? Ok lang daw mang babae, ang mahalaga alam mo sa sarili mo sa sayo lang sya. naisip ko nga minsan, pano kung pareho kayo nung iniisip nung other girl di ba? Iniisip mong sayo sya, tapos iniisip din nung hitad na sa kanya lang din yung Tinamaan ng magaling na Jowa mo.
Kapag ganitong may drama na naman ang buhay ko lagi ko naiisip,.. actually ayoko talagang isipin pero kusang pumapasok sa isip ko eh. Nagkamali ba ako ng pagpili? Nagkamali ba ako ng desisyon? Sabi daw sa qoute "Walang maling desisyon dito sa mundong ibabaw. Nagkakamali lang daw kapag di mo napangatawanan."
Kaya kapag may nagtatanong sakin kung bakit di ko pa hiwalayan yung lecheng jowa ko isa lang yung naiisasagot ko noon. Mahal ko eh. Kapag nagmahal ka, wala ng tanong tanong pa. Mahal mo eh. Pero ngayon may naidagdag na ako. Pinangangatawanan ko kasi yung desisyon ko na sya lang yung mamahalin ko.
Kapag ganitong umiiyak ako, kasi tanga na nga ako pinagmumukha pa akong tanga. Lagi pumapasok sa isip ko yung isang tao na alam kong mas mahal ako. Yung isang tao na alam kong never ako na iiyak . Never akong sasaktan. kasi alam kong ako lang yung mamahalin nya. Kaya lang mas pinili ko yung mas mahal ko. Oo, mahal ko rin yung isa. Pero kapag nagmahal ka ng dalawa parating may mas higit. Kasinungalingan yung pantay. Kasi hindi napapantay ang pagmamahal. Lalo na kung sa dalawang tao, maliban na lang kung pagmamahal ng Ama sa anak, pagmamahal sa asawa, yun..pwede yung mapantay. Pero yung pagmamahal sa dalawang tao. Imposible.Kaya mas pinili ko yung mas mahal ko. At ito yung kapalit. Araw araw na sakit. Kahit alam kong mahal nya ako, na ako lang daw mamahalin nya, masakit parin yung malaman mong may iba syang katext. May iba syang kausap sa phone.. Masakit yung ganun.
Thanks for the comment.. i
Thanks for the comment.. it makes sense. really ... we're more than a year na kasi and it so hard to let go lalo na sa tulad ko na first ever serious relationship ko yun.. kaloka.. parang gusto ko isumpa yung um-imbento ng acceptance over love plus martyrdom is equal to katangahan..
salamat sa comment ulet..
this may seem unnecessary
this may seem unnecessary and immature advice. it may also appear rude pero mukhang kailangan ko lang talagang mailabas to.
hindi ko alam kung anong tinetext nung babae sa boypren mo. pwede kasing yung babae lang ang naghahabol at umiiwas naman ang bf mo dahil alam niyang commited na siya sayo. pero pwede din naman na talagang meron. tutal naman na sayo ang cellphone niya, lubus-lubusin mo na ang pagkakataon. magpanggap kang siya at itext mo ang babae para malaman mo ang lahat. yun e kung merong ginagawang kalokohan ang bf mo at hindi ka pa niya nauunahan na warningan yung babae.
hindi ako naniniwalang pinapangatawanan mo lang ang desisyon mo na siya lang ang mamahalin kaya hindi mo siya maiwan. natatakot ka lang at hindi mo talaga kayang mawala siya sa buhay mo kaya hindi mo magawang humiwalay kahit lagi kang umiiyak dahil sa kanya.
huwag kang maniwala na nature na ng lalake ang mambabae. lahat tayo may kapasidad na manloko ng ka-partner kaya hindi tamang mag-generalize. kahit ikaw na babae, meron kang kapasidad na manlalake. hindi ko alam kung tama bang maging immune ka gaya ng sinasabi mo pero tandaan mo din na meron ka palaging choice.
