Hello Lucy!
Hello Lucy!
Mayroon akong nakilalang
Isang dalaga
At ako’y
Nabighani sa kanya
Sa simula pa ma’y
Alam ko na
Ako’y napaibig
Sa kanya
Hindi naman siya
Sobrang kagandahan
Ngunit ang tinig niya’y
Kay sarap pakinggan
At ang kanyang
Mga labi’y
Tila
Kay sarap halikan
Anak ni Lucifer
Ako’y napaibig mo
Di ko alintana na
Ika’y isang demonyo
Parang langit ang pakiramdam
Sa piling mo
Wala akong pakialam
Umaraw man o bumagyo
Ikaw ang tanging kailangan
Handa kang paglingkuran
Kahit na sa impyerno
Ikaw ay aking susundan
Anak ni Lucifer
Ang buhay ko’y iaalay sa ‘yo
Handa kong ibigay
Maging ang kaluluwa ko
Anak ni Lucifer
Sana ay ibigin mo
Ikaw ang tanging dasal
Ikaw ang pangarap ko.
14 October 2005
ika-labintatlong tula sa aking unang koleksiyon ng mga tula, Sinturong Pangkaligtasan.
naisulat ko ito habang lulan ng isang bus. may babaeng maganda na pasahero rin ng bus. like always, dinedma ako. so naisip ko na paano kung demonyo pala siya?
Mga tula mula sa Sinturong Pangkaligtasan:
Bum · Isay · Pula · Sinturong Pangkaligtasan · Mani · OK Comprende · Indyanism · Pinakbetter Than Wala · Idlip · Hyperbola · Wala · Bata, Bata (Ganito Ka Ginawa) · Hello Lucy! · Luha · Gambatte Kudasai
basta ganun... :D
1. basta given fact na tula na anak ni lucifer si lucy, at yun yung premise ng tula. regarding sa kademonyuhan ni lucy, siguro nalito ka kasi nakagisnan na natin na ang demonyo e parating may sungay at buntot with matching trident, etc. diba paniniwala rin natin na yung demonyo e pwedeng mag-shapeshift o mag-ibang anyo. so dito sa tula, kahit na demonyo si lucy e kabigha-bighani ang itsura niya. :D
langit ang pakiramdam niya kasi nga mahal niya si lucy kahit na demonyo siya. diba pag inlab parang ganun, hinahamak ang lahat, walang pakialam. so, ganun, heaven ang feeling niya, yey!
2. mahal niya si lucy, kahit na demonyo siya. ang tulang ito e uber-extreme case na ng love is blind chorva, kasi since alam niya na demonyo siya e mahal pa rin niya ito. kahit na alam niya na posibleng mapapahamak siya sa bandang huli talagang dead na dead pa rin siya kay lucy. Ü
thank you for you insights! talagang iba ang dating ng mga comment mo. mabangis! hehe. sana bigyan mo rin ng insights ang iba ko pang gawa. salamat po sa pagbasa! :D
I'd love to turn you on...
!
Salamat sa pagsagot.
Nyak! Yung sungay at buntot na sinasabi ko ay hulagway (metaphor) lamang ng kasamaan. Ang ibig kong sabihin ay kung anak siya ni Lucifer, sana nagpakita siya ng magaspang na pag-uugali at kademonyohan. At kung sakaling mangyari iyon ay...
Kahit na langit pa ang pakiramdam niya sa piling ni Lucy ay babagsak siya sa Purgatoryo... Purgatoryo pa lang kasi nabubulag pa siya ng pagmamahal niya kay Lucy.
Minsan ay daraanan ko ang mga sinulat mo at sana ay makapagbigay ako ng makabuluhang komento.
Hanggang sa muli!
let's twist!
yun ang twist sa tula! kaya nga extreme case ng love is blind chorva e kasi alam natin na demonyo si lucy at alam iyon mismo ni loverboy. we are forced to comprehend the love na nararamdaman niya despite the fact na demonyo si lucy. meron tayong existing notions kung ano ang isang demonyo, that's what makes the love story twisted. sa tula e yung side lang ni loverboy ang natunghayan natin, so bahala na ang reader kung ano ang sa tingin niya'y kalalabasan ng love story nila ni lucy.
:D
I'd love to turn you on...
I'd love to turn you on...
malakas pala ang dating ng anak ni lucifer
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
sabagay ang pagibig minsan sumisibol ng hindi inaasahan... kahit sino basta mahal.... naniniwala ako na minsan ang pagiging demonyo ay hindi nakikita sa panlabas na anyo....
jonsdmur
naniniwala ako sa sinabi mo
naniniwala ako sa sinabi mo na ang pag-ibig ay minsan sumisibol nang hindi inaasahan. yun din ang isa sa mga mensahe ng tula kong ito.
salamat sa pagbasa! :D
I'd love to turn you on...





!
Hi! Ilang katanungan lang po:
1. Paano nalaman ng tauhan sa iyong tula na yun palang magandang dilag ay anak ni Lucifer? Hindi kasi naglahad ang iyong tula ng kagaspangan ng kanyang ugali o kanyang 'kademonyohan'. Sabi mo pa:
Parang langit ang pakiramdam
Sa piling mo
Wala akong pakialam
Umaraw man o bumagyo
Baka naman hindi demonyita yung babae. Diba sinasabi nilang langit ang pakiramdam kung okay ang lahat. Kasi kung anak siya ni Lucifer, dapat nagpapakita siya ng kanyang sungay at buntot. Kapag nagkataon sa purgatoryo ang bagsak ng tauhan sa tula mo.
2. Umiibig na ba talaga yung tauhan kay Luci? Naniniwala kasi ako sa kasabihang "It is the beauty that captures your atenttion; personality which captures your heart" (ay! ang baduy yata) o baka naman totoo yung kasabihang "love is blind" (mas baduy!) dahil mahal siya ng tauhan kahit na demonyita pa siya.
Hanggang sa muli!