hindi ko talaga maintindihan kung bakit merong mga babae na nagtatyaga sa mga bf na babaero. i mean, hindi naman lahat ng lalake e babaero. merong mga totoo kung magmahal. merong mga stick to one at meron din na talagang papahalagahan ang trust at commitment niyo sa isat-isa. gaya ng sinabi mo. meron pang isang nagmamahal sayo na gusto mo din naman. yun nga lang pinili mo yung bf mo ngayon at ilang beses mo nang pinanindigan ang commitment na ginawa mo nung piliin mo siya. assuming na gumagawa ng kalokohan ang bf mo at alisin na ang benefit of the doubt kapag may kausap o katext siya sa cellphone. sa tingin mo ba pinapahalagahan niya ang kung anong meron kayo? pinapahalagahan ka kaya niya? harapang pambabastos na yan at ikaw naman tinatanggap mo lang. pero kung gusto mong maging immune sa mga ganyan dahil sabi mo nga e mahal mo kasi, kahit magsama-sama pa ang mga kaibigan at pamilya mo na iuntog ka sa pader, wala pa din mangyayari dahil ikaw mismo isinara mo na ang puso mo na siya lang ang dapat mahalin at isinara mo na rin ang isip mo na siya lang choice mo sa mundo.
baka ma-misinterpret mo ko. hindi ko sinasabing hiwalayan mo siya agad. isipin mong mabuti ang mga nangyayari sa inyo at huwag mo lang isara ang sarili mo na siya lang ang dapat mahalin.
--------------------------
kahit magsama-sama pa ang
kahit magsama-sama pa ang mga kaibigan at pamilya mo na iuntog ka sa pader, wala pa din mangyayari
tama.. actually matigas lang talaga bungo ko. meron nga kong kaibigan na sa halos araw araw kong drama eh payuhan ba naman ako na magpakamatay na lang daw ako.. alam mo bang yun na ata ang pinaka magandang payo na natanggap ko buong buhay ko.. joke lang chempre...
pero maraming salamat po sa comment nyo. ginawa ko nga yung magkunyari na sya. sinabi kong tigilan na pagtitext kasi nag-aaway kami ng gf ko (kunyare bf ko nagtitext sa girl) tumigil naman. ewan ko lang kung bukas eh matext ulit ke lalaki. Yung isa nman tinext ko rin at inamin kong ako yung gf nya at sinabi ko na di ako takot na mawala sya. text ba naman ako na takot daw ako maagawan. syempre sagot ko naman. Why should I? kung talagang sya ang gusto di ko na pagpipilitan sarili ko. aba sabi ba naman nung babae "dont dare me" aba! at reply-an ko nga ng, go ahead...i'll congratulate you if you did. ayun sumuko si ababe at inaming may bf na din sya di naman daw nya balak agawin si jowabells ko.
atleast nagpakatotoo naman si girl. kung totoo nga yung sinabi nya sakin. at take note hindi ko sya inaway. hindi naman ako nang-aaway ng babae na nagtitext dun..
at syempre ang sagot nman ni boyfriend ay matagal na daw syang di nagtitext sa mga yun, di nga daw nya in-entertain mga text ng mga yun, oh di ba nagmaganda pa sakin. basta hindi ko sya inaway nung may nabasa ako nung nakaraang araw nga, sinumbong ko sya sa kuya nya eh, di naman totally sumbong sinabi ko lang lahat ng sama ng loob ko, di naman ako umaasa nakakampihan ako nun at ng mommy nya kasi syempre kapatid eh, ang akin lang may mapagsabihan ng sama ng loob nakakaloka kaya yung umiyak ng umiyak. kahit sa office di ko mapigilan, sinabi naman nya na hindi daw. so ako naman si isat kalahating tanga maniniwala. pero alam nya na isang isa na lang mapupuno na ko. sabi ko nga sa kanya....
tanga ma'y napapagod rin....
salamat ulit sa comment and advice....
kaya pa ba?
,,kasi kung di na kaya..wag nang ipilit..hindi po kailangan always panindigan ang mga binitiwang words.oo,tama ka...pag sinabi mo,pangatwiranan mo..pero tanung ko sayo...hindi ba't masakit pag araw araw na lang ganyan?una unahan lang yan..gago sya kasi hindi nya appreciate ang pagmamahal mo..and honestly...tanga ka..pero may saysay ang pagiging tanga mo kinse...kasi nagmamahal ka lang..wala kang kasalanan dun..sya ang may kasalanan..if ginagawa nya ang mga gusto nyang gawin..edeh ibalik mo yun sa kanya..at ng maramdaman nya..lahat ng bagay sa mundo,hindi permanente...jowa mo pa lang sya..icpin mo na lang..panu kung asawa mo na sya..yung mga ginagawa nyang yan sa'yo..madadagdagan pa yan..
.....pero mahal mo dba?go lang po..goodluck kinse!!!
lonely pro... salamat sa
lonely pro...
salamat sa comment at advice ha?...
oo nga eh... lecheng pagmamahal na yan... haaaayy...
ok lang yan, same position
ok lang yan, same position here. hehe..di ka nag-iisa girl hehe..pero make sure if u choose to stay - do everything na di ka magsisisi - express everything - that will make him miss you if it didn't work out. That's the essence of: sinong nawalan? hehe
Parang iba yung advice ko from them diba?
At least nambabae, kesa sa nanlalalake.
there's a lot of shoes here
there's a lot of shoes here para ilagay natin ang ating mga sarili.
Wait for my write-up, soon.
:)
hay nako neng, sabi ko nga manlalaki na lang eh wag lang mambabae.. Anyway nakikita ko namang pinangangatawanan nya yung 'di pagtitext at di pakikipaglandian' sa iba. Hindi ko lang sure if next week eh bumalik na naman sya, wag nman sana.. papasalvage ko na talaga sya para wag pakinabangan ng iba.. hehehe thanks sa advice..
ehem!!!
hindi ko alam bakit natawa ako sa sinulat mo... actually, natatawa pa din ako hanggang ngayon, binabasa ko kasi ito habang nagfafarmville na mas makupad pa ata kay pong pagong kung magload.
anyway, alam ko ang pakiramdam ng araw-araw naiyak. asus!!! at alam ko din ang pakiramdam na nagtitiis ka lang dahil mahal eh at ayaw mawala. alam na alam ko ang pakiramdam... pati na yang mga text na yan!!! ay naku!!! dyan nga kami naghiwalay dahil sa ayaw nyang tumigil at manahimik sa pagtetext at pakikipagkita sa babaeng yun dahil old classmates eh natural lang maghang out.
at sa huli ayun iniwan ako ng toooot toooot!!! hindi kasi ako nagmumura eh kaya pakimura na lang ang ex ko ahahaha. mas masakit pa diyan halos magmakaawa ako na ako na lang ang piliin nya pero ayun siya ang pinili kaya no choice kundi maglet go.
anyway, three months after na traydorin nila ako ayun naghiwalay din ang mga pasaway at ang mokong na ex ko nagsisisi at nakikipagbalikan. ano siya sinuswerte? haler!!! ano ako si jose rizal? martir? di na no!!!
kahit na halos ikamatay ko noon ang pagkawala nya proud akong sabihin na ngayon okay na okay na ako kahit wala na siya. nagmamahal tayo para maging masaya at hindi para laging umiyak. kung lagi kang pinapaiyak hindi ka nya mahal. at kung talagang mahalaga ka sa kanya magbabago na ang boyfriend mo ng number or kung talagang importante ka sa kanya wala kayong ganyang issue ngayon. believe me galing na ako diyan.
hindi totoong kailangan mong panindigan ang ika mo nga ay katangahan mo. malaya kang magdesisyon para sa sarili mo. akala mo lang hindi mo kayang mawala siya pero alam mo nagawa ko nga eh sigurado kayang kaya mo din yun. ang lalaki pag nagkaroon ng issue sa ibang babae naku po sigurado lagi na yang may issue sa trust at pag yan pa naman ang naging issue sala-salabit ang magiging problema.
ito na lang, alam mo kaya ayaw ko nang bumalik sa tooot! toooot! kong ex kasi ayokong magbantay forever sa kanya. si kris aquino lang yun ahahaha. pero ako ayokong karirin ang pagbabantay sa lalaki para wag siyang gumawa ng mali o para wag siyang mambabae. may mga isip naman sila kaya dapat nag-iisip sila at hindi ko na problema kung hindi nila kayang magbehave. basta ayokong magbantay dahil hindi naman ako secu at hindi rin ako si jowo. kung ayaw nilang umayos eh di wag pero hindi ako magtitiyaga at maghihintay ng milagro o awa para makita nya na nasasaktan ako sa mga pinaggagawa nya. i am better than that.
love yourself more. bata ka pa. may darating pang magmamahal talaga sayo at hindi ka paiiyakin ng ganyan. wag mong ideprive ang sarili na maging masaya. sa una lang mahirap mag-isa pero pag mahal mo na ang sarili mo at alam mo na kung ano ang gusto mo at kung alam mo na kung ano ang gusto mong treatment at love na gusto mo para sa sarili mo, sigurado when you look back sa phase ng life mo na ito, matatawa ka na lang din gaya ko...
sunugin ang mga babaero sa plaza!!!!
my soulmate is worth the wait...
ellise sobrang maraming
ellise sobrang maraming thank you sa advice mo... sa ngayon wala na "ulit" kaming pinag-aawayan na bruhang mga babae. birthday nya kahapon at sa kanila ako nag-stay. (close kami ng mom nya at kuya eh kaya mega sumbong ako sa mga pinag-gagagawa ng magaling nilang anak at kapatid) magdamag kasama din ako sa inuman ng tropa nya.. guwarjado ika nga...pero di ko naman yun for life na gagawain. totoo yung sinabi mo.. kung mahal nya ako di nya ko patuloy na gagantuhin.. sabi nya mahal nya daw... ewan ko lang kung mauulit na naman ang ganung incident.. pero tatandaan ko mga sinabi mo.. salamt sa payo... apir!
if i were you
hindi ko na ibabalik ang cellphone ng boyfriend ko. hehe.
kung talagang mahal nya ako wag na siyang magcellphone.
gusto lang kitang pangitiin

owl... thanks.. napangiti mo
owl... thanks.. napangiti mo nga ako... salamat.. :)
inom ka lang ng
inom ka lang ng tubig...
at pahinga ng maayos..
paggising mo kinabukasan sabihin mo sarili mo..
'ganda ko pala. makahanap nga din ng iba"
---------------------------
http://natuyongtintangbolpen.blogspot.com/
panjo.
Adik ka talaga kahit kelan..hmf... slamat sa payo yaan mo gagawin ko yun pag inulit nya pa ulet...
Love does'nt have a happy ending, because love does'nt have to end at all.
SSShh.. Secret lang natin
SSShh.. Secret lang natin toh
HAHAHA. maganda yung payo ni panjo ah..
hay kinse, mahirap nga ang nasa sitwasyon na yun.
Pero dapt
1. pakiggan mo muna ang bf mo bago ka magsalita ng kahit ano. Para alam mo kung may nababago sa mga statement niya. (kung nagdadahilan)
2. Hindi lahat ng lalaki babaero. pero, lagi mo ilagay sa isip mo. na minsan sa buhay mo, lolokohin ka ng taong mahal. Sa kahit anong paraan at dahilan. hindi lang sa babae.
3. wag mo muna isumbong ang problema niyo ng bf niyo sa ibang tao kasi one sided lang ang kwento napapakinggan nila puro hinaing lang isa (halimbawa, ikaw) 3 (a) tsaka hindi naman sila ang involved sa problema e, kapag sa bf mo yan sinabi, bf mo bahala mag si ayos ng gusot nyo.
4 Wag masyado paranoid. hindi lahat ng vibes at instict natin reliable. kasi kung lahat yan totoo,sana ang ibinigay na lang sa atin ay Vision. yung kita mo talaga lahat. Vibes lang yan. kunbaga 50% lang yung posibilitiesna totoo tapos yung,30 yung problema before na napatunayan mo na may ginawa bf mo nakasira ng tiwala mo sa kanya. tapos 20% nun, galing na lang sa wild imaginations mo, na baka ganito, baka ganyan na ang nangyayari.
5. Kahit anong galit mo, wag ka magwala o maging Violent. o nagger. chillax ka lang. mag pacute ka lang na parang bata sabay sabi "nagseselos ako".
6. may ginawa na ab bf mo before na ikinasira ng tiwala mo? kung meron siya ginawa before,mahal mo pa din ba siya?. kung oo, matuto ka magtiwala ulit sa kanya. Mahirap magtiwala sa tao. pero kung mahal mo talaga siya. walang mahirap na gagawin para sa taong mahal mo.
Yung love it is a strong feeling na kaya magforgive sa tao kahit gaano pa kalaki ang nagawang kasalanan miya sayo
7. Kung may nagawa man siya. wag mo na ipamuka sa kanya yung mali niya. Masakit syempre kasi ikaw yung nasaktan ka. Pero mas masakit sa loob ng isang taong nanakit kapag alam niya naksakit siya.
8.Wag mo na hanapan ng butas ang relasyon niyo.Ang mabahong amoy, kusang sumisingaw yan. Ang kailangan mo na lang hanapin kung san nagmumula yung amoy na yun.
9.Mag paka bait ka sa kanya. niligawan ka niya dati dahil sa charm mo, kaya wag ka masyado maging matapang sa kanya-(an advice from papa jack ..yeeba.) Esay ka lang. hindi lahat ng ebidensya nakaturo sa bf mo. wag mo siya pag initan at pag-isipan na may ginagawa siyang kalokohan. everyone deserves second chances. Equally and peacefully. Hidi yung binigyan mo nga siya ng second chances, ikaw naman araw-araw na lang ipinapamuka mo sa kanya na wala ka pa rin tiwala. susubukan mo kung loyal ba talaga siya. magpapanggap la. tapos kapag kumagat magagalit ka.
10. kug ano ang sasabihin sayo ng bf, makuntento ka. Kung sabihin niya hindi niya tinitext yung mga babae, maniwala ka. kasi yan lang ang magagawa mo. benefit of the doubt na lang ang ibigay mo. Wag ka magdecide para sa dapat niyang sagutin. kasi kung mababasa niya ang gusto mo na sabihin niyang paliwanag, baka utuin ka na lang niya o sabihin na lang niya yun para matahimik ka.
Now faith is the substance of things hoped for, the evidence of things not see.- hebrews 10:1
cass..
hindi pala kita napasalamatan sa advice mo sakin.. late na ba kung ngayon lang ako magpapasalamat? hehehe..
ngayon.. magkalayo na kami..
mas mahirap sakin ngayon magtiwala ng nasa isang long distance relationship ,kasi kung noong ayan..kasama mo na't lahat nakakapagloko pa what more kung magkalayo na kayo di ba? kaso... tulad nga ng sabi mowala akong ibang magagawa kundi ang magtiwala sa kanya..ulet..
sinabi nyang magpapakatino na sya.. kagabi nya lang sinabi..
kasi nung isang araw lang ako umalis ng batangas at umuwi ng Antipolo.
sa tanong mo sakin sa # 6 kung may nagawa.. sobrang madami ng nagawa..
Ang totoo.. mula nung gawin ko tong blog na to mas marami pang beses na nasundan ang pang gago nya sakin..
sabi ko sa kanya, sige ok lang.. na mambabae.. pero kung pwede lang, sanan naman kapag caught ka na.. wag ka na magpalusot pa.. kasi ginagago mo na nga ako nagsisinungaling ka pa..
sobrang sama na ng loob ko kasi kaka-ok nyo lang nagyon kinaumagahan may kalandian na naman si jowabels. gang sa napuno na talaga ako..at nakipagbreak sa kanya.. ayaw nya naman pumayag. at ok na ulit.. isang araw ok na ulit.. tapos may ganung incident na naman.. sabi ko sobrang ayoko na sa ayw man o sa gusto nya ayoko na talaga..
at ayaw nya pa rin pumayag.. for fun lang daw yun.. ako naman si isa't kalahating tanga.. sige tanggap lang, unawa lang..patawad lang..
mahal mo eh..
sa totoo lang.. kahit di sya nagsosory..pinapatawad ko sya..
kahit di sya nagsasabi ng totoo.. pinaniniwalaan ko pa rin sya..
matapos ng mga nangyari.. eto pa rin ako.. tinanggap pa rin sya..
at ngayong magkalayao kami..
sabi ko na lang sa sarili ko..nasa sakanya yun kung lolokohin nya ako ulit..
pero sinabi ko sa kanya..na kahit tanga..napapagod rin.. kahit martir..natatauhan rin..
at yun.. sabi nya magpapakatino na raw sya..
i dont know if he mean it or what.. im still hoping nasana magawa nga nya..
cass.. thanks ulet sa payo..
panjo.. siguro naman nabasa mo sa FB ko mga himutok ko nung mga oras na yun hahaha..
anyway..
tomorrow is another day..
thanks ulet!
" Love is like heaven, but it hurts like hell."
happy ka pa ba?
SSShh.. Secret lang natin toh
pero may lalaki na kapag nahuhuli nagdadahilan pa kasi ayaw niya mawala ang original. Teh payo lang ulit huh, walang masama magbigay ng second chances, wala talaga masama maging martyr. Lalong walang masama kapag nagpatwad ka sabi nga " forgiving is the only way to make love back driving again" Narinig ko lang iyon sa RUBI di ko sure kung tama yung grammar basta tinayp ko lang yung mga words narinig ko. Anyway. Ang point ko. Sa sitwasyon niyo na yan ngayon hindi na issue kung mahal mo siya o mahal ka niya, di nadin issue kung sino ang nagloloko sa naloloko, lalo di na issue ang PAMBABAE niya at pagiging NICE mo. Ang usapin dito kung masaya ka pa, Alam mo kapag nagpatawad ka just make sure na masaya ka. kasi once you forgive someone it means na happy ka na nawala na yung sama ng loob mo. Pero kung napatawad mo lang siya (a sabi mo happy ka naman) sana lang hindi mo ibinabalin sa sarili mo yung sama ng loob mo na para dapat sa kanya.
Ate kung happy ka, Go for it. Kung madami ang happy moments, continue it
pero kung mas madami na ang bad days niyo, think about it!.
ayaw mo masaktan sa paghihiwalay niyo pero keri mo na sumama loob mo araw-araw. Ate, naku sorry sa sasabihin ko huh.. Pero WALANG KWENTA dyowa mo. kaw na nagsabi kakabati niyo lang mahuhuli mo ulit kinabukasan, (parang wala pang 24 hours ata). Tapos paulit-ulit pa. Tsk. Tsk. Ate ang pangakong pagbabago, minsan lang yan sinasabi hindi paulit-ulit. Kasi kung gusto niya talaga magbago enough ng rason yung minsan nakagawa siya ng nakasakit sayo.
Tingnan mo teh huh, kung nasabi niya sayo na for fun lang yung mga yun, tingin mo sasabihin niya sa mga babae niya na "lam mo for fun ka lang". syempre hindi.
naku pasensya ka na sa pangingialam ko huh ayaw ko lang may nakikitang nasasaktan sa mismong ginagawa nila e. Ate kung mahal ka niya talaga
1. Matatakot yan na masaktan ka.
2. takot yan magalit ka.
3. Hindi magagawang maghanap ng iba kahit may dahilan siya iwanan ka.
4. mahihiya yan
last magmamakaawa yang mahalin mo.
Ate gwapo na kung gwapo, malaki na kung malaki (yung kita hahhaha), matalino kung matalino, kaso ang tanong dito
Kung masaya ka pa ba??kasi hindi mo siya makokontrol sa anumang gusto niyang gawin. Tanging sarili mo lang ang makokontrol mo para hindi ka masaktan...
Ikaw lang.
examine yourself. iba ang mahal mo siya kahit sino pa siya, sa mahal mo siya kahit kanino-kanino na lang siya. :)
GO GO KINse
SSShh.. Secret lang natin
Nakakainis nga naman ang magmahal
mahirap talagang bitawan ang isang bagay na gusto natin tulad ng pagmamahal na iyan. Kahit ilang beses man tayong sinasaktan nito hinding-hindi natin magawang iwan. totoo nga na kailangan mo ng isang pusong bato para makayanan mo ang sakit nito.
jodde
nakakainis nga.. at wala akong mahanap na scientific explanation kung bakit kahit naiinis ka na mahal mo pa rin yung gagong yun...
at mas naiinis ako sa sarili ko..kasi kahit na ang sakit na nagagawa ko pa ring magpatawad.. naisip ko nga.. kung may toong karma sa bandang huli.. bakit sakin nauuna yung karma? first time kong magmahal.. amputek na yan at ganto pa napala ko..
anyway..
dahil dito.. naisip kong.. kung magmamahal ka.. maglaan ka pa rin ng 80% para sa sarili mo...
madaling sabihin..
pero di ko nagawa..
bigay todo ako magmahal eh..
tutal sya pa lang naman kasi minahal ko ng ganun..
sa totoo lang nababaduyan nako sa mga pagmamahal na issues..
kasi paulit ulit lang..
paulit ulit din yung advice..
pero paulit ulit pa rin..
badtrip...
ngayon gagawin ko na yung payo ni panjo...
iinom ng maraming tubig at magpapahinga ng bonga..
haharap sa salamin at sabihing..
"ganda ko pala..makahanap nga ng iba.."
" Love is like heaven, but it hurts like hell."
hindi ka naman kinarma kinse
on my opinion, hindi ka naman kinarma eh. sabihin natin na ginising sa katotohanan. Okey lang ang magpatawad. ika nga ng sadsad na kasabihan... ang Diyos nga nakakapagpatawad, tao pa kaya.^^v. kayat sa tingin ko walang mali sa ginawa mo.
Wala tayong magagawa pagdating sa pagmamahal na iyan. Sinasaktan tayo sa paraan hindi natin inaasahan... Kayat we should be prepared ^^v.
May punto ang payo ni panjo. makakahanap ka rin ng iba na pangangalagaan at iingatan ang pag-ibig mo.
scientific explanation ba kamo? hahaha wala rin akong maisip. Naisip ko na masyadong malakas ang hatak ng GRAVITY of love kayat lahat tayo eh nahuhulog... hahaha^^v!
Cheer-up ^^v. Strive to be happy^^v
cass..
thanks sa payo mo.. kanina..
nakipagkalas na ko sa kanaya..
totoo na..
masakit aminin na may point ka..
pero di lang to yung reason kung bakit mas ginusto ko na maghiwalay na kami..
di na kasi ko makatulog..
ganun yata talaga kapag wala ka ng tiwala sa isang tao..
sabi ko noon..
isa lang ang reason ng breakup..
THIRD PARTY..
kasi..
kung ugali rin lang..
-----napag titiisan yan..
kung pera rin lang..
-----kinikita pa yan..
kung parents rin lang...
-----natatanggap yan..
pero kapag babae na...
ipokrita ako kung sasabihin kong ok lang lahat sakin...
pagod na ko magtanga tanagahan at martir martiran..
saludo pa man din sakin si lonely probinsyana kasi sabi ko sa kanya
kung may award ang pagiging tanga at martir di lang medal ang dapt matanggap ko.. trophy na.. kasi lumilevel up na katangahan ko..at pwedeng pwede na kong gawan ng monumento kasama ng iba pang martir sa edsa...
kaya lang..
darating talaga yung time na mapapagod ka na talaga...
na magsasawa ka na..
kanina nung nakipaghiwalay ako.. di ako umiyak.
wala na kasi..tuyo na..
tinggap nya na rn.. bahala na raw ako.. kasi yun naman talaga daw ang matagal ko ng gusto..
mahirap banggitin yung term na ex...
pero kelangan..
magppalit na rin ako ng username..
naging kinse ako kasi.. anniversary namin yun..
i am now.. EX-KINSE..
cass...
salamat ulet..
" Love is like heaven, but it hurts like hell."
I lab you Kinse. Akala
I lab you Kinse. Akala ko ikaw nagmana ng Korona ko dati e.
Ganyan ang totoong nagmamahal sa sarili. Mas importante ka higit sa ano pa man. Go. Ituloy mo lang yan. Move on pero dapat hindi ka galit sa kanya. Wala kang dapat ikagalit sa kabila ng mga ginawa niya. Dahil pinili mo naman mahalin siya.
Isa kang tunay na Babae..! Mabuhay.
Enjoy your new life Darling ;) we're here for you
SSShh.. Secret lang natin toh
cass..
maraming maraming salamat..
alam mo hindi naman ako galit sa kanya.. sa ginawa nya lang.. text sya ng text ayoko na magreply..hahaba lang lalo usapan.. hindi naman sa pagmamaganda pero gusto ko lang iparamdam sa kanya na wala na syang makikitang katulad ko.. endagered na kasi ang mga ganitong species... alam mo na.. yung mga isa't kalahating tanga at martir martiran..nagpost ako sa Fb ko na single na status ko.. ang dami nawindang.. akala kasi nila.. pain proof nako.. immune na sa sakit.. kaso.. tulad nga ng sinasabi ko.. tanga ma'y napapagod rin....
" Love is like heaven, but it hurts like hell."
SSShh.. Secret lang natin
SSShh.. Secret lang natin toh
Basta Go! Go! Deserve mo ang matino at Loyal na lalaki. Sana lang hindi ka mapagod antayin siya
aw.. wag ka mag-alala
aw..
wag ka mag-alala may mas deserving pa sa pagmamahal mo.. busy pa lang yun...
sa ibang babae :)))
kidding aside, pwede mo pa din akong kakwentuhan.
kahit anong topic ;p
---------------------------
http://tuyongtintangbolpen.com/
panjo..
siguro naman nabasa mo na sa FB lahat ng sama ng loob ko noh?
kahit pa sabihin kong sobrang pamatay yung sait na nararamdaman ko mahirap parin itanggi na mahal ko pa rin yung gagong yun..
" Love is like heaven, but it hurts like hell."









na-trigger mo system ko
-no one has ever failed on anything. they just actually find ways that don't work.-
hindi naman tamang "nature" ang itawag dyan sa pesting bisyu ng mga lalaki eh. kung prinsipyado ka, kahit ganu pa kalapit yung temptation, lalapitan mo siguro pero d mo papatulan. kasi alam mong mali eh. pero sa post mo, obvious na d mo kayang ewan si Jowa mo. Here's a line from a song that I used to take as my inspiration. "Trust is all takes. People make mistakes. Cause we are only human, let's face it." I don't know if this message would makes sense for you. but I hope you'll be okay.